Wala Nang Kumakatok
SilidMuli kong narinig ang pagbukas ng pinto. Walang kabuhay-buhay na tinitigan ko sila. Ito na naman sila, may ituturok na naman.
“Ayaw ko na niyan.”, pagpupumiglas ko.
Sobrang lakas nila na hindi na ako nakalaban. Pinagpahinga ko ang talukap ng mga mata ko nang maramdaman ko ang unti-unting pamamanhid ng aking katawan.
“Sugi! Sugi, gising!”, sigaw mula sa isang pamilyar na boses. “Sugi, please, gumising ka.”
“Yuri…?”, halos pabulong na lang na sabi ko.
“Nandito na ako.”, naiiyak niyang tugon.
“Gusto ko nang umuwi, Yuri.”
Naramdaman ko sa braso ko na may tumulong luha mula sa muka niya.
“Pupunta muna tayong hospital. Tapos uuwi na tayo.”, niyakap niya ang walang kalakas-lakas na katawan ko. “Sugi, magpadala ka na sa hospital, please. Huwag ka nang magpumiglas.”
Hindi na ako nakasagot pa at tuluyan nang nawalan ng malay.
Sa muling pagmulat ng aking mga mata, sa wakas ay nakita ko na rin sila. Si Yuri at Aeri. Puti pa rin ang halos lahat ng nandito pero sigurado akong hospital ito.
“Sugi?”, lumapit sa’kin si Aeri na umiiyak at yumakap.
“Saan ka ba galing?”, tanong ko. “Bakit hindi mo ako pinuntahan? Sinasaktan nila ako.”
Tumingin siya saglit kay Yuri at tumango naman ito. Muli niyang ibinalik ang kaniyang atensyon sa akin. “I’m sorry, wala ako sa tabi mo.”
Ang paghikbi niya ang nanaig sa kwartong ito. Hinaplos ko ang kaniyang ulo bilang tugon.
“Sugi, may good news ako.”
“Good news?”
Tumango siya, “Nakapasa ako sa dream university ko. Isang buwan ko nang inaaral yung dream course ko.”
Napangiti ako sa ibinalita niya. Kaya siguro hindi niya ako napupuntahan.
Lumapit sa amin si Yuri at niyakap si Aeri na umiiyak pa rin. Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako. Nginitian ko siya pabalik.
Ganito yung mga pangyayareng gusto kong matandaan hanggang sa huling hininga ko sa mundo. Kahit ganito lang, sobrang saya ko.
Ilang linggo na mula nung makalabas ako sa hospital. Ilang linggo na rin na nandito sa bahay si Yuri at ate Jess. Tinanong ko naman sila tungkol sa trabaho nila pero sabi nila ay ‘wag ko na daw alalahanin kasi nakausap na daw nila ang boss nila.
Nakaupo lang ako dito sa kwarto ko, busy kasi silang magluto sa baba at ayaw ni Yuri na tumulong ako, magpahinga lang daw ako.
“Sugi?”, pagkatok ni Yuri sa pinto.
“Pasok!”, tugon ko. “Nakaligo at bihis na ako.”
“Sugi… may bisita
Comments