4 | Pinipigil

Ride
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's P.O.V.

 

 

Umakyat na kami ulit upang bumalik sa classroom after naming kumain kanina. As usual, ang dami pang subject teachers ang pumasok at nagpakilala ng kanilang mga sarili at nag-present ng kaniya-kaniya nilang mga classroom rules hanggang sa matapos ang klase at 3 P.M. na! Oh 'di ba, hindi naman pala ganoon ka-draining sa school na 'to (pero malay mo, iniiyakan ko na pala assignments ko sa chemistry sa mga susunod na araw haha keme).

 

 

 

Ayun, kinikilig at natutuwa pa rin ako sa kaganapan namin kanina sa cafeteria. Paano ba naman kasi, first time ko kayang may mapagbigyan ng luto ni Mama na hindi si Signe o si RJ tapos koreano pa! O 'di ba, ang angas. Panigurado matutuwa rin si Mama kapag kinwento ko sa kanya mamaya kung paano na-enjoy ni Avery yung pinabaon niya sa 'king Adobo. Labyu, Ma!

 

 

 

Well, anyways, inaayos ko na ang mga gamit ko at nililigpit ito dahil uwian na. Nakalabas na nga yung iba kong mga kaklase eh, kami-kami na lang nila Signe, RJ, at Avery ang nandito dahil kinausap ako ni Ms. Bae at inalok kung gusto ko raw bang tumakbo as Student Council President dahil maayos at maganda naman daw ang credentials ko nung JHS. Naman! good student kaya 'to, 'no!

 

 

 

Si Avery, hindi ko sure kung bakit nandito pa rin siya. Ang alam ko kakausapin din siya ni Ms. Bae kasi nga bagong student lang siya rito tapos mukhang anak pa ng VIP kaya baka kailangang alamin kung kakayanin niya bang makapag-adjust sa school na 'to, lalo na kung hindi naman kalahi niya ang mga nandito. Pero kung ako tatanungin, feel ko kaya niya naman dito eh. Matalino nga siya, mabilis matuto, tapos marunong naman siya makisama. 'Yun nga lang, kailangan ikaw ang unang mag a-approach sa kaniya bago ka niya pansinin. Wala naman akong problema sa ganun, ganun din naman ako eh haha. Nakakagulat ngang ang bilis naming nagkasundo kahit may language barrier.

 

 

 

At ang mga gaga kong kaibigan na sina Signe at RJ, malamang nandito pa rin sila dahil hinihintay nila ako. Sila kasi lagi kong kasabay ever since Elementary. Hindi kami sabay-sabay nakakapasok sa school kasi sobrang layo ng mga bahay nila mula sa bahay namin kaya sa uwian na lang kami nagsasabay. Iisa lang naman route na dadaanan namin papauwi eh.

 

 

 

Lumingon ako sa kanila at nakita kong nakasukbit na ang mga bag nila sa kanilang mga balikat, handang-handa na umuwi at makipagchikahan sa daan haha. At dahil naayos ko naman na ang mga gamit ko, sinukbit ko na rin ang aking bag at binitbit ang lunch bag ko. Hays, first day in SHS, successfully survived! more days to suffer! chareng

 

 

Naglakad na ako sa kinauupuan nina Signe at inaya ko na silang lumabas ng room. Bago kami lumarga ay nagpaalam ako kay Ms. Bae, "Goodbye po, Miss Bae! It was nice meeting you po! una na po kami!" ang masigla kong bati kay Ms. Bae bago ko pinaunang palabasin ang mga kaibigan ko. Sumagot naman ito ng "Okay. Ingat kayo! See you tomorrow!"

 

 

At siyempre, hinding-hindi ko makakalimutan ang rason kung bakit naging makabuluhan ang araw ko na 'to, "You too, Avery! Take care on your way home!" bati ko rin sa kaniya at doon ko nakita ang kaniyang mga ngiti.

 

 

 

Ang ganda-ganda naman niya. Yung mga ganiyang mukha lord dapat iniingatan po talaga papauwi 'yan kasi kailangan ko pa siyang makita araw-araw at makilala hehe

 

 

 

"Thanks! Keep yourself safe, too!" sagot niya. Aaminin ko, simpleng 'keep yourself safe' lang 'yan pero kinikilig ako. Normal pa ba 'to? Hmm, first day pa lang naman ng klase, baka may mabago pa pero huwag naman sana huhuhu

 

 

 

Lumabas ako ng room nang nakangiti. Siguro kung may counter lang kung ilang beses akong nangiti ngayong araw ay naka-quota na ako haha. Sino ba naman kasing hindi! kita mo 'yon, nagkaroon ako ng bagong friend at mind you, sa first day pa ng klase! tapos foreigner pa! oh 'di ba, hinding-hindi ko kayang gawin 'yan noong JHS days haha.

 

 

 

"Ano teh, kilig na kilig?" panimula ni Signe sabay akbay sa akin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito na ang mabilis pa sa mabilis na fast talk segment namin habang naglalakad papunta sa tricycle terminal.

 

 

 

"Kilig ka diyan, kilabutan ka nga kahit konti" sagot ko. Alam ko namang inaasar lang ako ng mga 'to eh. Pag kasi sinabi kong kinilig ako, hindi ako titigilan ng mga 'to hanggang sa wala na akong maikwento, kapag sinabi ko namang hindi, ganun din, hindi pa rin nila ako titigilan.

 

 

 

Kaya dun na tayo sa safest option, ang pagkimkim at ng katotohanan at pagpipigil na sabihing kinikilig talaga ako dahil atin-atin lang 'yon, 'no!

 

 

 

"Sus. Kunwari ka pa, Jeyjey. Kitang-kita ko kaya kung gaano kapula yung pisngi mo kanina nung sinabi niyang gusto ka niya!" pagsingit naman ni RJ. Nak nang! Ano ba 'yan! Naka-recover na nga ako diyan eh, 'wag niyo na ipaalala. Nahihiya ako!

 

 

 

"Mainit lang kasi sa cafeteria kanina! tapos ano" lord naman pakitulungan ako please po T___T hindi talaga ako magaling sa paggawa ng katwiran ano ba 'yan!

 

 

 

"Tapos ano?" taas-kilay na pagtatanong ni Signe. Ihhh ano ba!

 

 

 

Ayoko pang i-admit na kinikilig ako sa nangyari kanina! Na mistook ko lang kaya yung sinabi niya kanina. Akala ko talaga gusto niya ako as in yung gusto talaga like crush ganon. Masyado pang maaga for it kaya shooketh talaga si ako HAHAHAHA

 

 

 

"Tapos ano uhm... Nakakagat ako ng paminta habang kumakain ng Adobo kanina kaya namula ako kanina!" pangangatwiran ko sa kanila. Haha, sorry pero wala talaga kayong makukuhang sagot sa akin. Pipigilin kong sabihin 'to hanggang sa pagtulog ko mamayang gabi! 

 

 

 

"Tama! nakakagat nga ako ng paminta kanina kaya ayun namula ako. Alam niyo namang hindi ako mahilig sa maaanghang na pagkain eh." ulit ko pa dahil kita ko namang yung mga malisyoso nilang mga mata ay hindi kumb

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
shajanie
11 streak #1
Chapter 17: Ayan na at may jelly ng nagaganap..
ryujinie__
703 streak #2
Chapter 17: HAHAGSHSHSHSS ayan na jelly jelly na si Avery. Jeo saur dense :D
kwinminjeong
#3
Chapter 17: hUUUYYYY BABWJSKSJSHAHAHAHA nagsisimula na ang selosan sa friend nya lang (crush nya na talaga) malala ka na avery tanginuh ang funny mo siz iba magselos ang tao naiinggit sha,, tapos inasar ba naman nila RJ HWHSKSAGDHSJA boisit‼️ love it and2 na si bebe mj2 ko ily macy sana good girl ka d2 vebs plz 🫦
ryujinie__
703 streak #4
Chapter 17: tyt 🫶🏻
kwinminjeong
#5
Chapter 17: ihhhh ang cute ng jeovery dyan 'tor, lavv it <333 also, take your time lang pu! and2 lang si me sa gedli naghihintay nang matyaga 🫦
kwinminjeong
#6
Chapter 15: naku naku ayan na nga po ang mga isipin ni avery ganda, sabihin mo na yan sa bff mong si jeo 😎 para matulungan ka nya.. hehehe yiee kakilig ang wholesome so much, 'tor! ty for the ud! love u! Btw take good care of yourself, rest, and take your time lang din. :>>>
ryujinie__
703 streak #7
Chapter 15: 👀👀
Pengseul
#8
Saved 🤣
kwinminjeong
#9
Chapter 14: omg ssob, take your time lang !! kakapagod pa naman ang research potah kaya mo 'yan lods I believe in u <3 neways, I recommend Ating Dalawa by Over October, kasi na lss ako dun sa song na 'yon >//< maganda sya pramiz 'tor! and also Bukod Tangi rin ng Cup of Joe 'tor! marami pa pero ito na muna 🫦 labyu 'tor, goodnight <3
Topkangseul
#10
Chapter 8: Yiee Karina