2ND

Pinky Promise
"Minseok tara!!", yaya ng batang may mala-gintong buhok na may bilugang mga mata.
 
Dinala siya nito sa playground kung saan nag-aantay sila Jongdae at Kris.
 
Nasaan si Tao?", tanong ni Luhan pagkalapit sa mga ito.
 
"Nangunguha ng bulaklak", sagot ni Jongdae dito.
 
"Para saan naman yung bulaklak?", takang tanong ni Minseok sa mga ito. Hindi niya kasi alam kung ano ang lalaruin nila ngayon.
 
"Para sa kasal-kasalan", masayang tugon ni Jongdae sa kanya.
 
"Ano naman gagawin ko?"
 
"Isa ka sa ikakasal", ani ni Luhan sa kanya.
 
Nagulat siya sa narinig.
 
"ANO?! AKO?! Sino naman ang 'mapapangasawa' ko?"
 
 
Tumingin siya sa tatlong batang nakapalibot sa kanya. Magmula kay Jongdae na nakangiti sa kanya, kay Luhan na abot hanggang tenga ang pagkakangiti, at kay Kris na hindi man lang nakakakitaan ng reaksyon sa mukha.
 
"AKO!!", masiglang sagot ni Luhan sa kanya. "Hinanda ko na nga ang gagamitin mong bulaklak para hindi kana maghanap", sabi nito sabay abot sa kanya ng bulaklak.
 
"IKAW?!", nanalalaking matang tanong ni Minseok sa batang nag-abot sa kanya ng bulaklak.
 
"Oo bakit? Ayaw mo ba?"
 
"Eh bakit ako ang maghahawak ng bulaklak?", tanong niya dito habang pinapakita ang bulaklak sa kamay niya.
 
"Hindi bagay sa akin yan"
 
 
"At bakit naman?!"
 
 
 
"Manly ako eh"
 
 
Magproprotesta pa sana siya nang biglang dumating si Tao na may dalang bulaklak.
 
 
 
"Handa na 'ko! Minseok-gege handa kana ba?", tanong ni Tao pagkabaling sa kanya.
 
 
"O-oo"
 
 
Hinila siya nito palayo sa tatlong bata. Nang alam nilang ilang hakbang na ang layo nila sa mga ito, tumigil sila at saka humarap sa mga nag-aantay na bata. Lumakad si Tao ng dahan-dahan patungo sa 'mapapangasawa' niya.
 
Nang alam niyang nakalayo na si Tao mula sa kanya, saka siya sumunod na naglakad papunta sa batang katabi ni Kris.
 
 
 
 
'du-gu-dum! du-gu-dum! du-gu-dum!'
 
 
 
 
Ang lakas ng tibok ng puso niya habang papalapit sa batang nakangiti na nag-aantay sa kanya. Kahit na alam niyang laro lang ang ginagawa nila, hindi niya maiwasang pagmulahan ng mukha. 
 
 
Nang nakalapit na si Minseok sa 'mapapangasawa' niya, huminto siya sa harap nito saka tumingin. Nakangiti ito sa kanya, kinuha nito ang kamay niya at saka inilagay sa mga braso nito. Dinala siya nito sa tabi ng isa pang pares at saka humarap sa 'pari'.
 
 
"Uumpisahan ko na hah?", sabi ng 'pari' sa kanila.
 
 
"Ikaw Mr. Kris Wu---"
 
 
"Teka! Bakit andoon na kaagad? ang bilis naman?", protesta ni Minseok kay Jongdae.
 
 
"Ehh sa yun na yung alam ko ehh, h'wag ka na umangal, pinuputol mo ang seremonya ehh ", sagot naman ni Jongdae sa kanya.
 
 
"Sorry naman!", ani Minseok dito saka ipinagpatuloy na nito ang ginagawa.
 
 
"Ikaw Mr. Kris Wu, tinatanggap mo ba si Huang Zi Tao bilang iyong magiging asawa?", tanong ni Jongdae sa lalaking nasa kaliwa.
 
Tango lang ang sinagot nito.
 
Bumaling naman si Jongdae sa batang katabi nito at ito naman ng tinanong.
 
"Ikaw Mr. Huang Zi Tao, tinatanggap mo ba si Mr. Kris Wu bilang iyong magiging asawa?"
 
"Opo"
 
Nang matapos ng tanungin ng 'pari' ang isang pares, bumaling naman ito sa batang katabi ni Minseok.
 
