Here it is \o/

Saranghae...

At dahil nabitin kayo doon sa unang chapter, ito na po, young master, ang sunod :D

Sana magustuhan niyo :"> teehee~


 

 

"Nasaan na ba yun?" tanong mo sa sarili mo habang hinahanap mo yung maliit na papel na naglalaman lang naman ng pagmamahal mo sa pinakamamahal mong 'oppa'.

 

"LEADAAH!! Alis na daw tayo sabi ni manager!" sigaw ng maknae ng grupo niyo na si Dajeom mula sa labas ng practice room. "Ahh, sige! Susunod na ako!!" sigaw mo sa kanila.

 

"Nasaan na ba kasi yun?!" Natataranta ka na kasi aalis na kayo at may narinig kang pagbukas ng pinto kaya mas lalo kang nataranta baka kasi manager niyo na yun. "Manager-oppa, susunod na po ako. May hinahanap lang po ako."

 

"Ito ba ang hinahanap mo?

 

Napatigil ka sa paghahanap ng marinig mo ang boses na iyon. Hindi iyon ang boses ng manager mo at di rin iyon ang boses ng isa sa mga member mo. Iisa lang ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Si Baekhyun.

 

Dahan-dahan kang humarap sa kanya at biglang lumaki ang mata mo ng makita mo ang hawak niya sa kanang kamay niya. Iyon ang sulat mo sa kanya.

 

"A-ah.. O-oppa, nadampot mo pala k-kanina yan. S-salam--"

 

"Bakit di mo sinabi agad sa akin?"

 

"H-huh?" napa-huh ka na lang sa tanong niya. Hindi kaya nabasa niya?! O_O

 

"Bakit di mo agad sinabi sa akin na may gusto ka sa akin? Na mahal mo pala ako?" tanong ni Baekhyun sayo.

 

"Oppa, a-ano ba iyang pinagsasa--"

 

"Gusto mo ko diba?" onti onti siyang lumalapit sayo at di ka naman makagalaw sa pwesto mo. Nakayuko ka lang at di alam ang sasabihin.

 

"Mahal mo ko, diba?" dahan-dahan niyang inangat yung ulo mo para magkatinginan kayo.

 

"Oppa.."

 

"Wag kang mag-alala. Mahal din kita." pagkatapos ng pagtatapat na iyon sa iyo. Hinalikan ka niya sa labi ng masinsinan.

 

Sa sobrang gulat mi sa pangyayari, naitulak mo siya ng di mo alam. Nagulat siya sa pagtulak mo sa kanya. Pati ikaw nagulat din sa ginawa mo kaya bigla mo siyang niyakap ng mahigpit. "Sorry oppa. Sorry kung ngayon ko lang sinabi sa iyo. Akala ko kasi si Taeyeon sunbaenim ang gusto mo. Kaya nagdalawang isip ako sabihin sa iyo ang nararamdaman ko. Alam mo ba, sobrang insecure ko sa sarili ko kasi wala akong binatbat sa kanya. Mas hamak naman na mas maganda at talented siya sa akin. Kaya akala ko siya ang tinutukoy mo nung nagusap tayo. Sino ba naman kasing di magkakagusto sa kanya diba? Kaya sobrang bumaba talaga ang tingin ko sa sarili ko nun."

 

Niyakap ka rin niya ng mahigpit sabah patong ng baba niya sa ulo mo habang sinasabi ang mga sumusunod sa iyo. "Alam mo, di mo naman kailangan maging maganda at maging taleted katulad niya eh. Ang mahalaga, ikaw ang tinutibok ng puso ko. Ikaw ang sinasigaw ng isip at damdamin ko. Kaya kong tanggapin maging sino ka man ng nakaraan mo at maging ng kinabukasan natin. Di ko kayang mabuhay ng wala ka sa piling ko. Mahal na mahal kita.

 

Will you be mine forever and always?"

 

"Mahal na mahal din kita, Byun Baekhyun. And yes, I'm yours now."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TinapaySichuweyshon #1
Chapter 2: He he he utur nim. Nakakakilig naman ayy hahahahaha nagpagulong gulong pa ako dito sa kama ko habang binabasa to. Hehehehe kilig tologooooo <3
Younna #2
Chapter 1: Sundan nyo pa po...bitennn eh -3-
meryljill
#3
Chapter 1: nice!!! bitin nga lng....
Darkswit24
#4
Chapter 1: GULL ANO BA YAN AHAHAHA BITIN XD
carranam
#5
Chapter 1: omg tagalog. Hahaha! Hanep :)