Chapter 6

The Way We Were (TAGLISH)
Please Subscribe to read the full chapter

One week had past.......

Medyo nag li-low muna ako na makipag usap kay Khloe, I know she's been hurt on what happen the last time. E hindi ko din naman masisisi ang sarili ko dahil kapatid ko ang kinukwento ko, na naging kaibigan din naman nila, kaibigan niya na yun nga lang, "ex" ni Zander.

Ex-Girlfriend ni Zander si Ate Jessica. Alam kong matagal niyo na yang gustong marinig.Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ikwento kung anong nangyare sa kanilang dalawa. Basta ang alam ko, naghiwalay sila dahil nag away daw sila ni Zander. Hindi na niya sinabi pa kung anong pinag awayan nila dahil kinabukasan pagkatapos nilang maghiwalay ay umalis na si Ate Jessica. Pumunta siya sa Florida. Napatigil nga siya sa pag aaral noon, hanggang ngayon.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi man lang siya pinigilan ni Kuya Clyde. Dahil ba ako ang pinipigilan niya sa paghabol kay Ate? Nakakatawa pero yun talaga ang nangyare noon. Iyak ako ng iyak, matagal din bago ako naka move on sa pag alis ni Ate. Close kame kaya hindi ko din naalis sa sarili ko noon na sisihin si Zander sa nangyare. Pero laging pinapaintindi saken ni Kuya na hindi dapat ako magalit kay Zander dahil personal nilang problema yun. Kaya time goes on, hinayaan ko nalang. Ilang buwan lang ang nakalipas, nalaman kong sila ni Kloe. Noong una, parang ayaw ko, pero ano ba namang magagawa ko? Kaibigan ko sila pareho. Alam na din yun ni Ate Jessica in a private message pero ni minsan hindi niya ako nireplyan.

Yung huling tawag niya, ni hindi man lang din niya natanong kung totoo nga ba ang sinsabe ko. Kinamusta sila, or ano pa man. Siguro nga hanggang ngayon, apektado pa rin siya. Hindi ko siya masisisi dahil malapit na magkaibigan noon si Ate at Kloe, dahil magka group sila sa mga performances, Mahal na mahal nila Zander at Ate noon ang isa't-isa, kaya nga hanggang ngayon hindi pa din ako naniniwala na simpleng away lang nagsimula ang lahat. alam kong may iba pang dahilan, pero kung ano pa man yun, wala na akong pakialam. Masaya na si Zander at Kloe, at sana ganun din ang mangyare kay Ate Jessica.

"Ok ka na ba?"

Napatigil ako sa pag iisip na biglang mag-salita si Heina mula sa likuran ko.

"Ha?" tumayo ako. Naayos na niya gamit niya. "Ahh oo, ok na ko. si Steph?" tanong ko.

"Kakaalis lang. Kanina pa ngang nagpapaalam sayo kaso hindi ka daw makausap. So ano alis na tayo?"

Tumango ako tapos kinuha ko na ang bag ko.

Nandito kami sa dance studio ng school. Kakatapos lang namen magpractice. 3 days from now, performance na. Tinapos na namen ngayon, dahil masyado din akong busy sa mga academics. Ok na naman. mga isang practice pa

6 PM na. Mga ganito kasing oras, walang nagamit ng studio kaya yun na yung oras na napili ko. hindi kasi magatama ang oras naming tatlo. Nakapagpalit na naman ako ng uniform. Pagkalabas namen ng building nagpaalam na ko kay Heina.

"Hinihintay ako ni Ivan sa field." nag wave na ko ng kamay kay Heina. "Bye. Bukas ulit. Take Care"

Malayo palang ako, kita ko na si Ivan na nakaupo sa isang bench. Mag isa nalang siya, siguro ay kanina pa talagang tapos ang practice nila. Sa isang araw na kasi ang laban nila. at dahil nakatalikod siya mula sa kinatatayuan ko ay dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nang nasa likod na niya ako ay tinakluban ko ng dalawa kong palad ang pareho niyang mata.

Sinilip ko siya mula sa tagiliran. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko kapag nakangiti. Tinanggal niya ang mga kamay ko. tapos humarap siya saken ng nakangiti. At dahil, may pagka Kyle din to na nakakahawa ngumiti, napangiti na din ako. I was about to speak when he suddenly kissed me on my lips.

Hinampas ko siya sa braso.

"O bakit?" tanong niya na may halong pagtawa.

"E kasi nasa school tayo." sabe ko. Lumingon na din ako sa paligid dahl baka may nakakita samen. Bawal kaya sa school ang mga ganung bagay.

"Tamo" pinisil niya ang pisngi ko. "Namumula ka na naman. Hanggang ngayon talaga, kinikilig ka pa talaga saken" nagsimula na naman siya mang asar.

"Ang kapal mo." nag cross arm ako. "Bilisan mo na nga. Magagalit si Kuya kapag nandtanan niya ang bahay na wala pa ako. SIge ka, ikaw din."

Kinuha na niya ang bag niya at isinakbit sa likod. Bitbit niya din ang isang soccer ball na ginamit nila sa practice. Kinuha ko ang towel na nakalagay sa balikat niya.habang naglalakad kame, pinupunasan ko ang mga pawis niya sa mukha.

"Ikaw talaga, hindi ka na natutong mag punas ng pawis." napapailing na sabe ko. "Pag ikaw talaga, nagkasakit....."

".......hindi ka makakapag laro ng soccer." pagpapatuloy niya sa sinabe ko. "I know. Alam ko na. Saulo ko na. Araw araw mo na yata yang sinabe."

Pinikot ko ang tenga nya. "Pero hindi ka naman sumusunod."

Ngumiti lang siya saken. Ginulo ang buhok ko. at ayun, inilagay na niya ang braso niya sa balikat ko. Malakas ang loob dahil malapit na kami sa kotse niya. Wala na namang masyadong tao sa school, puro varsity players nalang.

Kapag may practice si Ivan at alam niyang, gagabihin siya, nagdadala na siya ng sariling kotse, tulad ngayon. Pero malimit sumasabay nalang siya kay Zander dahil magkalapit lang sila ng bahay.

Nang sumakay kame sa kotse niya, akala ko didiretso na kame sa bahay. Nagtaka nalang ako ng mag iba siya ng way. Napailing nalang ako, may balak mang surprise e sa mall lang naman pala ako dadalhin.

"Sana sa bahay nalang tayo kumain." mataray na sabe ko sa kanya pagkalabas ko ng kotse. "Alam ba to ni Kuya?"

Tumango siya. at lumapit saken. "Tara na. Alam ko, gutom ka na." Kinuha niya ang kamay ko at nagalakad na papasok sa mall. "Pumapayat ka na oh"

Napatingin naman ako sa sarili ko. "Hindi kaya....."

Hindi na nagsalita si Ivan. Nginitian niya lang ako.

Pagkapasok namen ng mall, dumiretso kame kaaga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet