PB_2 - ANG SIMULA.

Pesteng Pag-Ibig.

Hindi lahat ng love story may happy ending.

--

Ako si Kim Ryeowook.Hindi simple lang ang buhay ko.Ako kasi yung taong sumusunod lamang sa pagdaloy nito.Wala naman akong pakialam kung di ako magustuhan ng isang tao dahil sa ugali ko.Hindi na kaso sa'kin iyon.May kapatid akong namatay kaya talagang parang binaliktad ang pag-iisip ko nang nangyari ang trahedyang iyon.Mga sampung taon ako ng pumanaw siya.Kahit maraming taon na ang nakalipas ngunit wala parin akong maisip na dahilan kung paano malampasan ang memorya na iyon.Siya lang naman kasi ang nasa tabi ko palagi, kaya parang gumuho ang mundo ko.Sinubukan kong mag-aliw sa internet (may nagpayo lang sa'kin para naman daw sumabay ako sa trend) Sa y8 ako unang naadik pero ang iniisip ko pwede ko naman siyang kasamang maglaro nito, bakit ang pait nang buhay.Hanggang asa ka na lang sa bagay na alam mong hindi naman magkakatotoo, pero ngayong labing pitong taon na ako, nagiging maganda na ang daloy nito.Nagkaroon ako ng mga kaibigan at nagkaroon rin ng sinusumpa kong makakasama ko ngunit ang pait ng buhay ay ayaw akong bitawan..hindi ko ba alam kung bakit ang higpit ng kapit sa'kin nito ngunit lahat ng bagay pwede namang magbago diba?

--

''So pwede mo na bang simulan?'' tanong ng isang taong nakilala ko lang kani-kanina.Joke lang siya ang pinsan ko.

''Bakit nga hindi diba?'' tumingin ako sa kalangitan at naglabas ng mapait na ngiti.Kulay kahel ang kalangitan.Napakaganda niya sa paningin.

''Wag mo na akong paghintayin.'' sabay inayos niya ang upo sa bench kung saan kami nakaupo ngayon.

Tumango ako.Napagtripan ko kasing kwentuhan 'tong pinsan ko.Minsan lang naman kasing mag-usap dahil lagi siyang busy sa pagtututule.Ako naman dahil sa laging may nangyayaring riot sa kwarto ko.

''Ang paalala ko lang.Wag kang aasa na may maganda 'tong katapusan.'' isang paalala ko, at sana tumatak yung paalala ko na iyon sa tuktok niya.

''Oo na bilis na.'' huminga ako ng malalim at napapikit ng bahagya.

--

May isang lalaking papangalan nating nathan.Siya yung tipo na tao na laging may ngiti sa mukha niya, ngunit walang nakakaalam kung ano ba talaga ang totoong siya.May kahindik hindik siyang nakaraan, dinadaan na niya lamang ito sa pagiging masayahing tao at paepal.Kung iisipin din kasi anong mangyayari kung dadamdamin mo yung mga nakaraan na nakasakit sa'yo.

''So hindi ka nagawa yung assignment mo?'' isang tanong na nanggaling sa kaibigan ni nathan.Si kibum na halos lagi niyang kasama.

Napatango na lamang si nathan.Nawala rin sa utak niya ang paggawa nito.

''Napakasimple lang naman nun ah.Sanhi at bunga lang.'' seryosong sagot ng kanyang kaibigan.

Napangiti lamang si nathan.Sa sobrang laki nito.Gusto na siyang sapakin ni kibum. ''Parang pag-ibig lang yan eh.Kunware, nagtapat ng pagmamahal ang isang gwapong lalaki sa kanyang iniirog.Ang sanhi? Kasi hindi na niya kaya pa itong itago, pero kahit ano pang gawin natin.Hindi lagi lahat ng magiging bunga masaya.Kaya hindi mo kailangang ilagay na happy ending na agad.Dapat may ipagbasihan ka.'' pagsasaad niya ngunit napairap lamang ang kaibigan niya.

''Ano bang pinuputok ng butchi mo?'' napailing si nathan at desididong yumuko para matulog.

''Ikaw talaga.Ako na gagawa, dinamay mo pa ang pag-ibig ibig na yan.Puro ka kasi facebook.'' napatakip na lamang si nathan ng tenga at naramdaman niya kung paano kunin ng kanyang kaibigan ang filipino book niya sa bag.

''Salamat.'' ngunit sa utak niya lang ito inilabas.

Isa pang problema ang pagiging hindi niya pagiging open sa lahat ng pagkakataon.

--

Napaupo si nathan sa kama niya at bilis bilis niyang binuksan ang facebook niya.May isa kasing taong nagiging inspirasyon niya at unti unti nagkakaroon na siya ng pagmamahal para doon sa taong iyon.

Cho Kyuhyun.

Napangiti siya sa mga post na nakita niya.Alam ni nathan na maling maging adik sa isang tao.Pero sino ba nagsabi nun? Pwede mo gawin ang lahat ng bagay na gusto mo diba?

Napahawak siya sa dibdib niya at nag-iwan ng mensahe.

''Kahit isang beses lang pansinin mo ako.'' at pinindut niya ang enter.

Isinira niya ang laptop na nasa hita niya at iginilid ito, sabay napatingin sa kisame ng kanyang kwarto.

Napangiti siya ng pilit.

Alam niyang kahit like lamang sa comment na iniwan niya, hindi ito mangyayari.

Kahit ilang beses na comment niya man ang maiwan.

Walang dadating na reply dito.

--

''So siya ang gustong tao ni nathan?'' napatingin ako sa pinsan ko.

''Wala pa tayo sa kalagitnaan ng kwento.'' simpleng sabi ko at napatingin sa kalangitan.Kulay itim na ito at ang mga bituin ay nagkikislapan na.

Pumikit na lamang ako at napasandal sa balikat ng pinsan ko. ''Tingin mo ba may mahahanap na tao si nathan para sa kanya?''

''Lahat ng tao merong makakasama sa panghabang buhay nila.Si nathan pa kaya.'' napatango ako.

Sana nga..dahil kahit meron na...ang peste parin talaga ng pag-ibig. 

Itutuloy...

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayarajoy #1
Chapter 3: Hala last year pa to huhuhu. Wala ka po bang balak ituloy? Minsan lang makakita ng yewook T^T
gusto ko rin malaman kung anyare sa kanila. Update po sana hahahaha
kimwookie
#2
Chapter 2: Aaaahhhh ateeeee!!! Gàaling mu tlga mangbitin!!! Naexcite nanaman ako ng bonggang bonggang bonggang!!..updàte juseyo!!!
sehoonlovee #3
i'll start reading now, i can't wait to read it~~~
kimwookie
#4
Chapter 1: Waaaahhh ate!!! Bitin!!haneps sa intro!! Nkatatak na sa puso ko!!hahaha
kimwookie
#5
Waaaaaahhhh ateeee!!!! Nkakaexcite!!!! My feelings n agd!!!!!
HeeApprentice
#6
Hihihi excited. y/hartbroken/inlab na ryeowook is ♥