1

Hide.

 

"Ate!"

 

Nilingon ko 'yung tumawag sakin. Si Sera.

 

"Oh, bakit?" bihis na bihis siya.

 

"Bakit? Ate, aalis tayo ngayon diba?" 

 

"San tayo pupunta?" Wala naman akong matandaan na schedule namin ngayong araw.

 

"Lilipat na tayo ng bahay. Ay naku Ate, dalian mo na. Punta muna ko sa convenience store diyan sa tabi." pagkatapos magpaalam umalis na rin siya.

 

Oh well, I really forgot about that lipat thingy. Ugh. Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto ko.

 

Kasama ko sa kwarto si Jane at nakaimpake na siya.

 

"Jane, ba't di mo naman pinaalala na ngayon tayo lilipat?" 

 

"Di mo ba alam? Sorry. Hihi" sabay peace sign.

 

"Hay naku, nasaan yung iba?"

 

"Namimili ng pagkain. Si Syrille at Yra naghahanap ng pang regalo dun sa mga sinisinta nila"

 

Napakunot ako ng noo. " Sinisinta?"

 

"Like crush, love. You know."

 

"Alam ko 'yun. Sino bang tinutukoy mo?"

 

"Edi yung dalawang member ng 1OST. Yung 2 sa Main Vocalist."

 

"Ahh, si Jairus at Ian?"

 

"Yeah. Mag-impake ka na! Mamaya na tayo mag-chismisan." Sabay higa sa kama at nagtalukbong ng kumot. Lagi na lang tulog. Lol.

 

Sinumulan ko nang mag-ayos ng gamit. Damit, gadgets, make-ups, accessories at kung anu-ano pa. Chi-neck ko yung cabinet kung may natira pa, hmn, may box sa ilalim. Kinuha ko tapos umupo na ko sa kama.

 

Tinignan kong mabuti .. Ito yung box ko before ako mag debut. Binuksan ko na. Isang scrapbook, kwintas, isang hikaw at recorder.

 

Oh shiz. Haha. Binuklat ko yung scrapbook, tumambad sakin yung unang group picture naming lahat, kasama 'yung 1OST. Same kami ng company, D05 Entertainment. Nga pala, we're NiNe. Bakit? Literal, 9 kami. Wala na atang maisip na name yung company namin. XD Actually sinearch namin meaning ng Nine at ang sabi dun -- The Ruler daw. Hmm. Pwede na, haha. :))

 

Binuklat ko pa, mga kalokohan namin dati. Pagbuklat ko ng isang page, picture namin nila Jane, Hinna, Troy at Andrew, pero sa gilid nahagip si Kaizer at .. Hana. Hawak hawak ni Kaizer yung kanang kamay ni Hana, fishy. Hayaan na sila. E-extra pa sa story ko. ^__^v

 

"Uy Tricia!" . Napahawak ako sa dibdib ko.

 

"Ano ba Jane, wag ka ngang manggulat!"

 

"Kanina ka pa diyan. Dalian mo na, mamayang 2 na daw drating sila Manager."

 

Kinuha niya na yung gamit niya at lumabas. Isasara ko na sana nang may nahulog na picture, pinulot ko at ..

 

Gwapo. Haha. Picture namin ni Liam, crush ko yan dati eh. Alam niya yun, di niyo ko maba-blackmail. XD Pero hanggang dun lang yun kasi hanggang friends lang daw kami. Yaan na, that was years ago. Yeah, years ago ..

 

"Ate Tricia! Tara na!" sigaw ni Kaye, pangalawa sa pinakabata.

 

"Sandalai lang" ibinalik ko na sa box yung scrapbook at isniksik sa bag ko. Lumabas ako ng kwarto , wala na sila sa loob kaya lumabas na ko at pumunta sa may parking.

 

Pagdating ko dun, iba-iba yung itsura nila, parang nag-aalinlangan na ewan, bukod kay Jane na walang pakialam at kila Syrille at Yra na tuwang tuwa.

 

"Anong meron?" tanong ko kay Hana

 

"Hindi 'to pwede Tricia. Hindi pwede! Ayoko!" 

 

"Err, anong nangyari? tanong ko kay Qian, Manager namin, pero mas bata samin yan, 17 ata? Bawal pa dahil dapat 18 kaso siya yung nagvolunteer. Hindi lang naman siya yung Manager namin 3 sila.

 

"Sabi ni ng nasa taas, sa iisang bahay muna daw kayo titira ng 1OST kasama niyo naman 'yung Mystic Code."

 

Napanganga lang ako sa sinabi niya.

 

 

"What?!"

 

"Sakay na, wala tayong magagawa."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet