Chapter 2

The Way We Were (TAGLISH)
Please Subscribe to read the full chapter

"Alam ba nina Kyle at Clyde na kasama mo ako?" Tanong ni Ivan

Nag cross arm ako. "Of course. Papayagan ba nila ako umalis kung hindi ikaw ang kasama ko?"

Tumawa si Ivan. "Kilala na kasi kita...malay ko ba kung tumakas ka na naman?" Inakbayan niya ko. Pero inalis ko din yun.

Sinamaan ko siya ng tingin. "So yun pala tingin mo saken? Bahala ka nga dyan..."

Nag walk out na ko. At dahil sweet talaga si Ivan. Hinabol niya ko at inakbayan ulit. "Ok. Sige. Sorry na." Sabay pisil niya sa pisngi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Why? At least hindi buhok mo ang ginugulo ko?"

Hinampas ko siya sa dibdib. Napangiti na din ako. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Sunday ngayon kaya magkasama kami ni Ivan. Nasabi ko na bang boyfriend ko siya? Kung hindi, ngayon alam niyo na. Almost 1 year na kami. At matagal na din kaming magkakilala. Childhood friends kumbaga.

Matapos namen pumunta ng mall, hinatid na niya ko sa bahay. Hindi na siya pumasok sa bahay. Dahil ayaw daw niyang makita siya ni Kyle. Ewan ko kung bakit, hinayaan ko nalang. Taga kabilang subdivision lang naman si Ivan.

"Bakit hindi na pumasok si Ivan?" Tanong ni Kyle pagkapasok na pagkapasok ko ng main door. Nakasilip pala siya sa bintana.

"Because you're ugly" pang aasar ko. "So you're telling me na pangit ka din?" Pang aasar niya din.

Umupo ako sa sofa. "Excuse me. My dear twin, wala akong sinabe." Tumabi siya saken. "Excuse me din, we're twins kaya kung pangit ako, pangit ka din. Magkamukha kaya tayo" sabe ni kuya Kyle and then he pinched my nose.

Tinabig ko ang kamay niya at hinampas siya sa balikat. "Bakit ba lagi niyo nalang akong ginaganyan?" Inis na tanong ko. "Ginugulo niyo ang buhok ko. Pinipisil niyo ang cheeks at ilong ko. Ano bang meron?!"

"Ang cute mo kasi" walang lingon na sagot lang ni Kyle. Busy siya sa paglalaro sa Ipad.

"Ok fine. Nasan si Kuya?" Pag iiba ko sa usapan. "Magkasama ba sila ni Zoey?"

"I don't know.. Try to call him.." Tumayo siya. Pinatong niya ang Ipad sa table at nilabas ang phone niya. "Aalis muna ko."

"San ka pupunta?"

"Tinanong ba kita kanina kung saan kayo pupunta ni Ivan?" Pilosopo talaga. "Hindi naman diba?"

Hindi ko na nagawang sumagot. Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabe ng kakambal ko. Ang saya talaga niya maging kapatid. Hindi ko na namalayang nakaalis na pala siya. Minabuti ko nalang na umakyat at magpahinga sa room ko.

--

Maaga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet