Chapter 4

My Beautiful Nightmare

 

**Chapter 4**

 

"Second day at S.M High! What the hell!"

 

 

Nagpunta kami ni Fatima sa sala pagkatapos namin mag dinner. Nanuod lang kami ng T.V.

 

“Fatima, may ikkwento ako sayo”

 

“Hmm? Ano yun.” Nakatingin pa rin siya sa T.V. Tapos pinalo ko siya sa braso.

 

“ARAY! ANO BA?!” Pag kasi sa TV siya nakaharap, wala na siyang pakelam sa buong paligid niya. Kahit nagpapatayan na ang aso’t pusa ng kapit bahay.. Hindi mo siya maiistorbo. Pinatay ko na yung T.V para makwento ko sakanya ng maayos, PARA MAKINIG SIYA. Damn!

 

Kinwento ko yung mga nangyari nung party. Nung nakita ko ang gwapong si Louie, natulala ako at nung nakita ako ni Ivy na nakabukas yung bunganga ko. Nakakahiya daw ako. PASENSYA NAMAN NGAYON LANG NAKAKITA NG GWAPO. Ano pa ba ang i-eexpect ko?! Siyempre tumawa na naman siya ng malakas. At si ‘Mr. Perfectionist’ sa party na natapunan ko ng juice.

 

“Ah…Ang galing naman, nakilala mo pa si Ivy at si oh-so-good-looking-guy na si Louie. Ang liit talaga ng world. Aish! Why are you so clumsy, Lyka?! Kawawa naman yung natapunan mo ng juice.”

 

“Mana lang ako sayo sa pagiging clumsy. TIYAKA KAWAWA?! Si Mr. Perfectionist? Oh please. FYI, nag sorry ako noh.”

 

“Arasseo…” (Arasseo= I understand/I know/okay in korean)

 

Kaya ngayon ko lang sakanya nakwento, siyempre wala siya sa mood for the past 2 weeks. Heartbroken eh, pero feeling ko ok na siya ngayon ng konti.

 

After ng kwentuhan, natulog na kami sa kanya kanya naming kwarto. Nakakapagod itong araw na ‘to. -_-

 

 ---

 

Second day at S.M High

 

Ayun… pahirapan na naman rin sa paggising kay Fatima. Tsk. Kung kahapon eh winisikan ko siya ng tubig, ngayon isang tabong tubig na. Take note. I’m not joking. Pero nung ibubuhos ko na, bigla na lang siyang tumayo. Aba! Nakaramdam? Mabuti naman…

 

Ganun pa din nag-lakad kami papuntang school. Medyo maaga kami dumating kaya bago kami pumunta sa classroom, nakita namin si Ivy, at nakipagkwentuhan muna sa may garden, doon sa may mga maraming bench at may mga table na din.

 

Nung nag-ring na yung bell,,, Pumunta na kami sa classroom. Pagpasok ko sa classroom, unang bumungad samin ni Fatima, si Khalyl.

 

“Hi Lyka. Hi Miss Clumsy!” Nag-wave siya at nagsmile samin. Umuusok na naman yung tenga ni Fatima. Haha

 

Umupo na ako sa upuan ko. Siyempre katabi ko si Khalyl. Nakayuko ako nun at nakapikit mata ko, wala ako sa mood, feeling ko may mangyayaring masama.

 

“Khalyl! Umalis ka nga sa upuan ko!” Narinig kong sinabi ng isang lalaki. Nakapikit pa rin ako nun.

 

“Ayoko! Gusto ko dito!” Sabi ni Khalyl.

 

“Tabi nga sabi eh! Bumalik ka na doon sa upuan mo!”

 

“Sige na nga. Psh” Naramdaman ko nang umalis na si Khalyl at umupo na yung lalaki. Nung lumingon ako para tignan kung sino yung nagpapaalis kay Khalyl, OMG! Guess who?

 

Edi yung prince charming ko, si Louie. Kini-claim? Masama ba mangarap?

 

Natulala na naman ako. Nakita ko si Fatima, nakatingin samin at nakangiti. Yung mga tingin na yun, alam ko na. Mang-aasar na naman to. Eh kung asarin ko kaya siya kay Khalyl?

 

“Hi Lyks.” Ano daw?! Lyks? As  in L. Y. K. S.? Isa lang kasi ang tumatawag sakin nun, yung kuya ko. Tiyaka kaklase ko siya? Hindi lang kaklase, katabi ko pa. OMG!

 

“Oh. Hi.” Iniwasan ko na ang mga tingin niya. Pano naman kasi, natutunaw na ako sa mga tingin at ngiti niya.

 

“Ahmmm. Pwede bang magtanong?”

 

“Sure.”

 

“Bakit ngayon ka lang pumasok dito? Samantalang nandito ka naman kahapon.” I’m curious.

 

“Pinatawag kami para sa meeting sa Basketball. Yung lalaki din na yun na inaangkin ang upuan ko, kaso nauna siyang bumalik.” Tinuro niya si Khalyl. Tinignan ko kung saan na nakaupo si Khalyl, nasa 2nd row na siya.

 

“Ah... Aga naman. First day na first day, meeting agad.”

 

“Ganun talaga. Captain Ball ata itong kaharap mo. Nagmeeting lang kami ng kung ano.” Ngumiti na naman siya. I hate it. Natutunaw na naman ako. Napaka-friendly pa niya. HOMAYGAAAD.

 

“Ah…ok” Tumawa kaming dalawa.

 

Simula na ng regular class. Dumating na yung teacher. Ayun… First period, Math. Second period, Physics. Third period, TLE. Ang boring. Kapag boring, pasimpleng lumilingon lang ako sa katabi ko. Si Louie. Nabubuhay ang aking diwa kapag nakikita ko siya.

 

Pagkatapos ng napaka-boring na klase, Hayyy salamat. Nag-ring na din yung bell, ibig sabihin recess na. Habang papunta kami sa canteen, inaasar ako ni Fatima kay Louie.

 

“Ayieeee. Yun naman pala eh. Kaklase pa natin, katabi mo pa yung prince charming na yun! San ka pa? Edi ikaw na.”

 

“SHUT UP! KHALYL OH!!!!!~~ SI FATIMA! Aish!” Grrrrrrrrrr. Trip ko lang siyang asarin katulad ng ginagawa niya sakin ngayon. Pfffft.

 

“Anong meron sakanya?”

 

“Wala lang. Siya lang naman yung katulong kong mang-asar sayo eh.” Pinalo niya ako sa braso at tumingin ng masama. Ok, quits na kame. Haha

 

Tiyaka buti naman hindi masyado crowded yung canteen ngayon. Bigla na lang may tumawag samin.

 

“Ate Lyka, Ate Fatima! Dito kayo!” Si Ivy, tinatawag kami. Nakaupo na siya kasama yung mga lalaki na yun. Sino sila?

 

Paglapit namin ni Fatima, kasama ni Ivy si Khalyl, Louie at yung isa hindi ko kilala eh. Bigla kaming napaatras ni Fatima. Pano ba naman, pinag-titinginan kami ng mga babae, parang gusto kaming kainin.

 

 “Ah..err. Hindi na, dun na lang kami kakain sa garden.” Sabi ni Fatima.

 

“Ano ba kayo, di naman namin kayo kakainin eh. Umupo na kayo sa tabi ni Ivy.” Sabi ni Khalyl. Ngumiti lang si Louie. Ayan na naman siya. Yung isang lalaki, walang pakelam, pero ngumiti din siya. Wala na kaming nagawa. Ang pwesto namin, kaming 3 babae, katapat namin yung 3 lalaki. Ok. This is awkward.

 

“Ok. Kuya Aaron, si Fatima at Lyka nga pala. Si Kuya Aaron nga pala. Kaklase niyo din siya katulad ni Kuya Khalyl at Kuya Louie.” Pinakilala kami ni Ivy doon sa lalaking yun. Pagka-pronounce ng ‘Aaron’ eh, (a-ron). Actually, siya yung kasama ni Khalyl nung tinawag niya si Louie kahapon nung nasa garden kami. Nahatak ko nga siya si Louie diba…So ayun. Ano ba yun bakit bigla silang nagsusulputan, ngayon pa at second day na. Siguro nga kasama din si Aaron sa meeting para sa basketball. Kaya nagulat kami ni Fatima.

 

“Hi.” Sabi ni Aaron.

 

“Hi.” Sagot naming dalawa ni Fatima.

 

Nagkwentuhan lang sila ng kung ano-ano. Siyempre, out of place kami ni Fatima. Salamat at nag-ring na yung bell.  Sabay sabay kaming naglakad papuntang room, tutal iisa lang naman ang room namin, kasi kaklase namin si Louie, Khalyl at si Aaron. Si Ivy pumunta na sa room niya. Lumayo kami dun sa tatlong lalaki, baka pagtinginan na naman kami kaya pinauna na muna namin sila sa paglakad.

 

 

--------

 

 

Nag-start na yung klase sa English ng mga 10 minutes. Si Aaron katabi na ni Khalyl sa second row. Habang nagsusulat sa board yung teacher namin, biglang may pumasok na lalaki. Lahat kami nagtinginan sakanya.

 

“Excuse me? Keith. Second day na second day late ka. Where’s your late slip?” Tinanong ni maam. Pumunta na yung lalaki sa may teacher at binigay yung late slip niya na parang wala lang sakanya.

 

“Pare. Bakit ngayon ka lang?” Tanong ni Khalyl, nung papunta na siya sa upuan niya. Tumango lang yung lalaki. Papalapit na siya… Yeah right. Malamang sa tabi ko ito tatabi kasi yung sa right side ko na lang ang bakante. Tinuloy na ni maam ang pagsulat sa board. Nung umupo siya sa tabi ko, bigla na lang tinignan ako ng masama.

 

“Teka. Kilala kita, Psh. Yang mukhang yan makakalimutan ko? Eh, may atraso ka sakin.” Sinabi niya nang pabulong. Tinuturo-turo pa niya ako. Huh? Ako? Anong ginawa ko? Teka…

 

 OMG! Siya yung natapunan ko ng juice. SI MR. PERFECTIONIST! GRRRRR. Trouble ito. Sinabi nang ayoko na napapa-trouble ako eh.

 “FOR YOUR EFFIN’ INFORMATION. NAG-SORRY AKO NOH, MAY ATRASO PA RIN AKO?” Napasigaw ako. Nagtinginan silang lahat.

 

“EXCUSE ME?!” Sabi nung teacher.

 

“Sorry po.” Ayun na lang ang nasabi ko at napayuko ako.

 

“Pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin…” Sabi nitong lalaking ito.

 

“Di pa ba sapat na nagsorry ako?”

 

“MS. HERNANDEZ AND MR. RAMIREZ, BOTH OF YOU GET OUT OF THE CLASSROOM RIGHT NOW!” Galit na si maam.

 

Lintek. . Bago pa lang ako sira na reputasyon ko. Kinuha na niya yung bag niya at nauna na siyang lumabas. Nag-aalinlangan pa din akong lumabas pero sumunod na din ako. Nung sinara ko yung pinto, bigla na lang may humatak ng kamay ko. Sino pa nga ba eh di si Mr. Ramirez na ito.

 

TEKA NA NAMAN?!!! RAMIREZ?! PARTY?! MAY POSIBILIDAD NA SIYA YUNG ANAK NA SINASABI NI MR. & MRS. RAMIREZ NA KA-EDAD KO. BUHAY NGA NAMAN OH. PAKI-SAMPAL NGA AKO KUNG BANGUNGOT ‘TO NANG MAGISING NA. BAKIT BA LAHAT NG NASA PARTY NAKIKILALA KO DITO SA SCHOOL. BAKIT ANG LIIT NG MUNDO. PAKI-LAKIHAN NGA. OH KAYA PAKI-TAPON AKO SA KUNG SAAN MALAYO, WAG LANG DITO KUNG SAAN NAKIKITA KO SIYA. KUMUKULO DUGO KO.

 

“ARAY!! ANO BA?! BITAWAN MO NGA AKO!” Bigla na lang niya ako dinala sa may locker room. Napa-sandal ako sa may locker, tapos yung isang kamay niya nasa may locker malapit sa ulo ko, we’re so close to each other. I just can’t…

 

“ANO BANG PROBLEMA MO? KUNG BULAG AKO BINGI KA NAMAN! HINDI MO BA NARINIG YUNG SORRY KO HAH?” Sinabi ko at tumawa siya.

 

“ALAM MO, TANGGAP KO NA YUNG SORRY MO EH. PERO THE FACT NA BINIGAY MO SAKIN YUNG BASO NG JUICE AT UMALIS KA, HINDI BA PARANG ININSULTO MO YUNG MAY-ARI NG BAHAY?! TIYAKA ANO AKO? WAITER?” Ok. Siya nga yung anak nila MR. & MRS. RAMIREZ.

 

“NAKI-USAP NAMAN AKO AH! ANONG BIG DEAL DUN?” Tinanggal na niya yung pagkakahawak niya sa locker. Tiyaka nagsimula nang lumakad. Bigla na lang siyang huminto at nag-salita siya ng hindi lumilingon.

 

“HINDI PA TAYO TAPOS…”

 

GRRRRRRRRR. ANO BANG BIG DEAL DUN? NAKAKAINIS NA! BINIBIGYAN NIYA AKO NG

 

DAHILAN PARA HINDI PUMASOK AT PARA MA-BADTRIP. TAMA NGA ANG FEELING KO NA MAY MANGYAYARING MASAMA EH.

 

----

 

Pagkatapos ng English, pumasok na ako sa sumunod na klase, tutal naman eh nung English time lang naman ako pinalabas. Yung kasama ko na pinalabas din, yung mokong na  yun, nung pumasok ako wala pa rin. Mabuti naman, doon lang matatahimik ang buhay ko. As usual, pinagtitinginan nila akong lahat. Gosh! Bakit ako ganito ka-sikat? Sikat sa kalokohan. Teka, ngayon lang ‘to kasi, unang una, siya naman ang nag-umpisa kaya napa-sigaw ako, napagalitan at napalabas, second day palang, pasaway na sa mata ng iba. ANG AKING REPUTASYON! SIRA NA. At ang lakas ng tama niya. Hindi ba niya maintindihan ang ‘sorry’?  English yun. Siguro naman may alam niya yung English word na yun. Is he stupid? ANONG GUSTO NIYANG LENGGWAHE? LANGUAGE NG ALIEN? MUKHA NIYA. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH