CHAPTER 7

Teach Me, Save Me
Please Subscribe to read the full chapter

2pm natapos ang classes ko sa PhD. 

 

Today went smoothly. Kahit masyado pang maaga para ievaluate ang araw lol. 

 

Nadivide na kasi namin ng mga kagroup ko ang tasks namin for our presentation next week. Yung iba parang sa Thursday pa maghahatian. So nauna kami and I think malaking achievement na ito dahil pwede na akong magsimula.

 

I can somehow agree sa sinabi ng adviser ko dati,na pag nag PhD ka, keri lang ang academic classes. Para ka lang nasa college pero level 2. Magsisimula lang ang hirap mo pag nasa final year ka na at kailangan mo ng magsulat ng dissertation. 

 

I decided to go to the library. Madadaanan ko yung room ko kahapon with Winter. Di ko maiwasang sumilip sa windows to check. I saw Dr. Reyes sa unahan habang nagdidiscuss. Tapos ayun, nakita ko din si Winter. Solo pa rin sya? 

 

Nakita ako ni Doc at binati nya ako.

 

“Hi, Miss Karina.” sabay kaway. Nakita kong napatingin na din sakin sa Winter.

 

“Hi, Doc.” I smiled at nagwave back. Then I looked at the other individual in the room “Hello, Winter,” I greeted with a wink. 

 

Ugh, *internal facepalm* bakit naman ako nagwink. I don’t even know if I did a proper wink. Dalwang mata ata pinikit ko. 

 

Nakita kong tumango ng konti si Winter. Napansin nya kaya yung wink? Di naman siguro. Malabo naman mata nun if tama ang pagkakaalala ko. Pero jusko, nahiya pa rin ako sa ginawa ko so binilisan ko na lang lakad ko papuntang library. 

 

What’s wrong with me? Umayos ka, teacher ka. I internally scolded myself.

 

Let’s go sa library. Focus. Focus. 

 

Parang limang piraso lang tao sa library ah, kasama na ako. Pumunta ako sa pinakacozy na sofa sa corner. Tsaka medio tago sya. Mas prefer ko to para makapagfocus talaga ako.

 

Iniwan ko muna yung gamit ko sa seat para makapaghanap na ako ng books related sa tasks ko.

 

Took me an hour para makuha yung mga books na need ko at available dito. Nagstart na akong magbasa at magtake ng notes. I plan to study hanggang 5pm here, then I will borrow the books na lang para maituloy ko rin sa bahay.

 

Hindi pa ako nakakalimang pages, may nakita akong figure na papalapit sakin from my peripheral view. 

 

When I looked at the figure directly, nagulat ako. It’s Winter!

 

Pero nung nagka-eye-to-eye contact kami, bigla syang tumalikod at nag-iba ng direksyon ng pupuntahan.

 

“Winter!” napalakas ata ang tawag ko sa kanya. Tiningnan akong masama nung librarian huhu. I mouthed “sorry”.

 

Tumingin si Winter saken and she said softly, “Yes, Miss?”

 

“Plan mo bang mag-aral here? Dito ka ba lagi usually? Did I take your spot?” I spoke quietly too.

 

“Hindi po, Miss. Hanap na lang po ako ng ibang vacant space.”

 

“You can study here with me.”

 

“Okay lang po, Miss. Dun na lang po ako sa kabila.”

 

I then realized what I’m saying and insisting. I stopped myself. Ang weird kapag pinilit ko sya.

 

“Okay sige.”

 

She left and went to the other side. Hindi ko na sya tanaw.

 

Focus na Karina. 

 

I finished 2 books.Tig-isang chapter lang din naman sa books na yun ang related sa topic ko. Ayoko naman iuwi lahat ng books dahil mabigat din. I decided to put some of the books back. 

 

Habang papalapit ako sa shelves kung san ko ibabalik yung books, nakita ko si Winter malapit. Nakasandal sa sofa. I think tulog sya at yung hoodie nya almost nacover yung half ng face nya. I walked slowly para di ko sya magising. Medio gets ko yung spots na gusto nya dito sa library. Same nung sakin. Tahimik. Tago. Hindi masyadong madaming taong dumadaan. 

 

I don’t want to disturb her or mapagkamalang creep na tinitingnan sya habang tulog so I went back to my spot. 

 

It’s 5pm. May dalwang books na lang akong natira na di ko pa nababasa. Ito na lang iuuwi ko.

 

Napansin ko andaming pumapasok na students ngayon sa library. Tulog pa kaya yung isa? 

 

Mukhang tama yung timing ng pagpunta ko. 5pm ang tapos ng majority ng undergrad classes kaya ngayon palang sila nakakapaglibrary.

 

Time to leave. 

 

Hindi naman sa curious ako kung tulog pa si Winter dun pero dadaan lang akong konti. Di ko naman sya gigisingin or anything. 

 

Habang papalapit ako sa corner kung nasan si Winter, napansin kong wala na sya sa sofa.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wheenjeong
Kumusta naman ang turn of events! I hope naenjoy nyo kahit nakakagalit!

Abangan ang Protector Mode ni Miss Rina next chapter!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1169 streak #1
Chapter 14: Bakit feeling ko may magaganap na masama kay Wintot dito. ;_____;
cleofierayne #2
Chapter 14: OMYGHADDDD KA MARKKKK NABIGLA AKO SA UPDATE KAKABASA KO LANG. KINGINA KA MARKKKKK PATAY KA KAY KARINA TALAGA DAHIL IKAW LANG NAKITA NYA LUMABAS NG ROOM. ALTHOUGH PWDE KANG MAGRASON PERO HINDI MO MATATAKASAN YANG KAHAYUPAN MO. SANA MERONG CCTV SA HALLWAY. HUHU

KARINAAAAAA ANO NA GAGAWIN MO ULIT AFTER NIYAN NG MOMENT NIYO NI WIN AY ESTEE PAG BANGGA NIYOOO. WAG MONG ITAPONN PLEASEE EVIDENCE NARIN YAN TAMAAAAAAA KAHIT DI NAKITA NI WINNNN. EXCITED NA AKONG MAPARUSAHAN YANG BUGOK NA YANNNN AHHHH DI KO KINAYA NA CAPSLOCK KO TULOYY LAHAT DAHIL SA INIS KOOO.
cleofierayne #3
Chapter 13: MWAHAHAHA HOT SEAT TE. MAKA WALA KA PERO BIGLANG NAISIP SI WIN HAHAHAHA pero gagiiii kinakabahan ako kay Win nagiba yung ihip ng hangin. Walang commu for a month. Pinapakita niyang okay lang siya kay Karina pero sa iba hindi. Sure akong ayaw niya lang mag alala si Karina at makialam narin. Hmmm

Mabuti nlng talaga yung isang teacher sinabihan si Kars tungkol kay Win.
tuckoz #4
yaaay!! dalawang update mwehehe
cleofierayne #5
Chapter 11: Chapter 11: Yun palaaaa kainis ka Mark. Pinag overthink mo malala si Kars nung nakita niya kayo. Hayy pag sinabing ayaw,ayaw na.

At ikaw rin dahilan ng lahat nang nangyayari kay Winteer lintik ka Mark 😭😭
EzraSeige
#6
Chapter 8: May pa qts si baby amboyo abunjing na yan 😢😢😢. Wag sana angst otornim hindi pa naman ako enjoyer nyan 🙏😭😭😭
EzraSeige
#7
Let's 🏃🏃🏃
tuckoz #8
Chapter 8: otor, wala naman sigurong mcd dito 'no? huhu
stillintoyu
198 streak #9
angst 😢
jmjslrn #10
uy angst, parang nasa mood pa naman akong masaktan