IV - Craving

Kisses (Between Heartbreak Stories) and Cigarettes
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

9:07am - Hoy! Bakit umalis ka agad?

12:42pm - Lunch tayo!

4:29pm - Punta akong divi tara!

4:58pm - Ano Kwon, tulog ka pa? Grabe ka ah!

7:28pm - Ding dong!

10:12pm - Tara! Yosi ulit!

 

Sunday

Kwon samahan mo nga ako sa bgc. Dali na libre ko!

 

Tuesday

Tara yosi!

 

Thursday

Aba walang paramdam ang gago ah! Sobrang busy ata magpayaman ah!

 

Friday

Fridays ka ba ngayon? Pwede sumama?

 

Saturday

May pinagdadaanan ka ba? Hindi bagay sayo!

 

Sunday

Tara na! Yosi! Nakita ko nagtweet ka pa kanina! Kala ko nagdeact ka na?

 

Tuesday

12:12pm - Grabe ka Kwon! Ghosterist ka na din pala ngayon ah! Sumasabay ka pa sa Gen Z!

7:50pm - Ui! Anu na nangyari sayo? Ayoko namang imessage sila Taeyeon nahihiya ako.

 

Thursday

May jowa ka na siguro kaya dedma na sakin!

 

Friday

9:12am - Grabe ka! Binlock mo ba ako? Hindi ka din matawagan!

6:22pm - Seryoso Kwon nagaaalala na ako sayo. 😞 Kanina nakita ko active ka sa IG tapos nagdeactivate ka agad. Ayokong isipin pero iniiwasan mo ba ako?😞

 

Saturday

Kwon Yuri!!!

 

Sunday

9:37am - KWON!

9:37pm - YURI!

 

Tuesday

3:33pm - Dalawang linggo mo na akong dinededma!

11:11pm - Miss na kita. 😞

 

Thursday

7:11pm - Love, I miss you. Punta ka naman oh. 😭

11:11pm - Please? Puntahan mo naman ako.😞

 

Friday

1:17pm - Gusto lang kitang makita. Libre ka ba ngayon? Dito lang ako. Punta ka lang anytime.

5:47pm - Yuri...

 

Dahil hindi na nga nagpaparamdam si Yuri, naisipan na nyang dumerecho sa Nights Bar & Resto para magbakasakaling makita siya doon. Sakto din naman na Friday, kaya kahit pano umasa na din syang nandun si Yuri para sa nakagawian nila ng barkada nyang Fridays.

"Hi Taeng!" Bati ni Jessica pagkakita kay Taeyeon sa stage. Kilala sya ng security kaya pinayagan syang makapasok kahit sarado pa talaga ang bar.

"Uy! Jess hi!" Sabay yakap si Taeyeon at agad syang inalalayan sa VIP area. "Kamusta?"

"Okay naman Taeng."

"Long time ah!"

"Oo nga eh." Nahihiyang sagot nito.

"What can I get you?"

"Ah wag na. Aalis din naman ako agad. Busy ka ba?"

"Hmmm... Not really. Well, we're opening in..." Tinignan nya ang oras sa cellphone nya. "Half an hour. So okay lang. You sure, you don't want anything?"

"Yeap okay lang ako."

"Taeng!" Biglang bati ng isang babae. Sabay silang napatingin sa direksyon ng pintuan at nakita ang mga kaibigan nila. Si Sooyoung, Sunny, Yoona at Juhyun.

"Uy! Jess! Long time!" Bati ni Sooyoung sabay yakap ng mahigpit. Nagsisunuran din sila Sunny na batiin at yakapin sya.

Hindi naman din kasi nila nakakasama si Jessica maliban na lang kung kasama si Yuri.

Although, magkakaklase silang lahat simula nung highschool, siya lang ang nawala sa sirkulasyon nung hindi sya nagtuloy sa college at nung nag-abroad nga sya.

Pero sa lahat, si Hyoyeon talaga ang pinaka naging ka-close nya. Hindi nga lang sila palaging nagkikita at nagkakausap. Kaya madalas pag natye-tyempuhan nila ang isa't-isa dito, grabe naman silang dalawa magbiruan at kwentuhan.

"Stay for the night! Maganda set ni Taeng lalo Fridays! Birthday request din ni Yul." Pagyaya ni Sunny.

"Ahhh... Pwede naman. Yun nga pala yung pinunta ko." Sagot niya sabay bahagyang inangat ang paperbag na dala-dala nya. "Babatiin ko sana si Yul. Ito nga binilhan ko pa sya ng gift kanina."

Nagtinginan naman ang magkakaibigan. 

"Hmm... Jess, wala bang nasabi sayo si Yul?" Tanong ni Yoona.

