Hello Japan, and my first day is a disaster!

Aieru my Girl ~ (Tagalog- English Fanfic)

Nag-landing na yung airplane na sinasakyan ko sa NARITA AIRPORT. Atlast, Im here in Japan na... Pero imbis na matuwa, parang gusto ko na lang sumakay ulit ng airplane pabalik sa Pilipinas pero hindi pwede... Siguradong magagalit sila nanay and tatay saken. Sa tingin ko wala na kong choice kundi harapin kung ano mag buhay magkakaron ako dito..

*SIGH*

 

Naglakad ako palabas ng makita ko yung tita ko kasama yung mga pinsan ko ata? Oo, alam nila na dadating ako... at alam din nila kung ano nangyari...  Kwento ko nga pala kung ano ung PRIMARY REASON bakit nandito ko ngayon, samantalang naiwan ang pamilya ko sa Pinas.. Ganito kasi yon..

 

*INSERT BACKGROUND SONG HERE*

 

~FLASHBACK

 

"ANO???" Sigaw ko habang nakanganga kila nanay, iba-ibang emosyon ang naramdaman ko sa sinabe nila..

 

"BAON TAYO SA UTANG ANAK, AT HINAHUNTING KAMI NGAYON NG MGA INUTANGAN NAMEN!!!" mangiyak-ngiyak si nanay habang si tatay din umiiyak na sa takot at lungkot. Sa totoo lang nakakatawa yung itsura nila.

"PAANO NANGYARE YON? MAGNO BA UNG UTANG NYO? PWEDE NAMAN NATIN SIGURO BAYARAN?" Sabi ko, habang kinakalma ko yung sarili ko, matapos kong umiyak ng malaman kong di ko sila kasama sa Japan, tapos nalaman ko na dun na ko titira, dahil iniiwas nila ko sa mga huma-hunting sa kanila.

"TATLONG MILYON..." napanganga ko sa sinabi ni tatay. WHAT THE HECK?! GANUN KALAKI ANG UTANG NAMEN!!!!!!!!!

 

"Naloko kasi kame ng illegal recruiter anak, sabe nya mapag-aabroad nya kame ng tatay mo at makakapagtrabaho dun, ayun... Nalaman na lang namen na manloloko pala ung hayop na un, tinangay pa ung pera..." Iyak ni nanay hanang finace-palmed ko ung sarili ko... My god! Naloko sila?

"Nay naman kasi, bakit kayo nagpapaniwala sa mga di nyo naman kakilala... ayan tuloy." Sabe ko sabay upo sa sahig. Nanghihina ung tuhod ko sa mga nadinig ko... Di ko ma-absorb ang mga pangyayari.

 

"Kaya Akira! Pumunta ka ng Japan... Magtago ka muna dun... Ayaw namen mapahamak ka! Baka kung ano gawin nila sayo, babae ka pa naman... Magtatago muna kami sa probinsya.. Okay?" Sabe ni nanay, tinignan ko lang sya tapos naiyak na naman ako... Niyakap ko sila.

AYAW KO UMALIS, PERO PWEDE KO SILANG MATULUNGAN KUNG MAGTATRABAHO AKO SA JAPAN DI BA? YUN YONG PUMASOK SA ISIP KO AGAD-AGAD.... Mababayaran ko yung utang nila at magkakasama-sama kame ulit...

"Nay, pangako ko babalik ako... Babayadan ko yung utang natin... Okay?" Niyakap ko sila nanay at tatay, pati si Ren na super hagulgol sa iyak...

 

"Ren, iingatan mo si nanay at tatay ha? Wag kang pasaway at wag ka muna mag-aasawa!" Sabe ko tapos ginulo ko yung buhok nya.. Pinipilit ko mag pagpatawa dahil ayokong makita nila kong umiiyak... Lalo lang sila mag-aalala...

"Ate, twelve years old pa lang ako NOH!" Sigaw ni Ren tapos nagtawanan kaming lahat... Niyakap ko sila tapos nagbbye na ko at sumakay sa eroplano... Iyak ako ng iyak nung pagsakay ko, actually kanina pa... Nung huling paalam ko sakanila...

 

Hayyy... Mamimiss ko sila ng bonggang bongga..

 

~ BACK TO PRESENT

 

"Kira! Welcome..." Sigaw ni Tita Lou tapos niyakap nya ko... "Alam ko na ang nangyare, sinabe na saken ng tatay mo... Huwag kang mag-alala... Maayos din ang lahat.." Sabe nya tapos niyakap ko din sya...

Meet my Tita Lou, kambal sya ng tatay ko... super close nila and nandito ang pamilya nya sa Japan, nakapag-asawa sya ng Hapon (malamang nasa Japan nga sya db?) tapos nagkaanak ng dalawa... Si Kasumi and Mami-chan... Kaya lang hiwalay na sila nung asawa nya, kaya sya na ang bumubuhay sakanilang tatlo, tapos andito ko... dumagdag pa... Dapat makatulong din ako sa kanila at hindi maging pabigat...

"Domo..." Sabe ko tapos ngumiti yung mga pinsan ko..  "Domo Kira-chan!" Sabe ni Kasumi tapos niyakap nya ko... Close kame ng mga pinsan ko kasi nagbakasyon na sila sa Pinas dati..

"Kamusta ang byahe?" Sabe ni Mami-chan... Kaedad ko sya tapos si Kasumi-chan naman kaedad ni Ren, yung nakababata kong kapatid.

Marunong ako mag-Japanese pero hindi ganun kafluent, natuto lang kasi ako sa kakanuod ng JDorama and nag-aral na din ng konti... Adik ako sa Japanese Culture eh...

"Yoroshiku, ne?" Sabe nilang dalawa.. "Yoroshiku!" sabe ko tapos umalis na kame ng airport...

 

Super warm ng pagwelcome saken nila tita...  Kumain kame sa sosyal na Ramen House bago umuwi... Ang sarap ng noodles dito, expected ko nato eh! Pag nagpapadala kasi si tita ng noodles samen way back then, talagang nag-aagawan pa kame ni Ren sa cup noodles..naalala ko tuloy si Ren. Nakalimutan ko pala sabihin na taga-TOKYO sila tita, ung capital ng Japan... Grabe, sobrang ganda dito! As in!!

 

"Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka, Kira-chan?" Sabe ni Mami-chan. Kakatapos ko lang mag-unpacked ng gamit, tinulungan nya ko... Ambait nila saken, nakakaiyak!

"Super thank you sa lahat Mami-chan...-"

"Ano ka ba! Para kang sira! Magpinsan tayo noh, kaya wag ka mahihiya... Pati kay Kasumi, super saya nga namen andito ka..." Sagot ni Mami-chan... Ang swerte ko nagkaron ako ng kamag-anak na katulad nila.

 

"Ja, Oyasumi Kira-chan..."

"Oyasumi Mami-chan, Kasumi-chan..." sabe ko tapos umalis na sila ng kwarto... Tapos pumasok si tita... Nakangiti sya saken tapos inabutan nya ko ng baso ng gatas.

"Slamat sa lahat tita..." Sabe ko, tapos naramdaman kong tumutulo na yung luha ko... Namiss ko agad yung pamilya ko sa Pinas.

Hinagod ni tita yung likod ko tapos niyakap nya ko.."Huwag ka mag-alala... Tutulungan kong mabayadan yung utang nyo sa abot ng makakaya ko..." Nakakahiya naman kay tita kung gagawin nya yun..

"Hindi po tita.. Magtatrabaho po ako, napakalaking utang na loob na po tong pagkupkop nyo saken..."

"Ano bang sinasabe mo dyan? Sino pa bang magtutulungan e di tayong magkakamag-anak din..." Sagot nya tapos tumayo na sya...

"Matulog ka na.. at bukas iiikot ka namen sa Tokyo, tinawagan ko na din ang nanay at tatay mo, sabe ko andito ka na... Bukas tatawag na lang tayo ulit para makausap mo sila, okay? Oyasumi." Sabe nya tapos nag-goodnight na din ako...

 

THE NEXT DAY..

"WOW!"Sabe ko habang naglalakad kame. Kasalukuyan nila kong tinotour sa Tokyo ngayon, grabe... ang tataas ng building and lahat ng nakakasalubong ko parang artista dahil sa kakaibang fashion sense nila. Super stylistic.

Tumawa yung mga pinsan ko.." Alam mo ang cute mo tignan Kira-chan..." Sabe ni Kasumi... Ngumiti ako, mas cute kaya sya... Sila ni Mami-chan... ang ganda ganda nila. "Nakaka-amaze dito, sa TV ko lang to napapanood eh, tsaka sa mga anime pati sa manga nababasa ko..." Sabe ko tapos tumawa sila ulit.

 

"Gusto mo pumunta ng Harajuku?" Tanong ni Tita... "LET'S GO SHOPPING!"  Narinig kong sumigaw sa tuwa si Mami-chan and Kasumi-chan, ginaya ko na lang sila... Mukang masaya dun sa Hara- Harajuku ba un?

 

Dumating na kame ng Harajuku tapos nanlaki yung mata ko.. Ang dameng Shopping Center! OMYGASHHH!

"Mamili kayo ng gusto nyo, ako bahala!" Sabi ni tita tapos nag umpisa na magtakbuhan mga pinsan ko, sinundan ko sila... Namili kame ng mga damit, tinulungan nila ko. Nakita kasi nila ung mga damit na dala ko, parang EWAN lang. HAHAHA.

Nalibang ako sa pagtingin tingin hanggang sa napansin ko na... NAWAWALA NA AKO. Umikot ako sa mga pinuntahan na namen kanina, di ko sila makita LAGOT!!!!!!!!! Wala pa naman akong cellphone, di pa ko nakakabili. Tapos di pa ko pamilyar dito. UWAHH! NAY! TAY!

Tumakbo ko ng tumakbo, wala talaga, di ko sila makita...  Naiiyak na talaga ko, pano to? Baka di na ko makauwi? PAANO NA?????

Hindi pwede to, kelangan ko sila makita! Magbabayad pa ko ng utang namen at hindi ako pwede mawala dito!!!!

 

"Aray!" Sabe ko.. May nakabungguan kasi ko. Hala! Dumudugo ung palad ko, anglakas kasi ng pagkabanggaan namen napaupo ako sa semento.


Tumingin ako sa harap ko tapos nakita ko ung nakabanggaan kong lalaki...." Pwede ba tumingin ka sa dinadaanan mo?" Sabe nya tapos pinagpag nya yung damit nya. "Tara na..." Sabe nya dun sa kasama nya.. Teka, ang yabang nito ah.

 

"Hoy, kung tumitingin ka din sa dinadaanan mo hindi tayo magkakabanggaan, at hindi lang ikaw ang nasaktan no!" Sabe ko tapos pinakita ko yung palad kong dumudugo. Siraulo pala to eh... Tumingin sya saken, di ko gano makita itsura nya kasi balot na balot sya. Naka-cap sya tapos nakahoodie pa, abnormal ata to e!

"Wow, Ryo-chan, ang tapang nya..." Nadinig ko yung kasama nyang nagsalita...

"Di nya ata tayo kilala, ne?" Sabe nung isa pa nyang kasama tapos sumimangot yung lalaking nakabungguan ko tapos tumingin saken..

"Hindi ka siguro taga-dito noh? Ibang klase kasi yung pagsasalita mo..."Sabe nya, napataas yung kilay ko, ano to? LAITAN? Nilalait nya naman yung way of speaking ko?

 

"Eh ano naman kung hindi ako tagadito? Bakit? Sayo ba tong Japan? Sino ka ba?" Sabe ko, natawa yung dalawa nyang kasama.

"Wow... Mukang wala ka talagang alam kung sino kaharap mo." Sabe nung mayabang! Naku sasapakin ko na talaga to konti na lang! SOMEBODY STOP MEEEEEE~

 

"Bakit sino ka ba? Artista ka ba? Imposible yun kasi unang-una, ang liit mo...  12 years old ka lang ba?" Tumawa ng malakas yung kasama nya tapos namula sya sa galit. HAHAHA! BINGO!

"Anong sabe mo?" Nagalit na talaga sya tapos lumapit saken.. Hindi ko pinakita na natakot ako, bakit ba? Tao lang din naman sya ah! Atsaka nilait nya ko eh.

"Tama na yan Ryo-chan... Baka hinahanap na tayo nila Yabu-chan." Sabe nung maliit na kasama nya. Wow ah, parang samahan sila ng mga chibi. HAHAHA.

"Mabuti pa nga umalis na tayo Chii.. Nonsense makipag-usap sa mga taong di naman dapat kausapin..." Sabe nung chibing mayabang!

 

"Mabuti pa nga umalis ka na." Sabe ko tapos nagcrossed ako ng arms. Natawa ulit yung isa nyang kasama na matangkad...

"Bye-bye ate!" Sabe nung dalawa nyang kasama. Tinaas ko yung kilay ko tapos nakanganga ko... ATE? Inaate pa nila ko ngayon eh nakaaway ko nga yung mayabang na kasama nila... Umalis na sila, tapos biglang...

 

"KIRA-CHAN!!!!!!!!!!!" Lumingon ako tapos nakita ko si tita at mga pinsan ko. Tumakbo ko papunta sakanila.

"San ka ba pumunta!" Sabe ni Mami-chan... Maiyak-iyak na sya...

"Sorry! Nahiwalay ako... Sorry talaga!" Sabe ko tapos nagbow ako ng nagbow...

"Anu nagyare sa palad mo?" Tanong ni Kasumi-chan tapos nakita kong nagdudugo pa din yung kamay ko..

"Wala lang to Kasumi-chan!" Tumawa ko kunwari. Ayoko na maalala yung nakakabadtrip na nangyare saken kanina...

"Tara, kaen na tayo.. nagutom kame kakahanap sayo.." Sabi ni Tita tapos sumunod ako sakanila...

 

Ang saya ng first day ko sa TOKYO. WELL, Except dun sa mayabang na lalaking nakaaway ko. SANA HINDI NA KAME MAGKITA FOREVER!

 

~~~~~~~~~~~~~~

HAHAHA! MUKANG TANGA LAN YUNG AWAYAN NILA.

PLS COMMENT AND SUBSCRIBE!

P.S. NEXT CHAPTER! ABANGAN NYO MAGANDA YUN!!!!! PROMISE   

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yuriko_suzuki
#1
wait ko ung nxt chapter !!!
saka para sa gumawa nito ,, friend tau ahhhhh!!!! JUMPERS kasii ako and HYPHEN !!!! Support ko tong story mo ..
Taiga0928 #2
I really love this story because it's so exciting and thrilling! And some of the parts were really funny!
Will be looking forward 2 ur updates! :D
nicole55 #3
wahhh.... excited na ko sa mangyayari >_<
heysayluv #4
k... understood some of it... (using a ish translator) so... the girl is going to japan because of family reasons and she is upset. And she was crying when leaving her mother. She likes japan, but not that fact that her family is not coming and she is crying. Is that correct????
heysayluv #5
heyyy~~~~ I'm from Chiba too!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Hehe
taipime04 #6
@heysayluv- from kakkaoi-chan? Uwah! I must thank her then,

OMG, your from Japan? 0__0
I envy you! I wanna live there for good T_T demo I have my cousins there, as well as my auntie... they're from Chiba, if I'm not mistaken... How about you?
I'll try inserting your request in my story, too bad u cannot understand the text (coz its Filipino) but I'll mixed some english words so you'll have an idea on whats going on with the story. thank so much for subscribing and commenting ne?


@Ryoki-4-

kay kakkoi-chan? HAHAHAHA. salamat ah? hope we ca be friends and all! Uhm, baka gumawa na lang ako ng OC as YOU para mas madali, nagccreate kasi minsan ng confusion pag <you> ung ginagamit ko kasi name nung readers ung lumalabas. Please do look forward to it! Arigatio gozaimasu!
RyoKi-4
#7
Nakuha ko toh sa friend mo teh! teka anu ba name namin dito? (you?) XD and I'll look up to it ah! update soooon
heysayluv #8
I got to this story from your friend- I luv Johnny's- so I'll read it!!!!!!! Haha although I'm Japanese and can't understand the things you wrote up there XD If you take requests, I don't care if it's the tiniest bit- but can you include Kyomoto Taiga in there somehow????? He's Kyomoto Masaki's son and is a Johnny's jr. i don't care if his name is only mentioned once in a meaningless conversation or whatever- but I really don't see his name anywhere on english fan fics DX (I do see it alot on japanese fan fictions though...) You don't have to listen to my request- I mean, it's YOUR fan fic, and I'll read it no matter what- but just wanted to try asking you!