fin

That Thing Called.. Katangahan
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Mag-mo-move on- move on ka tapos babalikan mo lang pala!” Panimula ni Changmin sa Kaibigan. “Nagpunta-punta pa tayo ng Jeju, Japan, Busan at kung saang sulok ng Seoul! At lahat na yata ng pagkain na pwedeng kainin eh nalamon ko na kakasama sa’yo, para lang makatulong sa pag mo-move on mo. Tapos ano? Babalikan mo lang pala! Konting pa-cute at kembot lang niya sa harapan mo, bibigay ka rin pala!” Huminga siya ng malalim matapos mapa-haaay. “Ang tanga ko rin noh? Naniniwala pa akong may pag-asa ka? Nakalimutan ko.. Sya pala mundo mo. At guguho ito pag nawala siya.” Sa sobrang inis ay binato niya ang kaibigan ng unan.


 

Kasi di niya ma-gets. At siguro never niyang ma-ge-gets bakit baliw na baliw siya sa taong sinaktan na siya dati at patuloy pa rin niyang binibigyan ng karapatan na saktan siya hanggang ngayon.


 

Buntong hiningang binalewala na lang ni Kyuhyun ang sermon ng kanyang matalik na kaibigan, at binaling na lang ang tuon sa beer na nilalak-lak niya.

 

Nag-iisip, ano ba ang isasagot niya.


 

“Mahal niya daw ako eh..” wala sa sariling nasabi niya.


 

“DAW?!” mariing inulit ni Changmin sa mukha ng kaibigan. “Mahal-niya-DAW-ako..” pag-ko-quote niya gamit ang dalawang daliri ng dalawang kamay niya sa hangin. “Bakit hindi sure?”


 

“Kasal na kasi siya Chwang.. Siguro kaya gano’n.”


 

“Ayon.. Alam mo naman pala anong mali at kulang sa sinabi niya, pero ba’t mo pinatulan?” it was more like a mock, pero binalewala na lang ni Kyuhyun. “So ano yang inyo ngayon? Testing lang gano’n? Trial and error? Free taste? Try me sa mga make ups at perfumes? Kumbaga sa internet free trial? Pag nagustohan, proceed to the next month payment at pag hindi, itatapon na lang at babalewalain right after 7-30 days? Wow naman!!” sarkastikong sabi niya. “May gano’n pala sa love.” sabay irap.


 

Kung meron man nakakaalam sa nararamdaman niya, sa lahat ng hinaing niya sa lovelife, at pasakit na natanggap niya mula no’ng nagka-leche-leche ang buhay nila ni Sungmin, marahil ay si Changmin iyon. Siya at Siya lang kasi ang nasasabihan niya ng mga bagay-bagay. At alam niya rin sa sarili niya na, ang lahat ng sinasabi ni Changmin sa kanyang mga advice ay tama.

 

“Langya ka naman!” mura niya sabay tulak sa kaibigan dahilan upang nahulog siya sa sofa. “Alam kong kaibigan kita pero ang sakit naman masyado ng pinagsasabi mo!”


 

Humahalakhak na lang ang binata, sabay pagpag ng kanyang damit. “Ay masakit ba? Nasasaktan ka pa pala? Akala ko kasi naging manhid ka na, na pati iyong mga ginagawa niya at sinasabi niya sa’yo ay di mo na ramdam. Akala ko di na nag-eexist ang salitang “sakit” sa’yo.” iling niya, at tumungga na lang ng beer dahil sa frustration


 

“Gaano mo ba ka mahal iyang lalakeng yan at di mo magawang iwan?”


 

“Mahal. Mahal na Mahal.”

 

“Nabusog ka naman sa pagmamahal na yan?” mabilis at sarkastikong sagot niya. “Haay.. Alam mo Kyu,  Matalino ka eh. Bilib nga ako sa’yo kasi walang bagay ang hindi mo alam.. Wala problema ang di mo nalulusotan. Alam na alam mo lahat.. Dati ka yatang teacher eh..” biro niya. “Pero kung gaano ka ka-talino sa bagay bagay siya namang hina mo sa pag-ibig.”


 

“Ano bang gusto mong gawin ko?” Mahina niyang tanong.


 

“Ano bang tamang gawin?” he countered. Bumuntong hininga silang dalawa. “Kyu.. Kasal na siya. Kayo naman.. Ang tagal niyo ng natapos. Dalawang taon na nga na mahigit ang nakaraan diba? Kung kailang ba naman ‘Hindi na Pwede’ saka pa kayo maglalandi na dalawa. Sabihin na lang natin na mahal niyo pa nga ang isa’t isa.. Pero may magagawa ba ang pagmamahal na yan to save you from hurting yourself? Wala diba? In the end.. Ikaw at ikaw lang din ang masasaktan.. Now let me ask you.. Ano ba ang tamang gawin?”


 

May gumuhit na lungkot sa mukha ni Kyuhyun. Dati pa lang alam niya na naman ano ang dapat na gawin eh. Alam niya at determinado siya. Pero mula no’ng nakita niya gaano kasaya si Sungmin sa piling ni Jmin. Lahat ng iyon naglaho ng parang bula. At napalitan ng maraming what if a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
beautifly023 #1
Chapter 1: Bwisit. XD ate jaci talaga o.
ReadingThis
#2
Chapter 1: keme nman ate ming kawawa ang martir na cho nakakaiyak lol mashaket pero sige landi pa more kyomengg
su3993ga #3
Chapter 1: kengeneng walang move on move on!! hayaan na sila maglandian bwahahaha
iamishi #4
Chapter 1: Pamura lang... isa lang... putang ina sobrang landi ni tukmol!! Ughhh... asar...

Ito pala ung jmin...
kyuminsauce
#5
Chapter 1: walng move on move. agawin mo kase kyu kantutin mo sa harap ng asawa nya xDD
Shirobaka #6
Chapter 1: Dakilang tanga ni kyuhyun dito, nakakaputangina!!! XDD
HeeApprentice
#7
Chapter 1: Ay gagi. Katangahan nga xD
sweetsmirk
#8
Chapter 1: Asan na yung n tagalog
sweetsmirk
#9
Chapter 1: Punyeta oh
sweetsmirk
#10
Chapter 1: Move on mo mukha mo leche ka