"Hmmm... Wala naman. Huling kita pa kasi namin nung nandito din sya. Three weeks ago na ata? Eh after nun hindi na sya nagparamdam eh. Hindi nagrereply sakin. Eh di ko na kayo tinanong kasi alam kong busy kayo sa mga trabaho nyo. Tapos nakadeactivate din ata yung IG nya tsaka Twitter. Tinatanong ko nga kung may girlfriend na eh kaya iniiwasan na ako!" Biro nya. "Kanina nagtext din ako kaso walang reply eh."

"Ahhh... Hmmm..." Ungol ni Sooyoung sabay tingin kay Taeyeon.

Alam naman nilang wala ng ibang pwedeng makasagot sa kanya kung hindi si Taeyeon lang. Hindi din naman nila alam kung ano ang sasabihin kay Jessica. 

"Ahh Jess... Tara upo muna tayo. Let's have something to eat." Pagyaya ni Taeyeon.

"Sige okay lang."

 

Lumipas ang oras na puro kamustahan at kwentuhan hanggang sa nagbukas na ang bar. Umalis muna si Taeyeon para magasikaso ng banda nya at saktong dating din ni Hyoyeon. Bumati lang ito sa kanila, lalo na kay Jessica at umalis muli kasama si Taeyeon.

Dahil may sariling schedule ang magpartner sa pag-manage ng bar, si Hyoyeon ang naka-schedule na mag-supervise ngayong gabi. Kaya malamang, dadalaw-dalaw lang sya sa table nila, makikitagay, konting kamusta at kwento tapos balik din sa trabaho.

 

Nagpatugtog ng house music ng isa't kalahating oras hanggang sa tumayo na si Taeyeon sa stage kasama ang banda nya.

 

"Ahhh... Hello sa inyo! Good evening!" Bati nya at nagpalakpakan naman ang lahat. At gaya ng nakagawian, nanguna sa hiyawan ang mga kaibigan nya lalo na si Sooyoung na tumayo pa at pumalakpak.

"Ngayon magso-sorry na ako kasi hindi ako tatanggap ng requests. Pero maiiwan naman dito si JiEun. Yan, sa kanya pwede kayo magrequest mamaya. Okay?" Nagpalakpakan ang lahat ng itinuro ni Taeyeon si JiEun sa bandang likod nya.

Palingon-lingon si Jessica na halata namang hinahanap si Yuri. Birthday nya ngayon eh. Sabi nga ni Sunny para sa kanya ang set ni Taeyeon. Bakit wala pa sya? Sya ang unang dapat nandito ngayon.

"This is a very special night because it's my best friend's birthday today! Yung mga regulars namin dyan, of course you know Yuri?" Naghiyawan ang karamihan.

"Baby ko yun!" Sigaw ng isang babae. Napatawa sabay napailing naman silang magkakaibigan, damay na din si Jessica.

"Nasan na yung baby ko?" Sigaw ulit ng babae.

Natawa ulit si Taeyeon. "Naku pasensya ka na. Wala ang baby mo dito. Tsaka pwede wag mo ngang tawaging baby yun! Kinikilabutan ako!" Nagtawanan ang lahat.

"Yes. She's not here to celebrate with us. But... We will celebrate her day through music. So, everyone, I hope we'll all enjoy the night with Yuri's playlist."

 

Gustong magtanong ni Jessica kung nasaan na si Yuri pero masyadong nageenjoy ang mga kaibigan nyang makinig sa performance ni Taeyeon.

Mas na-miss nya si Yuri. Ito yung mga kantang pinapatugtog nya kapag magkasama sila na sya namang nilalait ny

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayo_kaiii
#1
Chapter 4: gift reveal po please 🙏🏻
ayo_kaiii
#2
Chapter 4: napakasakit po author, maraming thank you po! ganito talaga mga type ko bawat chapter purong purong sakit lang tapos walang happy ending 🥰🥰🥰
ayo_kaiii
#3
Chapter 3: hala grabe, ang saket uleeeet aaaccckkk T_T
ayo_kaiii
#4
Chapter 2: ang sakeeeet! aaacccckkk T_T
forgotme #5
Chapter 4: Wla bng krgtong to?😁
123LOL02 #6
Chapter 4: Sequel pleaseee 😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Can't get enough of this fic.
I guess its already my 5th or 6th time in here.

Thank you author. Sana may sequel.hehe.
f8nt_echo
#8
Chapter 4: Sana may sequel to. Yun pareho na silang natuto at ready na ulit sa isa't isa. Yulsic really hits different.

P.S. Funko pop yun gift 🎁
Keichan13 #9
Lol is there a way to translate this to English?
kwonyy #10
Hope its english fiction