Final | Katapusan

Saranghae...

Your thoughts    |    Baekhyun's thoughts


 

"Alam mo, ako ang nahihirapan sa iyo." 

 

Sabi ni Chaemi sa iyo pagkabagsak niya sa sahig pagkatapos niyo sumayaw. Kasalukuyan kasi kayong nagp-practice ng sayaw niyo para sa debut niyo. Nahalata kasi niya na nalungkot ka nung makita niyo si Baekhyun na dumaan sa studio niyo na kasama ang sunbae niyo na si Taeyeon ng SNSD.

 

"Hah?" tanong mo naman sa kanya pagkatapos mo uminom ng tubig na binigay ng isa mo pang kagrupo na si Hyejin. "Thanks, Hyejin." sabay hagis mo sa kanya niya bote. Nasalo naman ito ni Hyejin at nginitian ka.

 

"Anong pinagsasabi mo, Chaemi?" tanong mo ulet sa kanya habang umuupo ka sa tabi niya.

 

"Alam mo kasi, bakit hindi ka na lang mag-confess sa kanya? Para naman guminhawa yang puso mo." 

 

"Hindi naman kasi ganun kadali yun, Mi." na-gets mo na yung pinupunterya niya. Kaya napatungo ka na lang. "Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging resulta. Paano kapag ginawa ko yun, mawala ang pagkakaibigan namin?"

 

"Wala naman masamang sumubok diba? Malay mo gusto ka rin niya. Malay mo mahal ka rin pala niya. Malay natin diba?" 

 

"Malay din natin na lumayo siya sa akin." sabi mo ng mahina sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Chaemi at tuluyang humarap sa iyo. 
"Kung ako sa iyo, hanggang maaga pa, sasabihin ko na. Hanggang maaga pa dahil kapag nagdebut na tayo, magiging busy na rin tayo. Ayokong makita kang nalulungkot o nasasaktan. Mas mabuti pang malaman niya ang nararamdaman mo para sa kanya." sambit niya habang hinahawakan niya ang kamay mo.

 

Napatingin ka sa mga mata ng kaibigan mo at nakikita mong sincere siya na gusto niyang makatulong sa nararamdaman mo. Nasayahan ka naman ng loob dahil may kaibigan kang katulad niya. Kaya di mo namalayang ngumiti ka ng kaunti.

 

"Susubukan ko, Chaemi. Susubukan ko."

 

----------

 

Kasalukuyan kang naglalakas papuntang recording studio kung saan tumungo sina Baekhyun at Taeyeon. Nang marating mo iyon, sumilip ka sa bintana at nakita mong ang saya-saya nila. 

 

*Ang sarap nilang tignan.Tulad ng sabi ng mga fans mo, bagay nga kayo. Ang ganda ng mga mata at ngiti mo kapag kasama mo siya. Sana ganun rin kapag kasama mo ko.*

 

At dahil nalunod ka na sa mga thoughts mo, hindi mo namalayan na napansin ka ni Baekhyun kaya ini-excuse niya muna ang sarili niya.

 

"Hello babycake!" gulat niya sayo pagkalabas niya ng studio.

 

Babycake. Yan ang laging tawag sa iyo ni Baekhyun. Mukha ka daw kasing baby at mahilig ka sa cakes. Mapa cheesecake man, banana cake o normal na cake lang.

 

Nagulat ka sa kanya dahil hindi mo inaakalang mahuhuli ka. "H-hi~"

 

"Anong sinisilip mo dito, babycake? Namimiss mo ko no?" tanong niya sayo na may halong pangaasar.

 

*Oo, namimiss kita.* "Sira! Napadaan lang ako dito no!" sabi mo sa kanya sabay hampas sa kanya.

 

"Aray! Ito naman! Inaasar lang eh!" sabi niya habang hinihimas-himas yung braso niya kung saan mo siya pinalo. Kunwari nasaktan siya.

 

*Ang cute niya talaga kapag nagp-pout >//<* 

 

"Ah, nga pala babycake. Mamayang 7, punta ka sa dati nating tambayan ah?" yaya niya sa iyo habang ikaw naman ay nalululong sa kakatitig sa kanya.

 

"Ha? Ah..eh bakit? Anong meron?" 

 

"Basta! Ililibre kita, pramis! Pumunta ka ha?" pilit niya sa iyo.

 

"Sige. Baka mamaya prank niyo yan ni Chen at Yeol oppa ah?" 

 

"Hindi! Hindi ito prank. Basta pumunta ka. Ge, papasok na ako sa loob babycake. Bye~" sabi niya sabay pumasok na sa loob.

 

*Ano naman kaya ang plano niya?* Napabuntong hininga ka na lang habang hinihinahon mo ang puso mo sa sobrang pagbilis ng tibok nito. Kanina ka pa kasi kinikilig kaya ayan. Tila may asthma ka tuloy sa lagay mo ngayon.

 

---------

 

Kasalukuyan kang naglalakad sa tabing dagat. Yes, sa tabing dagat dahil dito kayo unang nagkakilala. Napagod ka na sa paglalakad kaya umupo ka na lang at nagmuni-muni habang hinihintay mo si Baekhyun. Mamaya-maya pa ay may biglang nagtakip ng iyong mga mata mula sa likuran.

 

"BAEKHYUN!!" sigaw mo sa kanya.

 

"Yaah! Nasaan na ang oppa dun sa Baekhyun mo?" tanong niya sayo habang umuupo sa tabi mo sabay pitik sa noo mo.

 

"Eyyysh! 'OPPA' naman ehh." in-emphasize mo talaga yung OPPA para di na siya magreklamo pa.

 

"Yan! Very good! O ito treat ko sa iyo." Sabay labas ng Taro Milk Tea, ang paborito mong inumin.

 

"Pfft! Parang aso lang ah! Pero sige akin na-- YAH!!" aabutin mo na sana kaso bigla niyang ininuman.

 

"Akin ito no! :P Ito sayo." Sabay abot ng isa pang Taro Milk Tea.

 

"Eyy, ikaw talaga." bulong mo sa sarili mo habang itinutusok ung straw sa Milk tea.

 

"Alam mo, may tanong ako,  may gusto ka ba na tao? Or artista?" hindi mo ine-expect na itatanong niya iyon sa iyo.

 

"Bakit mo naman na itanong yan?" tanong mo sa kanya.

 

"Eh basta, para may topic naman tayo na kakaiba." Gusto ko lang malaman.

 

"Hmm, wala eh." Ikaw.

 

"Bakit, ikaw ba? Meron?" tanong mo naman sa kanya. Sana wala rin.

 

"Hmm, si Taeyeon noona!" Pero ikaw ang mahal ko.


"Ohh.. Ang galing talaga ng taste mo. Magaling kumanta. Maganda. Mabait" napayuko ka na lang habang sinasabi mo ang mga salita na iyan.

 

Sana pala di ko na lang ibinalik yung tanong. Malamang gusto niya yun. Halata namang di ako ang gusto niya eh. Asa pa ako. 

 

"Ahh..Hindi naman no." pahumble niyang sabi.

 

Pero mas gusto ko ang boses mo, ikaw ang pinakamaganda para sa akin, at kahit makulit ka, mabait ka parin sa kahit kanino. At higit sa lahat, ikaw ang pinakamamahal ko.

 

"Actually, may gusto akong isang tao." Sasabihin ko na kaya? Psh. Para saan pa?

 

Napatitig si Baekhyun sa iyo. Tila nagtataka kung sino ang sinasabi mo. Gusto niyang malaman. Pero may halong sakit ang nasa puso niya.

 

"Kaso, may iba na siyang gusto eh. Ayoko ng umasa pa." 

 

"Malay mo, may pag-asa ka pa. Malay mo na gusto ka rin pala niya." Napalunok na lang siya sa sarili niyang laway.

 

"Sus. Wala na yun. Wala ng pag-asa pa." Babo, ikaw ang tinutukoy ko.

 

Napangiti ka na lang ng pilitan at nagkunwaring tumingin sa relo mo. Gusto mo na talaga umalis sa lagay mo ngayon. Hindi mo na kayang tiisin pa ang nararamdaman mo.

 

"Ah, anong oras na pala, may practice pa kami. Sige aalis na ako." dali dali kang tumayo.

 

"Ihahatid na ki--" 

 

"Hindi wag na. Sige, bye Baekhyun!" sigaw mo habang tumatakbo papalayo.

 

Hindi mo namalayan na nahulog ang sobreng maliit na ibibigay mo sana kay Baekhyun. Ipinagawa sa iyo yun ni Chaemi nung sinabi mong it-try mo. Nilagay mo yun sa bulsa mo dahil baka sakaling magtapat ka na ng dinaramdam mo.

 

Nakita yun ni Baekhyun at pinulot niya ito, Dahan-dahan niya itong binuksan at nakita niyang isa pala itong sulat.

 

Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa iyo. Pero mahal na mahal kita. I love you, Baekhyun oppa. Saranghae...

 


SORRY KUNG EPIC FAIL. THANK YOU KUNG NAGUSTUHAN NIYO AT KUNG NABASA NIYO ^_^      

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TinapaySichuweyshon #1
Chapter 2: He he he utur nim. Nakakakilig naman ayy hahahahaha nagpagulong gulong pa ako dito sa kama ko habang binabasa to. Hehehehe kilig tologooooo <3
Younna #2
Chapter 1: Sundan nyo pa po...bitennn eh -3-
meryljill
#3
Chapter 1: nice!!! bitin nga lng....
Darkswit24
#4
Chapter 1: GULL ANO BA YAN AHAHAHA BITIN XD
carranam
#5
Chapter 1: omg tagalog. Hahaha! Hanep :)