Chapter 6

My Beautiful Nightmare

 

**Chapter 6**

 

Keith’s POV

 

Sira ulo talaga itong kapatid ko. Iinom-inom hindi naman pala kaya. Ang bigat pa. Nilapag ko na siya sa kama niya. Tapos pumunta na ako sa kwarto ko. Ang nakakabadtrip pa, nagkita na naman kami ni ‘Ms. Juice’. Kaibigan pa ng kapatid ko. Ang galing talaga. For sure, bad influence yun, kaya habang maaga pa lang pagsasabihan ko na ang nagiisang kapatid ko na babae na lumayo sakanya. She’s really annoying kung hindi lang siya maganda at babae nasapak ko na to eh. Wait. What? Tama ba ang sinabi ko? Maganda. Oo na. I can’t deny it, she’s kinda you-know-what kaso lang ang taray. Ehem**. Back to reality. SIYEMPRE HINDI KO MAKAKALIMUTAN NA NASA PARTY KAMI AT NA BINIGAY NIYA SAKIN YUNG BASO at NATAPUNAN AKO NG LECHENG JUICE NA YUN. SHE’S SO STUPID. HINDING HINDI KO SIYA MAPAPATAWAD. I will make her life miserable in S.M High! Oo, mababaw na kung mababaw.

 

Sa party, While I’m with a girl, flirting and I don’t even know kung sino itong ka-flirtan ko. I’m just bored. Let’s just say I’m having some fun. Si ‘Ms. Juice’ naman napatingin siya samin, habang loner siya dun sa table, si Ivy at yung isa niyang kaibigan, si Fatima ba yun? Ah basta nasa dance floor na sila. I smirked at her and she looked away. I guess, she’s annoyed that time. YUN NAMAN ANG GUSTO KONG GAWIN. ANG ASARIN SIYA. Psh.

 

Ako nga pala si Keith Ramirez. 18 years old. Parati nila akong napapagkamalang koreano dahil sa singkit kong mata. Pwes, mali sila. May isa akong kapatid na babae. Mas matanda ako sakanya, pangalan niya, Ivy. Magulang ko parating wala, gawa na din ng business namin. Kaya parati akong nasta-stock sa kapatid kong makulit.

 

Nung first day of school. Hindi ako pumasok dahil may hang-over ako. Parati naman akong lasing eh. Hindi pa rin kasi naaalis yung nararamdamang sakit sa puso ko at hindi ko siya maalis sa isipan ko kaya parati akong naglalasing. Tingin ko kasi nawawala kahit papano yung sakit kapag umiinom ako. Ang hirap magpanggap na ok ka. Sino siya? I don't even want to remember her name because she has no idea how bad she hurt me.

 

Nung second day na ako pumasok, kapag sinuswerte ka nga naman kaklase ko si 'Ms. Juice' at napalabas kami dahil sa sumisigaw siya, pabulong na nga ako nagsasalita eh. Hinatak ko siya sa may locker para sabihing nainis ako nung nangyari sa party at hindi pa kami tapos. Ano akala niya?! Ganun- ganun lang iyon? Hindi ko papalampasin ang ginawa niya. Pagkatapos ko siya sabihan, umuwi na ako kahit hindi pa tapos ang klase. I'm not in the mood para pumasok. Absent din ako ng wednesday to friday. Ayoko makita yung pagmumukha nung... babae na yun. Katabi ko pa siya. Pero wala pa rin at nakita ko siya kahapon sa party namin sa bar.

 

----

 

Saturday morning. Nag-breakfast kami ng kapatid kong makulit. Actually hindi na yun breakfast kasi 12nn na, lunch na dapat. Pagod ba naman kahapon eh, kaya late na kami nagising. Nakita ko si Ivy, nakaupo at nauna nang kumakain. Pababa na din ako ng hagdanan. Binatukan ko si siya at umupo na para kumain

 

"Hoy! Huwag ka ngang maglalasing kung hindi mo kaya! Ang bigat bigat mo pa!".

 

"Pake mo. Edi sana iniwan mo na lang ako sa bar para dun na lang ako natulog! Para hindi ka na naperwisyo! Psh!"

 

"Sa tingin mo iiwanan kita dun? Andaming lalaki dun, baka mapagtripan ka pa. Hindi ko yata hahayaan mapagtripan ang one and only pretty-annoying sister ko." Kinurot ko yung cheeks niya.

 

"ARAY! Weh. Alam mo ok na yung pretty eh. May 'ANNOYING' pa, hindi ba pwedeng wala na nun?"

 

"HINDI! At tyaka pwede ba, lumayo-layo ka sa bago mong kaibigan. Mahahawa ka sa pagka-stupid nung babaeng yun. Lalo na yung KAILA!"

 

"Huh? Anong KAILA?! BAKA LYKA!!! At sino ka para magdesisyon kung sino ang kakaibiganin ko at hindi? You have no right!"

 

"Ako lang naman ang gwapong mapagmalasakit sa kapatid ko! Nilalayo na nga kita sa kapahamakan, ayaw mo pa! "

 

"Yeah right. My handsome-stupid brother!" tumakbo na siya bigla papuntang kwarto niya, tapos na din siyang kumain.

 

"HOY~~~! BUMALIK KA DITO~!!" loko 'to ah. ㄱ___ㄱ

 

Wala na ring nangyari nung Saturday, bumalik lang ako sa pagtulog at ang sakit ng ulo ko. Hindi ko namalayan na hindi ako nakapag-dinner at paggising ko, Sunday na.

 

 

----

 

 

Sunday. Pumunta sila Louie, Khalyl at Aaron sa bahay. Parati silang tambay sa bahay. Pumupunta sila sa bahay para maglaro lang ng PS3. Samantalang meron naman silang sariling PS3. Pero iba din kasi kapag kaming apat ang magkakasama. Minsan, naglalaro lang kami ng basketball. Kaming apat, varsity sa school. At parati kaming champion. Ewan ko lang kung grumaduate na kami, wala nang magagaling na player na katulad namin. Mayabang ba? Nagsasabi lang ng totoo. Mag-champion pa rin kaya ang S.M High? Oh well, nevermind.

 

Nung na-bored na silang mag PS3, pumunta kami sa court malapit sa subdivision namin para mag-basketball. Ayos! Walang naglalaro kaya solo namin yung court. Magkakampi kami ni Khalyl. Si Louie at Aaron naman ang magkakampi. Pagkatapos, Panalo si Louie at Aaron. Lamang lang sila ng 2 points. Napagod na din kami at naglakad na papauwi ng bahay.

 

"Pare. Nung sa party, si Lyka yung nakatapon ng juice sayo diba? Yung kinaiinisan mo? Ayun siya oh." Tanong ni Aaron at tinuro niya si Lyka na nasa playground, may kasama siya. Yeah right. Bakit siya nandito? Sinusundan niya ba ako? Pffft.

 

"Aaron naman, bakit kailangan mong ipaalala ulit yung stupid na babae na yun, eh kakasabi ko pa lang nung friday na siya nga yung kwinento ko sainyo." Napatingin samin si Lyka, nag eye to eye contact kami. Nakangiti siya nun pero nung napatingin siya samin, yung mukha niya parang nakakita ng multo at nawala yung mga ngiti sa labi niya, tapos umiwas na din ng tingin at nang-irap pa. Akala ba niya siya lang ang naiinis? Ako rin kaya. Ayoko ngang makita yung mukha niya pero, nagkita na naman kami ngayon.

 

"WHAT? SI LYKA? SHE'S NICE, PARE. Teka bakit ngayon ko lang nalaman na siya pala yung kinwento mo? Why don't you just forget what happened that night. Just forgive her, Keith." Sabi ni Khalyl.

 

"Oo, busy ka kasi sa pambababae sa party eh, kaya kay Louie at Aaron ko lang nasabi nung nasa table sila. PAGBIGYAN? NO WAY!" Natawa na lang si Louie at  Aaron sa amin ni Khalyl.

 

"Tch. Nagsalita ang pinaka-babaero sa ating apat." Tumawa kaming apat. Pagkatapos nun, nagpaalam na sila at umuwi na din. Sinabi kong magdinner na lang sila sa bahay pero sabay sabay silang nagsabing hindi. Anong meron sa mga ‘to? Bahala na nga. Monday na naman bukas. Makikita ko na naman siya. Ano bang meron sa mundo? Bakit kailangan pa niyang mag-exist sa buhay ko? Nakakapagod na nga dadagdag pa siya. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH