Plane ticket to... JAPAN?!

Aieru my Girl ~ (Tagalog- English Fanfic)

Yan, tapos na ko mag empake! Ready to go na! Yipeeee!

Ang saya ko ngayon, as in super duper mega! Sino ba namang hindi matutuwa kung ganitong balita bubungad sayo pagkagising mo sa umaga?

Nagtataka siguro kayo kung anung pinagsasasabe ko, well, hayaan nyong ikwento ko kung ano nangyari two weeks ago.

 

2 WEEKS AGO~~

 

"Wah! Talaga????" Sigaw ko habang nakatingin ako kay nanay at tatay. Tapos tumatawa si Ren, yung nakakabata kong kapatid kasi naubo-ubo nako sa sobrang gulat ko sa narinig ko. Kumakain kami ngayon ng lunch sa bahay ng may sabihin sila saken na balita. Super shocking news talaga!

 

"Oo, nakausap na namen si Tita Lou mo, magbabakasyon tayong pamilya sa Japan." Kinonfirm ni tatay sabay ngiti saken.

"Regalo namen sayo to kasi di ba, graduate ka na ng college. We're very proud of you kasi nak." Sagot ni nanay with matching teary eyes pa. Ang drama lang talaga ni nanay minsan.

 

"Wala ng bawian yang mga sinabe nyo ha! Teka, san kayo kumuha ng pang-plane ticket, tsaka panu ung allowance natin dun? Atsaka!" Sabe ko pero naputol nung nagsalita din si nanay.

"Kira, Kame ng bahala dun, okay? Basta magbabakasyon tayo dun at susulitin natin!" Sagot ni tatay.

 

Aaminin ko sobrang saya ko kasi gusto ko talaga magbakasyon sa ibang bansa, pangarap ko yon eh, tapos sa Japan pa.. Eh isa un sa mga dream destination ko kasi gusto ko talaga ung mga Jdramas and culture nila. Kaya lang, pag naiisip ko kung san nanggaling yung perang gagastusin dun, medyo nagdadalawang isip akko kung dapat ba ko maging masaya.

Sa totoo lang kasi hindi kame mayaman to afford the expenses, sadyang mabait at responsable lang ang mga magulang ko kaya nakapagtapos ako ng pag aaral at nakakaraos kami sa araw-araw. Mahal na mahal ko ang pamilya ko, the best kasi talaga ang family ko para sakin. Kaya nga hindi ako nag boyfriend and talagang nagfocus lang ako sa pag aaral kasi gusto ko mabigyan sila ng luxurious life, especially my parents. Ayan na nagdadrama na din ako! Kasie eh!

 

~ E N D OF F L A S H B A C K

 

Ang aga ko gumising, ngayong araw na kasi flight namen. Sa totoo lang hindi naman ako nakatulog sa ka-excitedan eh! Whahaha.

 

"Nak, Ready ka na?" Narinig ko si nanay na nagsalita habang finafinalize ko ung mga gamit na dadalhin ko.

"Opo Nay.." Sagot ko tapos niyakap ko sya. "Slamat nay ha? Sobrang saya ko sa treat nyo sakin." Naramdaman kong niyakap din ako ni nanay. DRAMA MODE ON na naman ang PEG namen!

"Nak, tatandaan mong mahal na mahal ka namin at gusto namen lagi ang the best for you ha?" Tumingala ako kay nanay, nakita ko umiiyak sya! Hala! Grabe naman! Sobrang nadala nanay ko sa eksena!

 

"Bakit ka umiiyak nay? Ikaw na best actress!" Sabe ko sakanya. Pinalo nya ko sa braso tapos tumawa kame. Ganito talaga kame sa pamilya, super close. Iba kame eh!

 

Isang oras ang lupimas, naayos na namen lahat... Tapos tumawag na ng taxi si tatay... Sumakay na kami ng taxi tapos nagpahatid sa airport..

 

"Nay, bakit parang ang konti ng dala nyo?" Sabe ko habang tinitignan yung mga dala nila, nakahiwalay kasi yung maleta ko. Alam mo na, gusto ko kasi organize gamit ko.

"Ah, eh... Madameng laman yan!" Sagot ni nanay na parang natetense. Excited din ba sya na makarating sa Japan? Para kasing kanina pa sya di mapakali. Tapos nakita ko si Ren, umiiyak. Hala, anu na namang drama to?

"Oi Ren, bakit ka umiiyak dyan? Super saya mo ba na makikita mo na si Doraemon?" Tanong ko tapos inakbayan si Ren, umiyak sya lalo. Hala.

"Oi ano bang problema mo? Nay, Tay oh! Si Ren." Sabe ko tapos nakita ko din si nanay at tatay na umiiyak na. Hala ka! Ano ba nangyayari dito? May camera ba? May nagtitrip ba saken? Reality Show ba to?

 

"Anak... Mag-iingat ka sa Japan, wag mo kakalimutang tumawag at mag email ha?" Nanlaki yung mata ko nung sinabe ni tatay yon. Anu bang nangyayare sa mga to?

"Ha? Anong ibig nyong sabihin eh lahat tayo aalis, ayan na nga oh nakaempake na tayo at nandito na tayo sa airport! May ticket na din tayo!" Sagot ko tapos nararamdaman ko na ang bilis ng tibok ng puso ko.

 

Tumingin ako kay nanay at may nilabas sya sa bag nya. Plane ticket.

 

"Plane ticket mo anak."

Kinuha ko at binuklat yon. Isang plane ticket lang. Tapos nadinig ko ung first call for boarding sa airplane na nakasched kaming mag anak.

"T- tara na nay, tay, Ren..." Sabi ko pero umiling lang si nanay at tatay. Umiiyak lalo si Ren. Naiinis nako. Bakit ba ganito sila? Hindi ko maintindihan... Pinagtitripan ata ko ng mga to eh.

 

"Di na nakakatuwa ah.. Sige na pikon na ko, kaya tigilan na natin to." Sabe ko pero di sila natinag. Umiyak ulit si nanay at bigla akong niyakap. Sumunod yumakap si tatay at Ren. Ang higpit ng yakap nila pero wala akong nagawa kundi tumulala. Alam ko may nangyari, may hindi sila sinasabe saken.

 

30minutes have passed.

 

Nakasakay na ko sa eroplano, papuntang Japan. Namumugto yung mga mata ko, pulang pula. Naramdaman ko ulit tumulo ung luha ko, balde balde na to kanina pero hanggang ngayon di pa din nauubos. Sobrang sakit ng dibdib ko sa lungkot.

Oo papunta nga ko ng Japan, sa lugar na pinapangarap kong puntahan. Pero hindi kasama ang pamilya. At hindi lalo para magbakasyon.

 

Bakit?

 

Kasi magmula ngayon, sa oras na umalis ako dito,

 

Dun na ko maninirahan. Bubuo ng bagong buhay, magsisimula sa umpisa, nang walang aasahang iba...

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

LOL! ANDRAMA NG CHAPTER NA TO!

SALAMAT SA COMMENT AND SUBSCRIBE!

SALAMAT KAY KAKKOI04 SA PAGPOPROMOTE NG STORY KO!

Please support this fic.

Salamat! Arigato gozaimasu!

PLease look forward to my updates~

 

 

 

  

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yuriko_suzuki
#1
wait ko ung nxt chapter !!!
saka para sa gumawa nito ,, friend tau ahhhhh!!!! JUMPERS kasii ako and HYPHEN !!!! Support ko tong story mo ..
Taiga0928 #2
I really love this story because it's so exciting and thrilling! And some of the parts were really funny!
Will be looking forward 2 ur updates! :D
nicole55 #3
wahhh.... excited na ko sa mangyayari >_<
heysayluv #4
k... understood some of it... (using a ish translator) so... the girl is going to japan because of family reasons and she is upset. And she was crying when leaving her mother. She likes japan, but not that fact that her family is not coming and she is crying. Is that correct????
heysayluv #5
heyyy~~~~ I'm from Chiba too!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Hehe
taipime04 #6
@heysayluv- from kakkaoi-chan? Uwah! I must thank her then,

OMG, your from Japan? 0__0
I envy you! I wanna live there for good T_T demo I have my cousins there, as well as my auntie... they're from Chiba, if I'm not mistaken... How about you?
I'll try inserting your request in my story, too bad u cannot understand the text (coz its Filipino) but I'll mixed some english words so you'll have an idea on whats going on with the story. thank so much for subscribing and commenting ne?


@Ryoki-4-

kay kakkoi-chan? HAHAHAHA. salamat ah? hope we ca be friends and all! Uhm, baka gumawa na lang ako ng OC as YOU para mas madali, nagccreate kasi minsan ng confusion pag <you> ung ginagamit ko kasi name nung readers ung lumalabas. Please do look forward to it! Arigatio gozaimasu!
RyoKi-4
#7
Nakuha ko toh sa friend mo teh! teka anu ba name namin dito? (you?) XD and I'll look up to it ah! update soooon
heysayluv #8
I got to this story from your friend- I luv Johnny's- so I'll read it!!!!!!! Haha although I'm Japanese and can't understand the things you wrote up there XD If you take requests, I don't care if it's the tiniest bit- but can you include Kyomoto Taiga in there somehow????? He's Kyomoto Masaki's son and is a Johnny's jr. i don't care if his name is only mentioned once in a meaningless conversation or whatever- but I really don't see his name anywhere on english fan fics DX (I do see it alot on japanese fan fictions though...) You don't have to listen to my request- I mean, it's YOUR fan fic, and I'll read it no matter what- but just wanted to try asking you!