II - Dangerous To Your Health

Kisses (Between Heartbreak Stories) and Cigarettes
Please Subscribe to read the full chapter

"​Taeng Yosi lang ako sa labas."

"Sige lang! Ipaready ko na yung take-out mo."

"Okay sige. Thank you!"

 

Innantok na ako.

Eh di matulog ka na.​​

🖕

Punta ka na lagpas 12 na oh!

Papunta na nga. Hinihintay ko lang yung food.

Ah ge. Buti naman. Ano food?

Suplays! Mamaya na!

Damot.

Buti nga nagtakeout pa eh!

Oo na. Ty!

Yw!

Tagal mo.

Lilipad na!

Sige ah! Pag ikaw di ko nakitang lumipad dito sa rooftop!

Pwe!

 

"Ate Yuri!" Nagulat ako ng bigla kong nakita si Juhyun. Sakto ding wala akong balak tapusin yung yosi ko kaya tinapon ko na. 

"Uy! Hyunnie." Yumakap lang sya sa'kin gaya ng nakagawian.

"Nandyan pa ba si Yoong? Hindi kasi nagrereply sa'kin tsaka hindi sinasagot tawag ko."

"Ah oo nandyan pa. Kaso medyo lasing na eh. Nakadami din sya. Sunud-sunod inom nya kanina after kumaen." Napailing si Juhyun, halatang nagaalala. "Okay ka lang?"

Tumango lang sya. Parang naiiyak na din. Ganito 'to eh. Mababa ang luha. Niyakap ko na lang sya ulit.

"Okay lang 'yan baby. Alam mo naman ang sasabihin ko 'di ba?" Tama nga ako, naiyak na sya pagharap naming dalawa.

"Ka--kaya nga ako nandito 'Te. Gusto ko na talagang ayusin 'to. Kasalanan ko naman talaga."

"Shhh... Okay na. Sa kanya mo dapat sabihin 'yan okay?" At least ngumiti na sya kahit kaunti. "Tara sa loob ng masundo mo na mahal mo."

 

Pagpasok namin parehas na sila ni Sooyoung na nahihimlay sa lamesa ang mga ulo.

Bumati lang si Taeyeon at Sunny kay Juhyun sabay sinubukan na nyang gisingin si Yoona.

"Bud, here." Inabot sa'kin ni Taeyeon yung paperbag ng take-out order ko.

"Thanks, Taeng."

"I really hope you get to decide soon."

"Oo nga Yul." Sambit ni Sunny na yumakap sa tagiliran ko.

"I know. Thank you ah. Seryoso."

"Basta whatever it is na mapagdesisyunan mo, support kami sa'yo."

"Alam ko naman. Thanks Taeng. Araw." Yumakap lang ako sa kanila tapos nagpaalam na din ako kela Sooyoung na gising na. Nakaupo ng maayos pero tulala. Humalik lang ako sa ulo nya at umungol lang sya. 

"Hyunnie, kaya mo 'yan okay?" Tinapik ko ang braso nya habang pinapainom ng malamig na tubig si Yoona.

"Yoong, maayos nyo 'yan okay? Usap lang talaga at makinig sa isa't isa." Bulong ko sa kanya. Pinisil nya ang braso ko at tumango. Kumaway lang ako sa kanila ulit tapos naglakad na ako palabas.

 

Isang gabi na naman nga ng karupukan.

'Yan din sinabi mo kagabi Kwon!

 

Himala! Hindi na ako kinulit ni Jessica habang nagmamaneho papunta sa kanila. Madalas kasi pag alam nyang papunta na ako, tatawag na 'yan hanggang sa makarating ako sa bahay nila. Hindi daw kasi ako pwedeng makatulog habang nagmamaneho, lalo at mag-isa lang ako, mahirap na at takaw aksidente.

 

"Yuri!" Tawag sa'kin ng mama ni Jess paglabas ko ng sasakyan. Saktong kakasara lang nya ng tindahan nila.

"Tita good evening po." Bati ko sa kanya sabay pag mano. "Medyo late na po ata kayo nagsara."

"Oo eh. May party si Kap eh dito inorder lahat ng inumin tsaka pulutan."

"Kaya ho pala. Pahinga na po kayo."

"Oo at pagod ako buong araw. Puntahan mo na si Sica sa taas. Nga pala bago yung lock ng gate dun," Lumapit sya at ibinulong ang lock, "18059."

"Ahh sige po thank you Tita. Goodmornight po!"

 

Nakahiwalay ang gate sa apartment ni Jessica sa second floor. Her unit was supposed to be for rent pero nung umuwi sya after nya ma-depress, dun na sya pinatira ni Tita para daw may sarili na syang lugar.

Easy-access sa rooftop kung saan gusto nyang nag-yoyosi. Bawal sa loob ng unit nya kasi kakapit ang amoy sa kurtina at sofa.

 

 

 

Ayaw ng boyfriend nyang naamoy o nalalamang nagyosi sya.

 

 

 

Binubuksan ko pa lang ang lock sa gate nang may sumitsit sa'kin mula sa taas.

