Chapter 7

My Beautiful Nightmare

 

***Chapter 7***

 

"Revenge?"

 

Lyka's POV

 

*KRRRRRING*

 

Grrrr. Monday na naman. Nagwawala na naman ang alarm clock ko. Omg! Ngayon lang ako nagising, 8:00am na! 8:30am start ng klase. Patay na ako, tulog mantika kasi eh. Naligo na ako at nagtoothbrush, nagbihis na din. Nagmamadali na akong maglagay ng sapatos ko, biglang may nagtext sa cellphone ko.

 

'Nauna na ako. Pasensya ka na antagal mo kasi magising eh. Baliktad ata tayo ng sitwasyon ngayon. TULOG MANTIKA! haha

 

 

-Fatima'

 

Bwisit! Nang-iwan ba naman. Usually, hindi naman ako ganito eh, maaga parati akong nagigising pero bakit ganun? Dahil siguro sa asungot na yun. Nawawalan na ako ng ganang gumising ng maaga at pumasok kasi alam kong sirang sira na yun dahil sakanya.

 

 

Saturday, wala naman magandang nangyari dahil nakakulong lang ako sa kwarto nun medyo hindi rin ako nakahinga ng maayos dahil nung nangyari sa Friday at may hangover na din. Bwisit na asthma kasi 'to eh, kasalanan ko dahil napa-inom ako. Si Fatima, wala. Pumunta muna siya sa bahay nila kasi umuwi yung parents niya galing abroad. Umalis siya ng Saturday ng umaga. Nagpaalam naman siya sakin sa text at babalik siya ng gabi ng Sunday, dahil babalik din kagad yung parents niya sa abroad. Parents ko nasa Cebu, before ng start ng pasukan ko sila umalis, ewan ko kung kelan sila babalik. Napaka-busy ng parents namin oh, pero ok lang din kasi para sa amin naman yun eh.

 

Sunday was a bad day for me. Bakit ba ganito ah… lumabas lang ako at pumunta sa may park, doon sa may playground para magpahangin. Nakausap ko yung yaya ng kapitbahay namin na nandun din, sinasamahan niya yung alaga niyang kambal. At least may makaka-usap ako. Mahilig ako sa bata kaya nagpakilala ako sakanila. They’re so cute. Babae at lalaking kambal. Gosh! Kung pwede ko lang sila i-uwi sa bahay gagawin ko. Nakakwentuhan ko yung yaya nila…she’s nice. Nakipaglaro ako sa mga bata. Ang saya saya kong nakikipaglaro sa mga bata kaso, nag-iba na naman ang takbo ng buhay ko at biglang sumama dahil nakita ko si Keith, natanaw ko sila sa may court dahil malapit lang din yun. Inirapan ko nga. Kasama niya sila Louie. , nasa iisang village lang pala kami. Kaya hindi malabong magkita kami. Pati ba naman weekend siya makikita ko dito, pwede bang dun muna siya sa bahay nila at wag siyang lalabas? Naiirita ako.

 

---

 

Eto na, hingal na hingal ako dahil tinakbo ko yung school mula sa bahay namin dahil malapit nga lang. 8:27am! Ok pa yan, may tatlong minuto pa ako. Kapag siniswerte ka nga naman, 4th floor pa ang classroom ko. Hala! Sige takbo!!!!

 

 

Wow. Halos magkasabay kami ng teacher papasok ng classroom. Bubuksan ko na sana yung pinto kaso lang...pinigilan niya ako.

"Ms. Hernandez, where is your necktie?" Oh . Napahawak ako sa leeg ko.

 

"Sorry ma'am. I left it at home."

 

"Sino ba gumagamit nun? Bahay niyo? Let me just remind you na nasa section A* ka. Sige na pumasok ka na." Grabe naman ito nakalimutan lang yung necktie eh. Hindi ba pwedeng magkamali? Kaasar, kung maaga sana akong nagising walang problema.

 

Sabay kami pumasok ni Ms. Gonzales which is my advisor. Ganun pa din pagpasok ko maingay. I just wish na hindi pumasok yung 'Mr. Perfectionist' na yun, pero pagtingin ko sa side ng upuan ko, andun siya naka rest yung ulo niya sa desk niya. Anak ng tinapang tipaklong naman oh! Bakit?! Umupo na ako sa upuan ko. Si Louie nag-hi sa akin! Nginitian ko lang siya. Yun yun eh kahit papano nawawala pagka-badtrip ko.

 

Chineck lang ni Ms. Gonzales yung attendance at umalis na din. Dumating na yung teacher namin sa Math! Simula na para paganahin ang utak. Ayun... buong First to third period, tulog lang itong nasa right side ko. Ang galing talaga niya oh. After ng klase ng 1st-3rd period, break na! Aba! Nakaramdam ang mokong, nagising na! Hinila ko na si Fatima papalabas at ayokong makita ako ni Keith.

 

"Anong problema mo?" Tanong ni Fatima. Naglalakad kami papuntang locker at may kukunin ako.

 

"Sino ba sa tingin mo?"

 

"Ah... Yung kuya ni Ivy, hindi pa rin kayo ayos?"

"Tumpak! I don't wanna see his face. Ano ka ba?! Never noh! Hindi siya marunong magpatawad."

 

"Psh. Teka. Anong ginagawa natin dito, dun yung canteen sa baba."

 

"May kukunin lang ako sa locker ko."

 

"Ok. Fine."

 

Nakarating na kami sa locker room. Pagbukas ko ng locker ko...

 

 

WAHHHHHHHHHHH!

 

 

"What the hell! Problema mo?" Tanong ni Fatima. NAPASIGAW LANG NAMAN AKO DAHIL YUNG LOCKER KO… GUESS WHAT?!!!!!!!!! PUNUMPUNO NG BATO. ABNORMAL LANG ANG GAGAWA NETO. TANGKAIN DAW BANG BUKSAN ANG LOCKER KO? Wala akong pakelam sumigaw kahit na nagtitinginan na yung mga tao sakin.

 

"Fatima! Tignan mo nga 'to! Try mo lang kung hindi ka mapasigaw."

 

"HAHAHAHAHAH! Mukhang kilala ko na kung sino yung naglagay niyan. Ang galing niya mag-revenge." Tumatawa pa siya.

 

"I can't believe it, anong nakakatawa para tawanan mo 'to?"

 

"It is funny. Ang cute niyo kasi eh." Huh? Anong cute? Baka mabali ko buto nito eh.

 

"Just leave me alone."

 

"Biro lang. Tulungan na kitang magtanggal ng bato." May malapit na basurahan dun kaya nilagay namin yung mga bato. Enfairness, ang bibigat ha.

 

AT ISANG TAO LANG NAMAN ANG ALAM KONG GAGAWA NUN SAKIN. TAO NGA BA SIYA O MONSTER SA PANAGINIP NA 'TO O KAYA NAMAN ALIEN? ANAK NG TINAPANG TIPAKLONG! SINO PA BA?! EH DI SI KEITH RAMIREZ! GRRRRR.

 

Pagkatapos namin magtanggal ng bato, nagpunta kami sa c.r para maghugas ng kamay. Pagkatapos nun…pumunta kami sa garden para dun kumain. May baon akong pagkain, binigay ko kay Fatima para hindi na siya pumunta ng canteen, dahil panigurado andun si Keith! Nawalan na din kasi ako ng gana.

 

"Nakita mo ba si Ivy?" Tinanong ni Fatima.

 

 

"Magkasama tayo pano ko malalaman?"

 

"Pasensya ah. Nagtatanong lang. Sungit mo!" Masungit talaga ako ngayon.

 

"Teka! Sino nga pala yung naghatid sa atin nung Friday. Wala akong maalala. At tyaka pano ako nakarating sa kwarto? Binuhat mo ako?"

 

"Si Louie nagdrive, kasama din si Aaron at Khalyl. Nalasing kasi kayo ni Ivy. Kaya hindi na tayo nahatid ni Ivy nun, tapos binuhat ka lang naman ni Khalyl papuntang kwarto mo, at hindi ako yun." Nabilaukan ang lola mo.

 

"MWORAGO? JINJJA?" Korean: (mworago=what?) (jinjja=really)

 

"Oo noh! Nagmagandang loob siya kaya be nice to him!"

 

"No way!"

 

"Yes way!"

 

---

 

Nagring na yung bell. Tapos na ang break, makikita ko na naman si Keith! Dali-dali kami umakyat papuntang classroom. Pagpasok ko sa classroom, aba! Abot tenga ang ngiti ni Keith. Batukan ko kaya siya? One time lang. Kaasar eh. Pumunta na ako sa upuan ko.

 

“So, nagustuhan mo ba yung regalo ko?” Sinabi ni Keith yun nang naka lean sa desk ko. And we’re so close to each other. Pang-asar oh.

 

“OO! SALAMAT HA? NA-APPRECIATE KO NG SOBRAAAAA! Pwede bang umalis ka na sa desk ko.” Anak nang, wala na ‘to, narinig na nang buong klase at takang taka sila sa amin. Kung alam lang nila kung anong klaseng regalo yun.

 

“You’re welcome. Ayoko nga.” Ang kulit nito ah.

 

“Ehem. Pwede bang sa labas na kayo maglambingan at magsisimula na yung klase ko.” Napa-alis na siya sa desk ko, kasi nan diyan na pala si Ms. Gonzales teacher namin siya sa Physics at advisor din...

 

Akalain niyong may 'last warning' ako at napalabas ako ng classroom sa kadahilanang nahuli ako ng teacher na sasaksakin ko si Keith ng ballpen. Pano ba naman nagsumbong siya sa teacher at ako naman eh kuhang-kuha sa akto. Kung ano ano kasi yung pinagagagawa niya sa akin habang nakatalikod yung teacher. Lahat ng papel niya na lukot lukot shinu-shoot niya sa bag ko. Trip niya? Ano tingin niya sa bag ko trashcan? Magdadahilan na sana ako kaso hindi ako pinagsalita. Eto namang ibang babae naririnig kong ‘Bago pa lang, na.’ ‘Kapal ng mukha, saksakin daw ba si Keith ng ballpen?’ NAKO PO PATAWARIN NIYO AKO BAKA KAYO MASAKSAK KO NG DI-ORAS. NI-HINDI NGA NILA ALAM YUNG GINAGAWA SAKIN NI KEITH. GRRRRR.

 

Ilang-saglit lang pinuntahan ako sa labas ni Ms. Gonzales para kausapin.

 “Ms. Hernandez, first incomplete uniform ka. Ngayon naman balak mong saksakin si Keith ng ballpen.”

 

"Ma'am kasi kung alam niyo lang po ang pinagagagawa niya—tignan niyo pa yung bag ko--"

 

"Enough, Ms. Hernandez. Ayokong mauulit 'to. Hindi naman dapat umabot na sasaktan mo si Keith diba. This is your last warning, kung hindi may punishment na. Baka malipat ka sa section A, or kung ano mang punishment yun."  WTF? Anong klase siyang adviser? Bakit ayaw niyang pakinggan ang side ko?

 

"I would love to." sinabi ko ng mahina. Yun naman pala eh may paraan para malayo ako kay Keith. Pero section A* is better than A! Kailangan wag akong magpa-apekto.

 

"Pardon? Ok. Ayokong malipat ka sa section A o kahit sino pa man sa A*. Gusto ko kumpleto ang A* ko. Kaya please lang. Behave."

 

"I'm always behave ma'am. Ok po." Hala! ANG BAIT BAIT KO NGA NA ESTUDYANTE EH KASO SINISIRA LANG NI KEITH ANG REPUTASYON KO. >,< Pinapasok na niya ako pagkatapos nun. As usal nagtitinginan na naman sila at talagang tinutunaw ko si Keith sa aking nag-aapoy na tingin, sobrang sama talaga ng tingin ko sakanya. After ng isa pang klase, lunch na.

 

Pumunta kami sa canteen nun. Bumili ng pagkain. At siyempre magkakasama si Keith at yung barkada niya sa canteen, andun pa nga si Ivy eh. Kaso bigla siyang tumayo para yayain kaming umupo dun. Pero hindi kami pumayag ni Fatima. Na-uhh... NEVER! Mawawalan lang ako ng gana, alam ko naman na ganun din si Fatima. Pero nung paalis na kami sa canteen bigla na lang may sumigaw kaya napalingon kami. 'Fatima! You owe me something! Don't you forget that!' Si Khalyl pala, kumindat pa siya kay Fat. Eto naman si Fatima nag 'Hmmmph' lang. Sa garden kami kumain, no choice si Ivy kaya sumama na rin siya sa amin.

 

"Guess what, kung ano naman ang kalokohang ginawa ng kuya mo sa akin." Sinabi ko habang sumubo ako ng kanin. "Hahah. I heard na nilagyan niya ng bato yung locker mo. Naku! Pasensya ka na sa napaka-childish kong kuya hah." sabi ni Ivy.

 

"Walang pasensya pasensya. Napupuno na ako sa kuya mo." Tumawa lang si Ivy.

 

"Pasensya din pala at hindi ko kayo nahatid nung Friday! Pero buti na lang anjan si kuya Louie, Aaron at Khalyl para ihatid kayo."

 

"Wala yun. Oks na oks lang kami." Sabi ni Fatima.

 

"Oks na oks daw eh, isa ka ring nalasing! Si Khalyl tuloy--" Sinabi ko yun pero pinutol na ni Fat. At siyempre nagtataka si Ivy kaya kinwento ko na si Khalyl yung nagbuhat kay Fatima sa kwarto niya.

 

"FYI. Hindi ko kailangan ng tulong niya noh. Tyaka siya yung nag-presenta diba? So, I don't owe him anything."

 

"Pero kahit na, nangyari na eh. Mag-thank you ka man lang, ate." Sabi ni Ivy. Kaya nag-nod ako kasi may point naman talaga siya eh.

 

 

"Whatever!" Yan lang ang tanging nasabi ni Fatima. Aish~!

 

Hanggang sa nag-ring na yung bell, kailangan na namin bumalik para sa afternoon class. And then, umuwi na rin. Hindi na ako nagdinner. Diretso sa kwarto, napagod ako sa mga kalokohang ginagawa ni Keith, pinagtatanggal ko yung papel sa bag ko na nilagay niya, may mga nakasulat pa pala dun. Ang sabi ay, 'Forever Clumsy' 'Hindi kita mapapatawad' 'Ms. Juice! I FREAKN HATE YOU!' 'Akala mo tapos na tayo? Akala mo lang yun!' GRRRRR! GINAGAWA NIYANG MISERABLE BUHAY KO. AYOKO NG GANITO. Matutulog na sana ako nun, biglang may nag-text sa cellphone ko. Sino naman yun?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH