Plane ticket to... JAPAN?!
Aieru my Girl ~ (Tagalog- English Fanfic)Yan, tapos na ko mag empake! Ready to go na! Yipeeee!
Ang saya ko ngayon, as in super duper mega! Sino ba namang hindi matutuwa kung ganitong balita bubungad sayo pagkagising mo sa umaga?
Nagtataka siguro kayo kung anung pinagsasasabe ko, well, hayaan nyong ikwento ko kung ano nangyari two weeks ago.
2 WEEKS AGO~~
"Wah! Talaga????" Sigaw ko habang nakatingin ako kay nanay at tatay. Tapos tumatawa si Ren, yung nakakabata kong kapatid kasi naubo-ubo nako sa sobrang gulat ko sa narinig ko. Kumakain kami ngayon ng lunch sa bahay ng may sabihin sila saken na balita. Super shocking news talaga!
"Oo, nakausap na namen si Tita Lou mo, magbabakasyon tayong pamilya sa Japan." Kinonfirm ni tatay sabay ngiti saken.
"Regalo namen sayo to kasi di ba, graduate ka na ng college. We're very proud of you kasi nak." Sagot ni nanay with matching teary eyes pa. Ang drama lang talaga ni nanay minsan.
"Wala ng bawian yang mga sinabe nyo ha! Teka, san kayo kumuha ng pang-plane ticket, tsaka panu ung allowance natin dun? Atsaka!" Sabe ko pero naputol nung nagsalita din si nanay.
"Kira, Kame ng bahala dun, okay? Basta magbabakasyon tayo dun at susulitin natin!" Sagot ni tatay.
Aaminin ko sobrang saya ko kasi gusto ko talaga magbakasyon sa ibang bansa, pangarap ko yon eh, tapos sa Japan pa.. Eh isa un sa mga dream destination ko kasi gusto ko talaga ung mga Jdramas and culture nila. Kaya lang, pag naiisip ko kung san nanggaling yung perang gagastusin dun, medyo nagdadalawang isip akko kung dapat ba ko maging masaya.
Sa totoo lang kasi hindi kame mayaman to afford the expenses, sadyang mabait at responsable lang ang mga magulang ko kaya nakapagtapos ako ng pag aaral at nakakaraos kami sa araw-araw. Mahal na mahal ko ang pamilya ko, the best kasi talaga ang family ko para sakin. Kaya nga hindi ako nag boyfriend and talagang nagfocus lang ako sa pag aaral kasi gusto ko mabigyan sila ng luxurious life, especially my parents. Ayan na nagdadrama na din ako! Kasie eh!
~ E N D OF F L A S H B A C K
Ang aga ko gumising, ngayong araw na kasi flight namen. Sa totoo lang hindi naman ako nakatulog sa ka-excitedan eh! Whahaha.
"Nak, Ready ka na?" Narinig ko si nanay na nagsalita habang finafinalize ko ung mga gamit na dadalhin ko.
"Opo Nay.." Sagot ko tapos niyakap ko sya. "Slamat nay ha? Sobrang saya ko sa treat nyo sakin." Naramdaman kong niyakap din ako ni nanay. DRAMA MODE ON na naman ang PEG namen!
"Nak, tatandaan mong mahal na mahal ka namin at gusto namen lagi ang the best for you ha?" Tumingala ako kay nanay, nakita ko umiiyak sya! Hala! Grabe naman! Sobrang nadala nanay ko sa eksena!
"Bakit ka umiiyak nay? Ikaw na best actress!" Sabe ko sakanya. Pinalo nya ko sa braso tapos tumawa kame. Ganito talaga kame sa pamilya, super close. Iba kame eh!
Isang oras ang lupimas, naayos na namen lahat... Tapos tumawag na ng taxi si tatay... Sumakay na kami ng taxi tapos nagpahatid sa airport..
"Nay, bakit parang ang konti ng dala nyo?" Sabe ko habang tinitignan yung mga dala nila, nakahiwalay kasi yung maleta ko. Alam mo na, gusto ko kasi organize gamit ko.
"Ah, eh... Madameng laman yan!" Sagot ni nanay na parang natetense. Excited din ba sya na makarating sa Japan? Para kasing kanina pa sya di mapakali. Tapos nakita ko si Ren, umiiyak. Hala, anu na namang drama to?
"Oi Ren, bakit ka umiiyak dyan? Super saya mo ba na makikita mo na si Doraemon?" Tanong ko tapos inakbayan si Ren, umiyak sya lalo. Hala.
"Oi ano bang problema mo? Nay, Tay oh! Si Ren." Sabe ko tapos nakita ko din si nanay at tatay na umiiyak na. Hala ka! Ano ba nangyayari dito? May camera ba? May nagtitrip ba saken? Reality Show ba to?
"Anak... Mag-iingat ka sa Japan, wag mo kakalimutang tumawag at mag email ha?" Nanlaki yung mata ko nung sinabe ni tatay yon. Anu bang nangyayare sa mga to?
"Ha? Anong ibig nyong sabihin eh lahat tayo aalis, ayan na nga oh nakaempake na tayo at nandito na tayo sa airport! May ticket na din tayo!" Sagot ko tapos nararamdaman ko na ang bilis ng tibok ng puso ko.
Tumingin ako kay nanay at may nilabas sya sa bag nya. Plane ticket.
"Plane ticket mo anak."
Kinuha ko at binuklat yon. Isang plane ticket lang. Tapos nadinig ko ung first call for boarding sa airplane na nakasched kaming mag anak.
"T- tara na nay, tay, Ren..." Sabi ko pero umiling lang si nanay at tatay. Umiiyak lalo si Ren. Naiinis nako. Bakit ba ganito sila? Hindi ko maintindihan... Pinagtitripan ata ko ng mga to eh.
"Di na nakakatuwa ah.. Sige na pikon na ko, kaya tigilan na natin to." Sabe ko pero di sila natinag. Umiyak ulit si nanay at bigla akong niyakap. Sumunod yumakap si tatay at Ren. Ang higpit ng yakap nila pero wala akong nagawa kundi tumulala. Alam ko may nangyari, may hindi sila sinasabe saken.
30minutes have passed.
Nakasakay na ko sa eroplano, papuntang Japan. Namumugto yung mga mata ko, pulang pula. Naramdaman ko ulit tumulo ung luha ko, balde balde na to kanina pero hanggang ngayon di pa din nauubos. Sobrang sakit ng dibdib ko sa lungkot.
Oo papunta nga ko ng Japan, sa lugar na pinapangarap kong puntahan. Pero hindi kasama ang pamilya. At hindi lalo para magbakasyon.
Bakit?
Kasi magmula ngayon, sa oras na umalis ako dito,
Dun na ko maninirahan. Bubuo ng bagong buhay, magsisimula sa umpisa, nang walang aasahang iba...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
LOL! ANDRAMA NG CHAPTER NA TO!
SALAMAT SA COMMENT AND SUBSCRIBE!
SALAMAT KAY KAKKOI04 SA PAGPOPROMOTE NG STORY KO!
Please support this fic.
Salamat! Arigato gozaimasu!
PLease look forward to my updates~
Comments