6. Ibang Planeta
Silid🎵 Hindi ako makahinga kapag nandito ka
Para akong nasa ibang planeta 🎵
Nagmadali akong lumapit sa pintuan nang sa wakas ay nakarinig ako ng katok. Kanina pa kasi kita hinihintay.
Pero na-dismaya ako dahil hindi siya ang unang nakita ko sa araw na ito.
“Pizza delivery po.”, inabot ng delivery man yung dala niya. “Bayad na po ‘yan, Ma’am.”
“Thank you po.”, nginitian ko siya nang pilit.
Umupo ako sa sala at ibinaba ang mga box ng Pizza. Ang dami naman nito. Hihilata na sana ulit ako sa sofa at maghihintay pero may nakita akong maliit na papel kasama ng mga box.
Dahil nakakangiti at tawa ka na. - Irene
Para akong hinulugan ng barya at nagka-baterya. Umakyat ako para kumuha ng mga plato pati na rin kutsara’t tinidor. “Tsk. Wala na palang cups.”, pagkausap ko sa sarili ko.
Lumabas ako at nagpunta sa tindahan. “Pabili nga pong disposable cups.”
“Parang ang saya mo nitong mga nakaraang araw?”, pag-usisa ng tindera.
“May nagpapasaya lang, aling Wanda.”, nakangiti kong tugon at kinuha ang inabot niyang cups.
“Mabuti ‘yan, Mare.”, tumawa siya sa itinawag niya sakin kaya nakitawa na lang din ako.
Pagkabalik ko sa bahay, bumungad sa’kin ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Nakatayo lang siya sa gilid ng sofa.
“Irene!”, pagbati ko.
“Ang ganda ng gising ha?”, pagpansin niya. “Pumasok na ako, nakabukas kasi yung pinto at akala ko nasa taas ka.”
“Okay lang. Pasok ka lang kahit kailan mo gusto.”
“Parang dati lang lintik mo akong ipagtabuyan ah?”, natawa siya.
Halos araw-araw kaming nagkikita pero parang miss na miss ko siya.
“Dati lang ‘yon.”, sagot ko sa kaniya.
“Sus.”, patawa-tawa siyang kinuha ang lalagyan ko ng gamot. “Kumain ka na.”
“Kumain na tayo.”, pagtama ko sa sinabi niya.
“Sabi ko nga.”, nakangisi na naman siya. “Bet na bet mo yung letter?”
Napansin niya sigurong kanina ko pa tinitignan yung binigay niya. “Uhm…”, nagkunwari akong nag-iisip. “…medyo.”
“Medyo daw pero kanina pa banat yang mga labi mo.”, sa pagtawa niya, napatawa na rin ako.
“Ang dami mo na namang sinasabi.”
“So gusto mo talaga ng mga letter?”, seryosong tanong niya.
“Oo.”, sagot ko habang inaalala yung unang taong nagbigay sa’kin ng letter. “Ngayon na lang kasi ulit ako nakatanggap ng ganito. Yung ibang mga natanggap ko dati, tinago na ni Yuri.”
“Oops…”, pinisil niya ang pisngi ko. “… bawal sumimangot.”
Hinawi ko yung kamay niya. “Ngumuya ka nga muna.”
Nag-peace sign siya at uminom ng tubig. “Alam ko na!”, ikinumpas pa niya ang kamay niya. “Magsulat tayo ng mga gusto or hiling natin tapos explanation.”
“Explanation? Hirap naman niyan.”, pagrereklamo ko.
“Boring ang madaling game.”, bakas sa muka niya ang pagkagalak. “Letter natin ‘to para sa future self mo.”
Napa-payag na lang ako.
Nagsimula na kami sa naisip niyang laro. Natatawa ako kasi mas madami pa yung sinasabi niya kaysa sa isinusulat niya. Pero hindi ako nagrereklamo. Parang musika sa tenga ang boses niya, ang sarap pakinggan.
“Sugi, hindi wag kang kukurap ang laro natin.”, pang-eepal niya sabay tawa. “Magsulat ka na.”
Ang dami naming naisulat, napuno ng pagtatalo, tawanan, asaran, at tanungan ang isang parte ng bahay na ito.
“Gusto kong maglabas ng libro.”, ipinakita ko ito sa kaniya.
“Bakit? Ibi-bilad mo sa araw?”, pang-aasar niya sabay tawa. “Joke lang, beh. Kapag nangyare ‘yan, bibili talaga ako agad!”
“Rich kid. Iba talaga ‘pag anak ni Gov.”, pang-aasar ko rin.
“Anak ako ni Papa God.”, umakto pa siyang anghel.
“Hindi bagay sa’yo.”, tugon ko kahit kabaligtaran ang nasa isip ko. Nagtawanan ulit kami.
“Sana gustuhin mo ulit pumasok sa school.”, pagbasa siya sa isinulat niya. “Hindi si Cassie ha?”
Muli kaming nagtawanan.
“Sana palagi kang nandito.”, pagbasa ko sa seryosong tono.
“Hindi na ako uuwi?”, tumawa ulit siya pero seryoso pa rin ang itsura ko kaya sumeryoso na rin siya. “Bakit ayan ang napili mo?”
“Masaya kasi ako sa’yo.”
Please Subscribe to read the full chapter
Comments