JINJOO II (Chapater 6)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin's Pov

Lunes na at napakaganda ng umaga ko ngayon, hahahahahahaha wala lang maaga na kasi ako nagigising ngayon kaya maaga narin akong nakakapasok. Well, maaga naman talaga akong pumapasok pero masa maaga ngayon. *Basta maaga ako, hindi naman kasi ako araw araw naliligo hahahahaha, shh!*

Hinihintay ko si Yuri dahil pagt'tripan ko lang naman siya, ewan pero parang ang saya niya kasing pagtripan. Hanggang dito dinig ko yung boses ni Chaewon kaya sumilip ako sa bintana, kinaka-usap niya si Yuri. Bumalik na ako sa upuan ko at hinintay na makapasok si Yuri. 

"Yown!!" sigaw ko at lumapit sakaniya. "Walang gagalaw dito, bata ko ah!" pumunta ako sa likod niya para imasahe yung mga balikat niya. "Upo ka na boss." inurong ko yung upuan niya *Upo, umupo ka na!!* napakunot nalang yung noo ko nang hawakan niya yung sandalan nang upuan niya bago umupo. "Psh, mautak ka ah." inis na sambit ko.

Nang dumating na si Yena-hyung ang sama ng tingin niya sakin *Alam niya kaya yung gagawin ko dapat?!* napaayos ako nang upo nang lagpasan niya yung pwesto niya, akala ko susuntukin na niya ako pero huminto siya sa gilid ni Yuri.

"Tayo." napanguso ako *Alam nga niya ngang balak kong pagtripan si Yuri.* matagal pa silang nag-usap bago napilitan si Yuri na tumayo sa upuan niya para si Yena-hyung yung pumwesto dun.

"Ayaw mo?" si Yuri *May suntukan atang mangyayari.* "Ayaw mo talaga?" umiling lang si Yena-hyung sa tanong ni Yuri *Damn!!* ang bilis nang pangyayari, hindi ko alam kung paanong tumama yung ulo ni Yena-hyung sa desk ko.

"Hyung okay ka lang?" halata sa mukha niya yung sakit *Tama ba yung tanong ko?* nang makaupo na nang maayos si Yena-hyung mabilis akong umupo sa upuan ko at paulit ulit na napalunok *Buti nalang hindi natuloy yung pant'trip ko, kung hindi bugbog mula kay Yena-hyung tapos baka ikamatay ko yung gagawin sakin ni Yuri kung sakali.* napahawak ako sa dibdib ko at napatingin kay Minjoo. Tumawatawa siya habang nakatingin sakin *Warning ba yun?!*

Hindi ko naman maiwasan na mag-alala kay Yena-hyung kaya tinitignan ko kada minuto kung humihinga  pa siya *Langya ulo yung tumama, baka biglang makalimot si Yena-hyung!!* hanggang lunch break nakatungo parin siya sa lamesa niya.

"Hyung lunch na." agad naman siyang tumayo at hinila ako sa kwelyo ng uniform ko *Katapusan ko na!!* *Tulong naman oh!!*

"Ulitin mo pa yun ihahampas ko sayo yung upuan." gigil na sabi niya sakin.

"Sorry na hyung." inambahan niya ako kaya agad akong napapikit.

"Aish!! Huwag mo na akong gayahin pwede?" napatango nalang ako, humawak siya sa ulo niya. "Iba talaga siya gumati, nakita mo yun? Paano kung sayo niya ginawa yun." naglakad na siya.

"Saan ka pupunta?"

"Lunch na diba? Libre mo ako!" agad akong sumunod sakaniya. *Ang ganda pa naman nang umaga ko, biglang naging horror sa takot ko kay Yuri.*

Habang kumakain kami syempre sa lamesa nanaman ako naka-upo, biglang lumapit si Yuri kay Yena-hyung. Sinasagot ni Yena-hyung si Yuri kahit hindi niya tinitignan ang huli, kaya gusto ko na siyang batukan mamaya anu nanamang gawin ni Yuri sakaniya. May pinatong si Yuri na ice pack sa ulo ni Yena-hyung, pagkaalis ni Yuri agad na inangat ni Yena-hyung yung ulo niya at nakangiting tumingin samin.

"Sabi sa inyo mahal talaga ako eh." natawa  kami sa sinabi niya.

"Mapapatay ka naman nang pagmamahal na yun." si Chaewon.

"May pinanghuhugutan?" natatawang sabi ko. 

"Oo sobrang lalim." inirapan niya pa ako.

Habang nagkaklase kami sa tanghali hindi ko maiwasang matawa kay Yena-hyung, paano ba naman kasi iaangat yung ulo niya tapos biglang tutungo kapag napalalingon si Yuri. Napa-iling nalang ako at tinitigan si Minjoo, *Ilang taon ko na palang minamahal yung babaeng 'to.* napangiti ako. *Kailan ko ba masasabing mahal na kita, naaalala mo pa kaya yung mga sinabi ko dati nung umamin akong gusto kita?!!*

Nang matapos na yung klase sa hapon pumunta na kami ni Yena-hyung sa gate at hinintay yung iba pa.

"Hindi daw sasama si Hyewon." si Kkura.

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?