{three} Mother-in-law

The Baeklita I love

{chapter three; day with ms. baekhyun}

"Tao po, tao po" Sigaw ko sa tapat ng gate nila ni Baekhyun. After siguro ng mga sampu sigaw? Joke, ang oa naman nun. Mga limang sigaw lang, ganun. Biglang bumungad sa akin si Mrs. Byun, ang napaka gandang ina ni Baekhyun and her/his sisterakas! Napaka blooming at ganda pa rin ni Tita kahit na sobrang tagal na niyang byuda.

"Goodmorning po tita! Andyan po ba si Baekhyun?" Tanong ko kay tita tapos pinapasok naman niya ako sa bonggacious niyang bahay. Kung sila bonggacious, kaming bunggalo. Joke! Pero yung bahay nila, walang wala sa bahay namin. As in kahit garahe o banyo nila, wala talaga. Pero kahit ganun, in good terms si mama at si tita. Bestfriends forever daw sila eh. 

"Ay iha, na andyan. Upo ka muna at ipapahain kita ng pagkain" Umupo ako sa pagkasabi ni tita pero nireject ko na ang offer ni tita na pagkain. Eh kakakain ko nga lang diba? Binigyan na lang niya ako ng maiinom.

"Hmm.. tita, asan po si Baekhyun? Matagal pa po ba siya?" 

"Ay nako Tinay, alam mo naman yang si Baekhyun ang daming serimonyas pag naliligo" Sabi ni tita at napatawa naman ako ng kaunti, kaonte lang naman. Kasi totoo naman eh, daig pa nga niya ako sa lahat. 

"Oo nga po tita. Daig niya nga po ako pag nagroroutine" 

"Nako 'Tinay, ano kaya ang ginagawa niya sa loob?" Ang sabi ni tita na sinabayan naman ng mapaglarong ngiti. Nako, ano kaya ang iniisip ni tita? Tsk tsk, ang libog din minsan nito ni tita eh. Eh pero baka naman ako lang nag iisip nun? Panigurado ginagawa niya yan tuwing natingin sa mga lalaking nagsisilakihan ng abs at mga manoy na grabe pag nakita mo di ka na makakakain dahil yun palang, busog na busog ka na!

"Ayy. Tita naman! Di naman po siguro ganun si Baekhyun!"

"Hindi kaya nagdadalaga ang anak ko? Ano sa tingin mo?" Lumapit sa akin si tita at napahawak sa tuhod ko. Di siya manyak okay, touchy lang. Touchy. Yung kilay ni tita parang magiging isahan na lang eh, Meg Imperial lang ang peg? Taong bulbol, ganon? 

"Ay nako! Di po ganun si Baekhyun. Di po siya bakla! Di po siya bading tita!" Natawa ako at napailing dahil sa totoo lang, hindi pa alam ni Tita na bading si Baekhyun. Pero siguro, nagtataka na siya sa kung ano ba talaga ang anak niya, dalaga ba o bading.

"Sana nga, iha at sana ikaw ang magiging manugang ko" Sabi ni tita nang nakangiting nakakaloka. Sana nga po talaga tita. Tapos sana bigyan niyo po kame ng labing dalawang anak. Kung pwede lang, ako na lang mangrarape kay Baekhyun. Tapos siya raw mabubuntis kunwari. Jokes!

"Tita, pano pag bading si Baekhyun? Anong gagawi mo?" Tanong ko kay tita. At napabuntong hininga naman siya.

"Hindi ko alam, iha. Pero, mukha nga kasi ang lambot kumilos ng anak ko" Sabi ni tita at di ko alam kung tatawa ako o ano pero seryoso si tita eh. Syempre, dapat seryoso din ako. 

Napatingin kame sa may bandang kwarto ni Baekhyun nang marinig naming bumukas ang kanyang pinto at ayan na nga! Lumabas na ang prinsesa!

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sehoonlovee #1
i'll start reading now, i can't wait to read it~~~