CHAPTER 8
Teach Me, Save MeNapabalikwas ako sa pagkakatulog ko. Hindi naman ako nanaginip. Nagising lang talaga ako. I checked my phone at nakitang 3am palang.
Happy na hindi pa ako late. Inis na masyado pang maaga at parang hindi na ako aantukin pa ulit.
Nauhaw din ako kaya pumunta na rin ako sa kitchen para uminom ng tubig.
The best talaga ang cold water at 3am.
I went back to my bed at nagphone na lang ulit ako.
Bigla na namang sumagi sa isip ko yung nakita ko kahapon sa library.
Haaaay…
Habang absent-minded na nagsscroll sa IG… bigla akong napatigil.
Oh. Bakit di ko to naisip before? Isearch si Winter sa social media?
Wait. Stalker behavior lang?
No. No. I`m her teacher. She's part of that SCS, whatever that is. Natural lang na macurious ako kung bakit part sya non.
Of course, para matulungan ko sya, bilang teacher nya, need ko pa ng something else para maintindihan ko ang “classroom behavior” nya. Okay lang tong gagawin ko, bilang teacher nya.
Paulit ulit ako sa pagjustify internally ng gagawin ko.
Sa halip na sa phone lang, bumangon ako at kinuha ang laptop ko para mas madaling magsearch.
I searched “Winter Kim” sa IG. No results.
I searched “Winter Kim” sa FB. No results.
I searched “Winter Kim” sa Tiktok. No results.
Imposible namang gamitin nya ang Winter Kim sa twitter.
I searched “Winter Kim” sa Google para malawakang search na. May mga lumabas na articles about her. Pero puro sya sa post ng universities. Mga Quiz Bee na napanalunan nya.
Really? Ito lang. Wala ba talaga syang social media?
Nagtry ulit ako sa fb and ig. I tried to put something else sa search box, like baliktad na name nya, or other possible names, terwin, win, winny, winwin, ww, huhu.
Sinearch ko din friends lists nina Doc Reyes and other faculty members, baka andun si Winter since naging student na nila ito for over a year.
Wala akong nakitang account na posibleng kay Winter.
In the end, I gave up.
4am na.
Wow. Isang oras na yung ginawa kong yun?
Balik ako sa pagsscroll sa IG.
Inoff ko na ang 7am alarm ko kasi gising na talaga yung diwa ko.
Wrong move.
Nakatulog ako. Bumalikwas ako ng bangon. Jusko 8am na. 1 hour ako usually magprepare plus 20minutes byahe para umabot sa 9am class.
Hindi man lang ako ginising ng Dad ko. Ang alam nya daw kasi nag-aalarm ako. Eh hindi naman daw tumunog so nag assume sya na hindi ko need gumising ng maaga. Mana talaga sakin Dad ko, assumera.
So ito na nga. Puyat ako at sabaw na papasok sa class ko today. And unlike nung Monday na sobrang aga ko, mukang magiging buzzer beater ang entrance ko sa 9am class.
“Hindi ka ba magbbreakfast?”
“Magddrive thru na lang ako Dad. Alis na ko ha.”
“Ingat ka. Wag ka ng bumiling dinner, magluluto ako.”
“Okay okay. Bye”
Sumakay na ko sa car.
I wonder kung ilang students na ang magpapakita today.
8:30 na. 20 minutes pa ETA ko. Di na ako makakadaan sa drive thru.
Sa lahat ng pwede kong imanifest, ito pa:
“Mukang magiging buzzer beater ang entrance ko sa 9am class.”
See 8:59am na. Di na ako nakadaan sa faculty office at dumiretso na lang sa classroom.
Saktong 9am.
“Oh, wow.” ito lang ang nasabi ko. nagulat ako sa mga students na nasa room. Pitong piraso na sila. All girls. Di naman kasi talaga ganun kapopular ang teaching profession sa mga guys.
“Good morning po, Miss.” bati nila. Lahat sila bumati pero hindi sabay sabay. I greeted back, “Good morning.”
Tumingin ako sa dulong seat. At ayun, andun si Winter and she gave me her usual barely-smiling-but-at-least-trying na expression. Nagflash ulit yung images ng mga nangyari kahapon sa library. Ugh
Don’t be judgmental Karina. Adult si Winter. Teacher ka lang nya. I reminded myself.
Also hindi naman ako petty. So I smiled back as usual din.
“Sorry po Miss Karina, absent kami nung Monday. Kakatapos lang po namin mag-enroll kahapon.” sabi ng isang student.
They already know my name too.
Obviously, hindi ko na sila mapprank kasi alam na nila na ako ang teacher nila. How did they know though? I wonder if Winter told them. Parang imposible kasi habang yung anim nyang classmates ay umpukan sa upuan, nasa dulo pa rin siya, aloof. Di naman siguro sya binubully no?
“It’s okay. May hinihintay pa ba tayo na hindi pa enrolled?” I asked them just to make sure.
“Wala na po, Miss. 30 lang po talaga students ng Education Department. 7 lang po kaming third year.”
Oh.. Nakakalungkot talaga na konti lang nagpupursue ng Education.
Anyways dahil kumpleto na sila, that means pwede ko na talagang simulan ang official class namin.
“Okay, great.”
Di pa ko nakakaupo ay nagsalita na naman sila.
“Miss nakasalubong po kita kahapon, di ko po inexpect na professor ka po namin. Mukha ka pong student.” sabi ng isa. At nakisali yung iba pa,
“Tapos Miss ang ganda mo po.”
“Onga, Miss para kang model.”
“Dapat nag-artista ka Miss.”
Comments