Oo, Luhan.

[SEQUEL] Marry me, Minseok

MINSEOK, WILL YOU MARRY ME?

 

Hatinggabi nang dumating sa kanyang destinasyon si Minseok.

Sa bahay ni Luhan.

Bitbit ang laptop na naiwan at binalikan pa niya sa kanyang opisina, dahan-dahang lumakad si Minseok sa mabatong daanan bago makarating sa pinto.

Bukas ang mga ilaw, ang bintana at ang pinto.

"Ano ba naman itong si Luhan? Hinahayaan lang na nakabukas ang bahay niya," bulong ni Minseok sa sarili. "Paano na lang kung mapasok siya ng... MAGNANAKAW!"

Napasigaw si Minseok at napatakbo sa pintuan, muntik pang mailaglag ang kanyang laptop. Napatulala siya sa nasaksihan nang makita niya ang kalagayan ng loob ng bahay.

Everything was a mess.

Punit ang kurtina. Basag ang salamin ng coffee table. Naiwang bukas ang TV. May nakakalat na mahabang papel sa sahig. Nagkalat din ang mga pinutok na lobo. Nakatumba sa sahig ang mga pinagbalatan ng prutas at mga pinagkainang plato. May natira pang ilang piraso at mga mugmog ng chicharon. Nakatagilid ang isang case ng Red Horse habang nagpagulong-gulong naman sa kung saan-saan ang mga bote nito. At basa ang sahig ng pinagsamang natunaw na yelo at alak.

Mas matindi pa roon, nakahandusay at walang malay sina Luhan, Wufan, Yixing, Jongdae at Zitao--si Luhan na nakayakap pa sa paa ng stand fan na patuloy pa ring umaandar; ang topless na si Wufan na nakayakap kay Yixing sa likod ng nakatagilid na sofa; ang amoy suka (as in vinegar) na si Jongdae na humuhilik sa likod ng pinto; at si Zitao na natutulog naman sa ibabaw ng dinner table.

Amoy alak ang buong bahay.

"Akala ko nanakawan na si Luhan. Whew."

Inilapag ni Minseok ang laptop sa sofa bago nilapitan si Luhan.

"Bhe~ Gising, bhe."

Umungol lamang si Luhan, ngumuya-nguya at mas hinigpitan ang yakap sa electric fan.

Inalog-alog ni Minseok si Luhan sa braso. "Uy, ano ba? Gising! Ano bang nangyari dito? Bakit kayo nag-inuman nang ganito?"

Walang focus ang mata ni Luhan nang dumilat ito. Ngumiti siya kay Minseok at niyakap nang mahigpit na mahigpit.

"Ack! Aray ko naman, bhe! Hindi a-ako maka--ack--hinga!" Pilit na kumawala si Minseok sa mga bisig ni Luhan.

"Bhe~" Lumuwag ang yakap nito at hinawakan sa balikat si Minseok. "Dumating ka..."

"Oo, bhe. At lagot ako kay Daddy," sagot ni Minseok, napakagat sa labi dahil matindi magalit ang tatay niya. Pero hindi kaya ni Minseok na basta huwag siputin si Luhan matapos niya itong pangakuan na darating siya. At sa tono ng pananalita ni Luhan habang inaaya siya noong nakaraang linggo, halata sa tono nito na kailangan niya talagang dumating, umulan man o umaraw (kahit gabi ang usapan).

"Ano bang nangyari dito?" muling tanong ni Minseok kay Luhan, habang hinahaplos ang pisngi nito. "Bakit?"

"Ikaw kashe..."

"Ha? Sorry na, bhe. Eto na nga oh, andito na 'ko."

"Ming~ baby~ Alam mo ba... Hehehe, teka nahihiya ako..."

Kung namumula ang mukha ni Luhan dahil sa kalasingan, lalo pa itong namula habang nagpapakiyeme siya sa gusto niyang sabihin.

