I - Tempting

Kisses (Between Heartbreak Stories) and Cigarettes
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

New Message

​Tara! Yosi!

 

. Mumurahin na naman ako ni Taeng nito. Ngayon pa na gig nya. talaga.

 

Ayan na naman sya! Like what the ?! Magkasama naman kayo kagabi ah?  Ano na naman ba gusto nito sa'yo?! Pigilan mo nga 'yang pagkabog ng dibdib mo! This is really not funny Kwon Yuri! Subukan mo talaga!

 

"Bud, let's go!" Pagyaya ni Taeyeon sa akin papasok ng Nights Bar and Resto.

"Ahh Taeng... Sorry, pwede bang pass muna ako?"

"Tangina na naman Yul!" Sabi ko na eh. Nakakatakot talaga sya kapag galit at inis pero mas nakakatakot na sya kasi nakapamewang na. "Buti sana kung kanina lang plinano 'tong lakad eh! Hindi pwede!"

 

Oh gago! Wala kang silbi Yuri! Sige! Bumigay ka naman! It's not as if this is the first time. So, goodluck loser!

 

"Pero Taeng..." Bigla nyang hinawakan yung braso ko at dahan-dahang hinila.

"No. Sabihin mo sa kanya maghintay sya!"

Oo, alam nya. Lahat naman alam ni Taeyeon. Wala akong tinago sa kanya.

"Oh?" Nakataas ang isang kilay niya at napabuntong hininga sya.

Napahinga na lang ako ng ma​​lalim. Mukhang may halong pagbabanta na mga mata nya eh. 

"Okay. Sorry Taeng." Sabay kaming pumasok habang hawak nya pa rin ang braso ko.

"12 Yul. Payag ako kung hanggang 12 ka."

"Sige. Sabihin ko na lang sa kanya."

 

Pwede naman kaso 12 pa ako makakapunta. Fridays diba?

. Oo nga pala. Tagal a!

Eh di wag na.

Pumunta ka. Hintayin kita. Manonood na lang ako. 

Sows. Ge. Series panuorin mo. 5 hrs ka din maghihintay. Magdinner ka na din hindi na ako magdadala ng food.

Ayoko. Dalhan mo ko mamaya. Magkakape na lang muna ako.

Ang sakit mo sa ulo talaga! Sasakit na naman tyan mo!

Ayokong kumaen ng hindi ka kasabay.

Oh, puta talaga!

Oo na magdadala na. Ano ba gusto mo? May cravings ka?

Wala. Kahit ano na lang. Except kanin. Basta pumunta ka lang okay na ako.

Yang mga ganyan mo talaga eh no? 

Ge. Message kita pag papunta na ako.

👍

 

Tangina talaga. Ano na naman bang ikukwento nito sa akin? 

 

Sunog na naman baga ko nito mamaya.

 

Ano pa nga ba? Eh kagabi nga nakaubos ka pa ng isang buong kaha! Gago! Kamustahin mo naman lungs mo! Lungs! Okay ka lungs? Tangina mo Kwon!

 

"Yul, iinom ka ha! Hindi pwedeng hindi." Agad nyang sinabi pagupo namin sa VIP table. Ang demanding talaga ni Taeyeon pero okay lang naman kasi minsan lang sya maging ganito kaya madalas pinagbibigyan ko.

"Yes Boss!"

Tinawag nya agad yung waiter para sa drinks at food namin. Usually, nakaprepare na 'yun.

Si Taeyeon ang may-ari nitong Bar. Business partner nya yung real-life partner nyang si Hyoyeon. Wala nga lang sya ngayon, nasa Cebu for a gig. DJ naman sya. Si Taeng, singer naman with full band.

Padating pa lang yung ibang friends namin. Sabi ni Sooyoung ipapakilala nya ngayon yung bagong jowa nya. Sana hindi na sya talk-. Nakailang sabi na sya nyan pero hindi naman natutuloy. Nalalaman na lang namin break na daw sila. Then on to the next victim!

Si Yoona hindi ko sure kung makakapunta. Pag hindi kasi pwede si Juhyun, hindi din pupunta yun. Ewan ko ba! Magkadugtong na masyado bituka nung mag-girlfriend na yun.

 

"Yul! Taengoo!" Sa wakas dumating na si Sunny. Sakto din na dumating na mga inorder ni Taeyeon na pagkain at alak.

"Araw! Kamusta?" As usual, high five lang kami. Ayaw nya ako ibeso kasi hindi nya abot pisngi ko. Hindi naman daw ako special para mag-effort syang abutin. At ako, pang-aasar na namin sa kanya ni Sooyoung na hindi talaga ipaabot ang pisngi namin sa kanya.

"Pagod! Grabe client meeting kanina nakaka-drain! Buti talaga Fridays tayo ngayon! Shet!!! Kailangan kong uminom!!! Alak!!!" Natawa na lang kami ni Taeyeon sa pagsigaw ni Sunny.

"Inom na inom ah!" Biro ni Taeyeon.

"Grabe kasi talaga! Ang hirap na parang ako lang tumatrabaho eh! Nyeta silang lahat! Sana hindi masarap ulam nila! Sana delayed sweldo nila!!!"

Natawa na lang kami ulit ni Taeyeon pero pati sya natawa na din sabay cheers ng mga bote namin ng beer.

Halatang stressed na stressed na si Sunny sa work. Matagal na nyang reklamo yan kaso hindi na sya makaalis din. Mataas na masyado position nya at maganda na din ang sweldo nya. Tinitiis na lang nya talaga.

Okay na din kasi once in a while bigla syang nagbabakasyon out of town. Madalas damay kami. Malamang next week magyayaya na 'to. Baka sa Iligan. Nasabi nya last time na gusto nya bisitahin yung Tinago Falls. So... We'll see. Sana matuloy. 

Stressed na din ako sa trabaho. Hindi na din ako nag-eenjoy masyado. Parehas kami ni Sunny. Matagal na sa company at okay na din ang sweldo. Stable na. Kung aalis ako, ang hirap na naman magsimula. Ngayon nga may offer yung Ate ko abroad but I'm still thinking about it.

 

"Hintayin lang natin si Soo tas sasalang na ako." Sabi ni Taeng.

 

Iinom ka ba jan?

Malamang!

Haisssttt.

Oh?

Wala lang. Inom sana tayo mamaya.

Ayoko na. Hindi ko alam ilang bote maiinom ko. Baka nga hindi pa ako makapunta dyan pag nagkataon lalo magdadrive pa ako.

Subukan mo Kwon!

Napailing na lang ako. Ganito talaga sya. Ewan ko ba.

Pero bibigay pa din! Rupok talaga!

Joke lang. To naman!

 

Nyeta... Bakit ba hanggang ngayon ang rupok ko pa din. Ganun ba talaga pag first love?

Kanta lang yung alam kong first love never dies pero sa totoong buhay ba?

Pero kasi, kahit dati pa nung nagbreak kami, sila Taeng na nagsasabi na iba pa din ang tingin ko sa kanya. Kahit na nagka-girlfriend ako. The moment na nagkikita kami laging sinasabi nila Sunny na my eyes have their spark whenever I look at her. That I always look at her with my usual loving eyes. Kahit kelan hindi nawala. And true enough, tuwing nakikita ko sya, kumakabog pa din yung dibdib ko. 

It's been years.

 

Actually, it's been 10 years.

 

Alam ng mga ex ko yun. Wala akong tinago sa kanila. And good thing, they all understood. Well, except dun sa unang pinalit ko sa kanya. Sobra ang selos!

Ganun siguro talaga. Kung sino yung sinunod sa'yo, yun talaga ang pagseselosan mo because you couldn't help but somehow compare yourself to that person.

Sa bagay, nung nagka-boyfriend nga sya after ko, grabe selos ko. Pero yung mga sumunod, wala lang. Wala akong pakialam.

 

Is it because we were friends since high school? Kaya ang pundasyon ng pagkakaibigan namin ay masyadong malakas at matatag?

Hindi sya nakapag-college kasi nagtrabaho sya sa isang TV Network bilang incoming artist. Medyo artistahin din kasi sya eh. Tatlong taon din sya doon tapos kinailangan nyang mag work abroad nung 20 na sya.

Ako ang palagi nyang kausap simula't-simula kaya alam ko lahat ng struggles nya. At nung nakauwi na sya, laking gaan sa loob ko. Na at least, I know she's okay now. Na kung kailanganin nya ang tulong ako, mas madali ko syang mapupuntahan.

 

Pero hindi ata naging maganda yung pagkikita namin.

 

Ang dami ng nagbago sa kanya.

 

Ni hindi ko mai-magine na nagmumura na sya na akala mo sandwich sa lahat ng sentence nya. Samantalang dati tinatapik nya ang bibig ko kapag nagmumura ako sa harap nya.

Na kaya na nyang umubos ng dalawang kaha ng sigarilyo.

Na ang lakas na din nyang uminom.

Na papalit-palit na sya ng boyfriend.

Yes, I was the first and last girlfriend she had.

Hindi ko inasahan na hihingin nya sa akin 'to.

At lalong hindi ko inasahan na bibigay ako.

