III - Final Caution

Kisses (Between Heartbreak Stories) and Cigarettes
Please Subscribe to read the full chapter

​Magbubusy-busyhan pa sana ako dahil ayoko talagang naririnig ang usapan nila pero sakto na din natapos ang tawag.

Salamat ng very light universe! Naaawa ka na siguro sa akin.

 

"Oh kamusta?" Tanong ko habang nakatayo sa gilid ng lamesa.

"Okay na. Nag sorry na."

"Rupork yarn?!" Pangaasar ko.

"Gago! Tabihan mo nga ako."

"Ayoko nga."

"Dali na kasi!"

Ayan na naman ang simpleng tukso nya.

Lumapit ako sa kaya pero umupo ako dun sa nakahiwalay na couch ng sofa.

"Sabi tabi eh!"

"Ayoko nga." Sabay humiga ako habang nakalaylay ang mga binti ko.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko. Tinigil ko na din ang playlist kong wala namang patutunguhan gaya ng dati. Besides, ayaw naman nya talaga yung playlist ko. Nababaduyan sya. Pasensya sya! OPM lover 'to no! Tsaka baka kasi tinatamaan sya sa mga kanta. Feelingera masyado... pero para sa kanya naman talaga.

Tangina mo Kwon!

 

Bud, Iligan nga daw pala next week sabi ni Araw kanina. G?

Yown!!! Game!!! 

Tama nga ako!

Hay! Salamat ulit Universe! Makakapagpahinga na naman po ako! Sana bigyan nyo pa ng pagkaka-stressan si Araw para magbakasyon kami ulit!

 

Araw! G ako sa Iligan!

Yey! Sorry di ko namention kanina. Advanced bday celeb na natin un sayo!

Korek! Sarap naman! Iba talaga sugar mame namin! 😍

Pakyu ka Yul!

Hahahaha labyou Araw!😙

Isama mo si Jess if pwede sya.

Sige tanungin ko.

Okay ka pa?

Oo naman!😙

Oks!❤

 

At nag-chat din si Ate Boa.

 

Bunso willing to wait boss ko if you can decide daw within the week or hanggang next week. Tapos i-process nya agad yung working visa mo in case na pumayag ka na sa offer. 

Maghihintay lang naman ako bunso. Hindi naman kita pipilitin. Alam ko naman okay ka na sa trabaho mo dyan at ayaw mo din iwan sila Sunny. Pero shempre sayang lang din. Dalawa na nga lang tayo magkahiwalay pa.

Tsaka miss na miss na kita bunso lalo di ako nakauwi this year. Masaya sana kung dito ka na magpasko.

Basta ha. Walang pilitan to. Magsabi ka lang sakin.

Ingat ka dyan ah! Pakamusta kela Taeng. Pakisabi miss ko na sila. Labyu Bunso! 🤗

 

 

Hinga ng malalim.

 

 

Hindi ko pa alam ire-reply ko.

 

 

Gising Yuri. Kailangan mo ng magdesisyon.

 

 

"Ayaw mong tumabi ah." Nagulat ako ng tumabi na sya sa akin at nakahiga na din. Isinandal ang ulo sa balikat ko at nakayakap ang braso sa bewang ko. "Wala daw jowa pero chat ng chat."

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa kisame.

"Di ba pwedeng kapatid ko 'to at sila Taeng?" Natawa sya ng kaunti.

"Kamusta na si Ate Boa? Hindi sya umuwi no?"

"Oo. Busy eh. Ang lalaki daw ng mga projects nila ngayon."

"Ikaw? Ayaw mo ba mag-work dun para magkasama na kayo?"

"Pinapaalis mo na ba ako?" At tinignan ko sya na nakapako pa din ang mga mata sa kisame.

Ang gago ng tanong mo Kwon!

"Hindi. Ayoko ngang umalis ka eh. Sino na lang ite-text ko pag gusto ko magyosi tsaka uminom? Sino na lang sasama sa akin sa mga lakad ko? Sino na lang kakaladkarin ko mamasyal tsaka manood ng sine? Sino na lang food-buddy ko pag gusto ko kumaen sa labas ng dis oras ng gabi?"

"Eh di si Kris." Mabilis kong sagot at natahimik sya. "Eh lahat yang binanggit mo ginagawa ng mag-jowa. Kaya dapat sya ang kasama mo. Kung tutuusin nga sya talaga dapat at hindi ako."

Tama naman ako 'di ba?

"Tinataboy mo na ba ako?"

Tangina Jung!

Oo.

"Hindi no. Ang sakin lang, tama naman ako. Sya ang kasama mo dapat sa mga lakad mo."

"Eh hindi nga pwede 'di ba?"

"Pwede siguro kung hindi si Kris."

"Huh?"

 

Hinga ng malalim.

 

 

Sige Kwon ayusin mong yang sasabihin mo!

 

 

"Kung mag-bebreak lang sana kayo, may chance ka pang makahanap ng iba. Yung hindi lang matinong tao, kundi matinong relasyon. Hindi yung naghihintay ka lang linggo-linggo tuwing Monday at Wednesday para pumunta sya kasi ikaw ang gugustuhin at pwede kasama araw-araw."

Naramdaman ko ang paghinga nya ng malalim. Sapul na naman ba Jung?

"Hindi ka mapapraning kakaisip kung dun ba sya sa number 3 nya pumunta o sa misis nya kasi ikaw lang ang meron sya. Ilang beses ko bang uulitin sayo na hindi ka pang kabit. Ang katulad mo pinapakasalan."

