JINJOO II (Chapter 11)

Stories Untold series (JINJOO II)
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin's Pov 

[THURSDAY]

Dahil nga Huwebes ngayon nasa gym kami sa mga oras na 'to, at kagaya ng mga nakaraan wala kaming teacher. Dalawang buwan nalang kasi Intramurals na namin, kaya si Teacher Hirai ayun pinafinalist lahat nang kailangan namin at kung sino yung mga school na pwedeng maging bisita namin.

"Grabe yung araw na 'to, ang dami nating ginawa." napatingin ako kay Yena-hyung na nakahiga sa sahig.

"Hyung? Kaninang umaga pa tayo nakatunganga, anong madami dun?" tinukod ko yung dalawang kamay ko sa sahig.

"Yun na nga eh, kung naglaro nalang siguro ako sa bahay. Edi sana mataas na yung ranggo ko, kainis!" kumamot siya sa pisnge niya.

"Ey, yow? Washap washap mga kaibigan kong weak, Yena anu na? Kailan ka babawi, ayaw na namin kakampi si Minjoo lagi kaming pinapatalo." sinamaan ko nang tingin si Hyewon. "Chill ka lang dongsaeng, bakit kasi hindi mo rin i-try maglaro para naman hindi lang kami yung nahihila pababa ni Minjoo."

"Sige, ituloy mo pa yung pagsasalita tungkol sakaniya. Makakakita ka nang liwanag." natawa siya.

"Totoo naman kasi, tapos nung isang gabi ayaw pang maki-" binatukan na siya ni Yena-hyung.

"Ikaw porket walang babae na pwede naming pagtripan para ikainis mo,  nagiging pasmado 'yang bunganga mo ah. Sabi ko kasi umiwas ka kela Chaewon, lalong lalo na kay Yuri." humiga ulit si Yena-hyung pagkatapos sabihin yun.

"Masaya na kasi ako sa pagkain ko, lalong lalo na sa cake ko." napatingala ako nang makita si Hitomi na may inaabot na cake kay Hyewon.

"Ayan nakabawi na ako ah." tumabi silang magkapatid sa tabi ko.

"Washap washap mga kutong lupa na nagmula sa ilalim ng lupa." tumabi siya sa kaliwa ni Hyewon. "Kamusta ang mga kaibigan kong panget?" kumunot yung noo naming lima.

"Hoy Kkura? Anong meron sa nakain mo kaninang lunch break at ganiyan ang tabas ng dila mo?" tanong ko, parehas pa naman kami ng kinain nung lunch break.

"Wala lang, may nabalitaan kasi ako." tumingin siya kay Hyewon at Yena. "May naghahanap kay dongsaeng, at-basta." napatingin kami kay Wonyoung at Chaewon na papalapit na sa'min.

"Gusto niyong makakita ng magic?" napatingin kami kay Yena-hyung. "Yuri~yah~" bulong niya na tama lang para marinig namin, napatingin kami sa kinaroroonan nila Yuri at Minjoo nanunuod ata sila sa laptop nung kaklase namin.

"Naks, iba talaga yung koneksyon niyo sa isa't isa narinig niya yun?" natatawang sabi ni Kkura.

"Ganun talaga, that's what you called love." 

"Love my , hindi mo pa nga maligawan eh o kung nililigawan mo man bakit hindi kayo magdate." natatawang sabi ni Hyewon.

"Shut up, palibhasa hindi ka na nagmamahal." bumangon na si Yena-hyung.

"Nagmamahal ako, sa maling tao nga lang ata. Kaya itong cake nalang yung mamahalin ko sa ngayon." kumain siya ng cake.

"Pahingi nga?" ngumanga si Wonyoung.

"May kamay ka ikaw sumandok." inabot ni Hyewon yung kutsara kay Wonyoung. "Uy isang sandok lang." inirapan siya ni Wonyoung.

"Ang damot mo talaga." sumubo pa siya nang panglimang sandok sa cake bago ibigay kay Hyewon yung kutsara. "May dumi ka sa pisnge." pinahiran ni Wonyoung ng icing sa mukha si Hyewon. *Sa tingin ko ayos lang naman kung maging sila, basta ipapaalam nila sakin.* *Ako dapat unang makaalam.*

"Uy tulala ka?" napatingin ako sa katabi ko, nasa tabi ko na  pala si Minjoo.

"May naalala lang." tumango siya. "Tapos na kayo manuod?" umiling siya.

"Tinawag kasi ni Yena si Yuri, edi pumunta na kami dito." kumapit siya sa braso ko. "Okay ka lang? May masakit ba sayo?" umiling ako.

"Sobrang lapit mo kasi, yung puso ko ayaw tumigil sa malalakas na pagtibok." hinawakan ko yung dibdib ko.

"Yown." sabay sabay na pang-aasar nang mga kasama namin ni Minjoo.

"Waaahhhh!!"
"Siya ba  talaga yan?!!"
"Ang ganda niya!!"
"Para siyang anghel na bumaba mula sa langit."

"Oo una mukha." sagot ni Kkura dun sa nagtilian, napatingin kami sakaniya nang sabihin niya yun. "What?"

"LEE GAEUN!!" napakunot yung noo ko.
"YOU'RE BACK!!!" nagkatinginan kami.

"Tss, so ngayon siya bibisita?" napatingin ako kay Minjoo.

"Hindi ko alam ah." natatawang sabi ko.

"OMO, SHE'S WITH JURI!!" natawa ako. 

"Hyung, si Juri daw nandiyan." pang-aasar ko kay Yena-hyung.

"Akala ko ba lumipat na siya sa ibang school?" nakangusong sabi ni Yuri.

"Bakit parang kasalanan kong nandito siya, tsaka nagseselos ka ba? Wala naman akong gusto dun diba?" pagdepensa ni Yena-hyung.

"Wala ka ngang gusto, kung makalingkis naman sayo nung unang buwan ko dito akala mo wala nang bukas." umirap pa si Yuri. 

"Woaah, hindi ko ineexpect na kay Juri ka magseselos." pang-aasar ni Kkura kay Yuri.

"Hindi ko naman kasi nakita si Gaeun na malapit kay Yena, bakit ako magseselos sakaniya." natawa si Yena-hyung sa sinabi ni Yuri.

"So, ibig sabihin unang beses mo palang makita yung gwapo kong mukha mahal mo na ako?" natawa kaming lahat maliban kay Yuri.

"Akala ko ba 'When the first time I laid my eyes on her, I finally knew the feeling of being in love at first sight?' diba yun yung sabi mo?" lalong lumakas yung tawanan namin.

"Love at first sight pero pinahiya ako sa buong klase nung unang pagkikita namin?" umirap pa si Yuri.

"Hello guys?" natigil kami sa  pagtatawanan at tumingin sa nagsalita. "Yujin?" tinanguan ko siya.

"Ay? Si dongsaeng?" napatingin ako kay Kkura tapos kay Hyewon, nakatingin lang si Hyewon kay Wonyoung. *Langya, anu yan Hyewon?!!* *May lihim na pagtingin ka ba sa kapatid ko?!!*

"Can we join you?" si Juri, sasagot na sana ako nang.....
  
  
"Sure." napatingin kami sa taong nasa likuran nila *CHAEYEON?!!*
  
"That's great, busy ba kayo?" tumingin si Gaeun sa kabuoan ng gym. "Sa tingin ko naman hindi, dating tambayan?" napalunok ako.
  
"Anong ginagawa niya?" bulong sakin ni Minjoo.
  
"Hi-ndi ko rin alam." umayos ako nang pagkaka-upo. 
  
"Tara na?" aya ni Chaeyeon-noona,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
the secret story of the swan book that I'm portraying for their story is not actually connected to iz*one's song, even the book is not existing.

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 17: nice! but can i ask, what's with the ending po? sino yung dad ni mina? and what happened sa other couples? and kay slapsoil?