Chapter 5

The Way We Were (TAGLISH)
Please Subscribe to read the full chapter

"Sorry na"

Pagmamakaawa ni Kuya Clyde kay Zoey. Kanina pa silang dalawa. Nababadtrip na nga si Kyle kasi hindi siya makapag aral ng ayos.

May group study kasi kami para sa Ethics. Malapit na kasi ang exams. Ako, si Zoey, ang dalawa kong kapatid palang at si Ivan ang nandito sa bahay ni Zoey. Hinihintay pa namen ang iba.

"Babe please.."

Kawawa naman ang kapatid ko. Ang lakas pang maka babe, hindi naman siya pinapansin ni Zoey. Kasalanan naman din niya..... Nakita kasi siya ni Zoey last night sa bar and take note may katabing babae.

Sabe ni Kuya they're just friends. I trust him pero sadyang selosa si Zoey.

"Dun kayo sa labas" pilosopong sabay ni Kyle.

Binatukan siya ni Kuya. "Ikaw ang lumabas, bahay to ni Zoey"

Ibinaba ko muna saglit yung ballpen na hawak ko. "Lakad na Zoey.." Hinawakan ko siya sa braso. "Iiyak yang si Kuya, sige ka"

"Nakakainis na kasi ang Kuya mo!!"

Pagkasabi ni Zoey nun ay tumayo siya at nag walk out. Kahit ako, nagulat sa pag sigaw niya. Ramdam ko ngang inis na inis siya.

"Wag mong sukuan, kilala mo naman si Zoey" sabe ni Ivan bago muling bumalik sa pagbabasa.

Tumayo si Kuya Clyde at sinundan si Zoey. Bumalik nalang din ako sa pagbabasa.

Hindi nagtagal ay dumating na si Gio kasama si Yoona at Dale.

"Bakit nakita namen yung dalawa sa labas?" Tanong agad ni Yoona.

"As usual...." Huminga ako ng malalim. "Nag aaway. About last night"

"I knew it" singit naman ni Dale. Tapos umupo sa tabi ni Kyle.

"Si Zinnia?" Tanong ko.

Umiling siya. "May kaylangan daw siyang ayusin, baka humabol nalang siya."

"Hindi na yun hahabol" sabe ko "yun pa. E kilala ko na yun" nginitian ko si Dale tapos ibinalik ang tingin sa ginagawa.

Totoo naman. Si Zinnia, sasabihin niyang susunod siya pero hindi naman talaga. Kung hindi niyo alam, she's also a freelance model kaya minsan busy siya.

Natapos ang maghapon, nakapag group study naman kami ng ayos. Syempre nagkaayos din naman si Kuya Clyde at Zoey. At syempre, hindi na din nakarating si Zinnia.

Nauna ng umalis si James, Nathan at Yanni.

"Ash. Ihahatid ka muna namen sa bahay" biglang imik ni Kyle.

"Ihahatid? Bakit san pa ba kayo pupunta ni Kuya?"

"Si kuya magpapaiwan dito" tapos tumingin si Kyle kay Ivan at Dale "May pupuntahan lang kaming tatlo." tapos nagtawanan sila Dale at Kyle. Parang mga baliw. Si Ivan naka ngiti lang.

I gave Kyle a disgusting look. Hinayaan ko nalang sila. Nagpaalam nalang ako kay Zoey at Kuya Clyde. Hanggang sa makarating sa kotse ay nagtatawanan pa din sila. Hindi naman ako makasabay dahil sila lang ang nakakaalam ng pinagtatawanan nila at wala naman akong balak alamin yun.

Pagkarating namen sa bahay, ibinaba nalang nila ako. Hindi na sila bumaba. Tahimik lang din si Ivan sa buong byahe. Hindi ko na tinanong kung anong problema. Kung gusto naman niyang sabihin, sasabihin niya yun. Nagtext nalang ako sa kanya na mag ingat at tawagan ako kung may problema. Hindi nama

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet