Tulog Na part 2

Pluma, Kape, atbp.

Alo. Eto na yung 2nd part. Sorry ang fail nito. Huhu. Sabaw na din kasi ako. Hahaha. Saka ang hirap pa magsulat sa tagalog. Huehue.  Pakinggan niyo pa din yung Tulog Na. 

 

___________________________________________________________________________________________________

 

 

Huminga ng malalim si Minah bago niya binuksan ang pintuan. Ito ang unang beses na dadalawin niya si Amber sa ospital. Nakahinga siya ng maluwag dahil walang nagbabantay sa kanya ngayong araw. Tinakpan ni Minah ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay noong pagkakita niya kay Amber. Ang kanyang mga luha ay tila parang gripo sa agos ng makita niya ito.

Umupo si Minah sa isang maillit na upuan sa tabi ng kama ni Amber at hinawakan niya ang kamay nito.

“Hi Minah!” Bati ni Amber “Salamat kasi dinalaw mo ako.” Ngumiti ito.

“Amber, mapapatawad mo ba ako?” Tanong ni Minah kahit alam niyang di naman siya sasagutin ni Amber.

“Huh? Anong sinasabi mo diyan?”

“Ako... ako ang may gawa sayo nito...” Umiiyak na inamin ni Minah kay Amber. Nagulat si Amber sa pagkakasabi ni Minah pero inantay niya muna matapos ang kanyang sasabihin bago siya magsalita.

“Mula noong mga bata pa tayo Amber, gusto na kita. Kaya lahat ginawa ko para mapansin mo ako kahit na alam ko na para lang kay Krystal ang mga mata mo.”

“Minah...” Di alam ni Amber ang gagawin. Imbis na makaramdam siya ng galit ay kabaligtaran ang nangyare. Unti unti niyang nilapitan ito at tinabihan.

“ Noong nagdate kayo ni Krys sa restaurant para i-celebrate yung anniversary niyo, hinintay ko kayo sa labas. Sa bawat masasayang araw na magkasama kayong dalawa, nandun ako Amber. At sa tuwing naaalala ko yun, naiinggit ako kay Krys dahil ang saya saya niyo. Kaya dahil dun, nagawa ko ‘tong kahibangan na to. Pero nagawa ko lang naman to kasi mahal kita Amber.” Pinunasan ni Minah ang kanyang mga luha gamit ang kanyang mga kamay. Hindi niya alam na bumukas na ang pinto at pumasok na si Krystal.

“Nung gabing yun, dapat si Krystal ang masasagasaan ko pero niligtas mo siya Amber.”

Biglang nabitawan ni Krystal ang hawak niyang vase kaya’t napatingin si Minah sa kanya.

“K-krystal..”

“Ikaw... Ikaw ba yun gumawa nito? Nang hindi sumagot si Minah ay tinanong ulit ni Krystal ito. “IKAW BA ANG GUMAWA KAY AMBER NITO?!”

“Krystal, let me explain.” Hinawakan ni Minah si Krystal sa kanyang mga braso ngunit tinanggal ito agad ni Krystal.

“19 years... 19 years Minah! Akala ko bestfriend kita? Namin??! ... Paano mo to nagawa?” Galit na sinabi ni Krystal.

“Krystal, hayaan mo muna akong magpaliwanag. I’m so sorry.”

“Guys, please tama na. Tumigil na kayo! Krystal, huminahon ka nga.”  Kahit alam ni Amber na hindi siya maririnig ay, ginagawa niya ang lahat kahit na hindi din niya mahawakan ang dalawa niyang kaibigan.

“Explain?! I don’t need your explanation! Get out Minah. Get out!” Binuksan ni Krystal ang pintuan at hinintay si Minah na makalabas. Bago pa magsalita si Minah ay pinigilan na ito ni Krystal. “Wag ka ng babalik dito at kalimutan mo na din na kaibigan kita.”



Tinignan ni Amber si Krystal habang sinusubukan niyang kumalma. Napabuntong hininga na lamang siya dahil wala siyang magawa sa sitwasyon. Gusto man niyang pigilan ang dalawa sa pag-aaway ay wala siyang magawa. Hindi din naman niya masisi si Krystal dahil halos silang tatlo ang magkakasama mula bata pa. Sa kabila ng nangyare, ay hindi pa din magawa ni Amber na magalit, naintindihan niya si Minah. Naisip niya na sa loob ng maraming taon, alam niyang nasasaktan siya sa tuwing makikita niya na magkasama sila ni Krystal. Sa kanyang sarili, ay napatawad na niya ito.

Kinagabihan, tumabi ulit si Krystal kay Amber. Naging tahimik ito at hindi pala kwento hindi tulad nung mga nagdaang araw. Pagkatapos ni Krystal na manuod ng tv ay humiga na ito sa kanyang kama at humarap kay Amber. Dahan dahang hinawi ni Krystal ang buhok ni Amber at inayos ng maigi ang kanyang benda sa ulo. Nangulat si Amber dahil unti unti na siyang walang nararamdaman sa tuwing hahawakan siya ni Krystal. Lumipat ang mga kamay ni Krystal sa braso ni Amber at bumaba ito sa kanyang kamay. Habang nakikita lahat ni Amber ang ginagawa ni Krystal sa kanya, ay tila nagiging manhid na ang kanyang mga pandama.

“Hindi... Hindi to pwede... Hawakan mo ako ulit Krystal! G-gusto kitang maramdaman!” Nagpapanic si Amber at hindi alam ang gagawin. Alam naman niyang darating din ang araw na ito pero alam niya sa sarili niya na hindi pa siya gaanong kahanda upang harapin ito. Kung ito man ang huli na niyang gabi na makakasama si Krystal, ay isa lang ang natatangi niyang naiisip na paraan.

 

 

Dahandahang bumaba si Krystal mula sa isang mahaba at malaking hagdan. Napansin niya ang isang pamilyar na tao na naghihintay sa baba ng hagdan.

“Hi!” Lumingon si Amber at binigay ang kamay nito upang humawak si Krystal at alalayan ito sa pagbaba.

“A-amber?” Tanong ni Krystal. Siya ay hindi makapaniwala dahil alam niya sa kanyang isip ay nasa ospitalsi Amber.

“Oo ako ‘to. Sino pa ba?” Pabirong sinabi ni Amber. Binitawan niya ang kamay nito.

Napatingin si Krystal sa kanyang suot na damit “Bakit ganito ang suot ko?”

Napangiti si Amber at tinignan niya mula ulo hanggang paa si Krystal. “Bakit? Di mo ba nagustuhan? ”

Si Krystal ay nakasuot ng isang simpleng puting bistida “Di naman sa ganun Am, pero nagulat lang talaga ako sa suot... ang ganda niya.” Sinabi niya habang tinitignan niyang mabuti ang kanyang suot.

“Gusto ko lang naman na maging prinsesa ka hanggang sa panaginip mo.” Sinabi habang hinawakan ni Amber ang pisngi ni Krystal. “O tignan mo, terno pa tayo.”Umatras ng bahagya si Amber at umikot sa harap nito.

Napangiti si Krystal kay Amber. Nagulat ito dahil biglang kinuha ni Amber ang kanyang kamay. “Teka, san tayo pupunta?”

“Basta...” Huminto si Amber at ngumiti “May gusto lang akong ipakita sayo.” Wala ng nagawa si Krystal kundi sundin si Amber.

Sumilong sila sa isang puno, sa tuktok ng isang madamong talampas. At sa paligid nito makikita ang mga napakagandang tanawin. Pinaupo ni Amber si Krystal sa harap nito. Sumandal si Krystal sa dibdib ni Amber habang si Amber naman ay inilagay ang kanyang mga braso sa bewang nito.

Pumikit si Krystal habang dinadama ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanilang dalawa. “Sana ganito nalang tayo lagi. Walang inisip na problema.”

Tumango si Amber sa balikat si Krystal at hinalikan ang pisngi nito. “Oo nga eh, okay yung ganto. Yung tayong dalawa lang... yung masosolo kita” Pabirong sinabi ni Amber

Natawa si Krystal at nilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa may pisngi ni Amber. “I love you, Amber. “ At saka lumingon ito patalikod para makita ang mukha nito.

“I love you too, Krys.” Nilapit ni Amber ang kanyang mukha upang mahalikan ang mga matatamis na labi ni Krystal. Ipinikit ni Krystal ang kanyang mga mata at hinalikan niya ito pabalik. Dahil alam na ni Amber na hindi na siya magtatagal pa, ay nilubos na niya itong pagkakataon para ipadama kay Krystal kung gaano niya ito kamahal.

 

Nakahiga si Amber sa damuhan habang ginagawa niya unan ang mga binti ni Krystal. Gustong gusto ni Amber kapag hinahaplos ni Krystal lagi ang kanyang ulo.

“Krys.”

“Hmm?”

Ngumiti si Amber bago magsalita “Natatandaan mo nung mga bata pa tayo, yung lagi niyo akong inaasar ni Minah kasi ayokong maligo ng walang damit kasama kayo?”

“Oo. Napaka conservative mo noon. Akala ko nga papasok ka sa kumbento eh.” Pabirong sinabi ni Krystal

“Eh ayoko ko lang talagang makita niyo yung y kong katawan.” Sabi ni Amber. Napailing at natawa si Krystal.

“Ang dami nating pinagdaan noon... tayong tatlo. Halos din a tayo mapaghiwalay.” Di na nawalan ng kwento ang dalawa. Masaya nilang pinag-uusapan ang mga nangyari sa kanila noong mga bata pa sila kasama si Minah. Kulitan, harutan at lambingan. Walang makakapantay sa kanilang nararamdaman na saya ngayon.

“Kung panaginip lang ‘to, mas gugustuhin ko pang di magising.” Sinabi ni Krystal habang nakahiga sa damuhan at nagpapahinga dahil kakatapos lang nilang maglaro ng habulan ni Amber.

Mula sa masayang mukha ay nagbago ang reaksyon ni Amber. Umupo ito at napabuntong hininga. “Kahit gugustuhin ko na kasama kita ngayon, kelangan mo pa din magising Krystal.”

“Hindi... ayoko. G-gusto ko dito lang ako.... K-kasama ka.” Biglang niyakap ni Krystal si Amber. Pinipigilan ni Krystal na tumulo ang kanyang mga luha. “Ayoko nung gigising ako sa tabi mo at makikita kong hindi ka pa din gumigising. Araw-araw akong umaasa, Amber.”

Hinalikan ni Amber ang noo ni Krystal. “Alam ko, Krys. Pero wala akong magagawa. Sorry Krys.”

 “Hindi ko alam na... magagawa niya sayo to.” Sabi ni Krystal at alam ni Amber kung sino ang tinutukoy nito.

 “Siguro kasi, ganun talaga kapag mahal mo yung isang tao. People will tend to do the craziest things... Kaya siguro ito din yung dahilan kung bakit kita tinulak... kung bakit kita niligtas, kasi mahal kita.” Sabay hinalikan ni Amber si Krystal sa pisngi.

Di na napigilan ni Krystal na umiyak. Pinunasan ni Amber ang mga luha niya gamit ang kanyang kamay. “Masyadong maikli ang buhay para di ka magpatawad Krystal. Kahit anong mangyari, kaibigan pa din natin siya.”

Tumango lang si Krystal. Alam niya na hindi marunong magalit si Amber lalo na sa kanyang mga kaibigan. At sa puso niya, unti-unti na niyang napapatawad si Minah.

“Oh, wag ka ng umiyak ha? Baka pumangit ka pa lalo.” Marahang hinampas ng pabiro ni Krystal si Amber sa braso at pinunasan niya ang mga luha nito. Humiga ulit si Amber sa hita ni Krystal.

“Krys?”

