JINJOO II (Chapter 15)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Minjoo's Pov

"Girls 20 minutes, you'll be gather at the backstage!" pumapalakpak na sabi ni Manager Han.

"Tulala ka nanaman girl?" si Wongyoung.

"Sino ba naman hindi matutulala kapag naloko?" napayuko ako dahil sa sinabi ni Hitomi.

"Hii-chan?" dinig kong saway ni Eunbi-unnie.

"Bakit si Nako din naman naloko ah." pagdepensa ni Hitomi.

"Hitomi tumigil ka na nga lang kasi, oo na naloko na nagmomove on na nga diba?" saad ni Nako, napabuntong hininga ako at kinuha ko nalang yung magazine na nasa gilid ko.

"Anu ba yan?" hinagis ko din yun dahil sa inis.

"Ay kawawa naman yung magazine." pinulot yun ni Chaewon. "Langya kaya naman pala." hinagis niya nang mas malakas yung magazine. "Dapat ganern." natawa nalang kami sa ginawa niya.

"Yuri anong balita kay Yena?" si Chaeyeon-unnie.

"Ganun parin, busy sa pag-aaral." napabuntong hininga siya. "Hayaan nalang muna, paniguradong babalik din yun pagkatapos niyang mag-aral." napatango kami.

"Sasama nga sana si Kkura dito sa Japan, ang kaso marami din silang ginagawa sa school." natawa kami.

"Pero iba parin kasi yung kay Yena Chaeyeon-unnie, walang paramdam eh." natatawang saad ko.

"Ay? Nakakatawa na siya, salita ka pa nga Chaeyeon-unnie." pang-aasar ni Hitomi.

"Girls tara na sa backstage." si Manager Park.

Isa isa na kaming lumabas ng dressing room at nagtungo sa backstage.

"Kyaaahh!!" napatakip ako sa bibig ko, muntikan na kasi akong mapatid.

"Langya ka Minjoo, ginugulat mo naman kami." natatawang asar ni Chaewon sakin.

"May bago na tayong main vocal." si Yuri.

"Ang dilim kasi." napakapit ako sa kung sino man yung nasa tabi ko, narinig ko rin sila Hitomi at Nako na parang may kinaka-usap sila sa lengwaheng Japanese.

"Hai." yun lang yung sinabi nung lalaki tapos may tumutok na sa'ming flash light. *Pwede naman pala yun.*

"Minjoo?" napatingin ako sa kinakapitan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" agad akong bumitaw sa braso niya at lumayo sakaniya.

"Binabantayan yung kapatid ko." nakipag-apir siya sa kasama niya.

"Grabe yung high note mo kanina, diretsyong diretsyo wala nang dinaanan pang ibang nota." pang-aasar ni Hyewon sakin.

"Tss, ewan ko sayo." iniwasan kong maapakan yung mga kable ng kuryente, hanggang sa makalapit na ako sa mga kasama ko.

Habang paakyat kami sa stage nakahawak ako kay Yuri, dahil medyo gumagalaw yung hagdanan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
C
O
N
C
E
R
T
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nang matapos yung tatlong oras na concert namin, bumalik muna kami sa hotel na tinutuluyan namin para makapag-ayos ng mga gamit namin.

"Sinong meroong alcohol?" tumingin ako kay Chaewon.

"Bakit?" pinakita niya yung braso niya. "Gaga ka bakit may dugo." lumapit ako sakaniya.

"Ewan, ngayon ko lang din napansin, habang naliligo ako wala naman yan." kumuha ako ng bulak at alcohol sa bag ko. "Ay ready ka girl?" hinampas ko siya sa balikat.

"Umayos ka nga." sinimulan ko nang linisin yung sugat niya. "Baka naman sumabit ka, medyo mahaba oh."

"Aray naman!! Magwarning ka naman!!" napatalon siya sa hapdi.

"Sorry, hahahahahaha." pabiro niya akong binatukan.

"Anu yan?" si Hitomi.

"Ewan ko ba dito sa babaeng 'to, naglalaro ata nang kutsilyo." natawa si Chaewon.

"Gaya mo ako kay Yujin, hahahahaha!"

"Ay, medyo balagbag yung bunganga mo." tinulak pa siya ni Hitomi.

"Magsuot ka nalang ng long sleeves na damit." tinabi ko na yung alcohol at bulak sa bag ko.

"Mas maganda nga makita ng fans 'to, para maisip nila ang cool ko. YEAH!🀘" binato ko sa mukha niya yung mga nagamit kong bulak.

"Hanggang ngayon nag-aadik ka parin." tinawanan niya lang ako at pinulot yung mga bulak.

"Nagugutom na ako, sana may maghatid dito ng pagkain." biglang sumulpot si Wonyoung galing sa banyo, sakto namang may kumatok sa pinto namin.

Nag-unahan silang tatlo sa pagbukas nung pintuan. *Parang mga sira.*

"Hyewon-ah." kinikilig na bati ni Hitomi.

"Diba may Felix ka na? Taksil ka sa kapatid ko ah." tinulak pa ni Chaewon yung mukha ni Hitomi.

"Wala nga akong gusto dun." nakangusong sabi ni Hitomi.

"Wala, pero hinihintay mong bumalik?" si Wonyoung.

"Nakakainis kayo." tumabi siya sakin sa kama.

"Si Minjoo?" may sumulpot na ulo sa pintuan at tumingin sa kinaroroonan ko. "Hello." inirapan ko lang siya, agad naman silang umalis nang sapilitang isara ni Wonyoung yung pinto.

"Kain na muna tayo?" nilapag ni Wonyoung yung mga pagkain na dala nung dalawa sa lamesa namin, may pangalan pa yung lalagyanan.

"Ang daming pakulo, wala naman silang jowa dito." natatawang saad ni Hitomi.

"Tama!" sarkastikong sambit ko.

"Ay girl? Napipilitan?" inirapan ko lang si Wonyoung.

Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa kwarto nila Eunbi-unnie.

"Akin na kasi muna!" napahinto ako dahil sa pagtama ng unan sa mukha ko. "Hala, sorry Minjoo." lumapit pa si Yuri sakin.

"Kasi namamato ka pa." si Nako.

"Anong meron?" napatingin sila sakin.

"Napapadalas na yung pagsasalita mo ah." pang-aasar ni Chaeyeon-unnie sakin.

"Kesa naman mapanisan ako ng laway." umupo ako sa kama nila. "Di pa ba tayo uuwi?"

"Sandali lang daw sabi ni Manager Park, may kakausapin lang daw sila." si Eunbi-unnie.

"Kailan kaya tayo magkakaroon ng break, miss ko na si Bonnie." nakangusong saad ni Chaewon.

"Bigay sayo ni Yena yun diba?" si Yuri. "Kamusta na kaya yung lalaking yun, tsk!" nagkatinginan kami.

"Girls tara na, nandiyan na yung sasakyan." si Manager Park.

Pagdating namin sa airport nandun na yung dalawang lalaki,Β ewan ko ba sa dalawang 'to hindi maghanap nang mapagkakaabalahan.

"Ang creepy na minsan ni Yujin." bulong sakin ni Chaeyeon-unnie.

"Sumasakit narin yung ulo ko, para siyang stalker." iritable akong tumingin kay Yujin, pero ang loko nakangiti lang. *Kung hindi ka lang nagloko.*

Buong biyahe namin tulog lang ako dahil narin sa sobrang pagod.

"We can take a rest for a week, paliban kay Chaewon, Wonyoung at Minjoo. #1st Magazine want the three of you to be part of their July issue." tumango nalang ako dahil wala na akong lakas. "Bukas yung first meeting natin sakanila, kasama narin yung tatlo pa na makakasama niyo para sa photoshoot." pumikit ako at hinilot yung noo ko. *Huwag lang maski isa sakanila yung makita ko!*

"Girl look?" inabot sakin ni Wonyoung yung cellphone niya.

"Last na, sabihin mo ayoko talaga siyang makita." sinandal ko sa bintana yung ulo ko. *Ngayon gusto niya magpaliwanag?! Tsk, nagsisisi na siya?!* *Bahala siya diyan!*

Pagkadating namin sa dorm dire-diretsyo na ako sa kama ko.

"Hindi ka ba kakain? Minjoo?" umiling lang ako.

[KINABUKASAN]

Alas otso palang gising na kaming tatlo ng mga kasama ko sa photoshoot.

"Bakit naman kasi tayo pa? Anu kayang tema nung magazine para sa July." kasalukuyan kaming kumakain. "July? Pwedeng tag-init o kaya tag-ulan? Basta dapat y yung suot natin." binato ko ng tissue si Chaewon.

"Isipin mo muna yung sugat mo sa braso." umirap siya.

"Madali lang yan,Β  kaya namang takpan ng make-up yun." hindi ko nalang siya pinansin, sanay narin naman ako-sila. Sa sampong buwan mula nung maghiwalay kami ni Yujin, bihira lang akong makipag-usap sakanila.

"Gandang ganda ata sila sa'tin at tayo yung napili nila." si Wonyoung, tinapos ko nalang yung pag-kain ko tsaka naligo.

Parang naging bingi na ako at ayoko nang masyadong ma-ingay, depende nalang kung nakikita ako ng fans namin ayoko namang ipakita yung pagkawala ng interes ko sa nangyayari sa paligid ko.

"Girl baka naman pwedeng ako naman yung maligo, kanina ka pa diyan." si Wonyoung, napapikit nalang ako at tinapos yung pagligo ko.

Wala talaga akong ganang magtrabaho ngayon, lalo na at pumapasok sa isip ko na may pagkakataong makita ko isa man sakanila o parehas sila.

"Tsk!" hinagis ko yung suklay ko dahil sa sobrang inis.

"Grabe kakapasok ko lang? Anu nanamang ginawa ko?"

"Chaewon please kahit nga-arg!" wala talaga ako sa mood, nagbihis nalang ako at hindi na pinansin yung presensiya niya-nila.

Naghintay nalang ako sa loob ng sasakyan namin, lalong sumasakit yung ulo ko sa mga pumapasok sa isip ko. Nung sinagot ko siya, nag-away kami, naghiwalay kami at yung nakita ko na dahilan para hiwalayan siya. *Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan kailangan kong magpokus?!!*

"Panigurado namang sa dami nang model dito sa Korea hindi natin sila makakasama." napadilat ako at tumingin kay Wonyoung.

"Ewan ko ba nakakainis talaga."Β  napahilamos ako sa mukha ko.

"Pati nga sakin na walang ginagawa na-iinis ka eh." sinamaan ko siya nang tingin.

"Ang daldal mo kasi, Chaewon naman eh." inirapan ko siya, talagang iniinis ako.

Pagdating namin sa kompanya ng #1st Magazine, lalo akong nawalan nang gana. *Kahit saang sulok ata nang building na 'to may picture sila.*

"Parang ang sarap magsunog dito noh, posters, LEDs, pwede rin 'tong buong building." natawa ako sa sinabi ni Chaewon *Kahit kailan talaga, patawa 'to.*

"Chaewon marinig ka nila, ikaw talaga." bahagya pa siyang binatukan ni Wonyoung.

Pumasok kami sa isang kwartong may mahabang lamesa at mga upuan, in short nasa meeting room kami.

"Good morning." bati namin sakanila.

"Have a seat." sumunod naman kaming tatlo pati narin si Manager Han.

"We supposed to have six models to be here? Where's the other two models?" saad nung gwapong lalaki, nakabrush-up yung buhok niya tapos yung balbas at bigote niya hindi ganon kahaba pero makapal.

"Are you checking him?" bulong ni Wonyoung, tinapik ko siya sa hita.

"Shut up, I'm just being amaze." natawa siya.

"Amaze by his appearance or his accent?" inirapan ko siya.

"Both."

"Girl, ang gwapo nung isang model." bulong ni Chaewon sa kabilang tenga ko.

"Looks good, but nah." siniko niya ako.

"Tignan mo kasing mabuti, ang ganda nung

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?