Three

Lost in the Woods [ ON HOLD ]

“Kelangan ba talaga lahat tayo ang maghahanap?” reklamo ni Tao sabay hawi ng sangang nasa daanan niya. Kasalukyan kasing hinahanap ng EXO, oo lahat sila, si Sehun. Tumakas sila dun sa campsite para lang makita ang precious but pasaway na maknae

“Oo Tao kelangan” Sabi ni D.O sabay flip ng kanyang fluffy bangs na mas fluffy pa sa fluffy mamon

“Alam  mo Tao wag ka na magreklamo, para namang di mo close yung tao eh halos magpalit na kayo ng bituka sa sobrang close niyo tapos ayaw mong sumamang maghanap sa kanya?” Sabi ni Chanyeol with matching akbay

“Eh pano pag-may nakita na wala tayo don?”

“Sus Tao takot ka lang eh” Sabi ni Kris with sound effects na parang mumu

“Hindi ako takot no! Huh sa laki kong to matatakot ako sa multo---aah!” sigaw ni Tao ng biglang humarap si Baekhyun sa kanya na may nakatutok na flashlight sa mukha “Boo!”

“Wag maingay pwede? Lalo tayong mahuhuli niyan eh” sermon ni master Suho

“Sorry poooo”

“Tara na nga hanapin na natin yung bebe ko” Sabi ni Luhan na nauna ng maglakad

“Eww bebe? Ang bakla mo” sabi ni Baekhyun

“Nagsalita” sabi ni Luhan sabay irap kay Baekhyun

“Teka akala ko ako lang bebe mo?”  Tanong ni Xiumin

 

Patuloy silang naglakad sa gubat, mag-iisang oras na ata sila dun pero hindi parin lumititaw si Sehun.

“Sehun!”

“Sehun?! Sehun asan ka?!”

“Bebe ko where are you?!” Sigaw ni Luhan

“Ang landi, sumbong sa girlfriend yan” hirit ni Lay

“Kayo naman siyempre joke lang yun” Ngisi ni Luhan

“Pero paano pala kung nandun na si Sehun sa campsite?” sabi ni Chen

“Di yun. Tanga yun eh malamang naliligaw pa rin yun dito sa gubat” Sabi ni Chanyeol

“Ang hard mo naman parang ang talino mo ah” sabi ni Kris

“Abay oo naman, malaki ata utak ko!” proud na sabi ni Chanyeol

“Tanga mata at tenga malaki sayo, utak wala ka non” Sagot ni Kris

“Palibhasa puro ka baba” –Chanyeol

“Gago”

 

“Teka lang guys asan si Kai?!” OA na tanong ni Chen, si Kai naman sinamaan lang siya ng tingin

“Bobo nasa tabi mo”  Sabi ni Xiumin

Lumingon naman si Chen sa tabi niya sabay tutok pa ng flashlight sa mukha ni Kai “Ahh! Ay oo nga, sorry di kita nakita madilim kasi eh”

“Ge”

 

“Pagod na ko, balik na kaya tayo?” Sabi ni Tao, sabay up dun sa may bato

“Pagod o takot?” Pangaasar ni Kris

“Kanina ka pa ah”

“Mag-aalauna na  pala di pa rin nakikita si Sehun” Malungkot na sabi ni Suho

“Babalik na ba tayo?”  tanong ni Lay

“Teka saan nga tayo galing? Dito?” tanong ni Chen sabay turo sa kanan “O dito?” turo sa kaliwa

“Dito” sagot ng lahat pero magkakaiba sila ng direksiyong tinuro

“Yung totoo? Kayo ba tinandaan niyo man lang yung dinaanan natin?” Tanong ni Chen

“Ikaw nga hindi eh” sabi sa kanya ni Luhan

“Sampu kayo, kaya niyo na yon”

“Dito tayo galing sa kaliwa. Tinandaan ko kaya” Sabi ni Suho

“Hindi, dito sa kanan. Palatandaan ko tong puno eh” sabi ni Baekhyun

“Oo nga yung punong yan. Pero nandito talaga yan sa kaliwa kanina eh” sabi ni Suho

“Ano naglakad ganon?” pagtataray ni Kai

“Tumigil nga kayo” si Tao

“Oo nga tsaka posible ba yun? Lumipat yung puno ganun?” sabi ni Kris

“Posible yun” sabi ng kanina pang tahimik na si D.O “Lalo na sa mga ganitong lugar. Mabigat talaga ang pakiramdam ko sa gubat na to eh, pakiramdam ko may kakaiba dito.”

“D.O naman eh!” Sabi ni Tao tapos dumikit kay Kris, siyempre takot eh

 

Magsasalita n asana si Suhong biglang makarinig sila ng kaluskos

“ ano yon?” sabi nila

“howmaigahd!” sambit ni Tao, habang nakapikit

“S-sehun? Ikaw ba  yan?” tapang tapangan si Suho

“Hoy Sehun, kung ikaw yan di magandang biro yan” sabi ni Baekhyun

“Chen tignan mo dali!” sabi ni Luhan tapos tinulak na nila si Chen

“Eh ba’t ako?!” halata naming takot din si Chen

“Ikaw pinakamatapang dito! Di ka nga natakot sa horror house eh”

“Eh siyempre alam ko naming tao yung mga yun na nagpapanggap lang. Eh eto malay ko ba kung totoong multo na yan!” Sabi niya

“Mama… mama uwi na ko ples!” sabi ni Tao

“Tingnan mo na lang!” tinulak na nila ng tuluyan si Chen kaya no choice siya, lumapit siya dun sa may pinanggalingan ng kaluskos, tapos biglang…..

 

 

 

 

 

“kokak!”

 

 

 

“Ay palakang kamukha ni Luhan!” Sigaw ni Chen ng bigla siyang talunan ng palaka. Aba namimihasa na tong palakang to ah simpleng tsansing sa EXO eh

 

“Sus palaka lang palaka lang pala” sabi ni Kris

“Sus natakot ka din naman” sabi ni D.O

“Lecheng palaka yan” sabi ni Chen tapos ngatawanan sila

“Leche ka din anong pinagsasabi mong kamukha ko yung palaka?” sabi ni Luhan tapos lalo pa silang nagtawanan.

 

Yung iba eh nagkukumpulan padin habang si Chen lang yung nasa unahan nila, so bale lahat sila nakaharap kay Chen. Bigla namang tumgil sa pagtawa si Chen. Nagbago ang facial expression niya na para bang may nakitang kakaiba.

“G-guys” sabi niya tapos tumuro sa likuran ng iba nyang kasama

“Lol Chen panget mo” sabi ni Lay

“Chen di magandang biro yan” sabi ni Tao

“Laki ng butas ng ilong mo tanga” sabi ni Chanyeol

“G-guys” di pa din natinag si Chen with matching dahan dahang pag-atras pa

 

Biglang humangin ng malakas na nagpatigil sa EXO, at dahan dahan na silang lumingon sa likod nila, maliban kay Tao na pinili na lang na pumikit. At nang tuluyan ng makalingon ang EXO

 

“AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” Sigaw nila sabay takbo, at dahil nga nakapikit si Tao, di niya alam na iniwan na siya

“G-guys?” sabi niya pero nakapikit pa din “Huy ano ba”

“…..”

“Wag naman kayong ganyan” nakapikit pa din siya

“…..”

 

Dahan dahan nang dumilat si Tao at…..

 

 

 

“AAAAAHHHHHH!!!!!!” Sigaw niya sabay takbo

 

 

 


 

 

 

 

Nagising si Sehun sa kalagitnaan ng gabi at naramdaman niyang wala ng nakapatong sa hita niya. Dinilat nia ang mata at nakitang wala si Hayoung at tanging Jacket niya na lang ang naroon. Nilibot niya ang kanyang paningin pero wala din naman siyang masyadong nakita kasi nga madilim dun sa kuweba. Tanging buwan lang ang liwanag sa paligid. Tumyo si Sehun at lumabas ng kuweba

“Hayoung?”

 

Nakita niya si Hayoung na nakatayo lang sa labas ng kuweba, at nakatingin sa taas, sa direksiyon ng bangin kung saan sila nahulog.

“Sehun, ba’t gising ka?”

“nagising lang. Eh ikaw anong ginagawa mo dito?” tanong niya

“Nagpahangin lang”

“ah”

 

Awkward silence

“Sehun”

 

“Ano yun”

“Kanina, parang may narinig ako” sabi nito

“ano yun? Multo? Mabangis na hayop?”

“Parang tao, sigaw ng tao”

“Teka, baka sila hyung yon. Hinahanap nila ko” ngiting ngiti ni Sehun

“Tingin mo?”

“Oo, pakiramdam ko sila yun. Hayoung, pagnakita nila tayo, makakalis na tayo dito!” masayang masayang sabi  ni Sehun na sinuklian lang ng ngiti ni Hayoung.

 

 

 

 


 

(a/n)

 

1. Dapat talaga Seyoung moments to eh. Kaso ang fail ko talaga magisip ng nakakakilig na eksena, (​palibhasa walang lovelife sa totoong buhay eh), kaya ayan kabaklaan na lang muna ng exo

2. dapat talaga kahapon pa ko maguupdate, naleche lang ako Bangtan

3. Fail horror na nga fail romance pa.

4. May poster na! Made by yours truly haha (pinagmalaki pa kala mo ang ganda. pwe)

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ChocoLemonCandy01 #1
Chapter 6: Ang ganda nito ah.. Nakakaamazed!! Nice one author-nim!!
imrhaine19
#2
Chapter 6: Sabi na eh multo talaga si Hayoung. Wawa naman si Sese.. :((
btw author ongoing din po ba tong story na to sa wattpad? balak ko din po kasing basahin to sa wattpad baka kasi mas advance dun. hehehehe ^^
silly_bomi #3
anw, keep update ! :)
silly_bomi #4
filipino ka? nice! hahahahahaha apir x)
BaekYeonTaeTae_ss #5
Chapter 4: Updatee soon :)) ang cute ng momment ng SeYoung .. Pati yung kabaklaan ng EXO . Kaloka xDD !! I love this fanfic ..
dinoham1109
#6
Wait wait ? Horror ba to ? Binabasa ko to ng 2am ako nalang gising ntatakot ako >.<
pinkpixie #7
make it english please, i can't read tagalog too:(
Genievanss
#8
I would definitely read it if this fic is in english. I can't read tagalog :(