Chapter 2

Mr.Player Meets Ms.Boyish Chick

"Kapagod naman.."

Sabi ko kay Kuya habang nililipat-lipat yung channel sa TV. Walang magandang mapanood eh.

"Talagang nakakapagod no. Ikaw ba naman ang magtrabaho maghapon. Akin na nga 'yang remote. Ako nalang ang manood kesa naman mapudpod 'yung keys sa kaka-pindot mo."

At ayun nga, inagaw niya sakin yung remote. Since pagod nga ako, hindi na ako nakipag-agawan sa kanya.

"Oo nga pala, sabi ni mama sakin muntikan ka na daw makipag-away dun sa anak ni Tita Helena ah.."

Si Tita Helena ang mom ni Jacob. Haven't I mentioned na best of friends silang dalawa ng mom ko?

"Hindi ko muntikan awayin. Aawayin ko talaga kaso hinila siya palabas ng shop nung kasama niya eh."

"Bakit nga ba ang init ng dugo mo dun sa taong 'yun? Sa kanya ka lang naman ganyan kasi halos lahat ng lalake kasundo mo dahil asal lalake ka din."

Binatukan naman niya ako ng mahina at tumawa.

"Ako pa sinisisi mo eh sino ba ang nagturo sakin na manamit ng ganito? Ikaw diba? Ginawa mo akong doll nung bata pa ako eh."

"Pero kasalanan ko parin ba kung na-adapt mo yung fashion sense ko? Oist ikaw, magbago ka na, incoming 3rd yr student ka na at you really have to act like a real woman."

Ni-roll ko nalang yung eyes ko at tumayo na mula sa upuan dahil wala na namang patutunguhan ang pag-uusap namin ng kuya ko. Oo nga pala, 'yang kuya kong 'yan eh kaka-graduate lang ng high school which means 1st yr college na siya sa pasukan.

Pumasok naman ako sa room ko at tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Siympre kahit parang wala akong pakialam sa sinabi ni kuya eh napaisip din ako.

Mali ba talaga na para akong lalake manamit?

Habang tinitignan ko yung sarili ko eh I pictured myself wearing those girly stuffs at tumawa nalang akong bigla...

"HAHAHA! Hinding-hindi mangyayari 'yun!!!"

Bumukas naman yung pintuan ng kwarto ko.

"Oi si Yel nababaliw na, anong tinatawa-tawa mo mag-isa diyan?"

"Wag ng pakielamero... Labas na ng kwarto ko dali.."

Buti nalang hindi na ako kinulit at sinara niya agad yung pintuan.

Tapos na naman kaming mag-dinner kaya wala binuksan ko nalang yung laptop ko. Nag-check ako ng friendster at ang aking bespren, my multiply blog. Nag-online din ako sa YM pero since walang online eh pumasok ako sa chat room.

BUZZ!

appleofyoureye: hi

leyash: hello

appleofyoureye: musta? asl pls.

leyash: eto, bored. 15 f mla ikaw?

appleofyoureye: 15 m mla

leyash: aus ah. Kanina ka pa online?

appleofyoureye: medyo. Wala kasing magawa dito sa bahay eh. Uhh, how's your summer vacation going?

leyash: so far, boring.

appleofyoureye: ganun? O cge na pala, papagalitan na ako dito eh. Add kita ha?

leyash: o cge.

appleofyoureye: goodnight. appleofyoureye has signed out.

Nye?! Ang bilis namang mag-offline. Sabagay, sabi naman niya medyo matagal na siyang online. Oh well.

Mga ilang minuto pang nakalipas eh nag-offline na rin ako. Yung iba kasing nakikipagchat sakin eh masiyadong makukulit. Ayaw ko pa naman ng ganun.

 

••••••••••
•••••••
•••••
••••
•••
••




 

...Kinabukasan...

"Oh yeah.. oh yeah.. oh yeah! Good morning Kuya!" Sabay dila ko naman sa kanya pagkalabas na pagkalabas niya sa kwarto niya. HAHAHA! Ang panget niya...

"Aga mo ah.."

"Ofcourse! Mas gugustuhin ko pang marinig yung tunog ng alarm clock kesa naman sa boses mo na gumigising sakin no!"

"Ang kulit mo talaga. C'mon, let me give little sister a hug..."

"WAAAAAHHH!!! Huwag kang lalapit sakin! Ang baho baho mo! Bad breath ka! Hindi ka pa naliligo.."

"O cge na, get ready for work! I hate you!"
 

"Hate you too!"

In our language, it's our way on expression our love for each other. Naks...

After breakfast eh nagpunta na kami ni mama sa shop. Busy nga sa pakikipag-usap niya eh.

Sa loob ng shop eh kausap parin niya yung kausap niya. After naman nung kanilang pagkahaba-habang conversation eh ako naman yung kinausap ni mama.

 

"Good news Yel, may makakasama ka dito sa shop. Hindi muna kasi ako makaka-stay dito ng matagal dahil there's a lot of things to be taken care of."

Hmmm, not bad. Kung may makakasama ako, may makakausap ako tapos may tutulong na sakin.

"Okay!" Tapos na okay sign naman ako with my hands.
 

One hour passed....

~
~
~
~
~
~
~
~
~
~
~








 

Two hours...

 

T^T

 

*-*

Antagal!!! Sabi ni mama ngayon daw magsisimula yung katrabaho ko ah...BAKIT WALA PA!!!

"Yel, andito na yung bagong kasama mo sa trabaho."

Finally, lumapit naman ako sa may pintuan at....

At...

HALIMAW!!!

 

"Siya/Ikaw?!"



 

"Bakit/Bakit?!"
 

"MAAAA!!!! Bakit 'yan nandito?" Sabay turo ko naman kay Jacob.

 

"Tita? What the hell is going on?"

"Napagkasunduan namin ng mama mo na ikaw ang magtatrabaho dito."
 

"I agreed on that but to work with her?"

Blah blah blah. Pa-englsh english pa.. ><" Kung anu-ano pang excuses yung sinabi niya kay mama para lang hindi na siya pumasok sa kanya naming.
 

Para namang gusto ko siyang makasama diba? NEVER!!!

Hindi naman nagpatinag si mama, tinawagan pa nga niya yung mom ni Jacob eh at ayun hindi na rin siya naka-angal dahil cut din daw yung allowance niya pag hindi siya nakisama at nag-work.
 

BELAT!!!



 

Umalis naman na si mama and we were left on the shop. Wala namang masiyadong customers at kung meron man eh we act like we are really cooperating and having team work with each other.
 

Pero pag wala....
 

"Ano ba naman? Itutupi mo nalang nga yung damit eh hindi ka pa marunong?"

"Paano naman ako makakatupi nito ng maayos eh hindi mo isara 'yang kanina pang kadadakdak mong bunganga?"

Aba! Ang kafal ng face ah..

"Kung hindi mo kaya ang kadadakdak kong bunganga eh you can step outside sa na shop at dun ka nalang sa mga chickababes mo. You really shouldn't we wasting your time on this."
 

"Matagal ko na sanang ginawa 'yun kung hindi ako tatanggalan ng allowance diba?"

"Akin na nga 'yan at ako na ang magtutupi." At inagaw ko naman sa kanya yung damit. Buti nalang hindi nalukot.

"Oops..." Anong oops?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet