1 | Kinse?

Ride
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's P.O.V

 

 

 

Malapit nang mag alas siyete. Jusko ma la-late na ako! Si mama kasi ang tagal-tagal magluto eh kala mo talaga buong NSHS papakainin niya sa dami ng pinabaon sa akin.

 

 

 

Anyways, Hi! I'm Winter Jeo Suarez. Mas sanay akong tinatawag akong Jeo kasi si Mama ang nagbigay sa akin ng second name ko at well, ang magaling kong tatay na sumakabilang-bahay ay ang siyang nagpangalan sa akin ng 'Winter'. Ewan ko ba. Ayoko talaga sa kanya.

 

 

 

Ayun na nga. Grade 11 ako ngayon sa NSHS at super swerte kong makapasa rito kasi para na rin 'tong UPLB dito sa Laguna. Marami pa ngang nagsasabing mas maganda 'to sa UPLB. Hindi ako sure hehe.

 

 

 

Naglalakad na ako ngayon papunta sa terminal ng tricycle rito sa amin para makasakay na ako at malapit na nga akong ma-late!

 

 

 

Hindi naman nagtagal ay nakahanap din ako ng tricycle at nagulat ako nang may biglang sumakay na student din ng NSHS. Nakaharang yung mahaba niyang buhok sa mukha niya kaya hindi ko siya masyadong maaninag.

 

 

 

In fairness, nung lumingon siya rito ang ganda niya. Pero bakit parang hindi naman siya kumikibo? Hmm. Malaki naman na siya, bahala na siya sa buhay niya haha

 

 

 

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami rito. Nagmadali na akong magbayad at bumaba siyempre. 5 minutes na lang late na ako! Sa 3rd floor pa naman room namin.

 

 

 

Nagulat naman ako nang biglang nagsalita 'to si fellow NSHS girl. "How much is it for the ride?" Tanong nito sa driver. 

 

 

 

Ay wow grabe! Ganyan ba talaga ka-sosyal ang ibang mga studyante rito sa NSHS? Nag e-english kahit sa Tricycle driver?

 

 

 

"Kinse lang po, Miss." sagot naman ni Kuya driver sa kanya.

 

 

 

Nakakatawa yung mukha niya after siyang sagutin ni Kuya. Hindi niya ba alam yung Kinse? Haha spokening dollars yarn?

 

 

 

"K-Ki what? Sorry but I'm not familiar with it. Here, I hope this amount will be sufficient for the ride I took." sabi nito sabay hugot sa 100 pesos sa wallet niya at inabot kay kuya.

 

 

 

Hala?? 100? Gaga sobra sa sufficient 'yang bayad mo huhu seryoso pala talagang hindi niya alam yung Kinse.

 

 

 

Mukha namang nag-aalinlangan pa si Kuya Driver kunin yung bayad niya pero bigla nang tumakbo yung Ate girl papasok. Ma l-late na siguro siya.

 

 

 

Ay oo nga pala! Ako rin malapit na ma late! Ano ba naman 'yan, Jeo! tawa ka pa kay Ate girl kanina ha. Karma ka tuloy

 

 

 

Tumakbo na rin ako papasok at malapit nang isara ni Kuya Guard yung gate. Bakit ba kasi nanood pa ako sa ganap kanina ni englisherang Ate girl T__T

 

 

 

At ayun na nga. Nakarating na ako sa room namin. Punyeta ang lalaki ng pagitan ng bawat steps ng hagdan namin! muntik pa akong matisod habang umaakyat.

 

 

 

Pumasok na ako sa room namin, syempre. Andaming bagong mukha. Karamihan sa kanila puro mga ka-batchmate ko nung JHS. Naghahanap na ako ng vacant seat at 2 minutes na lang, papasok na Adviser namin. 

 

 

 

"Jeo! Jeo! Dito! Huy!" Si Signe! Gagang 'yan kahit kailan ang ingay talaga. Saktong-sakto, may bakanteng upuan sa tabi niya. Sa kaniya na lang ako tatabi, siya lang naman kilala ko rito.

 

 

 

Akmang patungo na ako sa upuan sa tabi ni Signe nang biglang umupo si RJ. "Hi Jeo! Dun ka na maupo sa isa pang vacant seat sa harap! Kami na lang tabi ni Signe hehe" sabi nito nang may mapang-asar na tono. Kainis talaga! kahit kailan epal talaga si RJ! Ayoko dun sa harap, baka ako unang tawagin sa Introduction mamaya T-T

 

 

 

Pero siyempre, yung seat sa harapan na nga lang ang bakante sa buong room. Ano ba pang magagawa ko. Wala na akong no choice haha chareng pero ayan na uupo na nga!

 

 

 

Naupo na ako sa vacant seat na malapit sa bintana. May seat mate akong babae. Medyo faimiliar yung buhok niya. Ewan parang nakita ko na ata 'to eh. Nakatalikod kasi siya kaya 'di ko makita yung mukha niya.

 

 

 

In fairness ang bango-bango niya. Amoy na amoy ko rito sa pwesto ko yung pabango niya. Pati yung scent niya familiar! parang naamoy ko lang 'to kanina ah. Ewan ko, baka nangingilala lang ako haha sanggol yarn?

 

 

 

Hindi rin nagtagal ay pumasok na yung Adviser namin. Ito yata yung Ms. Bae na pinag-uusapan nila Signe last week. Mukha naman siyang mabait pero ang sungit ng aura niya haha nakakatakot konti.

 

 

 

Nagpunta ito sa table doon sa harap at inilapag ang bag niya. Sobrang tahimik lang ng buong klase at tanging ang tunog lamang mula sa pagkalatok ng kaniyang heels sa sahig ang maririnig. Wala pang 3 minutes nang bigla itong nagsalita, "Good Day. Allow me to introduce myself. Ms. Irene Bae's the name. I am a teacher from the English department. Given that, I would be your English subject teacher and your class adviser. Welcome to NSHS, I wish you all good luck."

 

 

 

Wow. English teacher pala si Ms. Bae. Sa bagay, ang ganda ng diction niya, English teacher na English teacher yung dating haha

 

 

 

"Now that I'm done introducing myself, let's get to know each other more. I would like you to look at your seat mate and write one thing you want to do with them during the whole semester. I will give you five minutes to think about it and call you one by one to introduce yourselves to the class and

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
shajanie
11 streak #1
Chapter 17: Ayan na at may jelly ng nagaganap..
ryujinie__
703 streak #2
Chapter 17: HAHAGSHSHSHSS ayan na jelly jelly na si Avery. Jeo saur dense :D
kwinminjeong
#3
Chapter 17: hUUUYYYY BABWJSKSJSHAHAHAHA nagsisimula na ang selosan sa friend nya lang (crush nya na talaga) malala ka na avery tanginuh ang funny mo siz iba magselos ang tao naiinggit sha,, tapos inasar ba naman nila RJ HWHSKSAGDHSJA boisit‼️ love it and2 na si bebe mj2 ko ily macy sana good girl ka d2 vebs plz 🫦
ryujinie__
703 streak #4
Chapter 17: tyt 🫶🏻
kwinminjeong
#5
Chapter 17: ihhhh ang cute ng jeovery dyan 'tor, lavv it <333 also, take your time lang pu! and2 lang si me sa gedli naghihintay nang matyaga 🫦
kwinminjeong
#6
Chapter 15: naku naku ayan na nga po ang mga isipin ni avery ganda, sabihin mo na yan sa bff mong si jeo 😎 para matulungan ka nya.. hehehe yiee kakilig ang wholesome so much, 'tor! ty for the ud! love u! Btw take good care of yourself, rest, and take your time lang din. :>>>
ryujinie__
703 streak #7
Chapter 15: 👀👀
Pengseul
#8
Saved 🤣
kwinminjeong
#9
Chapter 14: omg ssob, take your time lang !! kakapagod pa naman ang research potah kaya mo 'yan lods I believe in u <3 neways, I recommend Ating Dalawa by Over October, kasi na lss ako dun sa song na 'yon >//< maganda sya pramiz 'tor! and also Bukod Tangi rin ng Cup of Joe 'tor! marami pa pero ito na muna 🫦 labyu 'tor, goodnight <3
Topkangseul
#10
Chapter 8: Yiee Karina