 
"Ikaw Mr. LuHan, tinatanggap mo ba si Mr. Kim Minseok bilang iyong magiging asawa?", tanong ni Jongdae dito.
 
 
Tumingin ang batang tinanong kay Minseok, ngumiti ito sa kanya at pinisil ang kamay niyang nakalagay sa braso nito. "Opo, tinatanggap ko".
 
 
Bumaling si Jongdae kay Minseok at siya naman ang tinanong.
 
"Ikaw Mr. Kim Minseok, tinatanggap mo ba si Mr. LuHan bilang iyong magiging asawa?"
 
 
Tumingin si Minseok sa batang katabi, nakangiti ito sa kanya habang nakahawak pa rin ang isang kamay nito sa kamay niyang nakalagay sa braso nito.
 
"O-opo, tinatanggap ko"
 
 
"Bilang tanda na kayo ay 'kasal' na pwede niyo ng ilabas ang sing-sing---"
 
 
"Pero wala kaming inihandang sing-sing", sabi ni Tao sa 'pari'.
 
 
"Wala ba kayo kahit ano para maibigay lang?"
 
 
"Mayroon ako dito, kaso hindi siya sing-sing", sabi Luhan. May inilabas ito sa bulsa ng kanyang pantalon na isang kulay pulang lalagyan, binuksan niya ito inilabas dito ang dalawang kwintas; isang puti ang isang itim. Sinisimbolo ng dalawang kwintas ang dalawang bahagi ng Yin Yang. 
 
"Okay na yan, pwede mo na yan ibigay sa 'asawa' mo", sabi ni Jongdae sa kanya.
 
 
"Nakuu h'wag na, okay lang naman kahit wala ehh", tanggi ni Minseok sa sinasabi ni Jongdae.
 
 
"Okay lang Minseok", sabi naman ni Luhan sa kanya.
 
 
"Sigurado ka?", paninigurado ni Minseok sa batang katabi niya. 
 
 
Tango lang ang sinagot ni Luhan sa kanya. Pumuwesto ito sa likuran niya at sinuot ni Luhan ang kwintas sa kanya, at saka ito pumuwesto ulit sa harapan niya. "Sa'yo na iyan", sabi nito pagkatapos nitong ikabit ang kwintas sa kanya.
 
"S-salamat", nahihiyang sabi ni Minseok kay Luhan.
 
Ngumiti lang ito sa kanya at humarap ito sa 'pari'.
 
"Pagkatapos niyong maibigay ang tanda, pwede niyo nang halikan ang inyong 'asawa'---"
 
 
"TEKA!! Kailangan ba talaga iyon?", gulat na tanong ni Minseok kay Jongdae.
 
"Oo, kung ayaw mo yakap nalang gawin niyo", suhestiyon ni Jongdae sa kanya.
 
Tumingin siya sa katabi nilang kapareha at nakita niyang magkayakap ang mga ito. Nabaling ang tingin niya sa batang katabi niya, nakatingin ito sa kanya na tila ba nanghihingi ng pahintulot na yakapin siya. 'Wala naman sigurong masama' sabi niya sa sarili at saka siya tumango at ngumiti.
 
 
 
Dahan-dahang lumapit si Luhan kay Minseok, pinulupot niya ang braso dito at saka dahan-dahang hinapit ang katawan nito palapit sa kanya. Naramdaman niyang gumalaw ang mga braso nito at pinulupot sa kanyang leeg, napangiti siya sa ginawa nito. Nagkaroon siya ng pagkakataon mayakap ito mahigpit kaya napunta ang kanyang ulo sa balikat nito. Naamoy niya ang pinaghalong pabango at natural na amoy ng batang kayakap.
 
 
 
 
 
 
 
"Akin ka lang. . . . . . "
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
"HOY!! MINSEOK!!! Naririnig mo ba ang sinasabi ko?!"
 
 
 
"Huh?! Ano nga ulit iyon Jongdae?", gulat na sabi ni Minseok dito.
 
 
"Haay nakuu! Lutang na naman ang isip, gutom ka ba?", pang-aasar nito sa kanya.
 
 
"Sorry naman, ano nga ulit yung sinasabi mo?", ulit na tanong ni Minseok sa kaibigan.
 
 
"Pinapatawag tayo ni Mr. Yunho sa opisina niya", anito.
 
 
"Bakit daw?", takang tanong niya dito.
 
 
Kibit-balikat lang ang sinagot nito sa kanya.
 
 
Hindi naman magpapatawag ang boss nila kung hindi importante ang sadya nito sa kanila. Dalawa lang ang ibig sabihin ng pagpapatawag nito sa kanila. Good news o bad news, pero sana yung una ang dahilan ng pagpapatawag nito sa kanila.
 
 
"Halika na at kailangan na tayo sa opisina ni Mr. Yunho, alam mo naman na ayaw niya ng pinag-aantay di ba?", sabi ni Jongdae sa kanya sabay hila nito.
 
 
"Sandali at aayusin ko muna yung desk ko".
 
 
"Bilisan mo"
 
 
"Oo na", sabi niya dito habang inaayos ang mga folder sa mesa niya. "Tapos na 'ko, tara na".
 
 
 
+~+~+~+~
 
 
"Mabuti at nandito na kayo, may mahalaga akong sasabihin sa inyong dalawa", sabi ni Mr. Yunho sa kanila. "Maupo kayo"
 
 
Umupo sila Minseok sa upuan sa harap ng mesa nito. Pinagpapawisan siya ng malamig dahil ito ang unang beses ni Minseok na makakaharap ang boss sa hindi malamang dahilan, tumingin siya kay Jongdae nababakas din sa mga mata nito ang kaba.
 
"I get straight to the point", pauna nitong sabi sa kanila. "Hindi na kayo papasok dito simula bukas".
 
 
Nanlaki ang matang napatitig si Minseok sa boss nila, nais niyang magsalita ngunit kahit nakabukas na ang bibig niya, ayaw lumabas ng boses niya. Na shocked siya sa sinabi ng boss nila.
 
 
"Bakit po Sir? May nagawa po ba kaming mali? Bakit po hindi niyo na kami pinapapasok simula bukas? Tanggal na ba kami sa trabaho?", sunod-sunod na tanong ni Jongdae sa kanilang boss. 
 
 
"Sino may sabi sa inyong tanggal na kayo?", takang tanong ni Mr. Yunho sa kanila.
 
 
"Kayo po, kasasabi niyo palang kanina kaya nga hindi niyo na kami pinapapasok bukas", sagot ni Minseok dito. Sa wakas nakapagsalita na din siya.
 
 
Tumawa ito bigla na ikinagulat nila.
 
 
"Oo, sinabi ko nga hindi na kayo papasok DITO simula bukas", sabi nito sabay tayo sa upuan nito. "Dahil hindi na dito ang opisina niyo".
 
 
Nagtatakang napatitig sila sa isat-isa, hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ni Mr. Yunho sa sinasabi nito. "Ano po ang ibig niyong sabihin?", sabay na tanong nila Minseok at Jongdae sa kanilang boss.
 
 
"Ang ibig kong sabihin, may bago na kayong opisina. Sa Main branch na ang bagong working place niyo", natutuwang sabi nito sa kanila sabay lahad ng kamay nito. "Congratulations!".
 
 
Hindi sila makapaniwala sa narinig. Inabot nila ang kamay ng kanilang boss saka nakipag-kamay dito.
 
 
'Main Branch' sabi ni Minseok sa sarili. 
 
 
WHL Corporation o Main Branch para sa mga ordinaryong empleyado na katulad nila . Lahat nang empleyado sa kanilang opisina gustong makapunta at makapagtrabaho dito. Halos wala pa sa kalahati ang mga masuwerteng empleyado ng mga Sub-branch nito ang nabibigyan ng chance na makapagtrabaho dito. At dalawa sila sa mapalad na nakapasok dito.
 
 
"Ano po ang dahilan para mabigyan po kami ng chance makapagtrabaho sa Main branch?, nagtatakang tanong ni Minseok kay Mr. Yunho dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi nitong magandang balita.
 
 
"Ngayon buwan kasi ang dating ng isa o dalawa sa mga anak ng may-ari ng kompanya, naghahanap sila ng magiging Personal Assistant ng mga nito. Since tumawag sa akin si Mr Cho, ang Executive Secretary ng kompanya, sinabi nito sa akin na ang Branch natin ang kukuhaan ng masuwerteng mga napili para maging Personal Assistant ng mga ito kaya kayo ang nirekomenda ko", paliwanag nito sa kanila. 
 
 
"Bakit po kaming dalawa ni Minseok ang napili para maging Personal Assistant?", tanong ni Jongdae 
 
 
"Nabasa ko ang mga reports tungkol sa inyo and I'm impressed dahil efficient kayo sa trabaho, kaya I'm giving both of you a chance na ipakita sa Main branch ang mga kakayahan niyo and huwag niyo kong bibiguin", paalala nito sa kanila.
 
 
"Opo Sir, makakaasa po kayo", tugon nilang dalawa dito.
 
 
"Pero bago kayo makapasok dun, kailangan niyong gumamit ng ibang pangalan, gagamit kayo ng alias".
 
 
Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ni Mr. Yunho. 
 
 
"Ano po ang ibig niyong sabihing gagamit kami ng alias?", tanong ni Minseok.
 
"Lahat ng empleyado na pumapasok sa Main branch ay kailangang gumamit ng alias bilang proteksyon para sa mga kalabang kompanya at para na rin sa inyong seguridad, tanging ang Executive Secretary lang ng kompanya ang nakakaalam ng mga tunay niyong identity, kaya nalalaman nila kung sa WHL ka nagtratrabaho o hindi", paliwanag ni Mr. Yunho sabay abot ng mga folder sa kanilang dalawa.
 
 
Tinanggap nilang dalawa ni Jongdae ang binigay na folder nito.
 
 
"Sa loob ng mga folder na hawak niyo nakalagay ang mga credentials, certificates at iba pang mahahalagang papeles na gagamitin niyo sa Main branch pati na rin ang gagamitin niyong alias. Tandaan niyo, walang ibang makakahawak ng folder na yan kundi kayo at ang Executive Secretary lamang, huwag niyong ipapahawak sa iba. Aasahan kong mas lalo niyo pang pagbubutihan ang pagtratrabaho, h'wag niyo kong bibiguin", paalala nito sa kanila.
 
 
"Makakaasa po kayo", sabay nilang sagot dito.
 
 
"Mabuti naman kung ganon, pwede na kayong bumalik sa mga ginagawa niyo", pagtataboy nito sa kanila.
 
Tumayo na sila sa kanilang kinauupuan, lumakad na sila palabas ng opisina nito dala ang folder na binigay sa kanila.
 
 
"Hindi ko akalain na makapagtrabaho tayo sa Main branch, ang saya!", sabi ni Jongdae pagkalabas nila ng opisina ng boss nila.
Halos hindi na nito maitago ang saya na nararamdaman.
 
"Oo nga, hindi ko din akalain na makakapagtrabaho na tayo sa Main branch, dati pangarap lang natin yun, ngayon totoo na!", excited na sabi ni Minseok sa kaibigan.
 
 
"Nakita mo na ba kung anong nasa loob ng folder mo?", tanong nito sabay nguso sa folder na hawak niya.
 
 
"Hindi pa", sabay iling niya dito.
 
 
"Tignan na natin kung sino magiging bago nating boss at kung anong gagamitin nating pangalan kapag nagtrabaho natayo dun", sabi ni Jongdae sa kanya sabay buklat ng folder na hawak nito.
 
 
Tinignan na rin ni Minseok ang hawak niyang folder. Inisa-isa niya ang mga nakalagay dun. Nakalagay lahat ang mga credentials na pinasa niya kay Mr. Yunho, certificates at iba pang mga mahahalagang mga papeles na gagamitin para sa paglipat. Halos walang nagbago sa gagamitin niyang identity. Edad, Birthday, Address hindi nagbago, maliban lang sa pangalan niya.
 
 
 
"Xiumin"..
 
 
 
"Aba okay toh hah! Iba na pangalan ko dito, Chen na!", sabi ni Jongdae.
 
 
"Ako nga din iba na, Xiumin na".
 
 
"Nakita mo na ba kug sino ang magiging bago mong boss?", tanong  ni Jongdae sa kanya.
 
 
Iling lang ang ang sinagot niya. "Ikaw?"
 
 
"Oo, si Mr. E.H", sabi nito.
 
 
"Mr. EH?!", takang tanong niya.
 
 
"Yun lang yung nakalagay. Mr. E.H-- Eh Eh Eh! Eh Eh Eh! Eh~ 2NE1!!", sabi nito habang nakataas ang kamay na nagsasayaw ng  intro ng 'Fire'.
 
 
"Ikaw talaga puro ka kalokohan", sabi niya dito habang natatawa.
 
 
"Eh kasi naman bakit 'E.H' lang kasi ang nakalagay, kung anu-anu tuloy naiisip ko. Tignan mo na din yung sayo kung sino ang bago mong magiging boss", sabi nito sa kanya.
 
 
"O, sige na nga"
 
 
Binuklat niya ang folder na hawak para hanapin ang pangalan ng bago niyang magiging boss. "Mr. X", bulong niya.
 
 
 
"Anong pangalan?", tanong ni Jongdae sa kanya.
 
 
 
"Mr. X", sabi niya ulit.
 
 
 
" 'Mr. X' lang?! Wala ng ibang nakalagay?", takang tanong nito sa kanya.
 
 
"Oo"
 
 
"Patingin nga!", sabi nito sa kanya. Kinuha nito ang folder na hawak at saka nito tinignan. "Oo nga! Mr. X lang talaga ang nakalagay. Mas malala pa pala yang sa'yo, sa akin kahit pa'no dalawang letra pa, sa'yo parang kulang nalang ayaw ng magpakilala", sabay bigay nito ng folder niya.
 
 
"Haay nako! Hayaan na nga natin yan, bumalik na tayo sa mesa natin marami pa kong kailangang ipasang reports, bukas na natin intindihin yan, halika na", sabi ni Minseok sa kaibigan sabay hila sa kamay nito.
 
 
"Oo na".
 
 
+~+~+~+~+
 
 
"Nandito na ko sa Airport Ma, hinihintay ko nalang ang sundo ko", sabi ng lalaki sa kausap niya sa cellphone, may hila-hila siyang maleta palabas sa Airport para hanapin ang sundo niya. 
 
May napansin siyang isang nakaunipormadong lalaki na may hawak na karatulang nakasulat na "MR. X" at pinapakita sa mga taong dumadaan. 
 
 
"Nakita ko na ang sundo ko Ma, i'll call you later kapag nakauwi na'ko. I will Ma, bye. I love you too Ma", sabay pindot ng End button.
 
 
Pagkatapos niyang makipag-usap sa cellphone, nilapitan niya ang nakaunipormadong lalaki na nakita niya. "I'm Mr. X".
 
 
"Good Evening, Mr. X!", yumukod ito sa kanya bilang paggalang, kinuha nito ang maleta sa kamay niya at inilagay sa compartment ng sasakyan. Binuksan nito ang pinto ng passenger seat para sa kanya.
 
 
Tinignan niya muna ito bago pumasok sa sasakyan, napansin niyang may nametag ito sa kaliwang dibdib na may pangalang 'Yesung'.
 
 
Nang makapasok na siya sa sasakyan, agad nitong sinarado ang pinto at saka sumakay sa driver seat. Binuhay nito ang makina ng sasakyan at saka pinaandar.
 
 
"Bago ka lang?", tanong ng lalaking nasa passenger seat sa driver.
 
 
"Opo Mr. X, mga dalawang taon palang po", sagot nito na hindi inaalis ang mata sa harap.
 
 
Tango lang ang sinagot niya dito.
 
 
'Kaya pala may dala siyang karatula', sabi na lamang niya sa sarili.
 
 
Ipinikit muna niya ang mga mata para magpahinga, halos hindi siya nakatulog sa eroplano dahil sa palipat-lipat na biyahe. Simula nang siya ang pumalit sa puwesto ng papa niya, halos kabi-kabila ang pinupuntahan niyang mga kompanya sa ibat-ibang lugar para makipagtransaksyon sa mga ito. Kaya ang pagtulog ng walong oras sa gabi ay hindi na niya magawa.
 
 
"Nandito na po tayo, Sir", sabi ni Yesung sa kanya.
 
 
Dinilat niya ang mga mata at tumingin sa paligid, nakarating na nga sila. Bumaba ito ng sasakyan at agad siya nitong pinagbuksan ng pinto. Bumaba na din siya at pinagmasdan ang paligid, halos walang pinagbago ang mansiyon. 
 
 
Hindi pa rin nawawala ang fish pond, kung saan lagi niyang pinupuntahan kapag gusto niyang mapag-isa, ang green house sa gilid nito kung saan nakalagay ang ibat-ibang uri ng orchids at bulaklak na tanim ng mama niya.
 
 
Nilibot pa niya ang kanyang paningin, nadako ang tingin niya sa gilid na bahagi ng mansyon kung saan matatanaw sa kinatatayuan niya ang swing na dati nilang pinaglalaruan. Sa gilid ng swing, may isang maliit bahay.
 
 
"Magandang Gabi Master, handa na po ang hapag-kainan", sabi ng naka unipormadong babae. Si Victoria.
 
 
"Sige, susunod na'ko", sabi niya dito. 
 
 
Nang nakaalis ito, tinignan niya ulit ang swing ng isa pang beses, saka siya pumasok ng mansyon.
 
+~+~+~+~ 
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
anieina
#1
mag update ka na!!! XD


-M