Chapter 5

My Beautiful Nightmare

 

***Chapter 5***

 

"Another Party... Him again?"

 

 Lunch time. Sa may garden kami kumain. Kasama ko si Ivy at Fatima.

 

“Lyka, ano nangyari sainyo nung lalaking katabi mo? Nakakahiya ka second day na second day, napalabas ka ng room. Tsk” Sabi ni Fatima. Para naman alam niya yung nangyari.

 

“Siya lang naman si ‘Mr. Perfectionist’!” Sinabi ko.

 

“Sino yun?” Nagtatakang sabi ni Ivy.

 

“ANO? SI MR. PERFECTIONIST? YUNG NATAPUNAN MO NG…”

 

“OH YEAH DON’T REMIND ME, FATIMA. IVY, WALA LANG YUN. ISANG ASUNGOT. SO JUST NEVERMIND. OKAY?” Sinabi ko sa kanilang dalawa.

 

“Ayos ah. Liit talaga ng mundo.”

 

“I know right. He’s really getting on my nerves. Biruin mong hindi pa daw kami tapos? Ano ba ang dapat tapusin? Eh nag-sorry na ko.”

These two girls are not helping me. Ang ginawa lang nila ay tumawa. Kainis.

 

“Hey, would you mind if you come to the party on friday? We own that bar…so exclusive yun sa friends ko at sa friends na din ng kuya ko. It’ll be fun pag kasama ko kayo. OP kasi ako parati eh. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na babae. Please?” Sabi ni Ivy. Mayaman pala ito eh.

 

“Nakakahiya naman.”

 

“Oo nga…” Sabi ni Fatima

 

“Nako hindi. Basta punta kayo ah. Sunduin ko kayo sa bahay niyo. 7pm ok? Friday.” Binigay namin kay Ivy yung address namin. 

 

---

 

After ng lunch. Meron pa kaming 2 subjects… so ayun. Mabuti naman wala yung katabi ko. Umuwi na siguro. Good for me. Pagkatapos ng klase, umuwi na rin kami ni Fatima.

 

-----

 

Nagdaan na ang wednesday at thursday. Friday na. Sobrang pasasalamat ko at hindi pumapasok si Mr. PERFECTIONIST A.K.A KEITH RAMIREZ. At least si Prince Charming lang aking katabi.

 

Wednesday-Friday. Wala naman masyadong nangyari. Ganun pa din boring ang klase.

 

FRIDAY! Nagbihis na kami at mamayang 7pm susunduin kami ni Ivy. PARTY TIME DAW OH. I wanna have some fun. Hindi puro stress sa pag-aaral. Kailangan ko ng freedom. Lahat ng estudyante kailangan nun.

 

May nag-busina na. Si Ivy na ata yun. Dress lang ang sinuot namin ni Fatima.

 

"Hi! Sakay na kayo. You look good." Bati ni Ivy samin.

 

"Ikaw din!" Sabi namin ni Fatima.

 

Papunta na kami sa bar.

 

 ---

 

(Now playing: Hit The Lights - Jay Sean ft Lil Wayne)

 

We just arrived at the bar. Andami nang tao. At tyaka puro schoolmates namin. Lahat ba sila inimbitahan ni Ivy? Close niya itong mga ito?! Eh puro 4th year?! Akala ko ba wala siyang kaibigang babae?! Ano ito. Ugh. Tyaka enfairness ang daming babae, yung iba, hindi taga S.M HIGH, hindi ko naman sila nakikita sa school eh.. Bahala na nga.

"Tara. Papakilala ko kayo sa kuya kong asungot." Hinatak kami ni Ivy. Yung pupuntahan naming table eh.. nakatalikod yung lalaki at may akbay-akbay na babae. Siguro yun na yung kuya niya.

 

"Kuya, Kaibigan ko nga pala. Si Ate Fatima at  Ate Lyka!" Hinatak ni Ivy yung braso ng kuya niya para humarap samin ni Fatima.

 

Nung humarap na siya...

 

ANAK NG TIPAKLONG!

 

"IKAW?!!!!!" Sabi ko at nung kuya niya.

 

"IVY, WAG MONG SABIHIN NA KUYA MO ITO! YOU'RE KIDDING RIGHT?" Sabi ko.

 

"WAG MO RING SABIHIN SAKIN IVY, NA YAN ANG KAIBIGAN MO!!" Sabi ng kuya niya.

 

"Oh yes. And I'm not kidding. Tyaka magkakilala kayo?!" Nagtatakang sabi ni Ivy

 

"HINDI NOH!" Sagot naming dalawa ng kuya niya.

 

"Miss, whoever you are. Baka nakakalimutan mo na hindi pa tayo tapos." Sino nga ba ang kuya ni Ivy? Sino ba sa tingin niyo? EDI SI KEITH RAMIREZ. AISH! WHAT IS LIFE?!

 

"Oh, please. Shut up. You know what? I'll just go home." Hinatak ko na si Fatima papalabas. Na-shock siya. Bakit siya lang ba?! Ako rin kaya. Umalis na si Keith at umupo na sila ng kasama niyang babae.

 

"No, please wait. Kung ano mang meron sainyo ng kuya ko. Forget it, kahit ngayong gabi lang. We're here to have some fun. And this is my first girl date with you guys. Wag niyo namang sirain oh." Sabi ni Ivy. Malungkot siya. Nakaka-guilty naman yon siya na nga ang nangimbita, tapos bigla na lang kami aalis.

 

"Ok." Pumayag na kami ni Fatima mag stay.

 

Umupo kaming tatlo sa isang table na walang nakaupo. Umorder na din kami ng drinks. Beer. Actually, hindi ako umiinom nun, dahil nung last na uminom ako, one week akong hindi nakahinga ng maayos, ngayon lang talaga at badtrip ako. Pano ba naman kasi sinumpong ako ng asthma. Over ba?! Ganun talaga. Ibang klase umatake ang asthma ko. Si Fatima ayos lang sa kanya, lasinggera yan eh. Biro lang, para kasing hindi siya nalalasing. Tingin niya tubig yun. Pffft. At si Ivy?! Upakan ko to eh. 15 pa lang, nainom na.

 

"Bawal ka." Inagaw ko sakanya bote ng beer. Bigla siyang nag-pout. Inagaw niya ulit yung bote.

 

"Bakit kayo?" Tanong ni Ivy.

 

"We're mature enough!" Sabi ni Fatima.

 

"MATURE KA JAN. EH HALOS 1 YEAR LANG PAGITAN NG EDAD NATIN EH." Nag-pout na naman si Ivy. Haha. She's so cute. Iinumin na sana niya beer niya kaso...

 

"You're not supposed to drink that." Bigla na lang may lumapit at kinuha niya sa kamay ni Ivy yung beer at nilapag sa table yung mango juice. Nagulat kaming tatlo.

 

"Mango juice ang inumin mo." Hinawakan niya sa ulo si Ivy.

 

"Kuya Louie naman eh. Pati ba naman ikaw?!" Bago siya umalis. He gave us a smile. Ano pa nga ba? Edi natunaw na naman ako sa loob loob ko.

 

Tinignan ko kung saan si Louie pumunta. Doon sa table ni Keith. So... Barkada sila?!

 

"ATE LYKA! HUY!" Sabi ni Ivy.

 

"Huh? Ano yun?" Nakatingin kasi ako kay Louie eh. Ano ba yan.

 

"Ang sabi ko, kung pano mo nakilala yung kuya ko."

 

"Ah... Ayun ba?!" Sanabi ko nung una kaming nagkita sa party, at natapunan ko siya ng juice. Na bahay naman pala nila yung pinuntahan namin.

 

"Haha. Ang stupid talaga ng kuya ko. Nag-sorry na nga eh, hindi pa magpatawad."

 

"I know right? Stupid talaga." Aba! Mukhang may bago akong kakampi sa mokong na yun. Kapatid pa niya.

 

"So Ramirez pala ang apelyido mo. Bakit hindi mo sinabi? At tyaka kapatid mo pala yun?" Tanong ni Fatima.

 

Oo. Hindi naman kayo nagtanong eh." Sagot ni Ivy. Oo nga naman, hindi naman kami nagtanong.