Tumingin ako at nakita syang nakadungaw sa rooftop. Nakangiti. Natanaw ko rin ang kamay nyang nakasampay na may hawak na sinding yosi.

Tumango lang ako at tuluyang binuksan na ang gate. Derecho sa rooftop, na 3rd floor lang naman ng bahay nila.

At shempre, inasahan ko na ang setup nya dun. Sa ilalim ng ilaw, nakaayos na yung lumang sofa nila na tinakpan nya ng kumot. Lamesang maliit sa gitna na nandun ang paperbags ng mcdo at baso ng Iced Coffee Black nya. Bote ng red wine at basong may tira pa. Isang kaha ng sigarilyong wala ng laman at nakabukas ang bagong kaha na mukhang dalawa o tatlo pa lang ang bawas.

Ang lakas nya talaga!

Maingay din yung maliit nyang electric fan na umiikot pantaboy lang ng lamok kasi ayaw nyang nakahinto dahil lamigin sya. Lalo ngayon malamig din naman ang panahon dahil magpapasko.

At kahit ayoko pa ding masanay, nasanay na din akong ang suot nya lang palagi eh short shorts, ang terno naming muscle tank top pero malaki ang punit sa gilid ng kanya kaya kita ko agad ang black nyang bra. Dati balot na balot 'to. Palaging nakapajama at t-shirt.

 

"Oh, ano kwento?" Bungad ko. Napansin kong namumula na ang mga pisngi nya at medyo mapungay na din ang mga mata nya.

Bumusangot sya bigla sabay buga ng usok. Sinundot ang yosi sa isang plastic cup na may tubig sa gilid ng lamesa sa lapag. Madumi na ang tubig sa dami ba naman ng na-yosi nya eh!

"Wala man lang hello?" Sabay upo sya sa sofa.

"Hello. Anong kwento?" Sabi ko. I didn't move. Nandun lang ako sa pinto.

"Gago ka Kwon ah! Tara na dito dali!"

Nilapag ko ang paperbag sa lamesa, nilagay ko ang cap ko at slingbag pati jacket sa sulok ng sofa saka ko sya tinabihan.

 

At gaya ng palagi nyang ginagawa, hahalik sa labi ko ng mabilis. Naamoy ko agad ang alak sa kanya. Tapos ilalagay ang braso ko sa likod ng ulo nya at sasandal sa'kin.

Ibibigay ang buong bigat nya.

Isisiksik ang ulo sa leeg ko habang ang mga paa nya nakapatong sa sofa, mga tuhod nyang alalay ang kamay nyang hawak ang cellphone.

May karera na naman sa dibdib mo Kwon. Goodluck.

 

"Bagay ba sa'kin 'to?"

Ganyan ang bungad nya palagi. Nagtitingin sya ng mga sapatos o dress sa online shop. 

"Wala namang hindi bagay sa'yo."

"Bola."

"Eh di hindi na. Walang bagay sa'yo!" Pangaasar ko sabay tawa.

"Siraulo!"

Tapos ayan, tatahimik habang scroll ng scroll sa cellphone.

Minsan hindi ko din talaga alam ano dahilan ng pagpunta ko dito.

Di hamak naman na mas malambot sandalan ang sofa nila kesa sa katawan ko.

Kinuwestyon nga nya dati kung bakit daw ako nagsimulang magpapayat at magworkout. Hindi na daw nya maramdaman yung mga taba ko. Hindi na ako masarap... yakapin.

Nag-scroll pa lang ako sa cellphone ko para sana magpatugtog pero,

"Papatugtog ka na naman ng bulok mong playlist!" Pangaasar nya.

"Nyeta! Mamaya na nga! Wag mo ko pipigilan ah!" Napailing ako.

"Kamusta sila Taeng?"

"Okay naman. Hinahanap ka."

"Oh, anu sabi mo?"

"Sabi ko may gagawin ka."

"Ah..." Nakatingin pa din sya sa cellphone nya.

"Ano ba ginawa mo?"

As if di mo talaga alam.

"Wala."

"Wala naman pala. Sana sumama ka na."

"May ginawa nga ako 'di ba?" Tumaas ng konti ang tono nya.

"Di ba sabi mo wala?" Sinabayan ko lang tono nya.

Napahinga sya ng malalim. "Oo na. Nag-spy maghapon."

See? As expected.

"Ahh kaya. Oh, ano na naman nalaman mo?"

"Na hindi sya talaga umuwi sa kanila."

"Pano mo nasabe?" Pangaasar ko. Hindi pa din nya ako tinitignan. Sige pa rin sa paghahanap ng dress online.

"Chineck ko logs ng Netflix ko. Nakita ko na-register sa location, Marikina. Tangina nya! Akala nya hindi ko malalaman. Tapos nag-selfie yung babae eh kitang-kita yung polo shirt na suot nya. Ako nagbigay nun eh! Gago talaga!"

Hindi ko din alam kung bakit kinakaya kong pakinggan 'tong mga kwento nya. Ilan taon na oh!

