Chapter 10

My Beautiful Nightmare

***Chapter 10***

 

 

 

"WAAAAAAH! BITIWAN MO KO WALANGHYA KA!" Ang bilis ng pangyayari... Ang alam ko na lang binuhat niya ako at subsbob na ang mukha ko sa likod niyang mabango. 'MABANGO' WHAT? Ano ba 'tong nasasabi ko. NASA-kaligtnaan na ako ng gera kung ano ano pa PINAGSASABI ko. -____-

 

"Ito na lang ata ang paraan para tumahimik ka. Nakakahiya andaming tao. Skandalosa ka!" Saan ba ako dadalhin ng mokong na 'to? Hinahampas hampas ko na yung likod niya ayaw pa rin niya akong ibaba.

 

"Please. Ok na. Mamaya na naten ituloy ang pag-aaway. Ibaba mo na ako. Male-late na ako sa klase."

 

"Ikaw nagsimula neto kaya kasalanan mo. Mag-usap tayo ng masinsinan." Patuloy pa rin siya sa paglalakad.

 

"HOY! CUTTING KAYO! BUMALIK KAYO DITO." Sigaw ni Manong Guard. Hala. Papalabas na kame ng school!

 

"Manong! Tulungan niya ako sa asungot na 'to." Huhuhuhuhu. T______T

 

"PASENSYA NA MANONG. AWAY MAG-SYOTA 'TO!" Sabi ni Keith. Ano bang pinagsasabe neto. Sinuntok ko nga yung likod niya. Bakit di man lang siya umumik, masaktan man lang. Ganun ba ako ka-weak?

 

"OH KEITH IKAW PALA. IKAW TALAGANG BATA KA." WHAT THE HECK IS THIS? Bakit hindi ako tinulungan ni manong. T____T

 

"Keith. Ibaba mo na ako."

 

"No."

 

Hanggang nakarating kame sa park. So, sa park niya ako dinala. Malapit lang naman ang park dahil sa likod lang mismo yun ng school.  Patay na ako, First time ko nag-cut ng klase. Pagkababa niya sakin nag-pag-pag ako ng damit ko. HINDI NIYA AKO BINABA NG MAAYOS KAYA NAPA-UPO AKO SA DAMUHAN. BWISIT ‘TONG LALAKING ‘TO! NADUMIHAN TULOY YUNG PALDA KO! Psh.

 

"Bigat mo. Mag-diet ka naman. Ok.  Dito sa walang tao, skandalosa ka, sa maraming tao pa talaga napilimo eh noh..."

 

"Skandalosa ka jan. Hindi naman mangyayari 'to kung hindi dahil sa papel! Aish~ ambabaw mo kasi!"

 

 

"Sinabi nang hindi ako may gawa nun eh!"

“WEH?”

 

“Oo nga sabi eh. Bigyan mo kasi ako ng time at least for a second tumahimik ka man lang!.”

 

“Fine.” Nakataas yung isa kong kilay. Kapal niya! Siya pa may ganang magalit!

 

“Ok. Hindi ako gumawa nun. Swear! Mapahamak ka man! Wala talaga akong kasalanan--”

 

“Anong ako ang mapahamak--” Aba loko ‘to ah.

 

“Ano ba?! Sinabi ng tumahimik ka eh nag-eexplain yung tao eh!”

 

“Tao ka pala? Akala ko alien…” Sinabi ko nang pabulong

 

“ANO?”

 

“Wala, wala. Ituloy mo na bilis!”

 

“Good. So, hindi nga ako gumawa nun. Oo, sinabi ko sayo kagabi na yun na ang last night na makakatulog ka ng mahimbing. Sinabi ko yun, dahil yun na ang last na mapag-titripan kita. Hindi na kita gagambalain. Sa sobrang saya mo siguro hindi ka na makakatulog kapag malaman mo yun. That’s what I mean. Napag-isip-isip ko kasi na nagsasayang lang ako ng panahon sa katulad mo. Pero ano ‘to? Pinagbibintangan mo ako. May proof ka ba? SA GINAWA MONG 'TO, MAS LALONG HINDI KITA MAPAPATAWAD!"

 

"What? SERYOSO ka ba? Pero HINDI!!!! Hindi pa rin ako naniniwala dahil ikaw ang may matinding galit SAKIN dito."

 

" THIS , LYKA! SHUT IT!"

 

"ANO BA BAT KA BA NAGMUMURA!"

 

"BWISIT KASI! WHY DON'T YOU ING BELIEVE

ME? EWAN KO SAYO!"

 

"HOY SAN KA PUPUNTA?!" Lumalakad na siya papalayo.

 

"WALA KANG PAKE!"

 

"WHY DON'T YOU SAY SORRY MAN?!"

 

 

-_____-

 

YEAH RIGHT. Hindi man lang mag-sorry. Arghhhhh! Tyaka hinding hinding ko siya kayang paniwalaan. Dahil di naman kapani-paniwala yung monster na yun! Grrrrr.

 

“Ouch!” I don’t know. Pero nadapa ako. Ang bilis kasi niya mag-lakad eh. Ni-hindi ko rin alam kung bakit ko siya sinusundan. Bakit nga ba?

 

GOSH! Yung tuhod ko! It’s bleeding! LYKA HERNANDEZ TANGA TANGA TALAGA KAHIT KAILAN! Nakatitig lang ako sa tuhod ko. Huhuhuhuh. Ang hapdi!!!!!!!!! Hinihipan-hipan ko pa…Hanggang sa parang may nakatayo sa harapan ko. Tumingin ako kung sino, yung MONSTER na yun pala… lumapit siya para tignan yung sugat ko.

 

“Lyka Hernandez, why so clumsy? Tsk tsk tsk.” Umiiling niyang sabi. Tinignan ko siya ng masama. Pero mabuti naman at nasasabi na niya ng tama ang pangalan ko.

 

“Shut up--”

 

“Sakay.” Napatigil ako kasi bigla na lang siyang tumalikod at pumwesto na para bang ipi-piggy back ride niya ako.  I didn’t expect it. Yun? Yung monster na yun? Oh yes, dati Alien ngayon Monster na. Bwisit kasi siya eh.

 

“Hah? Ano--”

 

“Sabi ko sumakay ko sa likod ko.” No, thanks.

 

“Eh.. No thanks…”

 

“SAKAY!!!”

 

“OH. OO NA NGA EH. ETO NA PO.” Antopak talaga ng lalaking ‘to…kaya ayun, sumakay na rin ako. Tas binuhat na niya ako. AWKWARD. Nakapatong yung dalawang kamay ko sa balikat niya. Nakakailang kasi.

 

“Bigat mo talaga. Tsk.” Nagsisimula na siyang maglakad. Hindi ko alam. Ang weird talaga ng lalaking ‘to. Kanina kaka-walk out pa lang tapos ngayon, babalik para tulungan ako. AT NANG-AASAR PA!

 

“Sino ba kasing may sabi na tulungan mo ako. Ibaba mo na nga ako~ bwisit ka!”

 

“Hindi mo kaya! Bahala ka!” ARGHHHH. Binaba nga niya ako, di naman ‘to mabiro. Pinapanood niya ako kung kaya kong maglakad. I tried to walk. Pero isang hakbang pa lang natumba na naman ako dahil sa sobrang hapdi hindi ko talaga kaya. He grabbed my waist and pulled me in closer until our faces were only one inch apart.

 

 

 

O________O

 

Eeeek. Puso ko parang lalabas sa sobrang lakas ng tibok. Ohmygosh! Ngayon ko lang nasilayan ang mukha niya. Oo na gwapo si Keith! Nag-iiba lang talaga ang mukha niya sakin kasi bwisit siya palagi. >.<

 

“Sabi sayo eh, matuto ka naman makinig.” He smirked. Bumalik na naman siya sa pagka-bad boy niya. The way he smirked, para kasing may gagawing masama. Pumwesto ulit siya para buhatin ulit niya ako ng pa-piggy back ride.  All I can do is yumakap sa leeg niya. Baka ilaglag lang ako neto ng di oras. Mahirap na baka, sumpungin ‘to. Saan  niya kaya ako dadalhin? Patuloy pa rin siya sa paglakad. Teka. Galit ako sakanya diba? Pero hindi ko pa rin magawang magalit dahil tinutulungan niya ako ngayon.

 

“Saan mo ba ako dadalhin?”

 

“Gagamutin kita. Ayaw mo ba? Sige…” Binalak niya akong ibaba. Sabi na eh, ihuhulog na lang ako neto basta. Lakas talaga ng topak!

 

“Teka,,,Teka. Wala naman akong sinabing ayaw ko eh.” Nagpout ako. Hala? Pa-cute lang? Pero hindi naman niya kita yun. Hahaha. Humigpit lalo yung pagkakayakap ko sa leeg niya.

 

Natauhan na lang ako nang nasa tapat na pala kami ng isang malaking bahay.

 

“Paki-pindot yung doorbell.” Sabi ni Keith.

 

“Ha? Ah…ok.” Pinindot ko nga. Malamang hindi niya kaya at buhat-buhat niya ako. I remember this place. Ang lugar kung saan kami nagkita. I think that was 4 weeks ago.

“Sino yan?” Aba! Susyal nagsasalita ang doorbell. Haha. Yaman talaga ni monster.

 

“Manang! Si Keith ‘to paki-bukas yung gate sa guard.” Bumukas na din yung gate.

 

“Oh. Sir Keith ikaw pala, saglit lang.” Bumukas na din yung gate. Andito na naman ako sa sa bahay na ‘to. Nakapasok na rin kami. Pagdaan namin sa sala may tatlong katulong na naglilinis at pinagtitinginan kami.

 

“Keith pero…”

 

“Hayaan mo sila.” Eto na naman siya ang weird niya. Kalma at seryoso lang siya ngayon, kani-kanina lang ina-asar niya ako. Papa-akyat na kami ng second floor ng bahay nila. Nakakahiya binuhat niya ako papuntang park hanggang bahay nila. Pero kasi nasa iisang village lang ang school at bahay nila at yung sa amin kaya medyo malapit lang din.

 

Papunta na kami sa isang kwarto. Binuksan ko yung pinto. Siguro kwarto niya na nga ito. Puros itim ang gamit eh at ang laki pa. 2 times ng laki ng kwarto ko. Monster nga ang mokong. Diba yung mga monster ganun? Mahilig sa itim. Wahahaha. Para sakin lang naman yun. Nilapag na niya ako sa kama niya.

 

“Kung alam ko lang na dito mo ako dadalhin, hindi na lang sana ako nagpatulong. Hello? Mas malapit kaya ang clinic sa school.”

 

“Wala na eh. Andito ka na. Wag ka ng mag-reklamo!”

 

“Tse!” Anong ginagawa niya? Hinubad niya yung blazer niya. Niluwagan niya din yung necktie niya. Tinatanggal na din niya yung polo niya. Teka!

 

O_________O

 

“HOY KEITH! BWISIT KA! KUNG ANO MAN ANG BALAK MO TILIGILAN MO YAN!” Binato ko sakanya yung unan, pero bigla niya din nasalo. Ambilis niya hah. Bwisit ‘tong lalaking ‘to porket hindi ako makalakad ng maayos, sinasamantala niya!

 

“Pwede ba Lyka! Relax ka lang. Ang dumi ng isip mo! Asa ka naman pagnanasaan kita noh. Tyaka pawis ako oh. Binuhat kaya kita hanggang park, papuntang bahay ko. Nakalimutan mo na ba?”

 

“Eh sino ba kasing--” Ang kapal talaga niya. Pero oo nga naman. Sorry naman. Haha. Tyaka pwede naman sa sala na lang kami, dito pa talaga sa kwarto niya.

 

“Oo na! Ako na ang nag-prisentang tulungan ka, manahimik ka lang!” Psh. Pumunta siya sa isang pintuan, banyo ata yun. Paglabas niya may dala-dala na siyang first-aid kit. Lumapit siya sa akin at lumuhod para magamot na niya sugat ko. Unang ginawa niya dinadampi niya ng bimpong basa na medyo warm.

 

“Aray! Dahan-dahanin mo naman pwede? Laki talaga ng galit mo sakin eh noh.” Seryoso pa rin siya sa paglinis ng sugat ko.

