8. Kyusi
Silid🎵 Ang pag-ibig ay tahimik
Hindi kailangan na nambubuyong lakas 🎵
“Hahayaan mo na lang siya na ganon?”, tanong ni Aeri. “Yuri naman!”
“Eh paano kung totoo?”
“Ano? Pati ikaw in denial na rin?”
“Sinong in denial?”, pagsingit ko sa dalawa. “Nag-aaway ba kayo?”
“Hindi, Sugi.”, sagot ni Yuri. “May gusto ka bang gawin?”
Nag-isip ako saglit. “Wala eh. Lalabas lang ako ha?”
“Saan ka pupunta?”, tanong naman ni Aeri.
“Sa Garden.”, binuksan ko ang bahay ni Hyunnie at binuhat siya.
“Anong gagawin mo duon?”
“Aeri!”, pagsaway ni Yuri sa pinakabata naming kapatid.
Natawa ako sa dalawang ‘to. Mula pa kanina nung dumating sila dito, naririnig ko nang parang may pinagtatalunan sila. Napailing na lang ako.
Dito ako tumambay sa garden para kitang-kita ko si Irene kapag dumaan siya.
“May bibilhin lang ako.”, pagpaalam ni Yuri at lumagpas sa akin.
Kasunod naman niya si Aeri at umupo sa tabi ko. “Sugi, saan mo nakilala si Irene?”
“Sa terminal. Pauwi na rin yata siya non.”
“Kailan ‘yan?”
“Nung isu-surprise sana natin si Yuri.”
Nag-isip siya.
“Teka nga, hawakan mo muna si Hyunnie.”, tumayo ako at lumabas. Ba’t kaya ang tagal niyang dumaan? Dapat kanina pa siya nandito. Anong oras na oh.
“Buti nga nakilala niya yung ka-LDR nya. Ang laki ng pinagbago niya.”, narinig kong sabi ni Aling Wanda.
“Ka-LDR?”, nagtatakang tanong ni Yuri.
“Ayan oh, itanong mo.”, kinawayan ako ni Aling Wanda kaya kinawayan ko rin siya pabalik.
Nakita kong may sinabi pa si Yuri sa kaniya pero hindi ko na narinig.
“Yuri, ano yung sinasabi ni Aling Wanda?”, tanong ko nang makalapit siya dito sa gate.
“Maka ale ka naman, kaedad lang natin ‘yon.”, tumawa siya. “Chumichismis lang siya, huwag mo nang pansinin.”
“Ako ba yung sinasabi niya? Wala akong ka-LDR ha.”
Ginulo-gulo niya ang buhok ko. “Alam ko. Huwag mong pansinin ‘yon.”
Bumalik kami dito sa garden. Nagkukwentuhan lang kami habang nagme-meryenda. Hapon na pero hindi pa rin dumadaan si Irene.
“Hinihintay mo siya?”, tanong ni Yuri.
“Kung si Irene yung tinutukoy mo, oo.”, nakangiting sagot ko.
“May number ka ba niya?”, sabad ni Aeri.
“Ay, oo nga pala!”, ibinaba ko sa lamesa si Hyunnie at kinuha ang cellphone ko. Tinext ko na si Irene.
Nagtaka ako nang nakalipas na ang tatlong minuto pero hindi pa rin tumutunog ang cellphone ko. Dati naman tumatawag agad siya pagka-text ko.
“Bakit hindi mo na lang siya tawagan?”, mungkahi ni Yuri.
“Hindi pwede.”, tugon ko. “Baka daw kasi magalit yung Ama niya.”
“Bakit naman magagalit tatay niya dahil sa phone call?”, pag-usisa ni Aeri.
Bakit nga ba? “Ayon ang sabi niya eh.”
“Alam ko na.”, kinuha ni Aeri ang cellphone niya. “Akina yung number niya. Ako yung tatawag. Kapag yung tatay niya ang sumagot, sasabihin ko prank lang.”
Natawa ako sa ideya nito pero dahil sa kagustuhan kong makita siya, pumayag na rin ako. Inabot ko kay Aeri yung cellphone ko para makopya niya ang number Irene.
Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang nasa harapan ko ngayon. Para kasing nag-uusap sila sa pamamagitan ng tingin.
“Ano na?”, pag-agaw ko sa atensyon nila.
“Wala pala akong load.”, nakangiting sabi ni Aeri.
“Ang hirap mo naman. Ikaw, Yuri?”
“Expired na.”
“Ay, ano ba ‘yan.”, muli kong sinulyapan ang labas. “Baka may ginagawa lang ‘yon. Mamaya dadaan din siya diyan.”
“Taga saan daw ba siya?”, pag-usisa ulit ni Aeri.
“Diyan lang.”
Please Subscribe to read the full chapter
Comments