Pangalawa

It Started with a Scam

Taeyeon

 

"Sino?" Pagtatanong nya
kailangan ba talaga naming gawing topic yung hinayupak na yun... ehh nang iinit agad yung ulo ko pag naririnig ko palang yung pangalan nya.

"Sunoo" simangot ko 

"Daming Sunoo sa Mundo " singhal nya

"Kim Sunoo" napakuyom ulet ako ng kamao

"May picture ka?"  seryoso ba sya? bat naman ako magtatago ng picture ng taong kinamumuhian ko , commonsense left the earth oi.

"Tingin mo ba meron ako?" nilisikan ko sya ng mata.

"Paano ko malalaman kung anong pagmumukha nya?, gusto mo ba Scammin ko lahat ng Kim Sunoo sa Mundo? baka abutin tayo ng 10 taon " reklamo nya at tingin saken , pero napangisi sya after nya ako ulet tingnan.
"Naks naman... galit ka?" nag eyeroll lang ako at di ko sya sinagot , obvious naman na galit ako.

"ganda ng chicks  ...ano fb name mo?" banggit ng lalaki na huminto sa harap , tiingnan ako mula paa hanggang dibdib ng medyo matagal.
 

"Aba Bastos toh!  Gusto mo mahampas kita nito?"

Kinuha ko yung sapatos ko at sugurin yung bastos na lalaki pero hinawakan nung Scammer yung tela ng damit na parte sa batok ko para pigilan ako, at hayun nagtagumpay sya.

"Bro. Alis na ...Mainit ulo ng dragon" banggit niya, tama ba yung narinig ko?

"Panget mo and flat chested" at alis ng lalaki.aba gago yun ahhh

"Hoy! Chill ka nga" at bitaw saken

"Kasalanan mo to Scammer"  crossaarms ko habang nakasimangot.

"at naging kasalanan ko pa talaga" at sigh nya muna bago pa sya nagsalitang muli.

"Tara na"

"saan tayo punta? " tanong ko

"edi kay Sunoo"

"Ayaw konga ...i send ko nalang sayo yung address!" lumayo ako " Oh asan ka pupunta?" susundan nya sana ako kaso pinahinto ko sya at kinuha kona  sa bag yung cellphone ko at sinend sa kanya yung location ng work place ng Animal, tiningnan nya naman yung message na sinend ko sa kanya bago nya ibinalik sa bulsa ng maong nya yung cellphone.
 

" Kaya mona yan ,malaki kana" at thumbs up ko sa kanya pero hinawakan nanaman nya yung tela ng damit ko na nasa batok " Hoy! bitaw" singhal ko sa kanya.
 

"Anong hindi ka sasama? di ko kilala yun " at hila nya saken na parang sakong bigas , wala na akong magagawa dahil makikita ko naman yung animal na yun ,sana di ko mabato ang mahawakan ko mamaya , at kumawala ako ng akmang papapasukin na nya ako sa sasakyan nya.
"Anong ginagawa mo?" asar nyang tanong


"di ako sasabay sayo?baka nasa loob yung deadly weapon mo noh!" crossed arms ko ulet.
 

"Hoy babae scammer lang ako...di ako killer"
 

"naninigurado lang ako noh" naglakad na ako palayo sa kanya , nag abang ng Jeep  at sumabit ng may huminto kasi x50 akong taghirap ngayon.
 

--------
Tatawid sana kami ng makita kong lumabas yung hayop na yun mula sa labas ng isang lending company.kaya nagtago ako sa may tabi nang sasakyan ng scammer at ilang saglit ay sinundan ako sa pwesto ko.


"Hmmm.mukhang bata...jinowa mo Anteh" napatingin ako sa Scammer na may expression ng malaking question mark dahil wala akong binanggit sa kanya na ex jowa ko yang animal and nahalata nya ata kaya nagsalita syang muli.
 

"madali kang basahin kaya wag kana magtaka" at pitik nya sa noo ko " aray ahh" at tingin ko ulet sa Animal , may lumabas na babaeng na nasa 50's na lumapit sa kanya at niyakap sya.

"Ohhhh sugar mommy nya pala yan"banggit nya na mukhang gulat.

"apaka unfair talaga ohhh habang ako naghihirap dahil sayo, tapos ikaw nagpapakasaya kasama ang sugar Mommy mo " bulong ko habang naging x70 na yung galit ko. ... tatayo na sana ako ngunit pinigilan ako nung Scammer

 

"Gago,wag kang gumawa ng eksena dito " at sinunod ko naman sya , tama wag dapat di gumawa ng eksena kasi sya na gagawa ng paghihiganti ko kaya chill na Taeng at napa tango ako
sumakay na yung babae sa isang white car. napatalikod naman ang Gago habang may kausap sa cellphone nya.

 

napangisi ako habang tinanggal yung sapatos ko sa may kanan, tumayo , saktong walang sasakyan at ibinato yung sapatos at natamaan sya sa may ulo.
napaupo ako bigla ng tumalikod ang Gago.


"sabi ko wag kang gumawa ng eksena... ohh yan tatawid na" bigla akong kinabahan ng marinig ko yun.
"anong gagawin ko?" at nag panic ako ng 30%


" oh swerte mo may tunawag sa kanya galing sa loob" nawala nung marinig ko ito mula sa scammer kaya napa hinga ako ng maluwag.


"yung sapatos ko?" tanong ko

"dinala nya sa loob, Cinderella" at ngisi nya. napansin kong ang gwapo ng ngising yun pero kalimutan mo yan Taeyeon kay Scammer yan.

 

"Tara"nabaling ko ang atensyon ko sa kanya ulet ng magsalita sya.

"Saan?" tanong ko

"Basta" tingin nya naman sasama ako sa kanya....  never.

"sakay kana" at bukas nya sa reardoor ng sasakyan  " di ako sasakay noh! di naman tayo friend and tyaka nag iingat ako" simangot ko habang nakaupo

 

"talaga? andyan na sya" agad akong gumapang papasok sa loob , wapakels kahit madumihan ako.. napatawa naman sya habang sinara yung rear door. "Gago toh" simangit ko

pumasok sya sa loob ng sasakyan at inistart na nya ..ilang saglit ay pinaandar  na nya yung sasakyan
.
 



"Di ako umiinom" pagsisinungaling ko sa kanya kasi nakalaan na yung pera ko sa utang na binabayaran ko kaya huminto ako sa labas ng Restobar.
 

"Libre ko to" ngisi nya saken ..at agad akong naglakad papasok ng restobar ng nakangiti at umupo sa bet kong available na pwesto, ilang saglit ay nakita ko na din sya at umupo sa may tapat ko habang sinabi ang salitang ang bilis ko.

"Syempre, favorite words ko yan" ngiti ko paden.


"I see "sabi nya nang nakangiti din. ilang saglit ay may lumapit na babaeng waiter para kunin yung order namen. wala syang nagawa sa order kong sampung beer dahil hayok na hayok na din ako sa beer, imagine 8 months na din akong walang beer sa systema.
nag order naman sya ng sisig pang pulutan at fried chicken.

---------

"Hoy hinayhinay lang sa alak"  pero di ko sya sinunod kasi di ko sya Mama.
 

"Apaka Gago talaga ng Animal na yun!!!!" at hagulgol ko pagkatapos tungga ko ulet.

"wag kang humagulgol dito" asar nyang banggit


 

"Bat ang tigas ng higaan ko?" reklamo ko habang nakapikit , gumalaw ako para magchange position at napaisip kung bakit matigas at malamig ang higaan ko ehhh malambot naman ang kama na hinihigaan ko sa bahay.


lipat ko ulet ng position sa pagkahiga nang  maramdaman ko na yung bagsik ng hangover. "Pak saket"reklamo ko at ginalaw ko yung katawan ko para umupo pero may nasagi yung ulo ko na matigas .


"Agay!" at hawak ko sa ulo ko na natamaan ng matigas na something .. idinilat ko ang aking mga mata at nakita yung bagay na tumama sa ulo ko , isang puting inidoro" teka puting inidoro?" at iginala ko ang ang mata para masuri ang paligid at napagtanto ko na nasa kubeta ako.


"Pakshiit! anong nangyayari , bat nasa cr ako?"


"at kaninong cr to?" sunod sunod na tanong ko.
napatingin ako sa may pinto ng marinig na bumukas ito at nakita ko yung Scammer nakatayo habang naka crossedarms "Buti gising kana" sabi nya with bored expression.


TBC.

Kitakits sa Next Chapter hihi.





 



 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
xlmrclnsmnpk 24 streak #1
I hope you get a lot of subscribers, readers, and commentators! I would love to read this but too bad I cannot read tagalog.