“Hmm?” Sagot ni Krystal habang hinahaplos uli ang ulo ni Amber

“Pwede mo ba akong patulugin? Kantahin mo yung kinakanta ko sayo kapag di ka makatulog.”

Di sumagot si Krystal dahil may bigla siyang naramdaman na kakaiba. Pakiramdam niya na unti-unti ng mawawala si Amber sa kanya. “Please... Sige na Krys.”

Walang nagawa ito kundi sundin ang kahilingan ni Amber. Habang kinakanta niya ito ay nakikita niya si Amber na unti-unti ng natutulog ng mahimbing. Ang kanyang mga luha ay tumulo ulit habang hinahaplos niya ang malambot na buhok ni Amber.

Tulog na mahal ko
Nandito lang akong bahala sa iyo
Sige na, tulog na muna
Tulog na mahal ko
At baka bukas ngingiti ka sa wakas
At sabay natin haharapin ang mundo

 


Biglang nagising si Krystal dahil sa ingay na nagmumula sa mga aparatong nakakabit kay Amber. Agad siyang bumangon at tinawag ang mga doctor dahil nakikita niyang bumababa na ang bilang ng tibok ng puso nito. Agad na dumating ang mga doctor, dala dala ang mga kagamitan para manumbalik muli ang kanyang pulso

“1...2...3... Clear!”

Naginginig at di alam ang gagawin ng makita ni Krystal ang walang senyales ng pagbabago kay Amber sa bawat kuryente na ginawa ng doctor.

“Sana kahit sa mga huling oras ng buhay ko, napasaya kita kahit sa panaginip lang. Salamat sa mga panahon na inilaan mo para sakin. Tandaan mo na, kahit na nasa kabilang mundo na ako nandito pa din ako at babantayan kita. Mahal na mahal kita at hindi yun magbabago.” Hinalikan ni Amber si Krystal bago pa lumakad patungo sa isang ilaw na napakaliwanag.

 

Dahil walang pagbabago sa kalagayan nito, ay wala ng nagawa ang mga doctor kundi itigil ito. Lumapit si Krystal sa tabi ni Amber at hinawakan ang kanyang malamig at maputlang kamay.

“Sige na Amber, matulog ka na.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IcePrinceTabbie
#1
Chapter 3: .huhuhuhu hakot award ka authornim!T^T huhuhu para akong baliw na naiyak sa harap ng IPad!xDD gahd demit!xD
Galing!xD
kimster26 #2
Chapter 1: Dude ang weird talaga magbasa ng tagalog. Haha. Ang hirap magets masyado. Haha. Mas nakaka-nose bleed. Masakit sa bangs. HAHAHA
amSONE
#3
Chapter 3: Omg, what a very sad ending. Hay... nakakaiyak, pero hindi naman ako naluha. Ang lungkot naman. :( Pero thank you pa rin, author-ssi! You're the best!
SwaggieBer #4
Chapter 3: Ouch ang sakit
Jheszie #5
Chapter 2: Hahaha tagalog tlaga! :D di ko ma imagine na nag sasalita sila ng tagalog hahaha ^__^... cge na ih Part 2 mo na yan my Friend! ;)
inhenyero23 #6
Chapter 2: Wow haha kaunaunang tagalog kryber fanfic kong nabasa at nagtuwa ako, medyo weird pero enjoy, nakakatuwa magbasa sa native language, ikalawang yugto author ;p
devilpeace_03 #7
Chapter 2: ala author pabalikin mo yung kaluluwa ni amber sa katawan nya plss :)
amSONE
#8
Chapter 2: Nangingilid na naman 'yong mga luha ko. Ang ganda nito! I can't wait para sa part 2. Hanep ka talaga, author-ssi!
m2x1000
#9
Chapter 2: angst talaga yung both chapters? panaiinis mona naman ako author ✌✌✌✌✌ ayaw ko pa naman nagbabasa ng ganito but
kryberlover_12 #10
wow! tagalog men! sa wakas meron naring tagalog! hahahaha! more update please author! hahahaha