 

Palagi.

Tangina! Palagi yan!

 

"Hoy! Tanong ko kung tuloy pagkikita nyo ni Jess?" Hindi ko napansing kinakausap pala ako ni Sunny.

"Ahh.. Oo. Mamaya pa naman. Sabi ni Taeng 12 nya pa ako papaalisin eh."

"Ah. Okay. Oh, yung puso mo? Wag mo iiwan ha!"

Yan ang palaging bilin ni Sunny. Oo alam din nya... Lahat.

 

Kumakabog na naman ang dibdib mo kasi alam mo gigisahin ka na agad ni Araw. Tapos mamaya silang lahat na. Goodluck talaga Kwon!

 

"Oo naman. Ako pa ba?"

"Oo nga. Ikaw pa ba? Eh hanggang ngayon nga pumapayag ka pa eh."

"Araw... Please."

"Oo na Yul. Alam ko. Wala na akong sasabihin pa kasi alam mo naman na 'di ba? Kung sasabihin mo lang naman sa akin na mahal mo pa at masaya ka sa kanya hindi naman kita pipigilan. I'll support you, you know? Pero sa tuwing tinatanong ka namin, palaging hindi ka makasagot. Kaya ako, lagi lang akong nagpapaalala."

Oo, hindi ako makasagot. Kasi hindi ko din alam ang isasagot ko.

Ang gulo ng isip ko.

Ang gulo ng puso ko.

Ginugulo nya masyado.

Tangina mo Kwon! Ang rupok mo!

"Oo, Araw. Alam ko naman. Salamat pa din." Tumango lang sya sa akin sabay inom. 

 

"SORRY!!!" Dumating na ang reyna.

"Grabe Soo! Tagal ah!" Reklamo ni Taeyeon.

"Sorry na nga. Kasi dumaan pa ako kay Ate. May pinabibigay para kay Mama. Hindi na kasi sya makakauwi dahil derecho na syang Pampanga." Paliwanag nya.

"Yul!!!" Ganito 'to, yayakap, hahalik sa pisngi ko na parang maglalambing kasi may gusto pero minsan wala naman. Ganyan lang sya talaga.

"Inom na!" Sigaw ni Sunny.

"Nasaan si Yoong?" Tanong ni Sooyoung.

"Oh! Speaking!" Hindi ko talaga inasahan na makikita ko si Yoona at mukhang masama ang mukha. "Yoongie!" Tawag ko sa kanya sabay yakap.

"Yul. Puta, tara! inom!"

"Oooohhhhh!!!!" Sabay-sabay naming sigaw sabay tawa.

"Break?" Tanong agad ni Sunny.

"Tangina! LQ." Sagot ni Yoona habang umiiling sabay upo. "Kung break, break na! Pa LQ-LQ pa eh pareho din naman!" Sambit nyang may matinding inis.

"Cheers!!!!" Sigaw ni Taeyeon habang nakangiti.

Ngayon lang namin nakitang ganito si Yoona. Hindi naman 'to ganito. Kung may tampuhan sila, hindi sya pupunta kasi susuyuin si Juhyun. Tapos babawi na lang ng dinner sa amin. Pero ngayon, mukhang hindi maaayos 'to agad ah.

 

"Sakto andito na kayo, salang na ako." Uminom lang ulit si Taeyeon ng beer tapos lumakad na papunta ng stage.

 

Uminom ka jan. Iinom ako dito. Cheers!

Ang sakit mo talaga sa ulo!

Ge. Ikaw bahala. Cheers!

Ano iniinom mo?

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayo_kaiii
#1
Chapter 4: gift reveal po please 🙏🏻
ayo_kaiii
#2
Chapter 4: napakasakit po author, maraming thank you po! ganito talaga mga type ko bawat chapter purong purong sakit lang tapos walang happy ending 🥰🥰🥰
ayo_kaiii
#3
Chapter 3: hala grabe, ang saket uleeeet aaaccckkk T_T
ayo_kaiii
#4
Chapter 2: ang sakeeeet! aaacccckkk T_T
forgotme #5
Chapter 4: Wla bng krgtong to?😁
123LOL02 #6
Chapter 4: Sequel pleaseee 😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Can't get enough of this fic.
I guess its already my 5th or 6th time in here.

Thank you author. Sana may sequel.hehe.
f8nt_echo
#8
Chapter 4: Sana may sequel to. Yun pareho na silang natuto at ready na ulit sa isa't isa. Yulsic really hits different.

P.S. Funko pop yun gift 🎁
Keichan13 #9
Lol is there a way to translate this to English?
kwonyy #10
Hope its english fiction