Pang apat

It Started with a Scam

 


"May naisip kanabang gagawin para matuon sayo atensyon ni Sunoo?" tanong ni Scammer habang may tinatype sa cellphone nya.
"kahit ganun yun. alam ko na ayaw nya makakita ng babae na nasasaktan physically.kaya papakita ko na may pasa ako sa tabi ng lip ko" at napatango sya bago muling nagsalita
"may naisip ako mas better"

------
-Dumaan si Tita Yukie sa Harap ni Sunoo at nadapa. need makita ni Sunoo na sira yung isang pair ng sandal ni Tita.
-Pag napansin at nakipag usap si Tita, need nyang ipakita yung expensive brands nya and maging friendly , flirt kay Sunoo.
-Pag may kausap na si Tita sa Phone ,wait ng 12 mins, bago pumasok  sa eksena si Taeyeon upang manggulo sa dalawa hanggang sa pumasok na sila sa hotel room ni Sunoo and Sugar Mommy nya.


Naexecute ng perfect ni Tita ang umpisa ng Plano and ang ganda ng salo ng Animal pang Romance drama ang datingan kaya bigla akong nakaramdam ng inis sa  kanya kaya napakuyom nanaman ako ng kamao.pero ang galing ni Tita, galing umacting. ilang saglit ng pag uusap nila ay may kausap si Tita sa phone.
"punta kana doon" at tulak sakin ng scammer ng mahina sa likod ng lumipas na ang 12 mins., Pak heto na, huminga muna ako ng malalim , nag rerelax para di ko masapak yung animal pag nalapitan ko.

 napansin nya agad ako at nilapitan, Goods yan at kilala mopadin ako hanggang ngayon.
"Sunoo"banggit ko ng pangalan nya na may halong lungkot.
"Taeyeon?"
"Sunoo,di ko na alam kung sinong lalapitan ko"acting ko na mangiyak ngiyak na habang inalis yung sunglasses na suot ko.
magkahalong gulat at concern ang expression nya ngayon  di tulad ng isang taong gumawa nito na halos mamatay na sa katatawa habang pinapahidan ng make up yung dalawang parteng mata ko.
"sinong gumawa nyan?" pagalit nyang tanong. infairness ganun padin sya pero di na ako mahuhulog dyan , never again.
"yung...yung boyfriend ko nung nalaman nyang mahal padin kita" yuck!!!! gusto ko masuka sa sinasabi ko kung di lang to parte ng plano.
pero nawala yung pag aalala at napalitan to ng pagkunot ng noo na pinagtataka ko.
"ano to?"  pinahid nya sa thumb nya yung tumutulo kong luha at pinakita saaken yung makeup na nasama sa luha ko... dahil dyan umurong ang luha ko. Pak ano ba yan... di sinabing hindi water base yung make up na pinahid nya.Bwisit ka talaga Scammer ka.
"aahh eeeehh" sumimangot sya muna bago tumalikod at naglakad pabalik kay Tita pero bigla kong niyakap sya mula sa likod habang sinasadyang ipahid yung makeup sa likod nya habang nagsusumamo ako  pero ginamit nya yung dalawa nyang kamay para bumitaw ako ngunit akoy maagap kaya sa right leg nya ako kumapit habang umaakting na umiiyak habang sinasadya kong ipunas muli yung make up ko.
"Sunoooo....mahal na mahal kita" 
"Taeng...bitaw ka nga!"pagalit habang pinapaalis ako
"ayaw ko!!! bumalik kana saaken.. kahit ubusin mo pa lahat ng laman ng savings ko Sunnoo...kukunin ko yung atm ko balik kana Please" 
"Tama na Taeng" at pinipilit nya padin alisin yung kamay ko sa binti nya
"Sunooo huhuhuhu" at may dumating na guard 
"pakialis sya" 
"yes sir" at kuha saken "Sunooooo" hiyaw ko habang hinihila ako ng guard palayo kay Sunoo.

 

habang nakatayo sa labas ng hotel ay nakareceive ako ng text message galing kay Scammer kung saan yung location nila Tita ngayon.
pagpasok ko dumiretso ako agad sa location at tumakbo papalapit kay sunoo na parang isang die hard Fan.

"Sunoooo! Sige na bumalik kana saken Pleaseeee"
"Sunooo kailangan mo ba ng kidney? ibibigay ko yung 2 ko huhuhu "
"Taeng Tama na Please!"
at ilang beses akong pabalik balik at hinila ng guard palayo sa Animal.
at nasobrahan na yung guard sa pagtulak saken sa labas ng hotel dahil masakit sa parteng pwet yung pagtama ko sa floor.
"grabe ka naman Kuya!"reklamo ko habang hinihimas yung pwetan ko
"Miss, pagod na ako kakakaladkad sayo ano ba?! ..ayaw na sayo ng tao kaya move on kana" 
"Ou na" simangot ko sa guard at tumalikod dahil narinig ko yung messsage tone ng cellphone ko kaya agad ko yun gi check 
at naglakad na ako papaalis.

"Di kana babalik?"napahinto ako at  humarap sa guard "move on nako" simangot ko 
"bilis ah" gusto nya ata ako bumalik sa loob. well kotang kota na ako sa kahihiyan for todays video.
"na realized ko na di pala sya worth it"  at diretso kona sa parkinglot para puntahan yung sasakyan ng Scammer and maghihintay sa text message ng Scammer.
habang naghihintay sa loob ng sasakyan ay naghahanap ako ng wet tissue sa sasakyan ngunit ang nahanap ko lang ay isang sun glasses,sakto nadin to kasi nawala ko yung akin kanina.
"hindi naman siguro nya ito mamasamain" at suot ko na. pagkatapos ay napatingin ako sa may baba 
at napansin na napunit yung parteng left side ng pantalon ko. Tatahiin konalang to mamaya.

Nag aalala ako ng lumipas ang 20 mins. ngunit di pa sila nagpaparamdam at naisipan ko na papasukin ko na sila sa loob subalit nawala ang pag aalala, kaba at takot ko ng maka receive ako ng message ng Scammer.
pinaandar ko na yung sasakyan hanggang sa makarating sa entrance ng hotel. 

nakita ko si Tita ,yung hayop at Scammer na nag aabang.  lumapit silang dalawa at binuksan ng Scammer yung door ,pero napahinto si Tita ng hawakan sya sa left hand nung Animal at kiniss sya sa cheek bago nagpaalam yung Animal ,pumasok na si Tita at Scammer tyaka pinaandar kona agad dahil na hihighblood na ako.

"Ano bayan! apaka landi nung Sunoo na yun"banas ni Tita. di ko man sya tingnan ay alam ko yung expression nya ngayon.
"nakakataas ng balahibo... first meet palang balak na ako dalhin sa heaven, di man lang nag hulos dili...buti kumatok agad itong batang to..Naku Taeng dahil ba sa the moves na yun ng batang yun kaya ka nailnlove? sinasabi ko sayo kukurutin kita sa singit pag first date palang ibinigay mo na ang bataan" biglang uminit ang pisngi ko , Pak! naman sana di nila makita mula sa rearview mirror.
"Hinndii poowh ,Titaa!"nag buckle ako...taeng bakit ba di ka magaling magsinungaling pag dating kay Tita Yukie?sana di nila mahalata.
rinig kong tumatawa yung Scammer.
"anong Funny, Chan-Chan?" yan sungitan mo sya Tita..pero nickname basis na sila, wow close na ba kayo agad?
"kung alam mo lang Tita Yukie" nagnakaw ako ng tingin sa rearview mirror at namataan ko na nakasilip sya at nakangiting nakakaloko. bigla akong kinabahan
"anong ibig mong sabihin?"
"madami syang nakwento saken nung isang araw" teka isang araw? wala akong maalala ..oh baka nung nalasing ako. Taeng wag kanang uminom ng alak kailanman tandaan mo yan.
bigla kong hininto yung sasakyan at tiningnan sila sa likod dahil ayaw ko na may ikwentong kababalaghan ito kay Tita.
"pagod na ako, ikaw na mag drive Scammer" itinaas ko yung glasses at tiningnan ko sya ng masama.


Habang nakahiga sa higaan ko ay napatingin ako sa may kisame ng kwarto.
"bakit di ako makatulog?" tanong ko at pagtataka dahil dati ay mahiga lang ako ay tulog na ako agad. may nag iisip ba saken?Pak magpatulog ka naman.
at natuon ang atensyon ko sa cellphone ko nang marinig ko na tumutunog yung ringtone ko at abot ko sa cellphone ko sa may parteng leftside ng kama upang tingnan kung sino ang tumatawag saken ng gantong oras.
"Scammer?" banggit ko sa pangalan na naka flash sa screen bago ko sinagot yung call.
"Hello"pag uumpisa ko
"labas ka sa lungga mo dali"pautos nya
"Scammer,12:22 am na... ano ba meron?"pagrereklamo ko habang sinusubukang umupo sa kama.
at may narinig akong kumakatok sa pinto " maghintay ka huy, wag mo sirain yung pinto " at lumabas ako sa kwarto upang  pumunta sa may pinto kung saan nanggagaling yung tunog.
pagbukas ko sa pinto ay nakita ko syang nakatayo , nakasuot sya ng itim na hoodie
"bat ang tagal mong buksan?" reklamo nya
ipinasok ko yung cellphone sa bulsa bago ako nagsalita
"bat ka kasi andito?" reklamo ko din at di na sya nagsalita at hinawakan nya yung right arm ko at hinila hanggang sa makalabas ako sa pinto at isinara nya. kumawala naman ako sa pagkawak nya agad.
"tara"
"saan? at sinabi ko bang sasama ako"pagsusungit ko habang naka pamewang.

nakaupo ako sa malamig na semento ng boulevard na malapit saamin habang inuubos yung inorder kong na barbaeque habang kinoconfirm sa sarili na 100% dead hungry ako. nang mapainom ako ng softdrink mula sa bote ay napatingin ako sa scammer na di pa nababawasan yung inorder nya at nakatingin man lang sa dagat.
siniko ko sya, ng mapatingin sya saken ay napakunot ako ng noo
"okay kalang ba?"
pagtango lang yung tugon nya saken. parang may kakaiba sakanya ngayon "sure kaba?"
ng sinabi nyang kumain nalang ako ay di kona sya pinush dahil sa pagkakaalam ko ay pag ayaw ng tao na pag usapan ay di maganda na pilitin pa sila, hintayin nalang na sila na mismo ang mag open up.
"bat mo pala ako niyaya dito?" at nguya ko na ng isaw
"nangangayayat ka kaya pinapakain kita"
napahinto ako sa pag nguya sa sag
ot nya " wow,di ko alam na ang thoughtful mo naman Scammer"
"lunukin mo muna yan bago ka mag salita" asar nyang banggit , sinunod ko naman sya at nilunok yung food. 

Agad naman pumasok sa isip ko na Madami na syang alam saken pero ako wala man lang alam sa kanya bukod sa scammer sya. 

"Scammer" 

"Hmmm?"

"Pwedeng magkwento ka about sayo" 


TBC.
Kitakits sa next Chapter hihi:)
 

 


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
xlmrclnsmnpk 24 streak #1
I hope you get a lot of subscribers, readers, and commentators! I would love to read this but too bad I cannot read tagalog.