Chapter 3

Mr.Player Meets Ms.Boyish Chick

"Oops?"

"Nabitiwan ko yung susi nung shop, tumalsik..." Humarap siya sakin at tinuro ako.

"IKAW KASI, KUNG HINDI MO INAGAW YUNG DAMIT EH HINDI KO MABIBITAWAN YUNG SUSI!"

"At ang lakas naman ng loob mong pag-taasan ako ng boses ah... Kung hindi ka ba naman kasi shonga, sana nilagay mo nalang sa bulsa mo yung susi! Tignan mo! Mag si-six pm na, kelangan na nating isara 'tong shop."

"Dakilang nagger ka talaga. Kung tulungan mo nalang kaya akong maghanap kesa nagsasayang ka ng laway mo sa kakasalita." May point siya... O sige, fine, maghahanap na ako.

Tumingin-tingin naman kami sa kailaliman ng mga nilalagyan ng mga damit (gets? Sorry di ko ma-explain..)

WUUU!!! KEY!!!

Where na you?!?

Para namang mahahanap ko sa ganitong paraan?

After mga 15 minutes siguro 'yun eh may nakita akong shining shimmering splendid na bagay. Ayun na, ayun na yung susi!!!

Lumapit ako sa kinaroroonan nung susi ng bigla nalang...

 

 

 

 

*BOGGGSSHHH*

 

 

 

"Owwwww..."

"Tsk, ang tigas naman ng ulo mo.."

Tumayo naman ako habang hawak parin yung noo ko.

"Mas matigas naman yung sayo. Nahihi---"

Muntikan akong bumagsak ulit sa floor. Tignan niyo kung gaano katigas yung ulo niya? HOMAYGAS! Ang my surroundings are turning around. Buti nalang nasalo ako ni...

"Palaka ka! Lumayo ka sakin!"

"O di 'yan..." Ibinaba naman niya ako with matching bagsak nung malapit na sa floor. Tumakbo lang siya nun at tumawa ng malakas. RETARD!!!

"HOY LALAKE! PASALAMAT KA HINDI AKO MARUNONG MAG-MURA! ANG SAKIT NUN AH!"

 

"Belat!"

Naku, inuubos talaga nitong mayabang na 'to yung pasensya ko. Hayyyy Yel, breathe in, breathe out. Kaya ko 'to!! Aja!

Tumayo na ako dahil baka mapagkamalan akong naglulupasay na bata (bata pa naman ako ah...batang isip. WALANG AANGAL!!!)

Kinuha ko na 'yung bag ko at sinabi kay Jacob na isara na 'yung shop para makauwi na kami. Naubos narin ata yung energy niya at bigla siyang nanahimik. HIMALA! LORD, it's better kung ganito siya. Although, hindi ako sanay.

 

Naglalakad lang ako...

 

 

 

 

Naglalakad...

 

 

 

 

 

Naglalakad parin...

Hayyy, kelan ba---

"ANO BA! GUSTO MO NA BANG MAMATAY?! Dapat sayo tinuturuang pang tumawid sa kalsada eh."

Napatingin naman ako sa daan. Owwww, kalsada nga...

kotse...

ako...

hindi tingin...

bangga....

Jacob..

 

my life...

 

save... HUWAAA!!!! TAONG GUBAT MODE.. ^v^

"Eh bakit sinisigawan mo ako?"

"Shonga ka kasi."

"Ang kapal din naman ng mukha. Alert naman ako at all times eh. Hindi ko lang alam kung bakit excemption 'tong araw na 'to."

"Ayan ka na naman sa mga salita mo. Hindi ba pwedeng mag-thank you ka nalang? I saved your life missy."

"O 'yan, since totoo naman talaga yung sinabi mo na YOU SAVED MY LIFE (mimics Jacob's voice) eh thank you."

"Ha?"

"Wala pong ulitan sa bingi.."

"Tss, magth-thank you ka na nga lang eh galling pa sa kuko mo sa paa. Eww ha, wala kang sincerity sa heart mo." Narinig mo naman pala eh..

Napatawa nalang ako sa kanya. Asan na napunta yung kahanginan niya?

"May nakakatawa ba?"

"Ikaw.."

Ni-level naman niya yung mukha niya sakin. Mas matangkad kasi siya...

Yel's conscience: Syempre, lalake 'yan eh. Shonga!

 

Oo nga naman...Tumingin lang ako sa kanya.

Bakit ba siya nakatitig sakin?

After 5 seconds siguro ng titigan eh kinuha niya yung cap ko. Tss, akala niya hindi ko siya kayang titigan?

"Para san ba 'tong cap na 'to?" Sabi niya habang parang pinag-aaralan ang bawat stitches dun sa cap ko. Sinuot naman niya 'yun.

"Oi akin na nga 'yan! Tsaka huwag mong isuot. Babaho 'yan." Inabot ko naman yung cap sa ulo niya at naabot ko naman. Hindi naman ako ganun kapandak no!

Habang binabalik ko yung cap sa ulo ko eh kinakausap niya ako.

"You look better without your cap missy."

Tumingin naman ako sa kanya na parang naguguluhan.

"Alam mo, kung yung ibang mga babae eh...ano ngang tawag dun? Ayun, eh kilig to the bones pag nang-bola ka, hindi uubra sakin 'yan."

"Hindi ako nambobola. Nagsasabi lang ako ng totoo. O, eto nap ala bahay niyo... Hmmm, hindi ko maintindihan kung bakit nagkokotse pa tayo papunta sa shop eh pwede naman palang lakarin."

I looked at the surroundings.. Oo nga no, teka teka, alam niya ang bahay namin?

"Bakit mo alam ang bahay namin? Hindi pa naman kita nakitang pumasok sa loob ah."

"Does best friends ang mom natin ring a bell? Syempre pag pumupunta dito ang mom ko eh minsan kasama ako, hindi nga lang ako bumababa at pumapasok sa bahay niyo."

"Ahhh.."

"O paano ba 'yan, nahatid na kita. Mababatukan kasi ako ng mama ko kung hindi ka daw nakarating ng safe sa inyo."

Just as I thought. Akala ko pa naman he's doing it wholeheartedly. Naku, ginawa lang pala niya 'yun kasi napagutusan siya. HMP... Like pagkukusa will ever happen to the one and only Jacob Aguilar.

Nag-wave na siya sakin nun at naglakad ng paalis. Papasok n asana ako sa bahay nung mapansin kong bumalik siya at grabe, masiyadong makabuluhan yung sinabi niya sakin..

 

"Oo nga pala, paalala lang, you may look like a guy on the outside, you can wear loose shirt, pants and your cap..." Tapos pi-nat niya niya yung ulo ko..

 

 

"but you'll always be a lady here." Pi-noint niya yung chest ko. I looked at him and then he smiled said

 

"Goodbye" and pooofff... umalis na siya... Tapos pi-nat niya niya yung ulo ko..

 

 

Hmmmm, meron din pala siyang sinasabi na may Sense.. 

 

<3

 

 

~Enjoy Reading ^_^

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet