Two

Lost in the Woods [ ON HOLD ]

 

 

Naglakad si Sehun at Hayoung sa gubat at sa di kalayuan ay nakakita ng puno ng saging na madaming bunga. Aba swerte. Being the gentleman he is, si Sehun ang pumitas ng bunga, at nang makuha ng sapat para sa kanilang dalawa, umupo sila sa ilalim ng isa pang puno. Habang nag-papakaungoy at nilalantakan ang mga nakuhang saging, nag-usap na lang dalawa. Kesa naman sa tumunganga sila eh anong napala nila don? Awkwardness?

“Sehun, bakit ka nga pala naligaw?” Tanong ni Hayoung

“Ako? Ah may sinusundan kasi akong usa para kuhaan ng picture eh ang likot, layo ng layo ayun napalayo ako sa mga kasama ko, tapos naligaw na ko hanggang marinig na kita. Tapos dahil nga dun sa palaka eh nalaglag ako”

“Kung wala siguro yung palakang yun don mag-isa pa din ako dito” Sabi nito

“Ah so pasalamat sa palaka ganun?”

“Huh? Naku hindi yun ang ibig kong sabihin. Hindi naman din ako natutuwa na may isa pang naligaw, pero siyempre nakatakot mag-isa dito eh”

“Kung hindi naman ako nalaglag siguro humingi na ko ng tulong kung makabalik ako sa camp”

“Weh? Eh inakala mo ngang multo ako eh”

“Huh…. Ah eh…. Teka pano mo nalaman?”

“Hula lang. Oh diba tama ako. Sabagay sino ba namang hindi matatakot kung may sumigaw bigla sa gitna ng gubat”

“Sorry” Nasabi na lang ni Sehun

“Haha ano ka ba wala yun”

“Uhm Hayoung, ikaw paano ka nga pala napunta dito?”

“Ah kasi nagseselfie ako”

“Dahil sa selfie nalaglag ka sa bangin?”

“Hindi. Pero kasi di ko namalayan naiwan na ko. Tapos nung tinry ko silang hanapin naligaw ako nalaglag na ko dito”

“Asan na cellphone mo?”

“Nasira pagkalaglag ko”

“Pero bib ako ah nakatagal ka dito ng isang linggo?” Sabi ni Sehun, tinignan siya ni Hayoung pero napansin niyang may kakaiba sa tingin nito, pero di niya lang pinansin.

“Pero hanggang ngayon, hindi pa din nila ko binabalikan. Kinalimutan na nila nga siguro ako” Malungkot na sabi nito

“Ano ka ba, sabi ko nga sayo diba. Hindi medaling makita ang lugar na to. Pero sigurado akong hinahanap ka pa rin nila”

“Pero isang linggo na”

“Wag ka mag-alala, makikita din nila tayo”

 

Napatingin si Sehun sa taas ng mapansing may tumulo sa kamay niya, ulan. Di nagtagal tuluyan ng bumuhos ito kaya’t tumakbo ang dalawa. Sinundan lang ni Sehun si Hayoung hanggang sa nakarating sila sa isang kuweba.

“Dito na muna tayo hanggang tumila” sabi ni Hayoung, napansin naman niyang sinusuri ni Sehun kung ligtas ba ang lugar “Wag kang mag-alala, sa isang linggong pananatili ko dito wala namang kung ano diyan”

“Ah, ganon ba, chine-chek ko lang baka may ahas” Sabi ni Sehun at didiretso pa sana sa may madilim na bahagi ng kuweba pero pinigilan siya ni Hayoung

“Don’t go there!” sabi ni Hayoung na nagpataas sa kilay ni Sehun “K-kasi… hindi pa ko nakakapunta diyan. Basta wag ka na lang tumuloy, nakakatako oh tignan mo. Dito lang tayo sa bungad”

“Ah sige sabi mo eh” Sabi ni Sehun at umupo na lang sila.

 

Dumudilim na at di pa din tumitila ang ulan. Pareho silang tahimik, iniisip ni Sehun kung gaano pa siya magtatagal sa liblib na gubat na iyon. Kung si Hayoung isang linggo na hindi pa nakikita, siya kaya? Gaano katagal bago siya makita ng mga kasama niya? O kung hinahanap nga ba siya ng mga ito. He closed his eyes and shook his head. No, hindi dapat siya nag-iisp ng ganoo, he’s sure na hinahanap siya ng mga kaibigan. Sobrang close nila,magkakapatid ang turingan nila kaya malamang hindi siya pababayaan ng mga ito.

Umuulan pa din ng malakas nang biglat kumidlat na may kasunod na malakas na kulog at napasigaw si Hayoung sa takot. Tinignan siya ni Sehun at nakitang nanginginig siya. Lumapit si Sehun sa kanya at dahan dahan siyang hinawakan na para bang sinasabi na may kasama siya at hindi siya nag-iisa. Tumabi si Sehun kay Hayoung, na ngayon ay nakayakap na sa kanya at nanginginig pa din. Napansin din ni Sehun na umiiyak nap ala si Hayoung.

“Hayoung? Tahan na. Wag kang umiyak” Pag-alo ni Sehun

“Ganito din noon” sabi ni Hayoung habang umiiyak “Noong araw na nawala ako, umuulan ng malakas, kumukulog at kumikidlat. Takot na takot ako, sigaw ako ng sigaw ng pangalan nila pero hindi sila dumating. Walang ni isa sa kanila. Nanginginig na ko, hindi ko alam baka dito na din ako mamatay, wala naman akong magawa kundi ang umiyak… ang hirap mag-isa. Ayoko na ng mag-isa!” Iyak nito

“Shh. Tahan na, hindi ka na mag-isa, andito ako. May kasama ka na”

“Pero iiwan mo din ako” Sabi nito, nakayuko ito kaya hindi nakikita ni Sehun ang ekxpresyon ng mukha nito

“Hindi. Hindi kita iiwan. Sabay tayong lalabas sa gubat na to.”

“Hindi mo ko iiwan?” Tanong ni Hayoung at tumingin kay Sehun

“Hindi”

“Promise?”

“Promise” Sabi ni Sehun at ngumiti.

Weird. Hindi niya kilala ang babaeng ito, tanging pangalan lang nito ang alam niya, at ngayong araw niya lang din ito nakilala. Pero habang tinitingnan ang mata ni Hayoung, yung mata niyang puno ng takot, gusto ni Sehun na siguraduhing ligtas ito. Gusto niya itong protektahan. At iyon ang gagawin niya,

 

Hindi nagtagal ay nakatulog na si Hayoung. Inayos niya ang pwesto nito at inihiga ang ulo nito sa hita niya habang siya ay nakasandal sa isang bata. Hinubad niya rin ang jacket niya at ipinangkumot iyon sa dalaga. He smiled while caressing the girl’s hair, kahit na madungis si Hayoung sa ilang araw na pamamalagi niya sa gubat, kitang kita pa din ang kagandahan niya. Nakaktuwa din dahil para itong maliit na bata na nakayakap sa kanyang manika, Tiningnan ni Sehun ang manika, isa itong kuneho, cute sana, pero sa itsura nito ngayon papasa na ito na manika sa isang horror movie. Puno kasi ito ng putik at… dugo? Wait oo dugo nga. Kinilabutan si Sehun sa nakita, pero baka dugo lang ito ni Hayoung, malamang kasi nagkasugat ito nung malaglag sa bangin no.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ChocoLemonCandy01 #1
Chapter 6: Ang ganda nito ah.. Nakakaamazed!! Nice one author-nim!!
imrhaine19
#2
Chapter 6: Sabi na eh multo talaga si Hayoung. Wawa naman si Sese.. :((
btw author ongoing din po ba tong story na to sa wattpad? balak ko din po kasing basahin to sa wattpad baka kasi mas advance dun. hehehehe ^^
silly_bomi #3
anw, keep update ! :)
silly_bomi #4
filipino ka? nice! hahahahahaha apir x)
BaekYeonTaeTae_ss #5
Chapter 4: Updatee soon :)) ang cute ng momment ng SeYoung .. Pati yung kabaklaan ng EXO . Kaloka xDD !! I love this fanfic ..
dinoham1109
#6
Wait wait ? Horror ba to ? Binabasa ko to ng 2am ako nalang gising ntatakot ako >.<
pinkpixie #7
make it english please, i can't read tagalog too:(
Genievanss
#8
I would definitely read it if this fic is in english. I can't read tagalog :(