 

Sumulyap ako sakanya ng ka-onti. Hala ano ‘to? Naadik na ba ako sa mukha ng mokong na ‘to? At kasi naman nakakairita din kasi yung suot niya eh, naka sando lang siya tapos fit na fit pa sakanya. Kitang kita ko muscle niya sa braso niya. Eeeeeek. Ayoko na masyado na siyang hot! Este yung kwarto niya. Pero bigla na lang siyang nagsalita.

 

“Lyka. Matutunaw ako sa ginagawa mo eh. May pagnanasa ka na sakin noh?” Sinabi niya yun ng hindi nakatingin sa akin. Patuloy pa rin siya sa pag-gagamot. Nilalagyan na niya ng cream yung sugat ko.

 

“Kapal mo. Hindi noh.”

 

“Makatitig kasi. Alam ko naman na gwapo ako eh. Wag ka ng mag-deny.” Arghhhhh. Dinidiinan niya yung paglagay ng cream sa sugat ko. Sinasadya niya! Bwisit ka Keith Ramirez!

 

“ARAY!!! ANO BA! OO NA GWAPO KA NA. AYOS KASI EH.”

 

“HAH! Nasabi mo din.” Nilagyan na niya ng white thingy at may tape na ewan yung sugat ko.

 

“Oh ayan na. Napakabait ko talaga! Thank you ko?” Sinabi ni Keith habang nagliligpit ng first-aid kit.

 

“Errr. Salamat. Eh yung sorry ko? ”

 

“Bat ako magso-sorry sa hindi ko naman kasalanan.” Tumayo siya at pumuntang ‘banyo’ ata yun, binalik niya yung first aid kit.

“K. Fine. Eh sinong gagawa nun?”  Tanong ko sakanya. Lumabas ulit siya ng banyo.

 

“Malay ko. Gusto mong alamin ko pa?”

 

“Wala akong sinasabi. Tse!” Napatingin ako sa gilid ng kama niya, mini table ata yun na may lamp at may 3 frames na nakapatong. Picture ng family niya, yung barkada niyang tatlo na si Khalyl, Louie at Aaron at yung isang picture… Ang sweet lang eh. Si Keith parang na-shock dun sa isang picture kasi kini-kiss siya nung cute na girl sa cheeks. So… is that his girlfriend? Oh. I see

 

“Is that your girlfriend?” Tinuro ko yung picture, pero bigla niya itinaob yung picture. Problema neto?

 

“None of your business.”

 

“Tignan mo ‘to, ansungit eh. Oh, sige na! Aalis na ako. Salamat ulit.” Tumayo na ako pero hinawakan niya ako sa braso para alalayan.

 

“Sigurado ka bang ok ka na?”

 

“Oo, ok na ako. Bitawan mo ko.”

“Ok. Ingat sa pagpasok. Late na late ka na. papasok ka pa rin? Dito ka na maglunch, kung gusto mo.”

 

“Ayoko, tyaka hindi ka na papasok? Tibay mo rin noh. WOW AH! KEITH RAMIREZ NAG-AAYANG DITO AKO MAG-LUNCH. Nilalagnat ka ba?” . Chineck ko yung orasan ko. 11:30am na!  >,< Hahabol pa rin ako sa afternoon class. Ambilis naman ng oras?

 

“Hindi na ako papasok, nakakawalang gana ikaw pa naman katabi ko. Ehem. Mabait naman talaga ako eh.”

 

“Ang kapal neto, parehas lang tayo na ayaw natin na katabi ang isa’t isa noh. Mabait ka jan. Baka mabait pag tulog. Psh. Babush!” Pa-ika ika pa rin ako maglakad, kahit na kaya ko na naman, di katulad kanina. Papunta na ako sa pintuan para buksan. Pagbukas ko…may tao.

 

“MOM! DAD! Kelan pa kayo dumating?” Bigla na lang sumulpot sa likuran ko si Keith sabay punta sa mga magulang niya.

 

 

O__________O

 

 

OHMYGOSH! SI MR. AND MRS RAMIREZ?  UUWI NA NGA AKO…ESTE PAPASOK BAKIT NAABUTAN KO PA SILA. NAKAKAHIYA! T________T

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH