Three

The Story Of Us
Please Subscribe to read the full chapter

Kahit halatang mabigat ang atmospera sa loob ng unit, ay hindi sila umarte base sa kanilang nararamdaman dahil wala namang maidudulot itong maganda. Lalo na si Jessica na pinipilit ang sarili na umasta nang normal kahit ba ubod ang inis na kaniyang nararamdaman sa kasalukuyan.  


Nakipagkwentuhan na lang muna sina Sunny at Hyoyeon kina Tiffany at Taeyeon sa sala habang sina Jessica at Taecyeon ay naiwan sa may kusina. Laking ginhawa para kay Jessica dahil hindi kinuwestyon ng kaniyang nobyo kung bakit hindi siya nakikihalubilo sa kaniyang mga kaibigan dahil hindi siya handang magtapat at magsabi nang totoo. Tingin niya ay hindi ngayon ang tamang oras para malaman ni Taecyeon ang tungkol sa kaniyang nakaraan. 


Hindi nagtagal ay nakatanggap na ng mensahe si Sunny mula kay Sooyoung na sila'y nalalapit na sa condo unit kaya naman lahat sila ay naghanda na para sorpresahin ito. 


“Oh, dali na. Paakyat na 'yon!” sigaw ni Hyoyeon kay Taecyeon dahil siya ang magpapaputok ng binili nilang party poppers. 


At ilang sandali lamang ay...


“Happy birthday, Yoona!” sigaw ng lahat pagpasok nina Yoona at Sooyoung sa condo unit. 


“Sabi ko na eh!” sambit ni Yoona bago ihipan ang kandila ng cake na hawak ni Sunny. “Thank you, guys. Kayo talaga, nag-abala pa kayo.” nagkunwari itong naiiyak kahit alam naman talaga niyang may ihinanda ang mga kaibigan niya.


“Shala mo, teh. In-expect mo 'to 'no? Aminin mo.” sabat ni Hyoyeon na ikinatuwa ng lahat. 


“Medyo.” sagot ni Yoona na lalong nagpalakas ng tawanan. 


“Uy, gago. Nagulat ako.” bigla namang sabi ni Sooyoung na napahawak sa dibdib nang makita si Taeyeon sa likod ni Tiffany. “Nandito ka pala, hindi ka nagsasalita.” 


“Hala, hindi ko kayo napansin agad!” laking gulat ni Yoona nang makita ang dalawang pamilyar na mukha na matagal na nilang hindi nakikita. Agad niya namang binigyan ng mahigpit na yakap ang dalawa. “Gagi, seryoso. Nakafocus kasi ako sa cake.” pagtatapat niya na ikinatuwa nilang muli. Hanggang ngayon ay pagkain pa rin ang mainit sa mga mata ni Yoona.


“Gulat ka ba?” tanong ni Taeyeon na hinawi ang buhok na nasa harapan ni Yoona. “Ganda mo ah.” 


“Sus! Nambola pa.” sila'y nagtawanan na para bang nagbalik lahat sa dati. “Musta naman kayo? Staying strong kayong dalawa ah.” pang-aasar nito.


“Okay lang. We're happy.” sagot ni Tiffany na muntik nang maging dahilan ng pag-irap ni Jessica na palihim nakikinig sa kanilang usapan kung hindi niya lamang pinigilan ang kaniyang sarili. “Na-miss kita.” dagdag pa nito at muling niyakap si Yoona. 


Habang nagkukumustahan ang tatlo, sumingit naman si Sooyoung na hapit na hapit nang kumain. “Huy, tara na! Kain na tayo.” 


“Ito talaga patay gutom eh.” komento ni Hyoyeon sa gilid habang nakaturo kay Sooyoung. 


“Nagutom ako sa byahe 'no.” sagot naman ni Sooyoung. 


Maya-maya rin ay nagsimula na silang magsikain at ayusin ang karaoke sa may sala para magkantahan. Hindi nila ito gaanong nilakasan gaya ng ihiniling ni Jessica dahil baka raw maireklamo sila. 


“Oh, sisimulan ko na. Walang aarte rito, lahat dapat kumanta.” pagsisimula ni Sooyoung dahil siya ang may pinakamalakas na loob sa mga ganitong bagay kahit ba na hindi kagandahan ang kaniyang boses. 


Siya naman ay sinuportahan ng mga kaibigan simula nang kumanta kaya naman para bang mga hayop ito na galing sa gubat. “Ganyan sila mag bonding. Sa pag-iingay.” banat ni Jessica kay Sunny sa kaniyang tabi. Gusto niya lamang sanang makipagtawanan ngunit dahil alam ni Sunny ang tunay na nararamdaman ni Jessica sa kasalukuyan, hindi niya pinansin ang sinabi ni Jessica at kinumusta na lamang ito.


“Okay ka lang?” 


“'Yan na naman?” tanong pabalik ni Jessica dahil ang mga salitang 'yon din mismo ang narinig niya sa bibig ni Sunny no'ng nakaraan lamang.


“Inaalala lang kita.” mahinang pagbanggit nito sabay inom ng softdrinks. “Alam kong nagulat ka kanina, nakita ko 'yung hitsura mo.” 


Hindi agad nakapagsalita si Jessica dahil alam niyang totoo ang mga binitawang salita ni Sunny. “Wala naman tayong magagawa. Nandiyan na eh.” pagbibiro niya na may halong sarkastikong tawa. “Pero grabe 'no? Talagang dinala pa rito. Ang kapal lang.” 


“Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip niya.” sagot ni Sunny na tinutukoy si Tiffany. “Hindi man lang nagsabi sa'tin.” 


“Fineflex niya 'yung inagaw niya, 'wag kang magulo.” sarkastikong komento ni Jessica na pagkatapos ay tumawa ngunit alam ni Sunny na apektado pa rin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lemonsjuice4
Leave comments po please😅

Comments

You must be logged in to comment
IcePrinceTabbie
#1
Chapter 3: Pvtangina kinikilig ako sa titigan nilang dalawa pero pvtangina bih!! Ang bilis din nawala dahil kay Tiffany!! Gusto kong sumabog, gusto ko magsabi ng mga masasamang words 🤬🥲😂 hahahaha kuhang kuha ni ate mo yung inis ko! Ka stress!! Isa pa to si Taeyeon! Sarap konyatan! Nasa kama na bumaba pa sa sahig🤦🏻 ewan ko na sayo.
Kung ako kay Jessica isstory time ko to sa tiktok eh ng pag pyestahan sila ng mga bashers 😂 shuta talaga.
fluffy77 #2
Chapter 3: Can't wait for the next chapter. I wanna know what happened between the three
Tiktokrome #3
Im so hooked patient waiting kapatd sa next chapss
IcePrinceTabbie
#4
Chapter 2: Taeyeon ayusin mo to!!!!!
IcePrinceTabbie
#5
Chapter 2: Grabe grabe! Kala mo talaga sya may ari ng condo... Gigil din ako bih! Dracarys! Luuh!hahahaha sarap pabugahan ng apoy sa mga dragon
IcePrinceTabbie
#6
Chapter 1: At ang bichesa ng entrance ni ate mo Tipani! Nangangamoy red flag agad hahahaha
IcePrinceTabbie
#7
Chapter 1: Bakeet muna mga beh??
Taeyeon umayos ka! Pag eto cheating.. nako talaga! Di ko alam kung pano kita ipagttanggol
Tiktokrome #8
Chapter 2: pleaseeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee another chapter nkakabitin!!!!
IceIceBabyTooCold #9
Excited for the next chapter🤯 ang sakit agad ng salubong ng taengsic