{four} Manong Tsokolate

The Baeklita I love

"Ma, mauna na kame. Mamaya na lang po kayo magchikahan ni Tinay pagkauwi namin" Sabi ni Baekhyun at nagmano sa nanany niya. Nagpaalam na din ako at nagmano din ako sakanya. Mabait kasi ako eh, diba?

Siguro kung alam na ni Mrs. Byun na bading ang anak niya, ay susme! Baka mangyangyat si Baekhyun dahil papaalisin siya sa bahay nila. Tapos, ipapacut lang ng ATM niya tapos mawawalan siya ng pera at luluha ng libong litro ng luha hanggang sa dumugo at lumuwa ang kanyang mga mata. Di pa kasi aminin, eh malalaman at malalaman din naman! Hmp!

"Bruha, san ba tayo ngayon? ATC na naman ba?! Di ka ba nagsasawa dun?"Tanong ko kay Baek habang naglalakad kame papuntang terminal ng tricycle na ang sabi niya, madami daw pogi dun. Sus, wala nga akong mahanap ni isa eh. Ewan ko ba kung anong pinagkaiba ng mga mata ng bakla sa mata ng mga babae. O baka mga mata ko lang talaga.

"Wag na! Kawawa ka kapag nag ATC tayo eh. Napapagkamalan kang katulong ko. Tsaka tumahimik ka nga, baka marinig ng mga kapitbahay na tinatawag mo akong bruha tapos maisumbong pa ako kay nanay" Asar nito sa akin sabay tawa. Di pa nakuntento! Tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Pero siyempre, alam kong joke lang yun. Nilagay nya ang braso niya sa braso ko. Siguro kung di 'to beki, mapapagkamalan kaming magsyota. Sana nga ganun eh no.

"Tanga ka ba? Nakalagpas na tayo ng limang metro mula sa gate niyo oh. Tsaka malamang di naman magsusumbong yun kasi di naman kaclose ng nanay mo yan"

"Aray ko beh ha. May friends din naman si maam ah. Yung nanay mo."Totoo nga naman. Yung nanay ko at nanay niya mag bestie simula nung mga bata pa kame. Lagi nga kaming inaasar na kame daw magkakatuluyan sa huli eh kaso mukhang hinde. Sadnu.

"Anim na metro na mula sa gate niyo at walong metro na simula sa gate namin, ano ba"

"Wow naman. Ang galing mo sa math ah. Nabilang mo?" Tanong niya tapos lumapit ang kanyang mga mukha sa mukha ko. Tinitigan kong mabuti ang kanyang facial features at di ko maintindihan kung bakit mas maganda pa ang mga koreano kesa mga purong babae. At kung pano naging bakla ang isang gwapong katulad nito.

"Ewan ko sayo Baek.Tara na nga't sumakay sa tricycle"

Pagkapunta namin sa terminal, "Andiyan na ang mga hapon!" "Koreano yan ipe!" "Isakay niyo na ang dilaw!" ang sigawan ng mga tricycle drivers at madaming nagtatawanan. May isa pang sumigaw, "Aba! Kasama pala ni Ryan Bang tong si Kim Chiu eh!" sabay tawa nang parang walang bukas. Natuwa naman ako kasi tinawag nila akong Kim Chiu! Kilig! May isang driver naman ang nag alok sa amin ng sakay. Tumingin ako kay Baek at expected, kinikilig ang loka! Halatang binata pa kasi ang driver at okay, halatang may abs to kasi ang ganda ng built ng katawan. Medyo malaaman. Yummy! 



"Pero! Hep! Wala akong intensyon sa kanya ha! Dinedescribe ko lang.

"Tara na't isasakay ko kayo. San ba kayo pupunta?" Sumakay kami sa bandang likod ng tricycle dahil hindi naman special ang sinakyan namin. Tumabi siya sa may driver at ako naman sa dulo, onti na lang malalaglag na ko pero wala pa ring tatalo nung nahulog ang loob ko kay Baekhyun.

"Kuya, pausog naman po" Sabi ni Baek kay Manong Tsokolat na may boses lalaki. Aba! Ayaw niya talagang mahalata ng mga tao, ano?"

"Diba dapat ako dyan? Babae ako no! Ako dapat diyan! Palit tayo dali!" Sinabi ko at kinukulit kulit ko si Baek na magpalit kami. Hindi ko naman gustong makatabi si Manong pero wala na kasi talaga akong mauupan kaya ang hirap.

"Kaya nga naman Kuya Ryan. Magpalit na kayo ni Ate Kim" Singit ng driver at sumang ayon naman ako sa kanya.

"Alam ko namang gusto mo akong makatabi. Mamaya na lang pagkauwi niyo, pipick up ko kayo" Sinabi ni Manong Tsokolate sa oras na bababa na kami sa destinasyon namin at agulat ako nung sinabi nya iyon kay Baekhyun. Totoo nga naman kasing gusto niya talaga tapos medyo ang bango pa ni Kuya, parang hindi tricycle driver!

"Alam kong bakla ka. Halata naman" Sabi ni Manong Tsokolate at tinititigan ko silang dalawa. Napatahimik na lang kaming dalawa ni Baekhyun at umalis ng payapa kay Manong Tsokolate, na ngayon ay si Manong Creeper.

Simula noong sinabi ni Manong Tsokolate iyon, hindi na umimik si Baekhyun. Malamang ay nerbyoso dahil maaring isumbong ni Manong Tsokolate o baka siya ang pagchismisan sa terminal.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sehoonlovee #1
i'll start reading now, i can't wait to read it~~~