Chapter 1

Love Takes Time

Ang hirap naman magisip ng susuotin, ano bay yan!!! Nakasimangot na naghimhiutok si Kim habang hinahalungkat ang kanyang cabinet sa paghahanap ng magandang damit.

Maja: Oi Kimmy, yang mukha mo ha! Kanina ka pa diyan, hindi ka pa din nakakapili? Daig mo pa maglilipat ng bahay ah, hinakot mo na palabas lahat ng damit mo diyan sa loob ng cabinet wala ka pa din magustohan, ang dami dami mo kayang damit.

Kim: eh kasi naman parang walang maganda tsaka nasuot ko na to lahat, naku mahfriend dapat talaga bumili tayo ng bagong damit.

Nakaharap ito sa salamin habang hawak ang dalawang klaseng damit sa magkabilang kamay.

Maja: Anong damit damit ka diyan, gusto mong ibato ko sayo tong suklay! Kila Gerald lang tayo pupunta para sa houseblessing ng bahay, bagong damit ka diyan, special guess ka ba don at kailanman mo ng bagong damit?

Naiinis si Kim sa kanyang sarili, hindi niya malaman kung bakit ganon ang kanyang kinikilos. Parang gusto niyang magpabida eh kila Gerald lang naman siya pupunta, siguro dahil matagal na silang hindi nagkikita gusto niyang magpa impress yun lang.

Noong College sobrang crush ni Kim si Gerald, barkada sila ngunit nung lumipat siya ng eskwelahan dahil sa financial problem ng kanyang pamilya, nawalan na sila ng communication, pero sa barkada, si Gerald lang ang hindi niya nakakamusta, ang iba niyang barkada ay nakakatxt niya pa din madalas hanggang silay makagraduate, pero pagdating kay Gerald nawalan siya ng balita. Kahit barkada, iba ang trato nilang dalawa sa isa’t isa. Hindi sila ang class loveteam ngunit lingid sa kaalaman ng buong klase, sa barkadahan nila, sila talaga ang loveteam….

Seatmate sila forever noong hindi pa siya lumilipat, laging magkagrupo sa mga activities, at kapag homework sila ang nagtutulungan. Noon pa man, napapansin na ng barkada nila ang kakaibang closeness nila, pero hindi ito pansin ng dalawa. Alam ng barkdang babae ni Kim ang feelings nito kay Gerald, pero nakiusap ito na wag ibbring up sa ibang barkada nilang lalaki lalong lalo na kay Gerald, dahil ayaw niyang magkaroon ng ilangan. Pero sa treatment palang ni Kim kay Gerald mejo halata na ito ng iba nilang barkadang lalaki, ngunit tahimik lang sila.

Si Gerald ay happy go lucky, dahil gwapo, kung sino sino ang dinidate, pero walang nililigawan. Kahit ganito ito, marespeto pa din ito sa mga babae at ayaw manloko, ang dahilan niya? ay baka daw pag nanloko siya ng babae ay baka maloko din ng mga lalaki ang kanyang ate. Kaya naman sa eskwelahan nila madaming mga babae ang naiinggit sa barkadahan nila ni Kim, dahil maalaga si Gerald sa mga barkada niyang babae, sa sobrang bait at gentleman, nahulog si Kim. Si Kim ang madalas makasabay ni Gerald sa paguwi dahi pareho sila ng way, at sa barkada niyang babae si Kim lagi ang nahihingan niya ng tulong sa homework at exams, dahil isang text lang nanjan ito agad.

Pag hindi tungkol sa usapin sa school, hindi nagkakatxt si Gerald at Kim, tungkol lang sa school ang way nila ng pagttxt, kaya naman pag hindi nagttxt si Gerald, nagiimbento ng tanong tungkol sa school si Kim para sila magkaroon ng paguusapan.

Hanggang ngayon pilit man sabihin ni Kim sa kanyang sarili na naka move on na siya kay Gerald, pero sa totoo lang hindi pa din.

Kim: wala lang, siyempre naman, gusto ko din maging maayos, tsaka ang tagal ko ng hindi nakikita yung iba nating classmates noon, baka dumating sila.

Maja: OO nga pero mahfriend naman, hindi naman debut o kasal pupuntahan natin, hindi mo kailangan mag gown, hindi mo kailangan magpa bonnga no, tsaka you’re so pretty kaya just like me.

Kim: sus nambola ka pa, tulungan mo kasi ako dito

Maja: Hoy ang sabihin mo gusto mo lang maimpress sayo si Ge, hay naku if I know di ka pa nakakamove on. Pero infairness mahfriend yummy pa din talaga yun, gwapo gwapo, pero nakakapag taka lang wala pa siyang girlfriend

Kim: talaga? Bakit naman? Wala kasi akong balita sa kanya, hindi naman nagfafacebook o nagamit ng twitter yun, taga mundo pa ba yun?

Maja: Ikaw kasi, arte arte, sa barkada natin siya lang pala hindi mo kinakamusta, kaya tuloy para kayong hindi magkakakilala, eh satin namang mga girls sayo lang close yun.

Kim: ayoko nga, siya nga yung hindi nagttxt eh, kahit magsend ako ng GM hindi nasagot, baka kung ano pang isipin nun pag tinxt ko siya.

Maja: eh bakit pag sa iba nating tropang lalaki nakakatxt ka? Binibigyan mo kasi ng malisya yung pagttxt mo kay Ge, kasi gusto mo siya kaya masyado kang nagaalala sa mga mangyayari pag tnxt mo siya, worried ka sa iisipin niya tungkol sayo, tsaka magiging affected ka masyado pag hindi siya nakapagreply. Itxt mo kay siya na parang ibang barkada nating lalaki gaya nila Fred, sila Fred nasasabihan mo ng I miss you, ng love you sa txt kasi para sayo walang malisya, pero pag kay Ge di mo magawa kasi nga may malisyaaaaaaaaaaa.

Kim: OO na sige na, bestfriend nga kita, grabe ka! Mind reader ka ba?!

Maja: Oh sige bilisan muna, yang hawak mong color white mas maganda yan nalang suot mo, at bilisan mong magbihis ha! Kung hindi hihilahin ko na yang buhok mo palabas.

Nagkakagulo na sa bahay ni Gerald dahil malapit ng magdatingan ang mga bisita. After 2 years naipatayo na din ni Gerald ang gusto niyang bahay. After graduations siya na ang inassign ng kanyang Ama na mamahala ng kanilang kumpanya, gayun pa man ang ginamit niyang pera pampatayo ng kanyang bahay ay galing sa sarili niyang pagod.

Nasa loob siya ng kanyang kwarto habang nanonood ng T.V ng biglang pumasok si Fred

Fred: Hey man!

Gerald: Grabe ka kung may ginagawa pala akong milagro dito, huli mo agad, di ka marunong kumatok!

Fred: it only means na wag kang gagawa ng milagro kapag unlocked ang door mo hahaha

Gerald: Loko! Oh kamusta sa baba? Ayos naba?

Fred: bakit ba kasi hindi ka bumababa, ikaw may-ari ng bahay, dapat ikaw ang nagaasikaso ng gagawin dun

Gerald: kaya nga ako nag hire ng caterer tsaka si ate na bahala dun, total siya naman may gustong magpaparty dito.

Fred: sige, pero di ka pa ba magaayos? Don’t tell me ganyan ang itsura mo sa pagharap sa bisita mo

Gerald: Gago! Syempre hindi, maaga pa naman eh, bakit may mga early birds ba?

Fred: wala pa naman, yung barkada lang, including the come back of none other than KIM! Grabe pare ganda ni Kimmy ngayon ah, kala ko after niyang lumipat noon hanggang txt lang ang balita ko sa kanya, tagal niya kasing di nagpakita, kasama siya ni maja.

Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Gerald ng marinig niya ang pangalan ni Kim. Ang tagal na niyang walang balita kay Kim, simula ng lumipat ito ng school parang nawala na din ang friendship nila, minsan nagtatampo siya dahil hindi man lang ito nangagamusta, lalo na ng malaman niyang sa barkada, siya lang pala ang hindi kinakamusta nito. Hindi niya alam kung bakit, minsan nga sinisi niya si Rayver at si Fred na baka nadulas itong dalawa at nasabi kay Kim na may gusto siya dito. Lihim lang din ni Gerald ang pagkagusto niya kay Kim, dahil hindi niya alam na tulad ni Kim ayaw din niyang magkailangan sila, pero ngayon ang importante bumalik na si Kim, pipilitin niyang ituloy ang naputol nilang friendship.

Fred: Huy natulala ka diyan! Bilisan mo na, magbihis ka na nga! Gusto mo paakyatin ko nalang sila dito? Barkada naman natin yung mga yun, dapat feel at home, gagawin kasi naming tambayan tong bahay mo eh hahahaha

Gerald: ha eh… wag na, sige mauna ka na, susunod na ako. Ikaw na muna bahala, bihis lang ako.

Nagmamadaling nagbihis si Gerald at humarap sa salamin

Gerald: gwapo mo talaga Gerald! Ikaw ang the best!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 12: sana mag update ka na dito..ang interesting kase ng story..
jcbel6523 #2
any update on this? This is really a great story. I hope you'll continue updating this. Thanks!
TheArvie99 #3
thanks ... please update
jinkx0820 #4
hello, nameless...i hope u can update soon..:-)
b1_nipahut #5
@nameless- super cute ur story,hope u cud update more.hahhaha but studies shud come first..next is being a kimerald addict or it cud be the other way around, hahahha joke only!!

@aram and darna!!pasaway... andito din kau?hahaha

halu tita tess!!
nameless #6
hello kimge4ever, dakilang lurker po ako sa pex at cbox hahaha :))))
kimge4ver #7
Nameless...........

Nasaan ang updates mo sa chapter 10......

waiting patiently......... school first before your FF....

taga CBOX & PEX ka rin ba.........
lykz_nicole04 #8
Hello po! Grbe kakilig :> Update napo. grbe excited nko :)) God bless!
aram_KG #9
BB! Nipa Hut! :D Gotcha! Haha :D

Please update soon, please. Or pwede Now na? Haha. Joke lang :D

Super Kilig, keep it Up *2thumbsup*
angela12kg #10
plss update soon super kilig ng story !!!