3 | Gusto

Ride
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's P.O.V.

 

 

Natapos na ang first subject namin. Medyo marami ring nangyari kanina after nun. Uso pa rin palang magpa-require ng sandamakmak na colored papers, markers, pens, at kung ano-ano pang coloring materials kahit nasa SHS na? Akala ko parang college na haha pero sige wala naman akong magagawa if required talaga. May ipon pa naman ako eh, ayokong magsabi kay mama at alam ko namang marami na siyang iniisip.

 

 

 

Lunch break na nga ngayon at hindi ko alam kung saan ako kakain. Pwede namang dito na lang sa room kaso ang lilikot ng mga boys sa likod letche kala mo mga kiti-kiti eh. Eh kung hanapin ko na lang kaya sina Signe? mag l-lunch pa ba 'yong mga 'yon? haha

 

 

 

Nakatayo na ako at nailigpit ko na rin ang mga gamit ko. Kinuha ko na muna yung wallet at phone ko tsyaka yung book na binabasa ko ngayon. Biology book siya haha. Aalis na sana ako para yayain sina Signe mag-lunch nang biglang may tumawag na pusa, este si Avery pala. Oo, Avery tawag ko sa kanya. Hindi ako sanay sa first name basis kapag hindi ko pa ka-close. Feeling ko kasi, dapat family and friends lang ang tumatawag sa 'yo sa first name mo.

 

 

 

"Are you going outside for lunch, too?" tanong nito habang nag f-fidget at nilulukot ang ibabang bahagi ng blouse niya. Ang cute! pero dapat matuto ka munang mag-tagalog bago ka magpa-cute nang ganyan! ╮(︶▽︶)╭

 

 

 

"Yes. Would you like to be my company?" malamang, duh. Halata naman sa mga mata niyang gusto niyang samahan ko siya instead na ako ang sasamahan niya dahil hindi pa naman siya sanay sa bansang 'to.

 

 

 

"I would love to. I'll just grab my purse and my devices. Thank you, Jeo!" nice. May bago na naman kaming makakasama nina Signe at RJ tuwing lunch. Hays sana lang hindi siya kuyugin sa tanong nung dalawa.

 

 

 

"No biggie. I'll just wait for you at the door then." sagot ko sa kanya habang may ngiti sa labi. Hays, tuturuan ko na nga 'to ng simple tagalog words mamaya sa cafeteria.

 

 

 

Hindi pa nagtagal ay lumabas na si Avery na nakangiti. Siyempre ako rin. Oh baka naman ikaw din? Edi tatlo na tayong nakangiti niyan? nako. ( ´ ▽ ` ) 

 

 

 

"Let's go?" sabay naming tanong sa isa't-isa. Wow ha. Napatingin kami sa isa't-isa. Jusko!

 

 

 

"Sure. Let's go." sabay na naman kaming nagsalita. Ano ba!! nagkatinginan ulit kami at bakas sa pisngi niya ang pamumula. Nakakahiya na ewan!

 

 

 

Naglakad lang kami siyempre alangan namang lumipad kami o mag-tricycle, 'di ba? HAHAHA oo, ang corny. Ewan ko ba, kada lakad namin, ang daming studyante ang nakasunod ng tingin sa aming dalawa, lalo na kay Avery. Alam ko namang maganda siya pero bakit ganyan sila tumingin? Yung iba nagbubulungan pa. Anak ba siya ng may-ari ng school kaya gano'n? Malay ko ba? haha baka nga. Grabe sila tumingin eh. Eh kung tusukin ko kaya mga mata nito? chareng

 

 

 

Napansin ko namang medyo nagiging uncomfy na siya kaya lumapit pa ako sa kanya at binulungan ng "It's okay. Don't mind them. If it's fine, you can hold my hand, and we'll walk faster." Nagulat naman siya sa gesture pero hinawakan niya rin agad ang mga kamay ko at naglakad na nga kami nang mabilis para naman makaupo na kami at makakain ng tanghalian.

 

 

 

Nawala na sa isip kong hanapin sina Signe at RJ. Siguro nandito na rin 'yon sa cafeteria. Bahala na. Araw-araw naman kaming nagkikita.

 

 

 

Nakarating na kami ni Avery sa cafeteria sa bilis naming maglakad. Aba talagang hindi niya na tinignan ang mga studyanteng titig nang titig sa amin, lalo na sa kanya! buti naman! Gago kawawa nga 'to eh, isipin mo 'yon, kakalipat mo pa lang ng bansa tapos ganyan sasalubong sa 'yong manners? Mga pipino talaga.

 

 

 

Naghahanap na kami ng upuan at oo, until now, magkahawak-kamay pa rin kami. I don't mind though, hindi naman niya ako hinihila at sumusunod lang siya sa kung saan ko siya dadalhin. Mukha talaga siyang batang naliligaw sa tingin niya ngayon haha cutie mingming.

 

 

 

Anyways, habang naghahanap kami ng upuan, may malakas na boses na tumawag sa 'kin, at 'di ko na kailangan pang lumingon para alamin kung sino 'yon. Kilalang kilala ko ang maingay at malakas na boses ni Signe! Sure akong siya 'yon. Sa ingay ba namang 'yan eh.

 

 

 

"Jeo! Dito!" tawag nito. At sakto, may dalawang upuan ang bakante sa lamesa nila. Siyempre doon na kami pu-pwesto ni Avery. Para na rin maipakilala ko sila sa isa't-isa dahil alam kong hindi naman nila gan'on na-appreciate ang isa't-isa sa dami ng introduction activities namin kanina sa klase.

 

 

 

Papunta pa lang kami sa table nila, ramdam ko na yung spirit ng kagagahan niya dito pa lang. Grabe ang kunot ng noo ni gaga! Halatang confused siya sa kasama ko. Ano naman kung kasama ko si Avery? hehe

 

 

 

"Hi guys! This is Avery! Avery, this is Signe (sabay tapat ng palad ko kay Signe. Hindi kasi ako pinalaki ni Mama na nagtuturo lalo na sa tao, masama raw kasi 'yon.) and this one is RJ. (ganoon din ang ginawa ko kay RJ.)" Mukha namang magkakamabuti

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
shajanie
11 streak #1
Chapter 17: Ayan na at may jelly ng nagaganap..
ryujinie__
703 streak #2
Chapter 17: HAHAGSHSHSHSS ayan na jelly jelly na si Avery. Jeo saur dense :D
kwinminjeong
#3
Chapter 17: hUUUYYYY BABWJSKSJSHAHAHAHA nagsisimula na ang selosan sa friend nya lang (crush nya na talaga) malala ka na avery tanginuh ang funny mo siz iba magselos ang tao naiinggit sha,, tapos inasar ba naman nila RJ HWHSKSAGDHSJA boisit‼️ love it and2 na si bebe mj2 ko ily macy sana good girl ka d2 vebs plz 🫦
ryujinie__
703 streak #4
Chapter 17: tyt 🫶🏻
kwinminjeong
#5
Chapter 17: ihhhh ang cute ng jeovery dyan 'tor, lavv it <333 also, take your time lang pu! and2 lang si me sa gedli naghihintay nang matyaga 🫦
kwinminjeong
#6
Chapter 15: naku naku ayan na nga po ang mga isipin ni avery ganda, sabihin mo na yan sa bff mong si jeo 😎 para matulungan ka nya.. hehehe yiee kakilig ang wholesome so much, 'tor! ty for the ud! love u! Btw take good care of yourself, rest, and take your time lang din. :>>>
ryujinie__
703 streak #7
Chapter 15: 👀👀
Pengseul
#8
Saved 🤣
kwinminjeong
#9
Chapter 14: omg ssob, take your time lang !! kakapagod pa naman ang research potah kaya mo 'yan lods I believe in u <3 neways, I recommend Ating Dalawa by Over October, kasi na lss ako dun sa song na 'yon >//< maganda sya pramiz 'tor! and also Bukod Tangi rin ng Cup of Joe 'tor! marami pa pero ito na muna 🫦 labyu 'tor, goodnight <3
Topkangseul
#10
Chapter 8: Yiee Karina