 

Siguro yung dating ikaw. Pero ngayon, hindi ko na alam.

 

"Eh ikaw?" Nakatingin pa din sya sa kisame.

"Anong ako?"

"Pakakasalan mo ba ako kung nagkataon?"

Ahy puta! Hindi ko na talaga alam sa utak nito kung bakit ganyan!

"Ba't napunta sa akin?"

"Eh sa'yo nanggaling yung thought na yun eh! So, kung ikaw ba, pakakasalan mo ako?"

 

Gago! Sumagot ka ng tama Yuri!

 

 

Hinga ng malalim.

 

 

"Siguro... kung hindi tayo naghiwalay, baka... kasal na tayo."

 

 

At natahimik tayo parehas.

Mga mata nating napako na sa kisame.

Hindi naman ako umaasa ng sagot nya sa sinabi ko. Besides, tinanong nya lang ako at 'yun ang sagot ko. Ayoko nga sanang sagutin 'di ba? Kaso mapilit, kaya yan.

Hindi ko na iisipin kung tama yun kasi sa totoo lang, 'yun naman talaga. Dahil simula't-sapul na minahal ko sya, nangako na ako sa sarili ko na sya na talaga.

Oo, second-year college lang ako nun. Pero minahal ko na sya second-year highschool pa lang kami. Sabi nila sa akin puppy love lang naman daw yun. Siguro. Pero turned-out, sya ang naging first love ko and maybe, great love? Kaya siguro doble o triple ang sakit.

Tanginang gabi 'to!

Tangina mo Kwon!

 

"Pwede bang magyosi dito kahit ngayon lang?" Bigla kong tanong.

"Sige lang." Nakatingin pa din sya sa kisame.

Bumangon ako at kumuha ng isang stick sa kaha na nasa lamesa. Binuksan ko ang bintana saka ako nagsindi ng yosi.

Naalala ko dati nung nagulat syang nagyoyosi ako. Tinanong nya ako kung bakit ko daw ginagawa yun. Ano daw ba ang meron? Ang sagot ko lang I go deeper in my thoughts. Deeper in my thoughts? Pwe! Sabog nga utak mo ngayon eh! Kahit makailang yosi ka pa, olats ka talaga!

 

Hithit. Buga.

 

Maya-maya naramdaman ko na lang na niyakap nya ako mula sa likod, na lagi naman nyang ginagawa.

Ang init ng katawan nya.

"Hinahalikan mo ba likod ko?" Tanong ko ng maramdaman kong may paulit-ulit na dumadampi sa likod ko.

"Oo. Ang bango mo." Sabay kagat sa laman.

"Aww--"

"Sorry." Sabay kamot kung saan nya kinagat.

"Okay lang 'di naman masyadong masakit."

 

Hithit buga.

 

Wala ng mas sasakit pa sa punyetang setup natin Jung!

 

"Swerte magiging girlfriend mo ulit." Tinabihan nya ako at kinuha ang kamay ko saka humithit din sa yosi ko.

"Kasi?"

Hindi naman sya sumagot.

Kung anuman nasa isip nya, ayokong malaman. 

"Ubusin mo na. Mag-cr lang ako." Kinuha naman nya ang yosi at naiwan lang sya sa bintana.

 

Tuwing nag-ccr ako, palagi kong tinitignan sarili ko sa salamin bago ako lumabas.

'Tangina mo Kwon!' Buhay ka pa ah! Yan ang lagi kong sinasabi.

Tama na uy! Sabi mo nga sa kanya makakakilala pa sya ng iba. Ng matinong tao at matinong relasyon. So, ikaw din kaya mo! Kaya itigil mo na 'to!

 

Paglabas ko ng cr nakita ko syang nakahiga na sa sofa.

"Okay ka na?" Sabi ko habang nakatayo sa pintuan ng cr.

Tumango lang sya.

"Uwi na ako ah!"

"Oh?" Gulat nyang tanong sabay upo. "Bakit ka uuwi?"

"Oh? Bakit hindi?" Ginaya ko tono nya at natawa ako ng kaunti. "Eh okay ka na eh!"

"Ba't pumunta ka pa kung uuwi ka din naman! Tabi nga tayo dito oh!"

"Ayokong katabi ka matulog." Sagot ko tapos umupo ako sa nag-iisang upuan sa maliit na dining table nya.

"Eh 'di sa sahig. Ilalabas ko yung kutchon."

"Ayoko sa sahig matulog."

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayo_kaiii
#1
Chapter 4: gift reveal po please 🙏🏻
ayo_kaiii
#2
Chapter 4: napakasakit po author, maraming thank you po! ganito talaga mga type ko bawat chapter purong purong sakit lang tapos walang happy ending 🥰🥰🥰
ayo_kaiii
#3
Chapter 3: hala grabe, ang saket uleeeet aaaccckkk T_T
ayo_kaiii
#4
Chapter 2: ang sakeeeet! aaacccckkk T_T
forgotme #5
Chapter 4: Wla bng krgtong to?😁
123LOL02 #6
Chapter 4: Sequel pleaseee 😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Can't get enough of this fic.
I guess its already my 5th or 6th time in here.

Thank you author. Sana may sequel.hehe.
f8nt_echo
#8
Chapter 4: Sana may sequel to. Yun pareho na silang natuto at ready na ulit sa isa't isa. Yulsic really hits different.

P.S. Funko pop yun gift 🎁
Keichan13 #9
Lol is there a way to translate this to English?
kwonyy #10
Hope its english fiction