Bestfriend

Pluma, Kape, atbp.

Ang salitang “bestfriend” na ata ang pinakaayokong marinig na salita. Pero ano nga bang magagawa ko? Kung ang pagiging bestfried ko lang sayo ang tangi kong paraan para makasama ka.

 

 

Si Krystal Jung, ang pinakamatalik kong bestfriend at ang pinakamamahal ko. Nagsimula yung pagkakaibigan namin noong naging mag-classmate kami nung prep. Ang mga magulang namin ay matalik din na magkakaibigan, kaya nakilala ko na si Krystal noon pa man bago pa kami naging mag classmates. Sadyang napakamahiyain ko noon, takot akong makipag-usap sa mga tao at takot pati na kay Krystal.

Pero isang araw, nagbago ang lahat simula noong ipinagtanggol niya ako sa mga nambubully sakin. Isang payatot na babae ang tumayo sa harapan ko at matapang na sumigaw. Naalala ko pa nung tinanong niya ako kung okay lang ba ako. “Okay ka lang ba?” Dahan dahan kong tinayo ang ulo ko at tinignan siya. Nakita ko ang kanyang pag-aalala sa kanyang mga mata habang tinitignan niya ang sugat ko sa aking kanang tuhod. Agad siyang kumuha ng band-aid at nilagay ito sa aking sugat. “Ayan, sabi ni mommy gagaling na yan kapag nilagyan nito.” Maingat niyang tinapal ang band-aid sa aking sugat. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga oras na iyon, kaya’t nakatitig lang ako sa kanya ng matagal. “Basta kapag sinaktan ka pa nila, tawagin mo lang ako Amber ha?” Sinabi nya at pagkatapos ay ngumiti. Dun na nagsimula ang aming pagkakaibigan, at alam ko na sa mga oras na iyon, gusto na kita.

At dahil sa pangyayaring yon, sinikap kong magbago. Gusto ko ako naman ang proprotekta sa iyo. Ayoko ng magmukhang mahina sa ibang tao. Kaya nag-aral ako ng Taekwondo para kung may masamang mangyayari sayo, nakahanda akong kalabanin sila. Gagawin ko ang lahat basta wag ka lang mapahamak o masaktan man.

Yung araw na iyon na ata ang pinakamasayang araw para sa akin. Kung hindi mo ako nilapitan noon, di sana hindi kita makikilala ng lubusan, kaya nagpapasalamat ako sayo, Krys.

Simula noon, hindi na tayo mapaghiwalay. Sabi nga nila, para na tayong kambal. Kahit saan ka pumunta lagi din akong nandoon. Sa mga masasaya, malulungkot, ang kung ano ano pa. Lagi ako nasa tabi mo. At sa pagdaan ng panahon, natutunan na kitang mahalin, hindi bilang kaibigan ngunit higit pa doon. Ikaw lang ang nagpapatibok ganito kabilis ang puso ko, kapag nasa ikaw ay nasa aking tabi, di ko mapigilang maging masaya. Ikaw lang naman ang nagbigay ng buhay sa napakaboring kong buhay, kung di mo ako niligtas noon, hindi sana ako ganito ngayon.

Gustong gusto ko nang sabihin sayo kung gaano kita kamahal, kung gaano kita gustong yakapin, kung gaano kita gustong protektahan habang buhay, kung gaano ko gustong halikan ang mga labi mo at di mapapagod na sabihin sayo na “Mahal kita.” araw-araw. Pero alam kong di pwede, dahil alam ko may gusto kang iba. Ayoko din namang mawala ang pagkakaibigan nating dalawa, ayokong mapunta sa wala ang ilang taon nating pinagsamahan. Noong sinabi mong may gusto ka kay Minho, hindi mo alam kung gaano ko pinipilit labanan ang sakit na nararamdaman ko. Pinipilit kong ngumiti habang nakikinig ako sa mga kwento mo tungkol sa kanya. Hindi mo alam kung gaano ko gustong malagay sa position ni Minho. Napaka swerte niya dahil gusto mo siya. Ano ba ang nakita mo sa kanya na hindi mo nakita sa akin? Bestfriend nga lang pala ako, at wala ng hihigit pa dun. Heto ako, nakatingin lang sayo, samantalang ikaw naman ay nakatingin sa kanya.

Nung isang araw, lumapit sa akin si Minho. Humihingi siya ng tulong sakin para ilapit siya sayo.

“Amber, alam mo naman na matagal ko ng gusto si Krystal. At alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin, dahil ikaw ang best friend niya. Kaya please, tulungan mo ako.”  Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko noon kay Minho, dahil sa mga oras na iyon, nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil narinig ko na naman ang salitang bestfriend. Oo nga naman, ano ba nga ako sa kanya? Bestfriend, isa ka lang bestfriend Amber!

Di ko muna sinagot ang hiling ni Minho noon. Hindi ko alam kung papayag ba akong ligawan ka niya. Doon ko nalamang may gusto din pala siya sayo. Kaya nung gabing iyon, nag-isip isip ako. Hindi naman habang buhay lagi ako magiging nasa tabi mo. Balang araw makakahanap ka ng isang taong mamahalin ka ng higit pa sa pagmamahal ko, magpapaligaya sayo at proprotektahan ka habang buhay. May isang tao ng papalit sa pwesto ko. Kung pwede ko lang sabihin na “Mahal kita... Mahal na mahal kita, Krystal.” Pero di ko magawa, kasi alam kong di pwede at alam kong mali. Kaya tatanggappin ko nalang kahit gaano pa kasakit, basta para sayo gagawin ko.

Tinawagan ko si Minho at pumayag na ako sa gagawin niya. Alam ko namang di ka niya sasaktan at alam ko, magiging masaya ka sa kanya.

Heto ako ngayon, nakatayo sa harapan ng bahay niyo. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Huminga ako ng malalim, pununasan ang mga luha ko at saka kumatok sa pintuan niyo. Nagulat ka kasi di mo naasahan ang pagdating ko.

“Magbihis ka, may pupuntahan tayo.” Sinabi ko habang tinatago ko ang lungkot na nararamdaman ko.

“Osige, magpapaalam lang ako tas magbibihis.” Agad kang umaakyat sa taas at habang ako naman ay umupo sa sala. Hindi ko na nakaya itago pa ang mga luha ko, kusa na silang tumulo mula sa aking mga mata. Pinilit kong pigilan at hindi umiyak ng malakas para hindi mo marinig dahil ayokong mag-alala ka para sa akin. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba itong gagawin ko o hindi. Bakit ba hindi ko masabi sayo itong nararamdaman ko? Isa lang naman ang gusto kong mangyari, ang maging masaya ka Krystal. Dahil kung masaya ka, masaya na din ako.

Pinunasan ko uli ang mga luha ko nung narinig ko na pababa ka na ng hagdanan. “O ano, tara na?” Nakangiti kang lumapit sa akin at kumapit sa aking braso. Tumungo lang ako at ngumiti pabalik.

Habang naglalakad tayo, hindi ko maiwasang hindi titigan ang mukha mo. Alam mo bang ayokong ayoko kapag sinasabihan ka na masungit dahil hindi ka naman ganoon. Dahil hindi nila alam ang totoong Krystal na may mabuting puso at mapagmahal na kaibigan. Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa atin. Hinawakan ko ang iyong kamay ng mahigpit, tumingin ka sakin at nginitian lang kita pabalik. Ayokong bitawan ang kamay mo Krys, gusto ko ako lang ang hahawak ng mga ito habang buhay, pero alam kong hindi pwede kaya’t pagbigyan mo na ako na hawakan ito sa mga sandaling ito.

“Andito na tayo.” Huminto ako sa harap ng isang puno sa may parke.

“Ano bang gagawin natin dito?”

Huminga ako ng malalim at kinuha ang mga mo. “Basta.” Pinilit ko ang sarili ko na hindi umiyak at patuloy lang sa pagngiti. Dahan dahan akong lumapit sa iyo at niyakap kita.

“Amber? May problema ka ba?” Pinipilit mong pumiglas sa aking pagkakayakap pero di kita pinigilan dahil ayokong makita mo akong ganito.

“Wala. Gusto ko lang lagi kitang nakikitang masaya. Alam mo namang mahal na mahal kita... bestfriend.” Alam kong masakit sabihin yung salitang iyon, pero kinaya ko. Dahil alam ko, bestfriend mo ako.

“Ang drama mo talaga.” Ngumiti ako noong niyakap mo rin ako pabalik.

Unti unti kong tinanggal ang pagkakayakap ko sayo at patuloy tayo sa paglalakad hanggang sa makarating tayo sa fountain kung saan nandoon si Minho at naghihintay.

“Puntahan mo na siya, naghihintay na siya sayo.” Noong makita ka ni Minho na hindi gumagalaw, pinuntahan ka niya at inabot ang kamay niya sa iyo at agad mo naman itong kinuha. Nagsimula ka ng maglakad papalayo sakin pero tumingin ka sakin at agad akong ngumiti at nagpaalam sayo. Hindi ko na kaya, tumalikod ako at di ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

“Mahal na mahal kita Krys, sobrang sakit na. Paalam.”

 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

So ayun. Haha. Alam ko ang fail. Mianhae. Di ko alam kung gagawan ko ng kasunod o gagawin ko lang one shot. Mehe, pero mas okay na one shot lang siya. Hahaha. Okay, gtg! <3

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IcePrinceTabbie
#1
Chapter 3: .huhuhuhu hakot award ka authornim!T^T huhuhu para akong baliw na naiyak sa harap ng IPad!xDD gahd demit!xD
Galing!xD
kimster26 #2
Chapter 1: Dude ang weird talaga magbasa ng tagalog. Haha. Ang hirap magets masyado. Haha. Mas nakaka-nose bleed. Masakit sa bangs. HAHAHA
amSONE
#3
Chapter 3: Omg, what a very sad ending. Hay... nakakaiyak, pero hindi naman ako naluha. Ang lungkot naman. :( Pero thank you pa rin, author-ssi! You're the best!
SwaggieBer #4
Chapter 3: Ouch ang sakit
Jheszie #5
Chapter 2: Hahaha tagalog tlaga! :D di ko ma imagine na nag sasalita sila ng tagalog hahaha ^__^... cge na ih Part 2 mo na yan my Friend! ;)
inhenyero23 #6
Chapter 2: Wow haha kaunaunang tagalog kryber fanfic kong nabasa at nagtuwa ako, medyo weird pero enjoy, nakakatuwa magbasa sa native language, ikalawang yugto author ;p
devilpeace_03 #7
Chapter 2: ala author pabalikin mo yung kaluluwa ni amber sa katawan nya plss :)
amSONE
#8
Chapter 2: Nangingilid na naman 'yong mga luha ko. Ang ganda nito! I can't wait para sa part 2. Hanep ka talaga, author-ssi!
m2x1000
#9
Chapter 2: angst talaga yung both chapters? panaiinis mona naman ako author ✌✌✌✌✌ ayaw ko pa naman nagbabasa ng ganito but
kryberlover_12 #10
wow! tagalog men! sa wakas meron naring tagalog! hahahaha! more update please author! hahahaha