JINJOO II (Chapter 9)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin's Pov

Gabi na at patulog narin kami ni Yeojin-noona, umakyat siya sa kwarto niya para maligo at ako naiwan sa sala para panuorin yung palabas ni Shin Min Ah at Lee Seung Gi. Napakunot ang noo ko nang may kumatok sa pinto namin *Anong oras na?!*

"Sino ba yan?!" inis kong binuksan yung pinto.

"Yujin? Si Yeojin nandiyan ba?" napatango lang ako.

"Lasing ka ba?" umiling siya.

"Natapunan lang ako nung lalaking nakasalubong ko." tumango ako at pinapasok siya, hindi na siya bago sa amin dahil nung magpakasal si dad at mommy ni Wonyoung nakatira na sila dun sa katabing bahay namin.

Umupo siya sa single sofa habang ako prenteng nakahiga sa mahabang sofa, nanunuod ako nang mapansin ko tumayo si Minhyuk-hyung *Uuwi na siguro.*

"Yujin, matulog ka na anong oras na!" pinitik pa ako ni noona sa tenga.

"Hihintayin ko lang si dad." kinuha ko yung pagkaing nasa center table at kumain habang nanunuod.

"Tsk, bahala ka. Si mom uuwi daw mamayang madaling araw, tsaka baka maoperahan daw si Wonyoung." tumango nalang ako. "Pagkatapos ng episode na yan matulog ka na, ako pa mapapagalitan ni dad kapag hindi ka nanaman nakaligo bukas dahil late ka na."

"Oo na." narinig ko yung tunog nang pagtama ng tsinelas niya sa sahig.

Napapikit nalang ako nang makarinig ako ng nabasag na bagay mula sa kusina.

"Noona, anu ba yan?!!" nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin, hinila niya ako papunta sa ilalim nang hagdanan namin kung saan merong pintuan.

"Diyan ka lang, huwag kang lalabas. Kahit na anong mangyari." kinunutan ko lang siya nang noo, wala akong nagawa nang malakas niya akong tinulak papasok loob at pagsarhan ng pituan.

Bahagya kong binuksan yung pinto nang pinagtataguan ko dahil narinig ko si noona na sumisigaw, nakita ko siyang nakahiga sa sahig at may hiwa siya sa braso.

"Noona." bulong ko, tumingin siya sakin at umiling. Hinidi ako makakilos, yung tingin na yun katulad nung tingin ni mom sakin bago niya ipikit yung mga mata niya at hindi na muling dumilat pa. 

Biglang nanlabo yung paningin ko pilit kong ipinikit yung mata ko at umiling, nang dumilat ako nakita ko si noona na ang dami ng saksak sa dibdib at tsyan niya. Nakadilat parin siya at nakatingin sa direksyon ko, hindi ko na nagawang makapag-isip nang maayos basta ang alam ko dapat ko na siyang lapitan  baka sakaling madala ko pa siya sa hospital.

"Noona!!!" pero bago pa ako makalapit sakaniya bigla nalang akong natumba at unti unting nagdilim yung paligid ko.

Nagising ako sa ingay nang mga sirena nang pulis at ambulansya.

"Yeojin!!" nakita ko si dad na hawak hawak yung kamay ni noona. Tinignan ko yung kanang kamay ko nakahawak ako sa kamay ni noona, habang yung kaliwang kamay ko may hawak na kutsilyo. Nabitawan ko yun at agad na umupo, lumapit ako kay Yeojin-noona.

"Noona!!!" hawak ko parin yung kamay niya. "Arghh!" nakaramdam ako nang paghapdi sa ulo ko,  hinawakan ko yun at nang tignan ko yung kamay ko merong dugo. "Mooooom!!" nanlabo yung paningin ko at ang huling naaninag ko ay ang paglapit sakin ni dad.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nang magising ako nasa pamilyar na lugar ako,  pero sigurado akong hindi ko kwarto yun.

"Yujin?" lumapit sakin si mom. "May nararamdaman ka ba? May masakit ba sayo, anong gusto mo tatawagin ko lang yung doktor." hinawakan ko siya sa braso at ngumiti.

"Pero mom, diba doktor ka."

"Oo nga, pero ibang doktor kasi ang tumitingin sayo."

"Tubig?" agad naman siyang tumango at inabutan ako ng isang basong tubig, uhaw na uhaw ako para maubos yun nang ganun kabilis.

May pumasok na doktor kasama si dad.

"How's your feeling?" tanong nung doktor.

"Good." tumango siya.

"Can I have a private talk with Yujin?" tanong niya kela mom, tumango naman sila at lumabas nang kwartong kinaroroonan ko. "Pwede mo bang sabihin sakin, kung anu yung mga naaalala mo bago ka magising ngayon?"

"Nanaginip ako, merong pumasok sa bahay namin at pinagsasaksak si Yeojin-noona." tumango siya. "Nung magising ako patay na siya at may sugat ako sa ulo."

"Nakilala mo ba kung sino yung sumaksak sakaniya?" umiling ako. "Nasaan ka nung saksakin siya?" napapikit ako nang ilang beses.

"Papalapit ako sakaniya, tapos bigla nalang akong bumaksak tapos paggising ko may hawak na ako na kutsilyo at may sugat ako sa ulo." hinawakan ko yung ulo ko, nanlaki yung mata ko nang makapa kong merong humaharang sa sugat na nahawakan ko sa panaginip ko. "Hi-hindi 'yon pa-panagi-nip?" tumango yung doktor. "Noona!!" napahawak ako sa noo ko, dahil sa ginawa kong pagsigaw nakaramdam ako nang pagkirot sa ulo ko.

Pumasok sila mom at may kasama silang dalawang nurse.

"Si noona? Nasaan si noona." halos pumiyok ako dahil sa sakit na nararamdaman ko parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Calm down, Yujin." pa-ulit ulit na sabi nang doktor, ilang beses akong huminga nang malalim hanggang sa kumalma ako. *Nahihilo ako.*

"Yeojin-noona." nandilim nanaman yung paningin ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nang magising ako dinig ko yung ingay sa paligid ko.

"Na-ko-Na-ko-Nako." pagkanta ni Yena-hyung.

"Mahgahdnis, kadiri ka naman Kkura." inis na sabi ni Chaewon.

"Kkura-san!!" iritableng sigaw  ni Chaeyeon-noona.

"Anong nangyayari." napatingin sila sakin. 

"Yujin!" sigaw nila at sabay sabay na yumakap sakin.

"Buti naman at gising ka na." si Eunbi-noona.

"Tubig?" sa pangalawang pagkakataon, yun ang kinakailangan ko. "Salamat." nakangiting sabi ko kay Hitomi. "Si Hyewon tsaka si Minjoo?"

"Nasa kwarto ni Wonyoung." napatingin ako kay Nako.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Kailangan na kasi siyang maoperahan dahil sa sakit niya sa kidney, silang dalawa na muna yung tumao dun ewan ko din kung bakit gusto nila na dun sila magbantay." si Eunbi-noona.

"Ilang araw na din sila dun." dagdag ni Kkura.

"Tungkol nga pala dun kay Yeojin-noona?" nagkatinginan sila.

"Anong, tungkol dun?" si Yena-hyung.

"Anu nang nangyari sa kaso niya?" napalunok ako at pilit na tinanggap na wala na talaga siya.

"Walang nabanggit sila tito, siguro hintayin nalang natin sila." nakangiting sabi ni Eunbi-noona.

Kumakain ako nang mansanas nang dumating sila mom kasama yung doktor ko *Akala ko ba an apple a day keeps the doctor away?*, kaya lumabas na muna yung mga kaibigan ko.

"May mga bagay na kailangang itanong sayo ngayon, mahirap pero kung hindi mo naman kaya ayos lang." panimula nung doktor ko, maya maya may pumasok na dalawang lalaki yung isa pulis at yung isa mukhang abogado.

"Anu po ba yun?" tumikhim yung pulis at bahagyang lumapit sa kama ko.

"Base sa mga nasabi mo sa doktor nang magising ka, nakita mong sinaksak yung kapatid mo?" tumango ako. "Tiyak mo ba kung nasaan ka nang saksakin yung biktima?"

"Nasa cabinet ako sa ilalim nang hagdanan namin." siguradong sagot ko, tumingin yung pulis sa doktor.

"Sinabi mo papalapit ka sa biktima, tama ba?" tumango ako.

"Pero bago pa ako makalapit sakaniya, bigla nalang akong bumaksak at pagkatapos nun wala na akong naalala tungkol sa mga sumunod na nangyari." napayuko ako, nakaramdam ako ng paghawak sa balikat ko at nang tignan ko kung sino yun si mom na nakangiti sakin.

"Sa katayuan nang pasyente, meron siyang traumatic panic attack nagsimula yun nung mamatay yung biological mom niya sa tingin ko sapat nang dahilan yun para hindi na siya humarap sa korte." natawa yung pulis.

"Sa edad niyang katorse kayang kaya niya nang gumawa nang krimen bakit niyo pa pinagtatakpan ng sakit niya, matibay ang nag-iisang ebedensya yung kutsilyong hawak niya yun yung ginamit sa pagpatay sa kapatid niya. Siya yung pumatay, ang d

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?