PB_1 - Akin ang mundo.

Pesteng Pag-Ibig.

It's like i'm the one.
You love to hate.
But not today! 

So,shut up,shut up,shut up.
Don't wanna heart it
Get out,get out,get out.
Get out of my way.

Isang binata ang nakatayo at halos mahihilo ang tao mang titingin sa kanya.Pinagpatuloy pa nang binata ang paggalaw ng ulo niya.Halatang wala itong pakialam sa paligid niya at nagtatalon pa sa kanyang malambot na kama.Isang malakas na musika ang na bumabalot sa apat na sulok ng kwarto, kasabay pa nang nakakabinging sigaw na nanggagaling sa bibig ng binata.

 

Nothing you say today.
Is gonna bring me down!
 

''WON'T BRING ME DOWN!'' isang malakas na boses ang patuloy na sumigaw at naglalagan ang mga babasaging inosenteng gamit na nakahilera sa kanyang salaminan.Napatingin ang binata dahil sa ingay na nagawa nito ngunit ngumiti lamang siya at lalo pang binasag isa-isa ang mga nalaglag na iyon.Para siyang batang walang pakialam sa mundo.Bawat umaga, ganto ang nakasanayang gawain ng binata.

Sinimulan ng binata na hubarin ang bawat saplot na nakatapis sa kanya at pinaikot ito sa ere.Mas lalong lumalim ang pagtakap niya sa malambot na kama.

''SHUT UP! SHUT UP! SHUT UP!'' malakas na pwersa niyang sigaw at dito natigil ang dalawang higanteng sa pagbuga ng malakas na tunog.Napaupo siya at napapunas sa pawis na tuloy tuloy na nahuhulog sa kobre ng kanyang kama. ''Magiging maganda sana kung yung mga taong walang resistensiya sa katawan ang gumawa ng mga bagay na nakasanayan ko, kahit naman kumain ako ng kumain.Di naman nadadagan yung laman ko sa braso.'' bulong niya sa hangin at nilagay ang damit sa kanyang hita at humiga.Ipipikit na sana niya ang mga mata niya ng may kumatok ng sunod-sunod.

''Ikaw talagang pandak ka! Mag-aalasais pa lang ng umaga! May gana ka ng mag-ingay!'' napabuntong hininga ang binata at desididong umupo.Hindi niya talaga alam kung bakit lagi na lang siyang ginagambala ng kanyang pinsan. ''So ano naman? Di ka gumaya?'' sigaw ng binata at narinig niya ang pilit na pihit sa hawakan ng kanyang pinto.Buti na lamang at nakalock ito.Napailing ang binata at humiga na lamang ulit.

''Kim Ryeowook! Alam kong nagbasag ka na naman ng mga gamit diyan! Baliw ka talaga.Ako pinapabili ng mama mo sa mga nababasag mong gamit!''

''Alam ko yun Park Jungsoo! Hindi ako bingi.''

''Alam mo pala eh.Kaya wag ka na magbasag! Lagi nagagambala tulog ko!''

''Kay mama ka magreklamo.''

''Basta! Itigil mo na yang libangan mo! Ang aga-aga!''

''Mahirap mamatay ang libangan kong 'to.Kung ikaw kaya patigilan kong magtutuli araw-araw anong gagawin mo?''

''Wala akong pakealam.Buhay ko 'yun!''

''Buhay ko rin 'to kaya magtutuli ka na lang at wag mo ko gambalain.Matutulog lang ako.''

''May balak ka pang matulog matapos mong gisingin ang buong baranggay!''

''Hindi pagmamay-ari ng baranggay ang talukap ko kaya oo.'' 

''Ugh! Sana bangungutin ka!''

''Kung mapapaniginipan kita.'' yun ang huling hiyaw na lumabas sa bibig na binata at tinakpan niya ang kanyang buong katawan nang makapal na kumot.Mas lalong lumamig ang buga ng aircon..o talagang lumamig lang dahil wala siyang saplot.

 

Oo ang pangalan ng binata ay Kim Ryeowook AKA Nathan.

--

Itutuloy...

Hahabaan ko yung next :) Thank you sa pagbabasa <3 

Music : Shut Up - Simple Plan ~

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayarajoy #1
Chapter 3: Hala last year pa to huhuhu. Wala ka po bang balak ituloy? Minsan lang makakita ng yewook T^T
gusto ko rin malaman kung anyare sa kanila. Update po sana hahahaha
kimwookie
#2
Chapter 2: Aaaahhhh ateeeee!!! Gàaling mu tlga mangbitin!!! Naexcite nanaman ako ng bonggang bonggang bonggang!!..updàte juseyo!!!
sehoonlovee #3
i'll start reading now, i can't wait to read it~~~
kimwookie
#4
Chapter 1: Waaaahhh ate!!! Bitin!!haneps sa intro!! Nkatatak na sa puso ko!!hahaha
kimwookie
#5
Waaaaaahhhh ateeee!!!! Nkakaexcite!!!! My feelings n agd!!!!!
HeeApprentice
#6
Hihihi excited. y/hartbroken/inlab na ryeowook is ♥