"...Naghanda kaming--hic--lima. Nakita mo ba 'yung prutash? Hindi na, 'di ba? Kashe kinain na namin lahaaaat. Pati--hic--yung ibang handa, ipinulutan na rin namiiiin~

"Tapos hinigop ni Jongdae 'yung hangin ng lobo. Akala niya--hehehe--akala niya helium! Eh hinipan lang lahat ni Wufan 'yun eh! Nakakadiri, 'di ba? Hahahaha! Inuupuan ni Taozi 'yung ibang lobo kashe 'H'ppy N'Year' daw.

"Naghanda p-pa kami ng banner, bhe! Ayuuuuun!" patuloy ni Luhan, sabay turo sa mahabang papel--pinagdugtong-dugtong na bond paper--sa sahig. "Taposh, nung tumawag--hic--ako, malalamern kong 'di ka pala d-darating! Bad trip 'yun, bhe!"

"Sorry... Sorry talaga..." Naiiyak na si Minseok. Ayaw niyang nadi-disappoint si Luhan, lalo pa ang magkaganito ito dahil sa kanya.

Nakatulog ulit si Luhan, na nauntog pa sa paa ng bentilador nang mawalan ito ng malay.

Gumapang si Minseok palapit sa banner at ibinaliktad ito upang makita ang nakasulat dito, in bold, Comic Sans font:

MINSEOK, WILL YOU MARRY ME?

 


Nagising si Luhan sa kanyang higaan, Masakit ang ulo at inaasahang makalat ang buong bahay matapos nilang magkalasingan ng kanyang mga kaibigan kagabi. Pero habang iiling-iling siya upang pawiin ang sakit ng kanyang ulo, hindi niya maisip kung paano siya nakarating sa kwarto. Bukod pa roon, iba na ang suot niya.

Naririnig niya mula sa kusina ang usapan ng apat, nagrereklamo sa kanilang kalagayan.

"Ang sakit ng ulo kooooo," daing ni Zitao.

"Argh! Ako rin eh," hirit ni Wufan. "Jongdae, gising. Ayan na ang pagkain..."

"Mas masakit 'yung leeg at likod ko," dagdad pa ni Yixing. "Ikaw ba naman ang makatulog sa sahig, sa likod ng sofa..."

Tunog ng mga plato na nilalapag sa mesa. Nagluto na yata si Yixing ng agahan nang walang paalam. Tiyak na ubos ang stock niya pang-isang linggo.

Hay, buhay ni Luhan. Napanaginipan pa niyang dumating daw si Minseok sa bahay niya kagabi upang mag-sorry dahil hindi nga siya sinipot nito. Pesteng laptop 'yan, nagpaiwan sa opisina. At ang curfew ng Daddy niya...

Kinapa-kapa ni Luhan ang kahon ng singsing sa bulsa ng kanyang pantalon ngunit wala ito dahil nga iba na ang suot niya. Bagkus, nakita niyang nakapatong ito sa bedside table niya. Nang buksan niya ang kahon upang magdrama sana sa kinahinatnan ng na-postpone niyang engagement, wala na itong laman.

"HALA! 'YUNG SINGSING!" sigaw ni Luhan, sabay karipas ng takbo sa kusina. At nagulat siya sa kanyang nasaksihan.

"Ang daya mo naman, iniwan mo kami sa sahig. Samantalang si Luhan, komportable sa kwarto niya," ani Jongdae, sabay subo ng kanin at bacon.

"Siya lang ang kaya kong buhatin eh. At saka wala naman kayong kwarto o higaan dito. Oh, good morning, bhe!"

Si Minseok.

Siya pala ang nagluto ng breakfast mula sa mga bagong pinamiling groceries. At lumalabas na siya rin pala ang nagdala kay Luhan sa kwarto. Pero ang singsing--

Dali-daling nagpunta si Luhan sa sala at nagulat siya dahil malinis na ito. Nakaayos na ang mga sofa, wala na ang mga nakakalat na bote, baso at plato at bago na rin ang kurtina. Higit sa lahat, nakakabit na ulit ang banner sa pader, with matching bagong lobo sa corners.

"ASDFGHJKL."

Sinundan siya ni Minseok sa sala at tumayo sa tabi niya habang pinagmamasdan ang banner.

"Kaya pala pinapapunta mo ako kagabi ha..." marahang sabi ni Minseok sabay taas ng kaliwang kamay niya upang ipakita kay Luhan ang suot na silver engagement ring ng kanyang palasingsingan.

"Oo, Luhan. I will marry you."

 


Author's note:

 

Oh, ano? Binasa niya ba muna 'yung Relax, Luhan? You really should. Yey!

Hoho~ Ang galing kong bata. Sa halip na gumagawa ako ng Investigative Report (na pasahan na bukas, actually--and yes, gara no? Hindi talaga nagpaawat sa Pasko ang mga prof namin...), heto ako at nagsulat ng XiuHan.

Wala naman talaga sa plano, bigla lang akong inatake ng feels. Kaya eto, may sequel na, para sa mga nanghihingi ng Part 2 ng Relax, Luhan (okay, sumosobra na advertising ko dito). Oh well. Mehehehe~

So, usap na lang po tayo sa comments? And subscribe po sanaaa~ :3 Ang daming readers/views ng Relax, Luhan pero isa lang ang subscriber (maraming salamat sa'yo fre XD). Pero syempre, sobrang nagpapasalamat din naman po ako (as in, bonggang-bongga) sa inyong lahat, sa mga nagko-comment, sa silent readers na rin, sa pagtitiyaga niyo sa mga fail kong comedy. Hohoho. ^^

And kita-kits na lang sa K-Con on Friday? :D Nasa Blue Area lang po ako, wala akong pang-VVIP (unfortunately TT TT). Hanapin niyo na lang po ako (as if may interesado lol) sa booth ng Perfxtion PH, maybe... most likely. ;) Walang SHINee World PH na booth 'no? ._.

Ginawa ko na namang blog post itong A/N ko. Sorry not sorry. Oyea.

Mga dongsaeng ko, kung sinuman kayo dito sa AFF (dahil ayaw niyong i-reveal ang mga username nyo), labyu!

 

MABUHAY ANG XIUHAN!

By the way... a cut scene!

 

TheDarkLordInHiding now signing off!

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
shuoxians
#1
Ay nakakakilig naman yun :“> Nakakatakot yung ngiti ko nung pinakita ni Minseok yung wedding ring niya, tapos sinabi niyang papakasalan niya si Luhan. Not the ideal way pf proposing pero wala eh, kelegs mets. :> Nagustuhan ko story mo bh3 at ang attempt mo magcomedy, pak na pak! Trip ko talaga yung mga pwesto nila nung mga lasheng pa sila. Sa lahat ng pwedeng tulugan, Tao sa lamesa pa? At sa lahat ng dapat hagkan, electric fan pa Luhan? Chen at Lay, anyare? At Kray, the moooves! Hahahahaha. Basta, ang kulit at nakalakilig yung story mo. Good job author-nim! :D

Sana may sequel ng sequel ’to (Oo na lang hahaha) kasi madami pa kaming gustong makita.Mas maganda sana kung chaptered para di na kami mahirapang magsabi ng sequel bg sequel ng sequel ng sequel ng sequel ng Relax, Luhan. Luuuuh. Basta yun, Ilabeeet. At upvoted ;D Ge yun lang hehehehe.
cutterpillow
#2
Chapter 1: Tawang tawa ako sa balloon ng chenRis amp :)) pero eeeeeh, kakilig ung ending <3 <3
itsmissy
#3
Chapter 1: Omo! Isa pa. Jebal~ I want to see Lulu and Minseokkie get married xD
Iamnotamazed
#4
Chapter 1: SAKSAK PUSO TULO ANG DUGO
NINJA!FANXING BA YUNG NAKIKITA KO ATE O NANAGINIP LANG AKO
(((((((naiiyak ng konti dahil nga sa otp ko ang fanxing and xiuhan ehem ehem))))
Jusko may ganung ganung effect pa 'tong si Minseok. PASURPRISE PA TALAGA. Ang sarap kaltukan nito ni Minseok. AHAHAH.
Omg nagpunta ka din sa KCON ; w ; sobrang enjoy ang KCON this year haha actually naghahagilap ako ng Xiuhan shippers sa KCON eh aHAHAHAH cries

Nice ending btw, tinanggap na din ni Minseok sa wakas C: