Wala Nang Kumakatok
SilidMalaki ang pagbabago sa buhay namin nang mailibing si Lolo.
Si Nanay at Tatay ay umuwi lang saglit pero bumalik na agad sa ibang bansa. Halos hindi nila makausap si Nanay nuong nandito siya. Pero normal na lang ‘yon sa akin, hindi naman kasi talaga niya ako madalas kausapin.
Si Lola naman ay kinuha na ng tita kong nasa Japan. Wala na daw kasing mag-aalaga sa kaniya dito, sabi nila. Gusto kong umangal dahil ayaw naman talaga ni Lola na iwanan ang bahay na ‘to at isa pa, nandito naman ako. Pero ano nga bang magagawa ko? Matatanda na sila at bata lang ako. Palagi silang tama at hindi ako mananalo.
Si Yuri naman ay naging kabaligtaran ng tinitingala ko. Nang tumuntong siya ng high school, nagkaroon siya ng mga kaibigan daw niya na hindi ko gusto. Masasamang impluwensiya kasi sila para sa ate ko. Madalas niyang takasan ang nagbabantay sa amin at madalas na pagabi na umuuwi. Minsan nahuhuli ko sila ng mga kaibigan niya na umiinom
Comments