Tangina mo Kwon!

"'Yan ba yung nakilala nya sa COD?"

"Oo. Yung dealer. Tangina nya talaga!"

"Nagchat ka na?"

"Oo. Sabi nga nya nasa bahay daw sya. Masama pakiramdam kesyo gusto na daw magpahinga. Tangina! Nag-goodnight sa'kin ng alas-sais. Gago sya!"

Gusto ko sana syang tawanan! Tangina! sinong jowa ang maggu-goodnight ng 6pm? Hahahahaha! Tangina! Kaso kasi ang hirap biruin nito pag ganyang inis na eh!

"Oh eh di break na!" Sigaw ko.

"Aray!!!" Tama bang kurutin ako sa tagiliran?

Hanggang tingin lang sya ng masama kasi alam kong hindi din naman sya talaga makikipag-break.

 

Aminin naman natin... minsan naiisip mong sana nga mag-break na sila.

 

"Alam mo, ayoko na sanang ulitin yung mga nasabi ko dati pero sasabihin ko ulit. Hindi naman pwedeng kaya lang hindi mo kaya makipagbreak eh dahil sa utang na labas. I mean, given na nga 'di ba, natulungan nya kayo sa pag put-up nyang tinadahan at namuhunan sa gamit mo sa unit mo. But those are just material things. Money. Kayang-kaya mong kitain yun. Remind lang kita ulit na yung allowance na binibigay nya every month--"

"FYI hindi na sya every month nagbibigay. Actually, four months na syang walang abot."

"Oh kahit ilang buwan pa 'yan. Kayang-kaya mong kitain yun ng doble o triple pa per month. So, bakit tinittis mo pa din?"

Bigla nyang inabot yung bote ng wine at nagsalin sa abot kalahati ng baso nya. Ininom nya -- lahat.

"Kung pera 'yan na kailangan mong bayaran, ilang beses na akong nag-offer sa'yo 'di ba? Hindi naman kita sisingilin."

"Ayokong may utang sa'yo Kwon. 'Di ba sinabi ko na 'yan?"

"Kaya nga 'di kita sisingilin eh!"

"Ayoko nga!" Halata na ang inis sa boses nya.

Nagsalin ulit sya ng wine hanggang sa maubos na ang nasa bote at ininom nya -- lahat.

"Eh kasi nga kesa ganyan ka. Ganyan kayo. Gusto mo i-derecho ko na sa bank account nya? Babayaran ko!"

"Tangina Kwon!" Sabay tingin sya sa'kin ng masama.

Napabuntong-hininga na lang ako. Akalain mo kayang mong gawin talaga yun for her? Iba ka Kwon Yuri! Natatangi ang karupukan mong taglay!

"Oo na. Sorry na."

Pareho kaming nanahimik.

 

Nagpatugtog na ako ng playlist ko. Magbalik by Callalily

Sakto may nagtext din.

 

"Uly! Message ka lang ah! I'll be up until later siguro. Umalis na ako pagalis mo din since yung punyetang US client namin bigla akong tinawagan.

Sige. Thanks Araw. Wag ka din pakapagod. Whole day ka na nagwork.

Okay lang. Counted as OT naman to. Sayang din. Alam mo naman tayo, alipin ng salapi! 😂

Hahaha! Tama!!! Sige. Wag ka magalala okay naman ako.

Okay pa?

Oo. Okay pa.

Kaya pa?

Kinakaya pa.

Sige Yul. Basta ah, dito lang ako.

Thanks Araw. Sobra!😙

 

"Sino 'yan? Jowa?" Nakatingin pa din sya sa cellphone nya. Tangina! Bilhin mo na lahat Jung!

"Wala nga 'di ba."

"Oh bakit nga wala?"

"Eh wala eh."

"Tangina Kwon sumagot ka naman ng maayos!" Nag-adjust sya ng upo nya para harapin ako ng kaunti.

"Eh sa wala. An

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayo_kaiii
#1
Chapter 4: gift reveal po please 🙏🏻
ayo_kaiii
#2
Chapter 4: napakasakit po author, maraming thank you po! ganito talaga mga type ko bawat chapter purong purong sakit lang tapos walang happy ending 🥰🥰🥰
ayo_kaiii
#3
Chapter 3: hala grabe, ang saket uleeeet aaaccckkk T_T
ayo_kaiii
#4
Chapter 2: ang sakeeeet! aaacccckkk T_T
forgotme #5
Chapter 4: Wla bng krgtong to?😁
123LOL02 #6
Chapter 4: Sequel pleaseee 😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Can't get enough of this fic.
I guess its already my 5th or 6th time in here.

Thank you author. Sana may sequel.hehe.
f8nt_echo
#8
Chapter 4: Sana may sequel to. Yun pareho na silang natuto at ready na ulit sa isa't isa. Yulsic really hits different.

P.S. Funko pop yun gift 🎁
Keichan13 #9
Lol is there a way to translate this to English?
kwonyy #10
Hope its english fiction