 

Siniko ko si Fatima at sinabing. "Si Khalyl oh." Nasa dance floor siya kasama yung mga babae, napansin ko din si Aaron.

 

"So?!" Haha. Taray.

 

"Tara sayaw tayo!" Sabi ni Ivy.

 

"Tara!" Hinintay nila akong tumayo.

 

 

"Ayoko. Kayo na lang, wala ako sa mood." Pumunta na sila sa dance floor. Partner sila.

 

Kailangan kong mag-muni muni. Hindi ko maiwasang mapatingin sa table nila Keith. Andun kasi si Louie eh. Parehas kaming loner, nakayuko lang siya, at umiinom. Si Keith naman, panay ang bulong sa katabi niyang babae. Naglalandian sila. Nagyoyosi pa. Ewww. Hinahalikan pa niya yung babae sa cheeks. Grrr. Di na nahiya tinitigan niya pa ako sabay smirk. What was that for? Upakan ko siya eh. BABAERO! Teka? Pake kung babaero siya. Pfffft. Inirapan ko siya at umiwas na ako ng tingin at napa-tagay sa iniinom ko.

 

Then...nakita ko na lang hinahatak ng babae si Louie papuntang dance floor. Feeling ko wala na rin siyang magagawa. Ang hot nung girl. Aray ah. Ang sakit lang. Ewan ko ba nasasaktan ako. Sana... ako na lang yung girl. Eto na naman ako nangangarap ng gising. Para namang mapapansin ako nun. Pumunta na din si Keith at yung kasama niyang babae sa dance floor. GOSH! NAPATINGIN NA NAMAN AKO KELA LOUIE AT NAGING SLOW NA YUNG KANTA.

 

(Now playing: Hate that I love you - Rihanna ft. Neyo)

 

They're so close to each other. I can't breathe na. Na-sosuffocate na ko dito. Tinanong ko kung saan yung c.r. sa may waiter. 

 

"Second floor, miss."

 

"Thanks." Pumunta na ako sa c.r at naghugas ng mukha, tumingin sa salamin. Kinuha ko yung panyo ko sa bag at pinunasan ko yung mukha ko.

 

Lumabas na rin ako sa c.r. May malaking pintuan akong nakita na naka bukas, Nagpapasukan at naglalabasan din yung mga tao. Nung pumasok ako, pagtingin ko may mga upuan din, parang open area, malaki at mahangin. Karamihan nagyoyosi yung iba. Konti lang ang tao. Tamang tama I need fresh air. Kanina pa ako hindi makahinga sa mga nakikita ko. Nakatayo ako para tignan ang magandang view.

 

I sighed because I needed more air in my lungs. I was actually quite cold, I wrapped my arms around myself to try to keep me warm. Then suddenly, I felt someone wrap a long jacket around my shoulders. I looked up and I saw Louie with a cute smile upon his face. I was about to protest, but the sudden warmth felt so good that I just sighed in relief.

 

"Thanks, I guess." I told him. Ang bango lang. Yung tipong hindi matapang, yung pabango niya.

 

"No problem." he smiled at me.

 

"Ikaw pala yung kini-kwento sa amin ni Keith." Tumawa siya. Yung mokong na yun, mamaya iniiba niya yung storya.

 

"Errr. I guess so. Kaibigan mo siya?"

 

"Yeah. Actually apat kami. Khalyl, Aaron, Keith at ako. We're bestfriends though. Kababata din."

 

"Ah..."

 

"Bakit nag-iisa ka dito? Sila Ivy bakit di mo kasama?"

 

"Hindi kasi ako makahinga sa loob eh. Puro usok, tyaka crowded na din. Suffocate na suffocate na ako."

 

"You alright?"

 

"Ok na ko." I gave him a smile. I was just glancing at his face. Why do I feel so comfortable with him? Dahil ba gusto ko na siya? OMG?! ANONG SINABI KO? Lemme scratch that. Di porket he's so nice to me, gusto ko na siya. He's gentleman sa kahit na sinong babae. Asa pa ako. Umiwas na ulit ako ng tingin at pinalo ko yung noo ko. I'm so stupid. Ano ba itong naiisip ko.

 

"Masakit ba ulo mo?" napansin niya ata nung pinalo ko yung noo ko.

 

"Nope... It's just that..." Sasabihin ko na nang biglang may tumawag sakin.

 

"Lyka! Si Fatima lasing na!" Si Khalyl. Huh? Si Fatima na lasing? Impossible ata yun.

 

"Huh?" bumaba na kami. Sumunod na din si Louie. Nakita namin na naka-rest yung ulo ni Fatima sa table katabi niya si Ivy. Lasing na din atang itong si Ivy eh.

 

"Yah~ Fatima ireonayo..." (wake up) Pinalo ko siya.

 

"Psh. Waeyo~~~!" (Why?)

 

"Anong bakit? Uwi na tayo." Bigla na lang pumunta si Keith sa table at kinuha niya si Ivy. Binuhat niya si Ivy nang parang bridal style. Ang lakas niya.

 

"Pasensya na kayo sa kapatid ko. Mukhang hindi na niya kayo maihahatid. Nakikita niyo naman kung bakit." Sabi ni Keith. Weh, iba yata ang nakikita kong 'Keith' ngayon. Mapag-alaga sa kapatid. Pffffft. Sabay paalis na papuntang parking lot.

 

"Tara. Hatid ko na kayo." Alok ni Louie. Nakakahiya pero wala na akong magagawa pinag-day off nila mommy yung driver.

 

"Ahmmmm. Sige. Thanks."

 

"I'll carry her." Andun pa pala si Khalyl at binuhat niya din si Fatima ng bridal style.

 

"Teka?! Sino ka?! Take your hands off me!" Sabi ni Fatima.

 

"Wag ka ng choosy. Ikaw na nga ang tinutulungan." Napangiti si Khalyl.

 

----

 

 

Papunta na kami sa bahay. Si Louie yung nagda-drive. Sa unahan ako nakaupo. Kasama din namin si Aaron. Sa likod, si Fatima, Khalyl at Aaron. Tinuro ko yung direksyon ng bahay namin. Sa wakas, naka uwi na din kami.

 

"Dito na lang. Paki baba na lang si Fatima ako na magbubuhat sakanya."

 

 

"Ano ka SUPERWOMAN?! Baka mabali pa yang buto mo, hayaan mo nang si Khalyl ang mag-alalay sakanya sa kwarto niya. You guys can go. Dito lang ako sa kotse. I'm tired. Louie, kung gusto mong pumasok. Sige na." sabi ni Aaron. Kung sa bagay tama siya. Hindi ko kaya si Fatima. I’m too weak.

 

 

"Errr. Ok." Lumabas na si Khalyl ng kotse at inalalayan ulit si Fatima. Si Louie naman lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. Gentleman oh. Wag kang ganyan.

 

 

"Thanks." Yung gate bukas na kaya pumunta na ako sa pintuan para buksan yun.

 

"Ughm. Khalyl akyat ka tapos yung unang kwarto sa kanan yun na yun." Tinuro ko sakanya yung direksyon sa kwarto ni Fatima.

 

"Oh sige." Sabi naman ni Khalyl. Nasa harap kami ng pintuan ni Louie.

"Louie. Salamat nga pala sa paghatid. Na-istorbo ka tuloy."

 

"Ayos lang. Hindi noh. Anytime, Lyka." I gave him a weak smile.

 

"Yung jacket mo. Salamat ulit." binigay ko sakanya yung jacket niya. Bumaba na din si Khalyl.

 

"Louie. Tara na."

 

"Salamat, Khalyl."

 

"No problem. See? I'm trying to be nice to her. Pero ang sungit parin niya sakin. Sige, una na kami!" Natawa na lang ako sa sabi ni Khalyl.

 

Hinatid ko sila sa may gate. "SALAMAT NG MARAMI ULIT!"

 

Ngumiti lang yung dalawa nung papunta sila sa kotse. Si Aaron nag-wave siya at ngumiti din.

 

Natapos din itong gabing ito. WHY SO NICE LOUIE?! SI KHALYL AT AARON DIN. WHY SO RUDE KEITH?! Siya lang ang tanging masama sa kanilang apat. Why do I feel like I'm having a nightmare kapag nakikita ko siya? Pffffft. Now it's time for me to rest.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH