Pang una

It Started with a Scam

Taeyeon

"Hmmmm ang lamig  ng aircon" smile kong banggit at tamang dampot lang sa remote ng aircon habang tinataasan ang level ng lamig nito.pagkatapos ay ibinaba ko yung remote sa may tabi ng kama.
"lambot talaga ng queensize bed" at ikot ikot ko sa higaan, napahinto ako ng marinig ko na may kumatok sa may pinto ng aking kwarto.
"Madam ,Taeyeon. Andito na po yung grapes nyo" banggit ng babae
"Sige, Pasok ka" at napaupo ako at inayos ko ang sarili ko, rinig ko ang hakbang nya na papalapit saaken.
"Madam" napalingon ako sa nakangiting babae na nakasuot ng maid uniform , nginitian ko sya at nilipat ko ang tingin ko sa hawak nyang nasa tray.
"mukhang matamis"
"matamis talaga yan Madam, galing yan sa farm"
"ohhh talaga ba?" ginalaw ko ang kanan kong kamay para pumitas ng grape ngunit pinalo nya yung kamay ko. napa pout ako habang nakatingin sa kanya
" Madam bawal yan... ayon sa article 7 , chapter 5 ng house rules" simangot nya habang nakalagay sa bewang yung isang kamay nya
"talagang may paganon dito" crossed arms ko, sino kayang gumawa ng house rules na yan at babatukan ko.
" ako po ang magsusubo sa inyo, Madam" pitas nya sa isang piraso ng grapes " say ahhhh and dapat pikit para mas mataste mo madam yung sweetness ng grapes"
" okay , okay" pikit ko at nganga.


" now, open your eyes" pag dilat ko ay kisame ng kwarto ko ang nakita ko. panaginip lang pala haay!


nakasimangot akong umupo habang pinapahid yung tumulo kong laway gamit yung  tshirt na suot ko.


"dahil sa cravings ko sa grapes nadala ko na sa panaginip ko, ano bayan " pout ko habang napatitig sa electricfan na sira
"ibenta kona kaya ito. sa junkshop..para may pang grapes ako?" pero binawi ko lang dahil di pa sapat to para pang grapes. kinuha ko yung cellphone ko sa may tabi ng unan bago lumabas sa may kwarto para mag timpla ng kape nguit maligamgam nalang na tubig ang ininom ko ng makita ko na wala na palang kape.


Nakakaawa naba ako neto? tanong ko sa sarili ko habang nilalagok ang maligamgam na tubig sa kulay puti kong baso.

 

"sa tanong ko kanina na nakakaawa na ako, yes, medyo  Kim Taeyeon" banggit ko
habang tinitingnan yung mga sabon na maliit na nagkakadikitan galing sa mga past na sabon dahil sa pagtitipid ko.pero dahil din dyan.... di nila mahulaan ang gamit kong sabon. may advantage din.

 

"Nakakaawa kana talaga , Taeyeon" mangiyak ngiyak kong banggit habang tinitingnan yung face powder na tinitipid kona ng 8 buwan.
tinapiktapik ko yung laman ng facepowder hanggang magkaron ng puting something na naglabasan sa ere, sinalo yun nang magkabila kong palad pagkatapos ay pinahid ko yun sa buo kong mukha at napatingin ako sa salamin pagkatapos. " Bwisit ka talaga,Sunoo...sinusumpa kita!!" singhal ko



"Ohh sino gusto mag overtime?"
umikot ako habang naka taas ang kanang kamay " Me, Ma'am Sooyoung"
inikot ni Sooyoung yung working chair ko at binaba yung kamay ko " Taeng ,number one kana sa list kaya no need na mag raise ng hand"
" ay ganern Ma'am" taas ko ng dalawang kilay
" Yes, kasi i gotchuu" kindat nya habang nag fingergun gesture pagkatapos nun ay nag lakad na nya papalayo saken. nung marinig na may iba pang gustong mag overtime.

Ilang saglit ay napahinto ako mag type ng marinig ko ang pag vibrate ng phone ko..
"hmmmm sino kaya to?"
kuha ko sa cellphone at tiningnan yung message saken.

 

"Teka, sumali ako ng Lottery?" pagtataka ko

 

 

 


binaba ko muna yung Cellphone habang inaalala kung saang lottery ba ako sumali ,at nag vibrate ulet ang cellphone kaya kinuha ko para tingnan.

Napasinghap ako bigla ng makita ko na galing sa Gcash yung message.
"30,000 pesos ,come to Mama" Ngisi ko ng bongga pero nawala yung ngiti ko ng makita ko  ang buong mensahe.

"Ngek! pabitin naman tong cosmic Lottery na to... di pa inisang bagsakan nalang" at sabay sigh.
Inopen ko yung Gcash app ko at tiningnan yung balance ko.
"Sige isend na yan" bulong ko.

