Call Center Shenanigans

Rhi's Writing Catalogue
Please Subscribe to read the full chapter

Pairing: WinRina

Genre: Multichaptered, Romance

Language Used: TagLish

Age Restriction: M - 15

Plot: Winter Kim is a call center forced to be a working student due to the economic recession in the country. Meanwhile, Karina Yu is a bored call center hopper who happens to be very corrupted to the core.

 

What kind of BPO shenanigans will Karina impart to the younger girl? Can love bloom between the “buddy system” imposed on them or was it just another mind game for Karina Yu? 

 

‘ .’ pagmumura ni Winter sa isip dahil malelate na siya sa first day niya sa trabaho. Masyadong malayo ang pinagbabaan ng jeep sa kanya sa opisina nila sa may Julia Vargas St. at di niya pa kabisado ang lugar. 

 

Sa ibang lugar kasi ginanap yung interview niya nung Friday. Sa may recruitment hub office daw nila yun. Tapos iba pa yung training site for 3 months at iba ulit yung mismong ‘production floor’ na pagtatrabahuhan niya. 

 

Sosyal diba? Ang daming building!

 

Pero ngayon hindi nakakatuwa iyon dahil hindi naman siya taga-dito. Binibilisan niya na lang ang paglalakad habang sinusundan ang blue lines ng direksyon ng lalakadan niya ayon sa Maps app.

 

Buti na lang at lagi niyang baon si ‘magta’ (magtanong)  kapag gumagala siya sa sa siyudad. Bilin kasi iyon ng tatay niya noon. Wag na daw siya mahiya magtanong sa mga tao kapag may pupuntahang bagong lugar.

 

So far, sinasagot naman siya ng mga jeepney drivers at security guards. Sabi din kasi ng tatay niya, dapat daw sa mga unipormadong siyang tao magtanong para may credibility. Masunurin namang bata si Winter. 

 

Tagaktak na ang pawis niya pero ang layo layo pa din ng building ayon sa Maps! 

 

‘Bakit ba nasa dulo ng kabihasnan tong training center nila?’ tanong ni Winter sa sarili habang pinupunasan ang noo. Sakto naman na nakared pa yung stoplight kaya napatigil siya at saglit na iniscan ang pa-kanan na direction na pupuntahan niya.

 

‘Ang haba ng daan!’ manghang mangha si Winter sa napagmamasdan na lugar tungo sa kawalan. 

 

Tubong probinsya siya at lumipat lamang sa Maynila upang mag-aral. Alam naman niya na hindi talaga kaya ng magulang niya ang pag-aralin siya dito kahit pa mababa lang ang matrikula sa PUP.

 

Mahal mamuhay sa Maynila!

 

Lahat ay may bayad.

 

Pero pinilit niya pa din sa kagustuhan na maiahon sa hirap ang pamilya niya. Masipag at matalino naman siya kahit papano. 

 

Nagtemporary stop siya ng isang taon last year upang makaipon kahit papano pang entrance exam at panggastos.

 

Naging tindera siya ng mga pinsan, tita at kung sino sino niya pang kamag-anak tapos hahatiin niya yung kinita niya sa sarili niyang ipon at para sa magulang niya. 

 

At nang magbukas na ulit ang PUPCET application, she tried her luck using her funds.

 

Swerte kasi nakapasa pero malas din dahil kapos na kapos ang kanyang magulang sa mga gastusin niya.

 

Kaya naman as soon as she turned 18 last week at nakapag-asikaso ng mga requirement, nag-apply na siya agad. Gusto niya matapos sa pag-aaral kaya gagawin niya ang lahat. 

 

She had to lie her way sa mga interview dahil bawal pala ang currently enrolled.

 

But desperate times go through desperate measures so kakayanin niya ang hamon!

 

At ito ang dilemma niya ngayon, ang mahanap ang building nila sa kalagitnaan ng mahabang kabihasnan. Nagtingin tingin pa siya ulit while impatiently tapping her foot sa kinatatayuan. 

 

30..29..28..27…26…

 

‘Ay pak! Ang ganda ni ate.’ nababading na isip ni Winter sa babaeng naglalakad sa kabilang lane ng kalsada habang naghihintay na magpalit na ang ilaw ng stoplight. Saglt siyang nadistract nung matangkad na babae.

 

Kinakabahan man, ay nagbabakasakali pa din siya na mabait ang maging trainer niya sa unang trabaho niya.

 

‘I’m hiring you because I like the tone of your voice on the phone.’ yun ang sabi nung Operations Manager na nagfinal interview sa kanya last week. Sana madala din yung trainer sa golden voice niya.

 

Nakatawid na si Winter at nagtungo sa direksyon na tinuro ng Maps. 

 

Nadaanan niya yung malaking home appliance supermarket pero wala na siyang oras upang tandaan pa kung anong tindahan ito. Bahala na si Batman sa pag-uwi niya mamaya.

 

Isasalba siya ni magta at Maps.

 

Mas mahaba ang biyas sa kanya ni ateng matangkad at maganda ngunit napapansin niya na iisang direksyon lang ang tinutungo nito at ng sinusundan niyang maps sa kakarag-karag na MyPhone niya. Yung cellphone niya nga pala ay yung tipong kahit Messenger at Facebook lang ang installed ay napupuno agad ang storage kaya kailangan niya lagi magreformat ng phone every month. 

 

Ayos lang naman iyon kay Winter, ang mahalaga ay nakakacontact siya sa magulang niya sa probinsya. Hindi naman din siya mahilig magselca o maglaro kaya masaya na siya sa tawag at text.

 

Medyo kakaunti ang building sa panig na ito ng Ortigas kaya pinatay niya muna ang cp at sinundan si ate. Bukod kasi sa storage issues nito ay ang bilis din malowbat ng cp niya. 

 

Baka kailangan niya din ng Maps mamaya. Di naman makapal mukha niya para makicharge sa opisina. 

 

Baka kawork niya pa itong si ateng maganda na maangas. 

 

Chix na chix!

 

If yes, ang swerte niya naman.

 

Nakakatomboy ang beauty ni ate girl talaga so much! 

 

Nagpunta kasi ito sa left direction then sumunod na naman siya. 

 

Napangiti naman si Winter dahil nasa harap na siya ng building na pupuntahan niya din.

 

Salamat kay ateng maganda!

 

 

“Hi, my name is Wendy, and I’ll be your trainer for the whole course of 3 months in this campaign. I hope...” pagpapakilala muli ng magandang maliit na babae dun sa unahan. 

 

She was wearing an ivory-colored coat, a white printed shirt inside, and high waist pants. Nakatali ang orange hair in the back. Her aura exudes authority and friendliness at the same time.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Rin_HM #1
Waiting parin ma-accept 😕
howlii
#2
pa-accept ‘tor 😔
Jhayxz #3
Chapter 25: Pa accept po😔😔
jendeusaurus
#4
Chapter 22: AHHHHH I WANT TO READ THIS FLUFF 🥹🥹🥹 I have read too much angst in my life, now I just want to read a lot of fluffs like this. BUT WHAT IF IT IS FLUFF TURN TO ANGST 😭
nkenravi
#5
pa accept po otor🫶🏻
Ahahailobeyoy #6
Hello po, Author! Just wanna ask po kung kailan niyo po ulit bubuksan 'yong form? Thank you!
winter1205
#7
otor paaccept po please 🥺 nasagutan ko pa yung form, now ko lang nakita closed na pala😔
w1parker #8
hi can u accept me? i wanna read positives II lines please 😄
aaprilkim #9
thank you so much po sa pag accept!! sana masarap ang almusal niyo ngayong umaga 🥹!!!
sooyeonsica_
#10
Chapter 16: the story looks interesting, i really want to read it