Sa kalagitnaan ng pang sesend ay napahinto ang hinlalaki dahil napako ang atensyon ko sa news na nag play sa smart tv ng Opisina.
"Mag ingat po tayo ngayon mga kababayan sa naglilipanang Scammer ngayon.
Alam mo ba Partner na ang Modus nila ay magpapadala ng message sayo na nanalo kadaw sa isang Lottery tapos di nila ipapadala yung buong price mo thru Gcash at ang gusto nila ay mag send ka  ng malaking amount bago nila ipadala ..pero wala ka nang matatanggap pagkatapos nun"

"Aba! Gago tong mokong nato ... gagawin  atang x100 ang trauma ko sa Scam. Goods at di ko nasend , pandagdag ko panaman to sa babayaran ko for the month of October, Hayup kang bwakanang shet! makikita mo ang bagsik ni Kim Taeyeon" singhal ko hanang nakakuyom ang isang kamao.
at agad ko syang tinawagan , naka dalawang ring bago sinagot.
pinindot ko yung record button bago magsalita.
"Hiiloo" sweet kong salita nung di sya nagsalita inulit ko ulet "Hilooo"
"Hello, kambing kaba Ma'am" banggit ng boses lalaki galing sa kabilang linya. ginawa pa nya akong kambing...pero di pwede masira ang acting ko.
napangiti ako " ohh nooo siiir,i called dahil di ako maka send thru Gcash kasi nawalan ako ng interneeeeeet"
" ohhh i see. before that Ma'am, may i know if this is really the way you talked?"
"yehehehehess"banggit ko , rinig ko naman na napatawa sya ng ilang saglit bago magsalita." Do you have a debit card Ma'am?"
"i heheheve"
"you can send me nalang Ma'am the ten thousand and i send the remaining prices right away"
"okehehehey"
"this is my card number Ma'am" at dinictate nya ang number at sinulat ko naman sa sticky note
"notehehehed po, ill gooo na sa behehehenk" at gi call ended ko.
"Patay kang Bata ka"  tumayo ako nang hawakhawak yung sticky note at tumakbo palabas ng office at dumiretso sa nearest bank na may same name sa card ng scammer.

"Ohh Taengo" at ngisi ni Jessica saken. Yes tama kayo nag wowork sa banko si Jessica Jung.
"Fren may papacheck ako sayo" at abot sa kanya ng sticky note "bakit pala ito Fren?"
"gusto akong iiscam, Kafal ng fes tsssk!" reklamo ko.
" Aba apaka Gagu nito" at nag search na sya. ilang saglit ay tumigil na si Jessica sa pag tatype sa keyboard at ginalaw nya yung monitor para makita ko.

"Fren ang Pogi ahhhh kaso ekis mandarambong" at gesture ni Jessica ng ekis at asim ng mukha. tiningnan ko yung monitor at nakita ang mga impormasyon nya at picture.
tama nga si Fren pogi pero I dont care.

tinawagan ko na sya ulet , dalawang ring bago sumagot at pinindot ko paden ang record button. favorite number nya ba ay 2?
"Hiillooooo , natehehehnggeep meheheh nehehehe?"  napatingin ako kay Jessica ng marinig ko ang tawa nya. tawang tawa yan Girl?  nag hand gesture ako ng shhhh , tinakpan naman nya yung bibig nya. Goods yan.


" Ma'am Taeyeon, i still dont... but i wait baka may problema lang sa system or something"
"elehehehem mehehe be ne"
" ang alin Ma'am?"
"na , sususbukan mo pa na iscammin ako? isusumbong kita sa pulis ay hindi sa pulis kay tulfo! isusumbong kita bwakanang   ka, apaka gago mo talaga , at kakalat ka sa internet o tv potaena moooowww " galit na galit
"Fren, chill.. pinagtitinginan kana dito ohhh" banggit ni Jessica pero di ko sya pinansin dahil galit ako

" you dont have any information's about me"
" ohhh talaga ba? Chanyeol Park , pinanganak nung November 27, 1992 , height1.85 m, address ****************. anong hindi ko alam?"
" Sure ka sa police or tulfo may evidence kaba sa pag uusap , like right now coz di sapat ang messages lang at yung picture" ahh you're  bluffing me ahh, Tangina neto.


"Anong di sapat yung info. ? Yung messages na pang scam mo? ..Ano ako Vuvu? .....Mas bibigat pa to kasi recorded yung conversation naten, Pre. magkikita tayo sa pulis o kay tulfo hmmmp. k. bye bye"


"wait" pagpigil nya saken "pwede ba nating pag usapan to?"

" Mama mo pag usapan" pagtataray ko

"ill offer you something, kapalit ng audio record"napaisip ako.... pagbibigyan ko ba tong scammer?

"are you still there?"

"may kinalaman ba sa pera?"

" yes... puntahan kita"

"pag day off kona "

" kelan yan?"

"sunday" ako

" okay , see you in friday"at end call ko

" makikipag kita ka don?" tanong ni Jessica ng nakabusangot

" ou Fren"

tumayo si Jessica at tinaplak ang noo ko ng malakas sabay sabi ng " Aba'y Gago" 

"sakit non fren" reklamo ko habang hinihimas yung noo ko

"fren kaila" di na natapos ni Jessica ang sasabihin nya ng may customer na lumapit sa kanya.

nalimutan ko nasa trabaho pala si Jessica at ako. himala di kami nakita ni Tiffanny yung babaeng mabait pag hindi working hours pero dragon pag nasa work.aalis na nga ako baka mamataan nya ako dito tapos magsumbong kay Sooyoung.


Dumating na nga linngo, ang usapan namen ng hayop na Scammer. gustong sumama ni Jessica pero di ako pumayag baka maiscam pa sya and kaya ko na ang sarili ko.
sinend ko sakanya yung location ng meet up at ang oras.

"Aba! iba din... 30 minutes ng late ... ang tindi " singhal ko dito sa may park " akala nya ata di ko gagawin yun" at biglang tumunog yung ringtone ko ,sana sya na to kundi... tsskkk!
pagkuha ko sa cellphone sa shoulder bag ko ay agad kong sinagot yung call ng makita na sya nga yung tumatawag.

" asan kana?"  tanong nya na mukhang mainit ang ulo , ano kayang problema ng taong ito?


" andito na ako" at labas ko sa may looban ng park ng di pinuputol ang tawag nya.

" asan ka?" ako naman ang nag tanong ng di ko sya mamataan sa paligid.

" ikaw ba yung naka pantalon tapos nakasuot ng brown na tshirt?"

" ako nga" agad kong sagot

"maliit ka pala ,pfft~" napasimangot ako

" wag ka mag alala di kana maliliitan saken pag nasa tulfo kana"pagbabanta ko

"harap ka sa kanan"  at humarap ako sa kaliwa , at di ko padin sya namataan.

" kanan ba yan?, di kaba nag grade 2? " at humarap na ako sa kanan at nakita ko sya sa tabi ng kulay itim na sasakyan.

Wow kulay pink ang hair nya ahhhhh at nakasuot ng pang summer clothing , yung bulaklakin na polo , nice yarn. and ang borta ni Kuya , napalunok ako." kita mo na ako?" at naglakad sya papalapit saaken.
"STOOP"  napahinto naman sya

" hoy, bakit?" sya

"hmmmm. tanggalin mo polo mo dali"

"bakit ?" pagtataka nya

"titingnan ko baka may patalim ka dyan o ice pick or worse baka baril... naninigurado lang ako" at sinunod nya ako na parang isang mabait na bata after nya marinig ang sinabi ko.

"ikot ka" sinunod nya ulet ako

" itaas mo nga yung dalawang manggas ng tshirt mo"

" walang nakatago dyang deadly weapon " pag rereklamo nya.

"sige byers" at hand gestures ko ng bye bye.

tinaas nya agad yung dalawang manggas ng damit nya at nakita ko nga ang laki ng braso.. parang gusto ko magpa headlock bigla.
bigla ulet natuon ang atensyon ko sa pag uusap namen ng marinig ko syang magsalita " okay na?"
" taas mo "

" ang alin nanaman?" inis nyang tanong.

"taas mo yung damit mo, bilis" utos ko.

"tangina , seryoso ka dyan?" singhal nya

"tingin mo ba joke joke lang to?" pag susungit ko,at tinaas nya hanggang pusod.

"taas mo pa " utos ko

"inang yan" at taas nya hanggang collarbone.muntik na ako maglaway ng makita ko ang 6 packs of pandesal nya . ang yummy ng scammer na to bwiset.

" okay na?" tanong nya

thumbs up lang ang nasagot ko  dahil sa nakita ko. binaba na nya yung call , binalik ko nadin sa bag yung cellphone at hinintay syang lumapit saken.napatingin ako sa kanya ng maramdam na malapit na sya saken, ang tangkad pala sa malapitan ng scammer na to.
" so , anong offer yan, Scammer?" at galaw ko sa bag hanggang sa nasa likod ko ito. baka bigla nyang hablutin pag nasa harap to naka pwesto.
nginitian nya ako. kita ko ang puti ng ipin, ano kayang brand ng toothpaste nito?

"may nangbubully ba sayo o kinagagalitang tao?" sa tanong nyang yun biglang sumagi sa isip ko yung Sunoo na yun kaya napa kuyom ako ng kamao.

" meron, at bakit?"

"slow mo naman" banggit nyang  nambwibwisit

"Gago! bakit nga?" singhal ko


"lolokohin ko sya and kukunin ko lahat ng earnings nya ,bibigay sayo. kapalit yun na idelete mo yung audio record"
 



TBC.
kitakits sa next chapter.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
xlmrclnsmnpk 24 streak #1
I hope you get a lot of subscribers, readers, and commentators! I would love to read this but too bad I cannot read tagalog.